Prologue
Mates.
Gaya ng mga mortal, may mga nilalang ring itinakda ng tadhana para makasama ng mga taong-lobo sa panghabangbuhay. Ang kanilang magiging mga katipan sa hinaharap. Mga nilalang na maaaring bumuo sa nawawalang parte sa isang buhay ng taong-lobo. Mga nilalang na ibinigay ng Lumikha upang alamin ang bawat sikreto, bawat pagnanais, at bawat nilalaman ng damdamin ng isa. Ibinigay para mahalin, magbigay ng pagmamahal at pag-aaruga at makibahagi sa lungkot man o kasiyahan ng kanilang katipan.
Naaalala ko pa noon ang kuwento ng Daddy tungkol sa mga werewolf mates.
It happened centuries ago. Ang sabi sa kuwento, nang likhain daw ng Moon Goddess ang unang taong-lobo, isa itong agresibo at nakakatakot na nilalang. The wolf is out of control. Restless, vicious. So the Moon Goddess decided to send a kindred. A female. And milleniums later they were called mates.
Ang sabi sa kuwento, nang maipadala daw ang kindred ay agad na umamo ang lobo. Naging mas mahinahon. Naging tahimik at namuhay na walang sinasaktan na iba. At simula noon, ang mga sumunod na nalikhang taong-lobo ay pinadalhan rin ng kanilang sariling kindred. People who has the ability to settle and tame the wolves’ natural viciousness.
Halos walang ipinagkaiba ang mga taong-lobo sa mga mortal. Gaya ng mga tao, kailangan rin ng mga lobo ang makakasama. Gaya ng mga mortal, pinagkalooban rin ng tadhana ang mga lobo ng isang nilalang na nakatakda para sa mga ito upang mahalin at makasama habambuhay.
Ang pagkakaiba lang, hindi ganoon kadaling nahihiwalayan ang mga mates.
Kung ang pagpapakasal ng isang mortal ay maaaring baliin ng isang hatol ng korte, ang paghihiwalay ng mga taong-lobo ay hindi ganoon kadali. A bond is formed the moment two individuals made contact to each other. At hindi ganoon kadaling baliin ang isang werewolf bond.
Yet I’m not saying they can’t.
They can.
Subalit ilan lamang ang gumagawa niyon. It’s insane to do that in the first place. Mates give you life. Mates makes a werewolf happy. Mates completes a werewolf’s existence. Mates are the exact essence of a werewolf’s life.
Breaking a werewolf bond is a complete no-no. It’s like breaking an unspoken cosmic rule.
So as killing them, too.
“Nasaan si Axcel? Sabihin n’yo sa akin kung nasaan si Axcel!”
Naaalala ko pa kung paanong tinignan lamang ako ng mga taong iyon na para bang nagtagumpay sila sa kung anuman. Tandang-tanda ko kung paanong lalo akong kinabahan. Napapadyak ako sa inis noong mga oras na iyon bago sumuko at umalis na mula sa opisina ng The Sector.
Following my instincts, sumakay ako sa kotse at nagmaneho patungo sa teritoryo ng dating pack ni Axcel. Ang pack na lumapastangan at nanakit sa kanya. Ang pack na may responsibilidad na bigyang kanlungan ang isa sa mga kauri nila ngunit sa halip, pinarusahan nila si Axcel sa kasalanang wala naman siyang kinalaman.
Binaboy nila ang pagkatao niya. They broke him. Damaged him.
And I’m afraid that damage will be irreparable.
Huminto ang pagtibok ng puso ko nang makaamoy ako ng dugo habang papalapit ako ng papalapit sa perimeters ng pack territory. Dumadami ang nasasagap ng pang-amoy ko. Maraming namatay. Maraming dugo ang dumanak.
Maraming buhay ang ibinuwis at kinuha.
And it was my fault. All mine…
Naghanap ako sa kakahuyan. Ilang beses na tumigil ang puso ko sa pagtibok sa bawat patay na taong-lobong madadatnan kong nakahandusay sa lupa. Ramdam na ramdam ko ang pagnanais na makalabas ng lobong namamahay sa loob ko upang hanapin si Axcel. Nag-aalala din siya para sa minamahal niya.
Ang tagal kong naghanap bago ko siya matagpuan. Minsan pa’y kumabog ng sobrang lakas ang dibdib ko. Wari ba’y nauubusan ako ng hangin. Para akong mamamatay.
He was kneeling, naked. Bakas sa balat niya ang ebidensya na galing siya mula sa pagpapalit ng anyo. Iniangat niya ang mapupungay ngunit malungkot niyang mga mata upang balingan ako ng tingin. At nang mga oras na iyon, para akong sinaksak ng paulit-ulit sa puso nang makita kong hilam sa luha ang kanyang mukha.
Tumakbo kaagad ako para puntahan siya. Lumuhod ako sa harapan niya at nagtangka siyang hawakan. Nanginginig ang mga kamay ko nang iangat ko ang mga iyon. Inilapat ko sa balikat niya ang palad ko. Walang sabi-sabing kinabig niya ako upang yakapin ng mahigpit.
Then he wept in my arms nonstop.
“Axcel. Stop crying, it’s okay.” Kahit alam kong hindi na ayos ang lahat. Kahit alam kong hindi na magiging maayos ang lahat.
He held me tightly against him. I felt his hands shaking. Marami siyang pasa sa mukha nang suriin ko siya. Lalong nanakit ang puso ko. I weep for my mate. I weep for Axcel.
“They destroyed me, Revina,” pabulong ngunit dama sa tinig niya ang galit, ang sakit at ang paghihirap na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. “Kinuha nila ang dignidad ko. Binaboy nila ang pagkatao ko!”
I felt the sudden rage in my system. I felt like I wanted to kill. Pero wala na. Ano pang ibang magagawa ko? Tapos na ang lahat. Nagwakas na. “Tama na. No one’s gonna hurt you now. I’m here.”
“H-Hindi mo ako iiwan?” he asked in a small, trembling voice.
Pinilit ko siyang ngitian sa kabila ng sakit na nararamdaman ko bago umiling. “Hindi ako kagaya nila. Hindi kita iiwan.”
Narinig ko na naman ang pag-iyak niya.
How much more can a young man endure after being denied by his pack, banished away from his family, taken away his dignity and worst of them all… being sexually abused by the adult men who belongs to his own home.
It broke my heart to see him ache like this. Noong mga oras na iyon, sinisi ko ang tadhana. Kasama ko dapat siya mula pa man noong una. Kung kasama ko si Axcel mula pa man nang maipanganak siya, hindi mangyayari ang ganito.
Ngunit ang tanging magagawa ko na lamang ngayon ay manatili sa tabi niya habambuhay.
“Axcel… let’s go home.”
“You’re all that I have, Revina,” sabi niya na tila hindi narinig ang sinabi ko. “Please don’t reject me. I may not be perfect, I have a lot of flaws, I’m damaged beyond repair but please… please don’t reject me!”
Ramdam kong humigpit ang yakap niya. Pakiramdam ko madudurog ako ngunit balewala ang sakit na iyon. Ang mahalaga sa akin ay ang pakiramdam ng nakakulong sa bisig ng taong mahal ko.
How I love this feeling.
“Revina… please…”
“You don’t have to beg.” Dahil imposibleng iwanan ko siya. Hindi ko magagawang iwanan siya lalo na ngayon.
Just when I thought it was impossible for him to grip me tighter, he did. Na parang ayaw niya akong mailayo sa kanya. “Mahal na mahal kita. Hindi ko na kakayanin kapag nawala ka pa. You love me too, right, Revina? You love me as much as I love you, right? Tell me.”
I looked at him. I cupped his face and smiled. “Yes, of course. I love you, Axcel.”
Subalit nawala ng parang bula ang ngiting iyon nang bigla siyang sumigaw at magpalit ng kulay ang mga mata niya. “Sinungaling! Nagsisinungaling ka, Revina! Hindi mo ako minahal at kahit kailan hindi mo ako mamahalin!”
Natigagal ako. I have no idea what he was shouting about. Itinulak niya ako. And next thing I knew, I was being ripped out by a black wolf above me. I kept yelling in pain pero walang nakakarinig. Maski ako ay hindi ko marinig ang mga hiyaw ko.
It haunted me. His voice calling me a liar. It haunted me. “Sinungaling ka! Hindi mo ako mahal! Nagsisinungaling ka!”
“No! Totoo ‘yon! Axcel, makinig ka! Axcel!”
Tumigil ang lahat. Lumayo ang lobo. Minsan pa’y bumilis ang t***k ng puso ko nang may marinig akong kaluskos. Lakas-loob at maingat akong umupo. Lunod ako sa sarili kong dugo. Subalit bago ko pa magawang indahin ang mga sakit sa aking katawan, narinig ko na ang ingay na nagwasak sa puso ko.
Bata. Mga sanggol. Marami sila. Nakatingin sila sa amin. Nakikiramdam. Takot ngunit naglakas loob sa pag-asang maliligtas sila.
Doon sila nagkamali.
Isang tingin pa lamang sa berdeng mata ng lobo ni Axcel, napagtanto ko nang wala siyang balak santuhin ang mga inosenteng batang iyon. Kumuyom ang mga palad ko. Hindi ko kaya. Diyos ko, hindi kakayanin ng konsensya ko kung magpapatuloy ako sa pagmamahal kay Axcel.
Hindi ko na kaya…
Doon, saksi ang langit at lupa, sa harapan ng mga inosenteng mata ng mga batang iyon, binali ko ang pinakamahalagang batas na nilikha ng tadhana.
Nadama ko ang galit ng kalikasan nang gawin ko iyon. Ang pagkamuhi ng mga pwersa na pinalilibutan lamang ako at nakabantay sa bawat galaw ko. Galit sila sa pagsuway ko. Galit sila dahil binago ko ang tadhana.
“I’m sorry. I’m really sorry. But I’m still breaking the rules!”
I broke destiny’s rule.
And I paid for it.