Spear Jensens

1664 Words
Rule Four Spear Jensens   Summer’s POV Naupo lang siya sa swivel niya. Patingin-tingin si Cyrus sa paligid ng opisina. Nilabas ko ang phone ko at tine-text si Uncle. Wala lang, baka kasi katapusan na namin ni Cyrus, maibilin lang na i-crimate ang bangkay ko para walang makuhang body part sa akin. “Ipaliwanag n’yo kung anong ginagawa n’yo dito.” Honestly I admire his voice. Full of authority yet sexy. Yeah, medyo natatakot ako ng konti sa kada magsasalita siya. I sure don’t wanna anger a huge werewolf like that Alpha. Pero trip kong i-record ang boses niya at paulit-ulit na pakinggan iyon sa gabi. Ma-try nga minsan. Gagawin ko siyang lullaby. Me likey. “Becka is a student at Saint Claire,” narinig ko ang tinig ni Cyrus mula sa likuran ko. “She hooked up with me early this afternoon and told me to uh… go here and we’ll… uhm… do what we’re supposed to do.” Pfft! Ayan kasi. Sa sobrang ka-swapangan mo sa s*x, ni hindi mo magawang sabihin na balak mong halayin ‘yong bata. Bigla na lang niya akong pasimpleng sinipa. Sinimangutan ko siya. Malamang ay narinig niya ang iniisip ko. It’s one of the perks of being a vampire. Nababasa niya ang iniisip ng iba. “I never inhaled a wolf scent so I basically thought she was human. But when I kissed her she tastes like… musk. Earthy. Wolf-y…” Wolfy? Anong word ‘yon? Imbento ‘to si Cyrus. “So I started asking her. She collapsed. Hindi ko maintindihan kung paano nangyari but an illusive elipse of the forest started to play with my eyes. Five wolves came and even Summer got in because of the elipse.” Naningkit ang mata ko sa pagsususpetya. Werewolf na hindi nangangamoy aso—este taong lobo at may kakayahan na gumawa ng illusive ellipse? Tinignan ko ang dalawang werewolf sa silid. Based on their looks, mukha silang kalahating guilty. They probably have known something’s wrong with that girl. “And you?” sabay baling nila sa akin. “I’m this fool’s tamer,” duro ko kay Cyrus. “I just followed him.” Bakit na naman ba kami nag-iingles? “Anong ginawa mo kay Becka?” tanong ni kuya BOP na palakad-lakad pagkatapos ay tumabi sa amin ni Cyrus. “Kailangan ko pa bang i-isplika? ‘Di ba pwedeng mag-thank you na lang? ‘Di ba pwedeng lumabas na lang kami ‘tapos hindi na babalik ever?” The Alpha glared at me. Napaatras ako though hindi halata. Ang hot naman ng ulo nito. Buhusan kita ng malamig na tubig d’yan, e. “Fine,” bumuntong hininga ako. “My blood can save any forms of wolf and vampires dying. My blood absorbs the poison before it spread out. My blood is faster than any poison can spread kaya na-absorb kaagad no’n ang lason bago pa man umakyat sa delikadong parte niya.” Amused, they regarded me intently. Lalo na si kuya BOP na katabi namin. “Ho-ho, h‘wag n’yo ‘kong tignan ng ganyan.” Nag-iwas sila agad ng mga tingin. “What about Becka?” Cyrus inquired. “Anong meron sa babaeng ‘yon? She’s not an ordinary she-wolf.” Minsan talaga nagana din ang utak nitong si Cyrus, e. Iyon nga lang ang masaklap, minsan lang kasi maganap ‘yon. Binalingan niya ako ng matalim na titig. “You’re aware that I can read your mind, right?” “Oooh, Schneider, you heard me calling you brain dead? Oh you’re so sharp, my baby dear!” I flipped him the bird, maipakita lang na wala akong pakialam at nai-imbyerna ako sa pagkasangkot ko sa gulo niya. Biglang natahimik ang buong silid. Ay. Napatahimik din tuloy ako. Nakakunot ang noong tumingin sa akin si Cyrus na nagtatanong. Nagkibit ako ng balikat. Hindi ko rin alam kung bakit sila nanahimik. Bawal maglabas ng ibon—este ng gitnang daliri? Boriiing! Tumikhim si kuya BOP ilang saglit ng katahimikan ang lumipas. “Hindi pa nga pala kami nakakapagpakilala. Ako si Ron, second in command sa pack.” Ron pala hindi BOP. Mehehe! “Siya naman si Alpha Spear.” Spear? Nice name. Hotta hotta, beybeh! “Autumn Knight pack.” Cyrus stated in a matter-of-fact way. Tumango si Ron bilang kumpirmasyon. “Yes, Autumn Knight pack.” Sa pagkakaalam ko, Autumn Knight pack is the most organized pack of all werewolves residing in all areas na sakop ng The Sector including Sunny Dale which is their main target. Actually… hindi talaga siya kalakihan at hindi rin madami ang members so they’re definitely not the biggest. They’re just well respected because of their Alpha who’s known to being a tough and strict leader to their pack. At sino ba namang mag-aakalang kaharap ko siya ngayon? Alpha Spear Jensens. Twenty eight years old, Alpha werewolf. Twice ko pa lang siya nakakausap at nakakaharap. Una noong tumakas ako sa Sector. Pangalawa ngayon. Both times are not exactly civil and nice. Ngunit ang sabi ng iba tungkol sa kanya, istrikto daw talaga siya. Minsan agresibo, minsan naman over organized. Ang ipinagtataka ng marami, wala raw siyang ipinagbago matapos matagpuan ang mate niya. Ang sabi ko naman, baka kulang lang sa aksyon sa kama ‘yan. Psh. “Should we dismiss them?” Ron asked turning to his Alpha. “Leave Summer, dismiss the vampire.” Nanlaki ang mata ko at umarko ang kilay. Eh? “Hoy, Cyrus, baka halayin ako neto!” sigaw ko sa impakto sa pamamagitan ng mind link. Narinig ko siyang umismid. “Tanga, mated ‘yan. Asa ka.” Pagkatapos nakita ko siyang ngumisi ng malapad habang nilalampasan ako. Grr! The nerve! Anak ng tinola kang Cyrus ka! Lagot ka sa akin mamaya. “Maupo ka.” Natakot naman daw akong baka malapa kaya naupo agad ako. Isa pa nangangawit na rin ako ng kakatayo. “I saw you two years ago.” He stated, his tone flat. Napakamot ako ng pasimple sa buhok. “Ah. Yeah, I remember. Thanks for the help by the way.” “You say you’re a former hunter. Hindi ka na babalik do’n?” Tinignan ko siya. Hindi ko alam at wala akong kamalay-malay na ngumiti pala ako bago ko sagutin ang tanong niya. “Pwede akong bumalik kahit anong oras ng walang kahirap-hirap. They need me there. But I don’t want to. Yes, I killed wolves. But it’s those stray ones, evil hell hounds, the rogues but not the peaceful living werewolves around town.” “Pinatay mo ang council ng Sector. You broke their rules.” Umismid ako. “That’s my forte. Breaking rules.” Umayos siya ng upo sa swivel niya at sumandal sa upuan. “Hinahanap kita minsan kapag nakakalabas ako ng bayan. Maniningil sana ako ng utang.” Nawala ang ngiti ko. Grabe naman. “Ito naman isang daan na lang hindi pa pinalampas.” Kinuha ko ang wallet ko. Wala akong one hundred bill kaya inabot ko na lang sa mesa niya ang five hundred peso bill. “Sorry walang barya.” “Nagbibiro lang ako. Kunin mo na ‘yan.” “Hindi sige, okay lang. Sabi ko naman babayaran kita, e.” Aba, masunurin si kuya. Kinuha nga ‘tapos binulsa. Aba’t tag-hirap na ba ang mga taong lobo ngayon? Napakamot tuloy ako ng ulo. Nawi-windang ako sa Alpha na ‘to. “Bakit mo ba ako pinaiwan dito?” Tinitigan niya lang ako. Uh oh. Walang laman ‘yong titig na ‘yon, e. Actually mas lalong hindi maganda ang ganoong titig niya. Ampupu, anong balak nito, makipagtitigan lang?   Spear’s POV I last saw this girl two years ago barging in on a closed wedding ceremony between me and Edka—my mate. Nainis ako sa kanya noon. It was the greatest time of my life, sinira niya dahil lang naisipan niya noong gusto niyang tumakas sa Sector. Pwede naman niyang ipagpabukas, pwedeng sa makalawa, pwedeng sa hapon bago ang araw na iyon. But no. She chose to time it with my ceremony. Nairita ako sa ginawa niya. Sa presensya niya. But as soon as I saw her eyes alight with fire, all of my irritation went away. In fact, everything faded away. Nakalimutan kong may ceremony, nakalimutan kong may na-injured akong myembro, nakalimutan kong may hunter sa harapan ko, nakalimutan kong may Edka… She amuse me. She’s a breath of fresh air. Something new. Something… something I’m not use to before. Right then and there, I knew she wasn’t an ordinary girl. Summer Hamilton. I remember wondering what she looks like when killing werewolves. Sikat siya no’n. Every pack I have a meeting to, laging nababanggit ang bansag sa kanya. The forbidden hunter. Far as I know, twelve years old siyang naging hunter. Fifteen she was exiled and imprisoned because of breaking one law. Killing her mate. It wasn’t a law at all. Wasn’t even a rule. But as a werewolf, if you ever find your mate, you’re supposed to cherish her. Love her and care for her the rest of your life. Ang nakakapagtaka, she should’ve gone restless and lost dahil wala na siyang mate. It was common knowledge. Once mates form a bond, the soul is anchored to each other’s. Kapag nawala ang isa, mawawalan ng anchor ang naiwan. Pero ang lalong nakakapagtaka, sinasabi niyang tao siya pero mated siya. Ano ba talagang totoo? Sino ba talaga si Summer Hamilton?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD