Rule Two
Going Home
Summer’s POV
THIS! Whooo! Ito ang pagkain! Anak ng torotot! Pagkatapos akong magtiis ng mga basurang pagkain sa Sector ‘eto heaven ‘to. Hindi ko man alam kung anong kinakain ko which is may 99.9% na possibility and likely is poison dahil ang mga werewolf ang nagpapakain sa akin, okay lang sa akin ‘yon. Jusmiyo, mamamatay naman akong masaya at busog.
“So ikaw nga si Summer?” tanong ng babae, iyong soon to be Alpha female nila.
Sometimes you’ll find this kind of creatures creepy and weird. Oh yes you’ll surely will. Sa akin pa nga lang nagki-creep out na kayo, ‘e.
Sa isang pack ng mga taong-lobo, mayroon ring mga namumuno. Ang pinuno ng isang pack ay tinatawag na Alpha. Kadalasan, minamana ang posisyong iyon. May mga Alpha na pinapanganak para doon sa posisyong iyon. Hindi naman kasi ganoon kadaling nabubuwag ang isang werewolf pack. Most of the packs ay nagkakaisa’t nananatili pa ring isang buong samahan makalipas ang ilang milenyo. Kung kaya naman ang mga Alpha na minsang namuno sa isang pack ay nagkakaroon ng mga anak na may dugong Alpha rin at sila na ang isinusunod sa posisyon.
Hindi excempted ang mga Alpha sa pagkakaroon ng mates. Kung tutuusin, sila nga ang mas nangangailangan ng katuwang. Alphas are very dominant. It’s in their nature to be hard and vicious. Alphas resembles the very first werewolf ever created kaya’t mas kailangan nila ng isang nilalang na sobrang opposite ng mga katangian nila.
And she will be called the Alphiya. She’s the Alpha Female. Wala akong masyadong alam sa tungkulin ng isang Alphiya pero ayon sa mga nakikita ko sa maraming pack na napuntahan ko na noong hunter pa lamang ako ng The Sector, mas nagiging maayos at disiplinado ang isang pack kapag mayroong Alphiya.
Sumunod naman sa ranggo ng mga namumuno sa isang pack ay ang second in command. Ang Beta. Kadalasan, ang isang Beta werewolf ay pinipili ng Alpha. Some say na mas nalalaman at nararamdaman daw ng isang Alpha kung kanino nila ipagkakatiwala ang kanilang mga buhay at ang buhay ng pack nila kung sakali mang may mangyaring hindi inaasahan. Kung ang lakas naman ang pag-uusapan, more often than not ay ang Alpha lamang ang nakakatalo sa lakas ng isang Beta.
Minsan ay nagkakaroon rin ng hierarchy ang isang pack. Depende sa dami ng mga miyembro, nagtatalaga ang Alpha ng mga council at third in command which sometimes they refer to as Omega. Pero kung ang isang pack ay hindi naman ganoon kalaki, they stick with the usual ranking.
“Miss? Ikaw nga ba ang Summer Hamilton na tinutukoy ni Enie?”
Sino si Enie? Enie-enie my ne-mo? Joke lang! “Do you know any other Summer?”
“Anong ginagawa mo dito? Paano ka napadpad sa teritoryo namin?” babae rin ang nagtanong, hindi ko nga lang alam kung sino ‘yon. Alangang mag-feeling close ako’t itanong isa-isa ang mga pangalan nila.
Sa dami nilang ‘yan? No way. Baka sa isang taon pa kami matapos.
“Well, hinahabol ako ng mga taga-Sector. As you all know convicted ako for eternity pero dahil sa nakakabagot ang makulong forever and ever e’ tumakas na lang ako. Puchu-puchu lang naman ang pagtakas do’n. Sisiw.”
“E’ kung gano’n bakit mo sinaktan si Aries?”
“Waaaaah hindi ko sinasadya ‘yon!” agad na tanggi ko. “Hinarangan kasi nila ako. Anytime I sense an attack automatic akong nagbibigay ng blow. Pero susmiyo, hindi naman serious attack ‘yon. Nawalan lang ng malay h‘wag kayong OA.”
“Hunter ka, hindi ba?” naniningkit ang mga matang usisa sa akin ng Alphiya nila.
“Oh ngayon?” balik tanong ko habang nginunguya ang natitirang pagkain sa pinggan ko.
“De… papatayin mo kami.”
“Are you serious?” bulalas ko matapos matigilan. “Nakikita mo ba ako ngayon? Aba’y jusko hindi n’yo ba muna ako patutulugin, pakakainin, at pagpapahingahin bago kayo mag-request na patayin ko kayo? Gravacious lang mga ate at kuya? Kakagaling ko lang ng kulungan oh. Atat na atat kayong mamatay?”
Tumingin lang silang lahat sa akin na parang sinabi kong nakakita ako ng baboy na lumilipad. Mayroon nga kayang baboy na lumilipad? Me wondah.
“Miss.”
Nag-angat ako ng paningin para tignan ang lalaking tumawag sa akin. Nasa mid-twenties ang estima ko sa kanya. Nakatayo siya sa tabi kung saan ako matiwasay na kumakain.
“Sumama ka sa akin,” hindi nakangiti pero hindi rin naman nakasimangot na sabi niya sa akin. Siguro siya si BOP. Si Battery Operated Person sa sobrang pagka-poker face.
“Where to?” kunot noong tanong ko.
“Sa opisina ng Alpha.”
Ay bongga may opis!
Tumayo na ako saka hinablot ang pack ng chippy na nakakalat sa mesa nila bago sundan si BOP. Kinakain ko ‘yon habang naglalakad sa mahaba-habang hallway ng pack mansion nila. Hindi ko first time na makakita at makapasok sa ganito. I’ve killed a whole pack of werewolves residing at Underground District before so this is not new to me already.
The guy—BOP, who I supposed was the Beta—second in command, opened the door for me and I went in.
A pair of sharp eyes greeted me. Lupet makatitig ni kuya. May imaginary blades na nire-release sa sobrang sama kung makatingin.
“Siya nga ba?” tanong niya lang doon kay BOP.
As it turns out siya talaga kanina ang nasa bonfire at mukhang may nagaganap na seremonyas nang hinagis ko ang pack member nila doon. Kasi naman! Kasalanan ng Sector ‘yan, h’wag ako ang sisihin.
“May patunay ka bang ikaw nga ang forbidden hunter na si Summer Hamilton?” tanong ni kuya Beta na hindi ko knowsung ang name kaya paninindigan ko na lang talaga ang BOP.
“Kailangan talaga ng patunay? Hanapan daw ba ako ng proof of identity? Ano ba ito, bukasan ng bagong bank account? Kailangan ng proof of billing? Echosero kayo. You all should know that. Being with a hunter feels so awkward in a werewolf’s perspective.” Palibhasa hindi kasi ako mukhang threat sa kanila.
Nagkatinginan lang sila. Pagkatapos tumingin na naman sa akin si BOP na nakatayo sa tabi ko. “Paano ka napadpad dito?”
“Rewind na ‘yan, nasagot ko na kanina. Next.”
“Bakit ka tumakas?”
“Rewind na din ‘yan, next.”
“Limang taon ka nang nakakulong sa Sector, bakit ngayon mo lang naisipang umalis doon kung kaya mo naman pala?”
“Good question. Next.”
“Aish!” sabay hampas ng Alpha sa mesa niya at tumingin sa akin ng sobrang talim. “Mukha ba kaming nakikipaglaro sa ‘yo?”
“Mukha din ba akong naglalaro?”
I heard a growl. Natigilan ako. Woaaaaah… nagjo-joke lang ako!
Grabe naman itong si kuya. Tsk. Tinignan ko siya habang kumakain ng chippy. As expected, gaya ng mga Alpha na nakikita ko dati, malaki ang pangangatawan nila. Malaki rin kasi ang wolf form nila kaya naman kailangan nilang manatiling malakas sa parehong forms. Gano’n din naman siya, walang ipinagkaiba. Except for the fact na gwapo siya.
Okay, ‘yon lang. May mate ‘yan. Jokeness!
Napahinga ako ng malalim nang maalala ko ang pinag-uusapan. Ito naman kasing utak at mata ko, kung saan-saan na naman naliligaw!
“Hindi pa kayang pagdiskitahan ng mga taga-Sector ang mga bampira lalong-lalo na ang Schneider twins. Nasa ilalim kasi sila ng pangangalaga ni Xanara Saint Claire. Kaya mag-iingat kayo. Kayo ang tina-target nila habang pinapalamig ang kambal.”
Mga bampira naman kasi dapat talaga ang pinupuntirya ng The Sector. Lalo na ang kambal na bampirang sina Zero at Cyrus Schneider. Mabuti na nga lamang din at sumingit sa eksena ang loka-loka kong pinsan na si Xanara at kinuha sa pangangalaga niya ang kambal na iyon. Ang problema naman, ang mga werewolf ngayon ang pinag-iinitan nila.
Asar na Sector ‘yan.
Nanahimik ang Alpha at ang Beta niya. They both eyed me. I didn’t care. Tumayo na ako at palabas na sana nang maalala kong hindi ko pala alam ang daan palabas ng walangyang gubat na ‘to.
“Uh, do you mind if… someone will me show me the way out? ‘Tsaka pautang na rin pala ng pamasahe,” nakakahiyaaaaa!
Hindi ako makatingin sa kanila ng diretso sa sobrang hiya. Basta’t naglahad na lang ako ng palad sa harap nila. Fortunately, may mga awa naman sila at nagbigay ng isang daan.
“Waaaaah! Ambaet, may mga puso kayo! Salamat! Hayaan n’yo, kapag tayo ay nagkitang muli babayaran ko ang aking pagkakautang basta’t hindi kayo agad-agad mananakmal, ah? Salamat ulit, babayyyy!”
***
I made sure I cleared the whole perimeter bago tumuloy papasok. Natigilan siya sa pagtayo. Umarko ng bongga ang kilay ko nang manlaki ang mga mata niya at muntik pang sumigaw kung hindi ko lang nabuhat iyong upuan at naiamba sa kanya.
“S-S-Summer… oh no… a-anong ginagawa mo dito?”
Cain Hamilton. Ay opo. Tito ko ‘yan.
“Magtanong daw? De syempre tumakas. Binibisita ka.”
“Limang taon kang nakakulong ngayon mo pa naisipang tumakas. Nagtiis ka na lang sana do’n habambuhay.”
Grabe naman, ang hard. “May gusto ba kayong ipahiwatig, Uncle?”
Tumawa siya na may himig pang-aasar. “S’yempre wala, wala. Ano bang sadya mo dito? Bakit hindi ka pa dumiretso sa Mistic?”
Iyon nga rin sana ang balak ko. Ilang taon na ring wala ako sa Mistic Mansion—ang mansyon na pagma-may ari ng mga Hamilton na ipinaubaya sa akin ni Uncle Cain matapos mamatay ang mga magulang ko. Didiretso nga sana ako doon.
Ang problema lang… “‘Yon nga, Uncle, ‘e. Susi.”
“Eh?”
Naglahad ako ng palad sa harapan niya. “‘Yong susi ng Mistic, uncle, alam ko meron kang duplicate no’n. Papatayin kita kapag hindi mo ibinigay.”
Then suddenly a vampire came rushing in intently looking at me like I was a threat to his tamer’s life. Oh, jeez. “Yo’, Zero.”
Nganga.
LOL!
“The hell are you doing here?” nanlalaki ang mga matang tanong niya.
“School ko ‘to, tonto.” Pamimilosopo ko naman sa kanya.
“Nakakulong ka.”
“Sa Sector.”
I saw him stiffened. Nakasisiguro rin akong alam ni Zero Schneider ang tungkol sa pagtugis ng Sector sa kanila ng kapatid niya. Zero is a vampire. Si Uncle Cain ang tamer niya. Isa iyon sa mga rules nang gumawa ang mga mortal at bampira ng isang covenant upang mapanatiling balanse ang pakikisalamuha ng dalawang nilalang sa ibabaw ng lupa.
A vampire has to have a mortal tamer or the alliance will be dissolved. At hindi iyon nanaising mangyari ng mga bampira dahil iilan na lamang naman sila sa mundong ibabaw. Magiging madali sa kanilang matugis dahil nasasapawan na ng bilang ng mga mortal ang mga bampira.
Ilang sandali pa’y tumikhim si Uncle Cain at naglabas ng key chains sa bag niya saka iniabot sa akin. “Take those. Nand’yan na rin ang susi ng lahat ng kailangan mo. Your vaults, your cars, your rooms, everything.”
Ngumiti ako bago yakapin si Uncle Cain. “Thank you, Uncle,” saka ako bumaling kay Zero na kalmadong nanonood lang sa isang tabi. “Bye bye, Zero. See you around!”
And off I am to going home…