Chapter 01: Itigil ang Kasal

2132 Words
Chapter 01–Itigil ang Kasal Ariana Xiamara HAWAK ko nang mahigpit ang pregnancy test at ultrasound na inabot sa akin. Parehong peke, pero mukhang totoo—sapat para guluhin ang kasal na magaganap sa loob ng simbahan. Nasa loob ako ng lumang sasakyan, naka–park sa tapat ng simbahan. Sa labas, tahimik ang paligid. Pero sa loob ng dibdib ko, parang may giyera. "Tandaan mo, Aria. Walang atrasan. Babayaran ka namin kapag hindi natuloy ang kasal. Sisigaw ka lang ng 'Itigil ang kasal!' at ipakita mo 'yang hawak mo." Napatingin ako sa baklang nagsasalita sa passenger seat. Siya ang nagbigay ng lahat ng ito—ang plano, ang ebidensya, at ang pangakong pera kapalit ng gulong gagawin ko. "Kapag nagduda ang groom, sabihin mong siya ang ama. Kung magtatanong, umiyak ka. Mas effective 'yun." Tumawa siya, pero hindi ko magawang tumawa pabalik. Ang mahalaga lang sa akin ay ang pera. Pumikit ako saglit, iniisip ang lola kong nasa ospital. Ang mahina niyang katawan, ang mga tubo sa ilong, at ang makinang nagmomonitor sa kanya. Ayon sa mga doktor na nagopera, ligtas na ang Lola Guada ko. Salamat sa magagaling na doktor. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala pa ang Lola ko. Wala na akong ibang pwedeng gawin. Naibenta ko na ang lahat—ang alahas ni mama, ang natitirang gamit ni papa, pati na ang mga lumang ari–arian na iniwan sa akin ng mga magulang ko bago sila namatay sa isang aksidente. Pero kahit naibenta ko na ang lahat, hindi pa rin sapat ang pambayad sa ospital. Isang milyon at kalahati ang kailangan ko. Paano ako makakakuha ng ganun kalaking pera? Kahit magbenta ako ng kidney ko, hindi pa rin sapat. Kaya nandito ako. Kahit na kinamumuhian ko ang sarili ko sa gagawin ko, kakapit ako sa patalim. Napalunok ako at tumingin muli sa simbahan. "Go na, girl. Ikaw na ang savior ng kasalang 'yan!" tukso ng bakla, pero hindi ko na siya pinansin. Pumikit ako, bumilang ng lima, at binuksan ang pinto ng sasakyan. Pagbabaan ko, pakiramdam ko'y lahat ng mata ay nakatutok sa akin kahit walang nakatingin. Diretso akong lumakad papasok ng simbahan, hawak pa rin nang mahigpit ang mga pekeng dokumento. Ang mahalaga ay hindi matuloy ang kasal. Humakbang ako papasok sa simbahan. Mabagal. Mabigat. Pero bawat hakbang, naririnig ko ang tunog ng takong ko sa marmol na sahig. Punong–puno ang simbahan. Lahat nakatutok sa harapan kung saan nakatayo ang bride at groom. Puno ng mga bulaklak ang altar, at sa gitna nila, ang pari—nagsisimula nang basahin ang mga seremonya. Huminga ako nang malalim. Habang papalapit ako, narinig ko ang tanong ng pari. "Ikaw ba, tinatanggap mo ba siya bilang iyong kabiyak sa hirap at ginhawa?" Tahimik ang mga tao sa simbahan habang nakikinig. Nakatingin ang lahat sa bride na nakatayo sa harap. Hindi ko makita ang mukha niya, pero ramdam ko ang kaba niya kahit malayo. "Opo." Narinig ko ang sagot niya. Mahina. At doon ko naramdaman ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Ngayon na. Binilisan ko ang lakad. Hindi ko na hinintay na matapos ang kasal. Wala akong pakialam kung sino ang mga nakatingin. Tumayo ako sa gitna ng simbahan, pinipilit na huwag manginig ang mga kamay ko habang mahigpit na hawak ang pekeng pregnancy test at ultrasound. "Itigil ang kasal!" Sumigaw ako, at sa isang iglap, lahat ng mata ay nasa akin. Lumingon ang groom—ang lalaking hindi ko kilala. Hindi ko nga alam ang pangalan niya. Pero wala na akong oras para magtanong. Napansin ko ang gulat sa mukha niya. Kita ko rin ang pagkagimbal sa mukha ng bride na ngayon ay nakatingin sa akin na tila hindi makapaniwala. "Sino ka?" tanong ng groom, kita sa mukha ang pagtataka. Lumunok ako, pinilit na magmukhang sigurado kahit na ang totoo, halos gusto ko nang umatras. "Ako si Faith, hindi mo na ba ako natatandaan?At buntis ako sa anak mo." Narinig ko ang mahinang halakhak ng ilang bisita. Pero mas nangingibabaw ang mga bulungan. "What the hell are you talking about?" lumapit ng bahagya ang groom, ang mga mata'y puno ng inis. "I don't even know you." "Tingnan mo ito." Ipinakita ko sa kanya ang pregnancy test at ultrasound. "Ikaw ang ama nito." Nakita kong namutla ang bride. Tumitig siya nang matagal sa mga papel na hawak ko, bago siya unti–unting bumaling sa groom. "Isaac..." Titig na titig ang bride sa kanya, kita ang galit at pagkamuhi na unti-unting pumapalit sa gulat. "Ano ito, Isaac?" "I don't know her!" halos sigaw ng lalaki. "I swear, hindi ko siya kilala." Lumapit ang bride at walang babala, malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ng groom. Tumahimik ang buong simbahan. "Hindi mo siya kilala?" mariin ang boses ng bride, nanginginig sa galit. "Paanong hindi mo siya kilala? At paano siya magkakaroon ng mga ganitong ebidensya?" kinuha niya ang ultrasound at PT mula sa kamay ko, halos mapunit niya ito sa diin ng pagkakahawak. "Ipapaliwanag mo ito, ngayon na." "Baby, please—" "Don't call me that!" sigaw niya, muling sinampal ang groom. "Ang kapal ng mukha mo! Sa mismong araw ng kasal natin, ganito ang ibabalita mo sa'kin?" Naglakad ang bride paatras, pilit na nilalabanan ang luha. Bumaling siya sa akin, ang mga mata'y punong–puno ng sakit at galit. "I hope you're happy." malamig na sabi niya, bago tuluyang tinanggal ang belo at bridal bouquet. Naglakad siya paalis ng simbahan, iniwan si Isaac na tulala at hindi makapagsalita. At ako? Nakatayo pa rin ako roon, pinipilit itago na nakokonsensiya ako. Para sa perang kailangan ko, isa na naman ang nadamay. Nakahinga na ako ng maluwag nang makalabas ang bride, pero bago pa ako makagalaw, humarap sa akin si Isaac. Matalim ang tingin niya. "You think you can just walk away after this?" mababa ang boses niya pero ramdam ko ang babala sa bawat salita. "Babawi ako sa'yo. I will find you." Hindi ako makapagsalita. Nanatili akong nakatayo, pero ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko. Pagkatapos ng ilang segundo ng pagtitigan, humabol siya sa bride na tumatakbo palabas ng simbahan. Nagkagulo ang mga tao. Lahat ng bisita ay nakatingin sa akin. May mga bulungan, pero ang mas nararamdaman ko ay ang galit sa mga mata nila. Isang matandang babae ang napailing habang nakatingin sa akin. "Kawawa naman ang bride..." bulong niya pero sapat para marinig ko. May isang lalaking napadaan malapit sa akin at matalim ang tingin na ibinigay, at dinig na dinig ko ang mga sinasabi niyang masasakit, pero benalewala ko lang. "Walang konsensya. Malandi. Mang–aagaw." Ramdam ko na parang tinutusok ako ng mga tingin nila. Gusto kong mawala sa kinatatayuan ko. Bago pa ako lamunin ng kahihiyan, nagmadali akong lumabas ng simbahan. Humakbang ako ng mabilis at halos mabangga ang ilang bisita na nasa may pinto. Pagkalabas ko, hinanap ko agad ang sasakyan na sinakyan ko kanina. Nakita ko ito sa di kalayuan. Pagpasok ko, hingal na hingal ako—hindi ko alam kung dahil sa pagtakbo o dahil sa kaba. Sumandal ako sa upuan at pumikit ng saglit, pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi ko intensiyon na makasira ng kasal… pero wala akong magagawa. Kailangan ko ang pera. "Patawad..." bulong ko sa sarili ko, kahit alam kong hindi sapat 'yon para burahin ang nangyari. Isang saglit lang nakarinig ako ng malakas na palakpak. "Grabe, girl! Ang galing mo!" sigaw ng bakla na nasa passenger seat. "Pwede ka na talagang mag–artista! Kung drama lang, Oscar–worthy!" Kasabay niyang tumawa ang driver na kanina pa tahimik. Napilitan akong ngumiti, pero pakiramdam ko'y pinagpawisan ako ng malagkit. "Ay, ayan na naman 'yang pagak mong ngiti!" anang bakla habang kinikilig pa. "Pero kebs na, besh! Ang importante, natapos natin ito. Walang sabit! Saktong–sakto ang delivery!" Nag–angat ako ng tingin at sumilip sa bintana. Sa labas, kitang–kita ko ang kaguluhan sa harap ng simbahan. May ilang bisitang sinusubukang habulin ang bride, habang ang iba ay nagbubulungan at nagtuturuan. "O, heto na ang hinihintay mo." Inabot ng bakla ang sobre sa akin. Hindi agad gumalaw ang kamay ko. Pero nang makita ko ang kapal ng sobre, nag–alangan ako. "Ano, ayaw mo ba?" tanong niya, nakakunot ang noo. "Besh, 'wag mo nang problemahin 'yan. Bigtime 'yung nagpa–hinto ng kasal, di naman tayo ang may atraso, 'di ba?" Napilitan akong kunin ang sobre. Halos mapatalon ako nang maramdaman ko kung gaano kabigat. "200k 'yan. Sulit na sulit ka, girl. Isipin mo, ilang minuto lang, may ganyan ka na!" Napatingin ako sa pera, tapos muling sumulyap sa simbahan. Sa isip ko, bumalik ang galit at sakit sa mga mata ng bride at groom. Para akong sinampal ng konsensya. Pero wala akong choice. Mabigat ang loob ko habang nilalagay ang sobre sa loob ng bag. "Salamat," mahinang sabi ko, kahit parang hindi ko alam kung kanino ako nagpapasalamat. Sa bakla? Sa taong nagpa–hinto ng kasal? O sa tadhana na kahit papaano, may pandagdag pambayad na ako sa operasyon ng lola ko? "O siya, tara na! Baka mahabol pa tayo ng groom, naku, baka mag–ala–action star 'yun!" biro ng driver, sabay start ng sasakyan. Napahinga ako nang malalim habang paalis na kami. "Patawad..." bulong ko, pero sa sarili ko lang. PAGKABABA nila sa akin sa siyudad, dumaan muna ako sa grocery store. Namili ako ng mga kailangan—gatas, tinapay, at ilang delata. Kasama na rin ang paboritong juice ni Alpha. Kahit gaano kahirap ang buhay, sinisigurado kong hindi nauubusan ng paborito ang anak ko. Pagkatapos magbayad, sumakay ako ng jeep at bumiyahe pauwi. Tahimik lang ako sa byahe, nakatitig sa malayo habang nakahawak sa bag na may lamang pera. Para akong lumulutang, iniisip kung tama ba ang ginawa ko kanina. Pagdating sa tapat ng maliit naming bahay, agad kong nakita ang maliit na pigura sa may pintuan. Nakaabang siya—nakasandal sa pintuan, nakapamewang na parang matanda. Sa sobrang liit ng katawan niya, halos lumubog pa siya sa damit na suot niya. Bakit naman ang laki ng damit na pinasuot sa kanya? Napangiti ako nang makita ang matamis na ngiti ng aking anak. Si Alpha Caelum. Pagkakita sa akin, kumislap ang mga mata niya at tumakbo papalapit. "Mama!" sigaw niya, yakap sa bewang ko. Gumaan ang dibdib ko, ngumiti ako. Inabot ko ang ilong niya at kinurot ng mahina. "Ang laki mo na, Alpha. Para ka nang binata." "Nagutom na ako, Mama. May dala kang cookies?" tanong niya, sabay sulyap sa dala kong plastic. "Syempre naman, Alpha. Hindi puwedeng wala." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papasok ng bahay. Pagpasok namin, agad kong pinunasan ang pawis niya gamit ang laylayan ng damit ko. Hindi ko lubos maisip na sa edad kong disisiete, ay nagkaanak ako at ngayon bente–dos anyos na ako. Wala akong karanasan sa s*x noon. Virgin ako. Pero isang pagkakamali ang nagdala sa akin kay Alpha. Mali ang turok. Dapat sana sa ibang babae, pero sa akin naiturok ang Embryo Implantation without my consent. Isang malupit na biro ng tadhana. Wala akong nagawa kundi tanggapin. Nagunaw ang mundo ko noon. Lahat ng pangarap ko—yung gusto kong makapag-aral, makapasok sa magandang trabaho—naglaho nang lumalaki na ang tiyan ko. Dinagdagan pa ng mga tsismosang kapitbahay na walang ibang alam kundi ang magtanong kung sino ang tatay. Wala akong maisagot. Hindi ko rin alam. Pero hindi ko kinayang ipalaglag ang bata. Kahit mahirap, tinuloy ko. Nang makita ko ang una niyang ultrasound at marinig ang t***k ng puso ng bata, doon ako humugot ng lakas. Kaya pinangalanan ko itong Alpha. Hindi lang dahil nagsimula ang buhay ko sa bata, kundi dahil naging simbolo ito ng bagong umpisa. "Mama, bakit Alpha ang name ko?" tanong nito minsan habang nakahiga kaming dalawa sa maliit naming kama. Hinalikan ko ang noo niya at hinaplos ang buhok. “Dahil ikaw ang simula ng lahat, anak. Ikaw ang dahilan kung bakit mas pinili ni Mama na lumaban." Alpha smiled, and she held onto that moment. Isang bagay lang ang pinapasalamat ko—sa doktor na nagpaanak sa akin. Alam nito ang sitwasyon ko. Hindi na nagtanong ang doktor, pero ginawa ang lahat para mapanatili ang kahit anong natitirang piraso ng inosente kong pagkatao. Alpha was born through a cesarean section—hindi para sa kaligtasan ko lang kundi para rin sa kaligtasan ng isang bahagi ng aking sarili na gusto kong panatilihing buo. Ang aking pagka–birhen. Para bang kahit anong mangyari, may parte sa akin na hindi mababahiran ng pagkakamali o panghuhusga ng mundo. Hindi ko man naiintindihan kung bakit nangyari ang lahat, isang bagay lang ang sigurado ako—Alpha was my greatest miracle, my first love, and the reason why I kept going.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD