Break The Walls

1433 Words
Rule One Break The Walls   Summer’s POV “Kailangan natin ng Alpha blood, Sir. Mas magiging malakas sila kapag dugo ng isang Alpha ang ginamit natin.” Nasaan na nga ba ang sense ng buhay? Wala naman dito no’n. Tsk. Limang taon na rin akong nasanay ano pa bang inirereklamo ng kagandahan ko ngayon? It’s really annoying to be locked up in a dim room. Not to mention you’re on your own and no one wants to talk to you. Because there’s no one to talk to. Naalala ko pa noong elementary ako, puro gago lang ang mga nakakausap ko sa eskwelahan kung saan ako na-recruit ng The Sector. Pagdating ng grade six, mga tarantadong adults and chiefs naman ng The Sector. Sa totoo lang nakakairita sila. They want the lot of my kind dead and gone. They hunt vampires, werewolves, and everything na may kinalaman sa pagiging beasts. They kill them, experiment on them. May bitter experience yata ang pamilya no’n sa mga vampires kaya dala-dala hanggang ngayon ang grudge sa mga halimaw ‘daw’. So gano’n? Ayaw mag-move on? Hindi ko lang din naman makuha ang point do’n. Peaceful naman kasi ang mga tao ‘tsaka ang sangkahayupan. Bata pa ako nang mapunta ako sa Sector. Hindi nila alam na taong-lobo din ako. Ang alam lang nila, isa akong sorceress. Ang pagiging sorceress ang nagkubli sa mga attributes ko bilang isang taong-lobo. Mas dominant kasi ang dugo ng sorcery sa akin kahit pa Alpha bloodline rin ang dumadaloy sa sistema ko. Nasa Elementary yata ako noon nang magpasya akong umanib sa The Sector. Dati-rati, mga masasamang talent lamang ang winawakasan nila. Ngunit habang tumatagal, gusto na nilang ubusin ang lahat ng paranormal talents sa buong mundo. As far as dreams go, ang The Sector na yata ang pinaka-ambisyoso sa lahat. “Nangangati na akong makalabas,” usal ko sa sarili ko habang tahimik na nagvi-vigil sa sahig na kinauupuan ko at patuloy na pinakikinggan ang mga pag-uusap na nagaganap sa labas ng kulungang ito na panay pader lang naman ang makikita. Spell boring. So I decided I’ll end these boring days. I clasped my hands together and rested it under my chin. I closed my eyes, focused on the thick hard wall. When I gathered all my strengths, I chanted some spells na waring kusa na lamang na lumalabas sa bibig ko. “Neya… hama… eruno… neya… hama… eruno… sherana…” Releasing the clasp, my hands open, palms facing straight at the wall and it blew forward. Malinaw kong nakita ang paglipad ng mga piraso ng makapal na pader na limang taon nang nagkukubli sa akin sa kulungang iyon. “Witwew,” napangising sipol ko. “Look at that. Five years pero hindi pa ako kinakalawang.” aba sa limang taon ba namang makulong ka sa ganitong klaseng lugar paano namang hindi kakalawangain ang mga stock knowledge mo, ‘no. Okay, Summer. Tama na ang pakikipag-usap sa sarili. Ready set… RUN! Hindi ko rin alam kung bakit normal lang sa akin ang super fast na pagtakbo. Well, given the fact na abnormal ako dahil abnormal din namang ipinanganak ang nanay ko. Like hello? Sinong normal na nilalang ang may kakayahang makapagpalipad ng kung anu-ano sa pagbubulong lang ng kung anu-anong weird na mga salita na hindi ko naman kinabisado ever in my entire life. So yeah. Abnormal nga ako. Ugh. From the moment I ran, I knew someone’s been chasing me. Tuta ng Sector ang mga ‘yan. Knowing my abilities, wala silang pinahahabol sa mga katulad ko kung hindi iyong mga mutant chuchu na ine-experiment nila. Malalakas sila. Mabibilis. They are destructable though. Dahil hindi pa perfect, s’yempre madali pang patumbahin.  “Waaaaah! Taym pers!” hingal na sigaw ko ilang oras ang makalipas. Nagpalinga-linga ako sa kakayuhan, realizing na hindi ko alam kung saang direksyon ako napatakbo. “Peste nasaan na ako?” Well… mukha na siyang gubat na ewan. Puchu-puchung gubat? Takte naman paano na nga pala ako babalik sa home sweet home ko? Hindi nga? Seryoso nasaan ako? “Tsk. Sana kasi may dala tayong mapa.” Inumpisahan ko na ang madamo kong paglalakbay sa loob ng gubat. May mga naririnig pa akong kaluskos pero malamang baka kung anong ligaw na hayop lang ‘yon. Marami no’n dito, e. Lakad, lakad… Napabuntong hininga ako bago napangiti. Babush na sa walls. Tinatanong n’yo kung bakit ngayon ko lang naisipang tumakas? Aba s’yempre e’ ngayon lang nagsimula ang kwento, e. De, joke lang. I kid, I kid. Nalaman ko kasi na ito ang araw na pag-eeksperimentuhan na nila ang dugo ko. My genes are very very veryyy rare. If The Sector finds out I have the Alpha werewolf blood, I’m damned. E, hindi naman talaga ako wolf-wolf as in ‘rip-clothes-then-transform-arf-arf’ kind of wolf. Keyword there is that I have a wolf blood but I am purely human. Teka. Human nga ba ineng? Aba malay ko. Iyong pagtatanungan ko which is supposedly e’ iyong mga malandutay kong magulang nakalibing na sa lupa at malamang pa sa bagoong na alamang e’ relax na relax na sa kung nasaan man sila. Wait. Don’t get me wrong. I do not have any grudges with my parents. It’s just sad to state that they left me alone so very young. Anyway it’s their loss. Hindi nila nakikita kung gaano ako kaganda ngayon. Ho-ho! Napapitlag ako. A gun shot echoed around the forest. I ran as fast as I can even before the two wolf—a white and a gray one— appeared in my way. I heard another gun clicking. Ipinagdikit kong muli ang mga palad ko, pumikit, at in-imagine ang baril na iyon na kumakalas ng kusa. Pagkatapos ay binuksan kong muli ang mga palad ko. Ewan ko pero by reflex ay na-stretch out ko ‘yon sa direksyon ng kulay abong lobo na na-realize ko kalaunan na akmang aatake sa akin kung kaya naman ay humagis siya palayo. Kawawa naman. Anyway sinundan ko kung saan siya humagis. Infairness naman kasi sa kapangyarihan ng kamay at utak ko, ‘no? Para akong mangkukulam na ewan. Ume-X-Man ang peg ng byuti ng lola n’yo. Nakakita ako ng liwanag towards the way na pinaghagisan ko doon sa kawawang lobo. Pagkatapos nang sapitin ko ang liwanag na iyon, nakita ko na lang na may nakahubo sa harapan ng bonfire. Halaaaa… Parang mga may stiff neck ang kanilang mga leeg na naglingunan sa akin. Nakita ko na lang na nagpalit ng anyo ang puting lobo kanina at naging babae. Anak ng! “Sino ka?” tanong ng isa na may awtoridad sa tinig. Naks. Gwapo sana. Kaso hindi maganda ang pakiramdam ko dito, hind pa ako pwedeng lumandi ng bongga. “Ah… ano…” iginagalaw ko naman talaga ang bibig ko, ang problema lang hindi makapagsalita. “Alpha, siya ang naghagis kay Aries!” sumbungera ‘tong puting lobong ‘to. “We-Well… ano kasi…” nabigla ako eeeh! “Hindi mo alam kung ano ‘tong pinapasok mo,” may himig pagbabantang wika ng lalaking masungit. Napatingin ako sa babaeng kasama ng tinawag nilang Alpha. Ay hala, mate niya? May imprinting na bang magaganap? Mating ritual ba? Ay naabala ko ba? Hala ako, malay ko ba. “Pwede n’yo namang ituro na lang sa akin kung paano lalabas dito sa gubat n’yong kay sukal ‘tapos pwede n’yo na ulit ituloy ‘yan. E ‘di happy tayong lahat!” Mother Earth, ‘yong totoo? Ano bang nagawa kong kasalanan sa mundo at ganito n’yo na lang ako parusahan? Joke lang po! Peace tayo! Mehehe… “T-Teka… teka lang!” sigaw ng isang binata na mukhang nasa edad seventeen or so. Well, twenty ako. Bakit parang magkasing-edad lang kaming tignan? “Enie.” “H-Hindi ako maaaring magkamali, e. Ikaw…” tinuro niya ako. Ay bonggang bata. Nanduduro. Ingat ka, baka manuno ka d’yan. “Ikaw ang legendary forbidden hunter, ‘di ba? Ikaw si Summer Hamilton!” Gumagana pa ba ang teleportation ability ko? Aba baka hindi pa kinakalawang, iyon na lang muna ang gagamitin ko. Mamamatay ako dito. Isang pack ‘yan ng mga taong-lobo, oh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD