Chapter 06: Two million for one night

1980 Words
Chapter 06 Ariana Xiamara HUMINTO kami sa tapat ng isang malaking pinto na mukhang mas mabigat pa sa mga balikat kong halos lumulundo na sa takot. Napatingin ako sa bakla nang bigla niyang hawakan ang baba ko, mas mahigpit kaysa kanina. Napatukod ang tingin ko sa kanya, pero hindi ako umatras. "Listen carefully, sweetheart," malamig niyang sabi, masyadong malapit ang mukha niya sa akin. "Pagpasok mo, sumayaw ka. Galingan mo. Kapag hindi mo sila napasaya, ikaw ang magdadala ng malas sa sarili mo." He warned. Nagtagpo ang mga mata namin, at kahit nanginginig na ako sa loob, pilit kong pinakita na hindi ako natitinag. Nagtaas siya ng kilay, at may bahid ng amuse sa ngiti niya. "Ah, lumalaban pa?" Napahagikhik siya bago nanlisik ang mga mata niyang nakatitig sa akin. "Pero 'wag kang magtapang–tapangan, sweetie. Ayokong ipa–gang rape ka sa mga tauhan ko, pero kung ipipilit mo—" Iniwan niya ang sentence na iyon sa ere, at pakiramdam ko ay sinakal ako ng mga salitang hindi niya na kailangang buuin. Napalunok ako at dahan–dahang iniwas ang tingin dahil sa takot. Hindi ko kayang marinig pa 'yon. "Good girl." Tumango siya, tila kampante na naipaintindi niya ang posisyon ko rito. "Mag–behave ka, at walang mangyayaring masama. Pagbutihan mo, baka magustuhan ka ni Madam at gawin kang favorite. Kung mangyari "yon, swerte ka, girl." Pigil ang hininga ko nang marinig ang seradura ng pinto na unti–unting bumukas. Unang pumasok ang bakla, at naiwan akong nakatayo sa labas, halos walang lakas na humakbang. Sumalubong agad sa akin ang malalakas na tawanan at boses ng mga kalalakihan sa loob. Boses ng iba't ibang tono—malalim, may halong yabang, at halatang sanay na sa ganitong klaseng lugar. Napalunok ako nang walang dahilan, ramdam ang pagkatuyo ng lalamunan. Halos makalimutan kong huminga. Sa loob–loob ko, gustong umatras ng katawan ko, pero naka–block na ang daan, sa mga lalaking malalaki ang katawan at nakakatakot ang mukha. "Gentlemen!" sigaw ng bakla na parang host sa isang circus. "May bago akong ipapakilala sa inyo ngayong gabi. Napakabango, sariwa, at siguradong hindi niyo matitiis na hindi sumayaw kasama siya..." Bumungad ang malakas na palakpakan at mga sipol ng ilang lalaki. Alam kong ako ang tinutukoy niya, pero hindi ko magawang humakbang kahit isang pulgada. "Come, huwag kang mahiya, Amorosa," malambing pero may bahid na pang–aasar na sabi ng bakla, binigyan pa ako ng bagong pangalan. "Pasok na, dali!" Hindi ako makagalaw. Ang mga paa ko, parang itinulos sa sahig. Biglang naramdaman ko ang malakas na tulak sa likod mula sa bouncer na nasa tabi ko. Napapaliyad ako sa unahan, at dahil sa taas ng suot kong heels, muntik na akong matumba. Napakapit ako sa gilid ng pinto para hindi tuluyang sumubsob. "Oops! Careful, Amorosa," bulong ng bakla, lumapit siya at hinawakan ako sa braso, itinayo ako nang maayos. "Relax, girl. Ngayon pa ba? Show them what you've got." Muli siyang yumuko sa tainga ko at bumulong ng mas malamig kaysa kanina. "Sumayaw ka na." Napapikit ako, pilit tinatakpan ng mga braso ko ang katawan kong halos wala nang maitatago. Parang gustong punitin ng mga tingin nila ang manipis na telang bumabalot sa akin. Lumunok ako ng kabang bumabara sa lalamunan. Isang sayaw lang, Aria. Isang sayaw, tapos tapos na," bulong ko sa sarili, pilit na kinukumbinsi ang utak ko na hindi totoo ang lahat ng ito. Dahan–dahan kong sinimulan ang bawat galaw, inisip na ako lang ang narito—walang mga matang sumusunod sa bawat hagod ng balakang ko, walang mga sulyap na tila hinuhubaran ako ng paulit–ulit. Unti–unting sumasabay ang katawan ko sa mabagal na tugtog, ang mga braso kong nakakapit pa rin sa dibdib ko habang umiindayog. "Breathe, Aria... you're alone...wala kang kakampi rito!" Pikit pa rin ako, pero dama ko ang kilabot na gumagapang sa balat ko sa bawat segundo ng katahimikan. Pagdilat ko, tumambad sa akin ang mga lalaking nanonood—lahat sila, tila natulala. Ang ilan ay nakasandal sa sofa, may mga nakangisi, at ang iba ay walang habas na sumisipol. "Igiling mo pa, baby!" sigaw ng isang lalaking nakanganga, para bang matagal na siyang nauuhaw sa ganitong palabas. "More...more...baby..." sigaw ng ilan na tuwang–tuwa sa bawat indayog ng katawan ko. Napakagat ako ng labi, pilit nilulunok ang hiya at pinipigilan ang panginginig ng mga kamay ko. Kahit ang lalamunan ko, nanuyo na sa kaba. Alam kong nag–iipon na ng luha ang mga mata ko, pero hindi ko hahayaang bumagsak ang mga ito rito, hindi sa harap nila. Itinaas ko nang bahagya ang mukha ko, sinabayan ng pagikot ng balakang at iniwasan ang mga matang masyadong lantad ang pagnanasa. Pero sa paglakbay ng paningin ko, napatigil ako. Nandoon siya. Alam kong hindi ako, namamalik–mata. Ang lalaking iyon—ang lalaking hindi ko inaasahan na makikita ko rito. Nanatili siyang nakatayo sa sulok ng silid, malapit sa gilid ng pader kung saan halos natatakpan ng dilim ang kalahati ng katawan niya. Pero hindi ako maaaring magkamali. Siya iyon. Ang lalaking ikinasal sa simbahan, ang ginulo ko. Nagsalubong ang mga kilay niya, at kitang–kita ko ang galit sa mata niya. Parang binabalatan ng tingin niya ang kaluluwa ko, hinuhusgahan ang bawat paggalaw ko. Napayuko ako, pilit binaling ang tingin sa ibang direksyon, pero may nahagip muli ang mga mata ko. Isang lalaking nakaupo sa pinakadulong bahagi ng kwarto, halos natatakpan ng anino. Nakalapat ang siko niya sa armrest ng upuan, at nakapatong ang daliri niya sa labi, tila nag–iisip habang pinagmamasdan ako. Hindi ko maaninag ang mukha niya, pero may kung anong pamilyar sa presensya niya. Parang alam ko kung sino siya, pero hindi ko maipinta sa isip ko kung saan kami nagtagpo. Sa pagitan ng takot at pagtataka, isang bagay lang ang sigurado ako—ang lalaking iyon... hindi siya tulad ng iba. Patuloy akong gumiling sa mabagal na tugtog, pilit na tinatakpan ng mga braso ko ang bawat parte ng katawan kong kaya kong takpan. Pero kahit anong gawin ko, nararamdaman ko pa rin ang mga mata nilang nakatutok sa balat ko—hungry stares that made my skin crawl. Mula sa gilid ng silid, narinig ko ang matinis na tinig ng bakla. "Alright, gentlemen! Let's make the night more exciting! This fresh face is ready for bidding!" Halatang tuwang–tuwa siya, as if I was some prized possession he couldn't wait to show off. Gusto kong sumigaw. Gusto kong tumakbo palayo. Pero alam kong wala akong kawala. Isa–isa nang nagsalita ang mga lalaki, itinataas ang mga presyo na parang nasa auction talaga kami. "Fifty thousand!" sigaw ng isa, sabay hagikgik ng mga kasama niya. "Eighty thousand!" bulalas ng isa pa, nakangisi habang sinisipat ako mula ulo hanggang paa. Parang takam na takam. I felt my throat tighten. Pilit kong nilulunok ang hiya, pero parang hindi natitinag ang bigat nito sa dibdib ko. Parang akong laruan na ipinapasa–pasa. Napatingin ako sa lalaking nakita ko sa simbahan noon. Tahimik lang siya, pero hindi nawawala ang tingin niya sa akin. There was something in his eyes—something unreadable, but heavy. Hindi siya sumasali sa agawan, pero ang presensiya niya ang pinakaramdam ko sa lahat. Napadako rin ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa pinakadilim na parte ng silid. His posture screamed power, kahit halos hindi ko maaninag ang mukha niya. Pamilyar siya, pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. Muli akong binasag ng boses ng bakla. Itinuro niya ang isang matandang lalaki sa harap—lukot ang mukha, na parang pasan ang mundo pero halatang sanay sa ganitong eksena. "Three hundred thousand!" sigaw ng matanda, kasabay ng pagdila niya sa mga labi niya. Napaatras ako. Muntik nang mahulog ang luha ko. I shook my head slowly, halos hindi makatingin sa kanya. "Oh, sweetheart... this isn't the place to say no," sabi ng bakla na ikinatuwa ang offer ng matanda. I couldn't breathe. I felt trapped. Bago pa man bumagsak ang kamay ng bakla para tapusin ang bidding, isang boses ang pumunit sa ingay. "One million." Lumingon ang lahat sa direksyon ng boses. Ang lalaking mula sa simbahan ang nagsalita. Tahimik pero matigas ang boses niya, cutting through the room like a sharp blade. One million. Anas ng isip ko. Nakita kong nag–asim ang mukha ng ilan, lalo na ang matandang lalaki na muntik nang makuha ako. Pero walang naglakas–loob na tapatan ang tawad niya. I wasn't sure if I should feel relieved or terrified. Ang sigurado lang ako—sa gabing ito, siya ang dahilan kung bakit ako nakaligtas. Halos mapahinga na ako nang maluwag nang wala nang tumapat sa presyong binigay ng lalaking nasa simbahan. Pero bago pa ako tuluyang makaramdam ng ginhawa, isang malamig at malalim na boses ang umalingawngaw mula sa dulo ng silid. "Two million. For one night." Napalingon ang lahat. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Pamilyar ang tinig na iyon—isang boses na kama–kailan lang ay narinig ko pero hinding–hindi ko malilimutan. Nanlamig ang mga kamay ko, at napahinto ako sa pagsayaw. Gosh! Two million for one night. Nakakatakot! "Oh my God..." bulong ng bakla sa tabi ko. Halos lumuwa ang mga mata niya habang titig na titig sa direksyon ng boses, kitang–kita ko sa mga mata niya na hindi makapaniwala. "Girl, jackpot ka. That's Viper. Ngayon lang siya nagpresyo ng ganyan sa isang babae." Napatingin ako sa kanya. "Viper?" Muli siyang lumapit at bahagyang pinisil ang braso ko. "Shhh. Don't say his name out loud," mabilis na sabi niya. "Isa 'yan sa mga untouchables dito. You don't mess with him. Big time 'yan, as in mas big time pa sa big time." Nagningning ang mga mata nito. Lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Sino si Viper? Bakit parang may bumigat sa hangin nang banggitin ang pangalan niya? Hindi ko alam kung bakit ako kinikilabutan—sa presyong sinabi niya o sa paraan ng pagtitig niya mula sa kadiliman. Muling nagsalita ang bakla, bumalik sa entablado at ipinagpatuloy ang bidding. Pero kahit anong ingay ng paligid, ang boses ni Viper ang tumatak sa isip ko. Habang binabalot ng kaba ang dibdib ko, hindi ko maiwasang sulyapan ang lalaking nasa dulo. Hindi ko man makita nang buo ang mukha niya, nararamdaman kong hindi niya inalis ang mga mata niya sa akin. At sa bawat ikot ng katawan ko, mas lalong lumalalim ang kaba sa dibdib ko. Tumayo ang lalaki mula sa kinauupuan niya. The room felt heavier, like all the air had been sucked out the moment he moved. Kahit hindi ko man makita nang buo ang mukha niya, his presence was impossible to ignore—commanding, almost suffocating. Lumakad siya, mabagal at sigurado. Every step echoed in the silent room. Para bang walang naglakas–loob na huminga o gumalaw habang naglalakad siya. Pagdating sa may pinto sa backdoor, huminto siya pero hindi lumingon. His hand rested on the doorframe for a moment before he glanced back over his shoulder. "Take her." I swallowed hard. The way he said it—calm, cold, and absolute—sent shivers down my spine. Parang hindi na kailangang ulitin pa. Tahimik ang buong silid. Kahit ang lalaking nakita ko sa simbahan—ang pamilyar na mukha sa isang mundo ng estranghero—ay hindi gumalaw. His eyes followed the man but there was no resistance. It was as if even he knew there was no point in interfering. Naramdaman ko ang mahigpit na hawak ng bouncer sa braso ko, forcing me to take shaky steps toward the door. My feet felt heavy, almost refusing to move. Sa likuran ko, narinig ko ang mahina at tila natatawang bulong ng baklang nag-ayos sa akin. "Girl, jackpot ka. Viper's got you now."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD