Worth The Chase

2813 Words
Rule Three Worth The Chase   Summer’s POV Two years later… Maraming nagbago sa dalawang taong nakalipas simula nang makatakas ako sa Sector. Hindi ako masyadong lumalapit sa mga kahina-hinalang nilalang. Medyo naging cautious na rin ako at iwas gulo hindi gaya dati. After ko kasing makatakas, The Sector was constantly chasing after me. Though hindi sila makapasok sa teritoryo ng Saint Claire Academy na pagma-may ari ni Uncle Cain, there’s always an attempt to actually get my blood. Na-realize ko na posibleng may alam na sila tungkol sa pagiging werewolf ko. Pero fortunately, any attempts made never succeeded. “Hi, Miss Summer.” At sila? Students na taga-hanga ko. Echos! Joke lang ng slight s’yempre. Known as a Hamilton, special ang treatment sa akin. Isa pa ‘yang mga creepy babies d’yan. Ang tinutukoy ko ay ang mga supernatural na nandito sa loob ng school na ito. They aren’t babies don’t get me wrong. It’s just that daig pa nila ang mga sanggol kung umasta. Palibhasa nagyayabang sila dahil alam nilang may mga kakayahan sila na wala ang mga mortal. Kaya’t kapag hindi nakukuha ang mga gusto, nagma-maktol na parang bata. Immature. Tss. “Hey, honeysuckle.” At isa ‘yan sa mga example. Sa totoo lang kasi hindi naman ako kagandahan… Joke lang! S’yempre lahi na ng Hamilton ang perfect, ‘e. Perfect ang mukha, perfect ang katawan. Lahat na perpekto. Still I would say na hindi ako kasing perpekto nilang lahat. Malayong-malayo ako kay Mommy. I have a long straight black hair, black eyes and fair skin while my Mom has a golden mane, a pair of blue eyes like the skies and a skin as white and smooth as pearls. My body is even no match with her. In her time she was like the goddess chuvaness na pinag-aagawan ng mga lalaki. Sino ba namang mag-aakalang abnormal pala ng lagay na ‘yon ang nanay ko? “Where are you off to, honeysuckle?” Cyrus Schneider, a vampire, one of the kismet vampire twin of Sunny Dale. Siya ang kambal ni Zero Schneider pero hindi naman ka-mukha. A kismet twin is translated in tagalog as ‘kambal ng tadhana’. Sa lahi ng mga bampira, walang nagkakaanak ng kambal. Hindi kasi maaaring magkaroon ng kambal ang isang pamilya ng mga bampira. It’s considered a curse. May matandang paniniwala na naghihigupan ng buhay ang mga kambal na bampira. Nag-aagawan sila sa buhay at sa kamatayan. Sina Zero at Cyrus ang natatanging kambal na bampira na ipinanganak. Kaya nga sila ang tinutugis. A kismet twin is special. Hindi lang dahil sa biniyayaan silang dalawa ng buhay without the curse of being a vampire twin but because destiny favors them. Ang sabi kasi, ang kismet ang may gagampanan na mabibigat na tungkulin sa hinaharap. Malay ko kung anong tungkulin ‘yon. Ang mahalaga may tungkulin! Bata pa lang ako kilala ko na ‘yang si Cyrus. He’s approximately… 566, 857 years of old. And I’m twenty years old so siguro nu’ng mga five years old ako dumating siya sa England at sinabing tamer niya si Daddy which is true. So bale… 566, 842 years old siya no’n. Ay shemay. Gano’n din naman ang mukha, nag-calculator pa ako. Pesteng bampira. “Tantanan mo nga ako, Cyrus.” “Hindi mo naman sinabing nakabalik ka na pala? Kamusta ang underground ng Sector? Minulto ka ba ng Daddy mo?” nakangising pangungutya niya. “Pakyu eternally, lumayas ka sa harapan ko.” “Oooh. Same old Summer, likes to cuss vulgary,” at muli na naman siyang ngumisi. Aba, sira ulo talaga ‘to. “Do you want a death wish?” He threw his hands up in a gesture of surrender. He of all people should know what I can do to him or to his kind. Hindi ko alam kung sa akin ba naipasa ang pagiging tamer nitong mokong na ‘to o kay Uncle Cain. Eitherway, ako pa rin ang bubugbog sa kanya hanggang sa ma-tame ko siya. Antipatikong bampira! Hmp! “Lumayas ka nga sa harapan ko. Dadaan ako,” mataray kong sabi na tinutulak-tulak pa siya sa balikat. Biglang sumeryoso ang ekspresyon ng mukha niya. “Summer… D’you think those assholes let you off that easy?” Natigilan ako at napatitig sa kanya. Biglang tumahimik ang hallway. He can creep me out sometimes. I guess kasama iyon sa perks ng pagiging bampira. Bumuntong hininga lang ako at nagkibit ng balikat. “All I know is that they won’t be able to touch me or any part of my body without them shedding a lot of blood. As if namang papayag akong makakuha sila ng dugo ko, ‘no. No way on earth. Not… unless they get me a vampire hunter to slay me which is likely two out of a hundred percent to happen. Laki kaya ng galit ng mga ‘yon sa lahi mo.” “They wouldn’t slay you. You’re an asset, honeysuckle.” Well… may point ang Lolo Cyrus do’n. As much as they want to they wouldn’t kill me without having my blood so they can benefit in my genes. Muli akong nagkibit ng balikat. “I’ll cross the bridge when I get there.” Magsasalita pa sana siya nang may dumaan na babae at kindatan siya. At since alam ng buong eskewelahan na ito kung gaano kaharot si Cyrus, hayun, habol na ang drama niya sa babae. Napailing lang ako habang sinusundan siya ng tingin. Hindi na talaga nagbago. Mga babaeng ‘yan kasi, sana kung magpapahabol sila h‘wag sa bampirang malantod.   ***   Past six nang lumabas ako ng Saint Claire Academy. Kinuha ko ang Ford Mustang ko sa parking area ng school at akmang bubuksan na sana ang pintuan niyon nang mag-ring ang cell phone ko. Gosh. Naalala ko tuloy. Ignoranteng palaka ako nang bagong takas pa lang ako two years ago. Nang bigyan ako ni Nana Ipie ng cell phone, akala ko remote iyon ng TV. Ang tanga, ‘di ba? Gano’n ako ka-ignorante about gadgets. “Yes, hello?” bati ko sa nasa kabilang linya. “Summer Hamilton speaking.” “Summer. Where are you?” umigkas ang isang kilay ko nang ma-recognize ko ang boses ni Uncle Cain. “Nasa parking lot pa, bakit?” sagot ko bago tinuluyang buksan ang pintuan ng kotse at pumasok doon. “Go to Bretwoods, sa Dahlia. Cyrus is having a vampire problem there.” Napaismid ako. Knee jerk reaction ko na kasi ang matuwa sa mga kagunggungan ni Cyus. “Weno namang kinalaman ko kay Cyrus at ako pa ang kailangang pumunta?” “Pamangkin, h’wag ka nang mag-inarte. Malaki ang problema ni Cyrus ngayon at ikaw lang ang makakatulong sa kanya. Get your ass out there and go to Bretwoods now!” Kung makautos naman ‘tong si Uncle. Pabuntong hininga ko na lang siyang sinunod. Para naman kasing may choice ako. Wala naman, ‘di ba? Sundin ang nakatatanda. Para ko nang pangalawang tatay iyang si Uncle Cain. It’s not so easy being with him because unang-una, isip-bata siya. Pangalawa, my Dad and him wasn’t exactly in good terms even before my father died. May sibling war kasi sila. At pangatlo… well, his wife thinks I’m someone who should be seen as a threat though I’m not. Ganyan naman talaga silang mga abnormal ang pag-iisip. Out of the norm, monggoloyd, supernatural, autistic, mentally-challenged, psychopathic, ex— Napatigil ako bigla. “Cy… C-Cyrus?” Sa hula ko’y napasok ako sa isang elusive ellipse na naging sanhi kung bakit nakapasok ako sa Bretwoods nang hindi ko namamalayan. Para akong dinala ng ellipse na iyon sa isang partikular na lokasyon sa may kakayuhan. There, in that place, stood Cyrus and a bunch of wolves—five of them—surrounding him. One girl was practically gasping for air with no blood and no evident of Cyrus biting her or whatsoever. Anak ng! Werewolf ba itong mga ‘to? “Erm… ehem!” sadya kong pagtikhim na nakatawag ng atensyon nila. Nabaling ang tingin nila sa akin. Nakita ko kung paanong daglit na dumaan ang galit sa mga mata ng mga lobong iyon at akma sanang aatake sa direksyon ko nang magtaas ako ng kamay upang pigilan sila. “Teka lang, ah, magsi-kalma tayong lahat,” bumaling ako kay Cyrus na nakatunganga lang sa babaeng naghihingalo. “What on earth are you doing?” “I took this girl. Planned to hook up. I thought she’s human. But she’s not… and so… we kissed.” Holy macaroni on sticks! “May pagka-tanga ka, ‘no?” dismayadong tuya ko. “I swear I never inhaled a wolf scent!” paggigiit niya. Lalapit sana ako sa babae pero hinarangan kaagad ako ng mga wolf na ‘yan. Pabuntong hiningang nagkibit ng balikat si Cyrus nang tignan ko siya. “Ayaw din nila akong palapitin sa kanya para makita ko kung anong problema. They’re a little… mad.” Little? Little? Ng lagay na ‘yan? E kulang na nga lang may lumabas na mga sibat mula sa mga mata nila sa sobrang talim ng titig nila kay Cyrus. Nagtataka akong luminga-linga. “Are we in some pack’s territory?” “I guess so.” Now this is trouble. Binalingan ko ang limang lobo na nakaantabay pa rin para umatake. “She’s gonna die because of the DNA of a vampire and a werewolf clashing together through their saliva when they kissed,” pag-iisplika ko sa kanila. “Kung naiintindihan n’yo man ‘tong sinasabi ko, matutulungan namin kayong malutas ‘tong problemang ‘to. Kung ayaw n’yong mamatay ang isa sa uri n’yo, lead us to your pack house. Gagamutin ko siya.” Their eyes told me no. Hindi na nila kailangang magsalita. Hindi sila sumasang-ayon doon. It’s been years since I last saw wolves in personal and have a little chit-chat with them. Kaya ngayon parang naninibago ako. Araw-araw engkanto at bampira lang ang nalalanghap ko sa school. Iba ‘tong amoy ng mga werewolf. At nakakapanibago rin tuloy na maka-encounter ng mga nilalang na marunong tumanggi sa akin. “If you don’t follow now, malalagasan kayo ng isang magandang dilag who can reproduce thrice of your kind,” pagbabanta ko na agad na nagpabago ng disposisyon nila. They seem to realize I was right. Tinitigan nila ako ng matagal. Pagkatapos ay tumango ang lobong nasa gitna nila. Agad nilang binuhat ang babae at isinakay sa likuran noong nasa gitna. Nagkatinginan kami ni Cyrus. We nodded at each other, understanding the situation. Tumakbo sila. We followed. Cyrus being a vampire has his own speed. Ayon kay Uncle Cain nang sinuri niya ang kakayahan ni Zero noon, kayang takbuhin ng isang bampira ang dalawang kilometro sa loob ng sampung segundo. While me being a wolf-gened has my own speed too. Nasa human form man ako, kaya kong takbuhin ang dalawang kilometrong iyon sa loob lamang ng dalawampung segundo. So in no time, we reach a huge pack mansion which was surrounded by trees and lots of men guarding the perimeters. One of the wolf who were with us changed back into human form to alerten their pack. Nagpalinga-linga ako. May kung anong weird na pakiramdam nang makita ko ang pack mansion na iyon. “Familiar.” “What?” kunot-noong tanong ni Cyrus. Tinignan ko siya. “I think I’ve been here before.” Magsasalita pa sana siya nang makarinig kami ng pasigaw na pag-iyak ng babae. “Becka? Becka! Anong nangyari kay Becka?” Nakita namin ang isang babae na humahangos palabas ng mansyon. Dinaluhan niya ang dalagang nadale ni Cyrus at pilit na ginigising ito. Naalarma ako. Lumuhod ako para tignan ang lagay niya. She’s already convulsing. Wala na siyang malay. Ugh. “Damn you, Cyrus. This is big trouble.” “Kaya mo namang ayusin, ‘di ba?” Tumayo ako at handa na sanang murahin siya ng katakut-takot nang may dalawang lalaki na may malalaking pangangatawan ang lumabas mula sa mansyon. Nagsihawian ang mga tao. Ramdam ko ang awtoridad ng unang lalaki sa paraan pa lamang ng paglalakad niya. Bigla na lamang bumilis ang mga pangyayari. Nakita ko ang kamao ng lalaking iyon ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa. Sobrang bilis niya na nagulat na lamang ako nang madatnang sakal-sakal niya na si Cyrus.  “Spear!” pasigaw na awat ng lalaking kasunod niya. “Magtigil ka na muna! Spear!” Pabuntong hininga akong napailing. Tinignan ko ang dalagita na naghihingalo. Pagkatapos nagpalinga-linga ako. “May cutter ba kayo?” Tumingin sila sa akin na parang nasisiraan na ako ng bait. Patay malisya na nagkibit ako ng balikat. Bakit ba? It will be painful and poiseless kung kakagatin ko na lang bigla ang braso ko. “There’s someone dying at inuuna ng Alpha ang pagpatay sa predator kaysa ang pagsasalba sa miyembro niya,” pairap na sabi ko. “Hindi ba dapat inuuna ang pagsasalba sa buhay kaysa ang pagpatay?” In a flash, he let go of Cyrus’ neck. Cyrus collapsed on the ground, weakening. The guy—I supposed the Alpha—glared at me with a silent command. “I need a blade,” sabi ko sa kanya. “Hurry and command your pack to go and get it!” “We have a pack doctor,” giit ng isa sa mga nasa likuran ko. Nakaramdam ako ng inis. “A pack doctor can’t do anything about a vampire and a wolf’s DNA clashing. It’ll kill her!” “Summer!” Napatingin ako kay Cyrus na tumawag sa akin. Naghagis siya ng swiss knife. Nasalo ko ‘yon at mabilis na hiniwa ang isang parte sa braso ko saka ko hinayaang tumulo ang patak ng dugo ko diretso sa iniawang kong bibig ng babae. “I am not a vampire, don’t worry,” agad kong sabi nang magsimula silang mag-protesta sa ginawa ko. “I’m pure human.” Half lie, yes. But I consider myself as human. Iyan ang laging sinasabi ni Mommy sa akin. I’m not a freak, I’m human. Cough! Cough! “Becka!” umiyak ang nanay ng babae at saka mabilis na niyakap nito ang anak niyang unti-unti nang gumigising mula sa kawalan ng ulirat. I hissed as I felt a sting of pain rushing into my bloody wrist. Ngayon lang ang unang beses na gumamit ako ng dugo ng hybrid—dugo ko—para i-segregate ang essence ng toxic DNA ng isang bampira at ng werewolf. Hindi ko naman alam na masakit rin pala sa parte ko iyon kapag ume-epek. “Now let’s get straight to business, Miss Hamilton.” Nag-angat ako ng tingin. Napakunot ako ng noo. Nakatayo na noon si Cyrus na nasa likuran lang ni kuya na mahilig manakal. Halaaaaa! Bakit hindi ko siya matandaan? Alam ko kilala ko siya, e. Pamilyar siya sa akin! “We brought the girl safe back to you, what else do we have to talk about?” nakakadugo naman ng ilong ‘tong inglesan na ito. Bakit nga ba kasi kami nag-iingles? Nakakaloka. “You trespassed a pack’s territory.” Hindi ko na kasalanan ‘yon. Bakit ako damay dito? Gravacious to the highest level! Padagdag ng padagdag ang kasalanan ni Cyrus sa akin, ah. Ang tanga-tanga naman kasing bampira ng impaktong ‘yon. Tinignan ko ang bata maya-maya. Maayos na ang paghinga niya. Sa sobrang kabastusan naman ni kuya Alpha e’ hinila niya ang braso ko ng walang paalam at kinaladkad ako papasok ng pack mansion. Si Cyrus pinasusunod lang hanggang sa makarating kami ng opisina. “You’re Cyrus Schneider,” sabi ng isang kasama ni kuya Alpha. Ah! Siya si BOP! ‘Yong Beta ni kuya Alpha! “And you’re Summer Hamilton. Ano bang… hunter at bampira nagsama?” Weird pair, aren’t we? “Excuse me? Correction, I’m a former hunter. Ang tagal ko na kayang wala doon. Teka, wala na ba kayong chippy? Boring makipag-usap ng walang kinakain.” They all looked at me na parang nasisiraan na ako ng ulo. Nagkibit lang ako ng balikat at dinedma sila.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD