The Sector Comes To Town

1244 Words
Rule Five The Sector Comes To Town   Summer’s POV Kinikilabutan ako sa paraan ng tingin nitong si Spear na ‘to. Parang gusto niya akong lapain, ah. Teka nga muna. Ako ba ay may pangontra sa lapa ng werewolf o wala? Nakakanginig ng nerves, haru jusko! “Hey.” Napalingon ako sa may pintuan. Nakasilip si Ron doon. Nakahinga ako ng maluwag. Naku, salamat po! “Dinner time na,” anunsyo niya ng nakangiti. “’Yong bampira?” bampira? Ang tawag lang niya sa isang Cyrus Schneider e bampira? Pambihira! Kawawang ‘bampira’. “Nasa ibaba na. Hinila na ni Sharen, e. Baka nga naman kasi nagugutom na. Remember, we kept them stuck in here for two hours, Spear. Sige na, pababain mo na rin si Summer at kumain na tayo. Baka wala pa silang kain simula kanina.” Hindi naman pala totally Battery Operated Person itong si Ron. May switch sigurong napindot kaya medyo naging tunay na tao na siya ngayon. Tatayo na sana ako nang maalala ko ang sinabi niya. Dinner? Pakakainin kami? Masarap naman sana dahil libre kain ang kaso… Naman eeeeh!  “A-Ano…” tokwa naman! Bakit ba lagi na lang akong nabubulol sa harapan ng lalaking ‘to? “K-Kasi… ‘yong… aisht takte naman! May homework ako kailangan ko nang umuwi!” Natigilan silang pareho. Natigilan din ako. Naku, lagot. Did I cuss? “They were really right about you,” naiilang na sabi ni Ron. “You like to cuss.” Lahat ng tao nagmumura paminsan-minsan! Amp! “I cuss when I’m annoyed and nervous.” “So you’re annoyed?” nakaarko ang kilay na usisa ni Alpha Spear. “No.” “Then what?” sabay ismid niya. “You’re nervous?” Halos ipaghagisan ko ang ulo ko makalingon lang at titigan siya ng masama. Pero instead na matakot, ngumisi lang siya at tumayo. Nginitian naman ako ni Ron pagkalabas ng Alpha niyang may sira sa ulo. “Sorry, Summer. Ganyan lang ‘yan. Tara sa ibaba.” Tumayo ako at sumunod sa kanya. “What do you mean by ‘ganyan’? Ganyan ka-labong kausap at ganyan ka-weird o ganyan ka-gago at ganyan ka-sira ulo?” “Woah,” natatawa ngunit may pagkamangha na umiling-iling si Ron. “Maswerte ka’t hindi ka naririnig no’n ni Spear. Hindi ka makakalabas ng buhay dito.” “Jeez, I’m scared.” Note the sarcasm! Tumawa lang siya. Hindi ko alam ganito pala sila ka-abnormal. Well… I’m used to handling stray hell hounds but they’re not as abnormal (or as they may seem) as Spear and Ron. Vicious lang sila—may konting sayad—pero hindi abnormal. “Akala ko ba strict ang Autumn Knight pack? You don’t seem that tight with security.” “We are. The last trespasser gets chop off. Siguro nagkataon lang na sa tuwing nagte-trespass ka, hindi ka magalaw ng mga pack members namin. There’s something special about you they can’t figure.” Tumango na lang ako though… hindi talaga ako naniniwala. Ano ba naman kasi ‘yon? Me? Something special? The hell. Pagkababa namin mula sa opisina, nakita kong kumakain na si Cyrus at kasalo iyong ibang mga pack members na nasa mesang inokupa niya, s’yempre including the Alpha. Umupo na rin ako dahil kumakalam na rin naman ang sikmura ko at nagre-reklamo na. Habang kumakain kami e parang mga kiti-kiti itong mga pack members nila na nagpapakilala na lang ng basta sa amin. Seryoso? ‘Di ba nila alam na threat sa kanila ‘yan? “Ako nga pala si Enie. Nagkita na tayo dati,” nakangiting pagpapakilala ng isang binatilyo sa pangalawang mesa. “Ako naman si Sharen. Ang dyosang-dyosang cook ng pack. Nice to meet you!” akala ko pa naman ako lang ang nag-iisang dyosa. Joooke! “So anong meron sa Saint Claire ‘tsaka sa labas ng Dahlia?” tanong ng isang thirteen years old na batang babae. I forgot her name. Hindi naman kasi photographic ang memory ko. “E’ de estudyante.” “Hindi gano’n ang ibig kong sabihin. ‘Di ba kasi, Ate, sabi nila marami daw unusual people sa Sunny Dale kagaya na lang niya,” sabay turo kay Cyrus na kumakain. “Ano po bang itsura ng labas?” “Hindi maganda sa labas. Dito ka na lang sa loob,” sabi ko na lang nang magtigil. “Waaaaaah! Naman, eh!” angal niya habang pumapadyak pa. “Kiel,” there goes Spear’s warning tone. “Alpha Spear! Waaaah! Gusto ko lang namang malaman kung anong itsura ng labas, e. Hindi naman ako tatakas.” Nanahimik silang lahat. I kept munching my food habang feel na feel ko ang tensyon. “Telling her means pushing her to be more enthralled with the outside world and if that keeps on, you’ll lose her.” I felt Spear looked at me. Hindi ko siya tinignan dahil busy ako sa pagnguya ng kinakain ko. I knew Cyrus overheard my mind telepathy with Spear. E’ sa malakas kasi ang senses n’yan, e. “S’ya nga pala, Alpha,” singit ni Sharen, ‘yong nagpakilalang dyosang-dyosa daw nilang cook na sobrang sarap magluto, infairness. “Si Becka, ayaw lumabas ng kwarto hangga’t hindi nakakausap si Cyrus.” Ano nga ulit ‘yong sound epek ng nabulunan? Palagay ko si Cyrus ‘yon, e. Nabulunan si Cyrus. Tumawa tayo! “Ay oh, inumin mo.” Inabutan siya ni Sharen ng tubig na mabilis naman niyang kinuha. “Teka, h‘wag pala ‘yan, nainuman ko na ‘yan wahahaha baka mamatay ka!” Natawa ako ng bonggang-bonggang lakas. Cyrus glared at me pero tumawa pa rin ako. Mabuti nga sa kanya! Karma na niya ‘yan. Ang hilig kasing mambabae. Hayan tuloy at nakahanap siya ng katapat niya. Kasi naman. Mano lang bang maging stick to one naman siya paminsan-minsan? Hindi naman niya ikamamatay ‘yon, ah. Uminom siya ng tubig nang maka-get over siya sa pagtawa ko. “Kailangan na naming umuwi. Next time ko na lang siya kakausapin.” Nginiwian ko siya. “‘Yong next time na ‘yon baka next decade pa, kapag sinumpong ka ng brain dead syndrome mo. So next decade pa siya lalabas ng kwarto?” pang-aasar ko kay Cyrus that cause him to glare at me again. “Bakit ka ba kasi sumunod-sunod?” “Aba hoy, tingin mo may mabubuhay na werewolf na dinampian mo ng nakakamatay mong laway kung hindi ako sumunod? Utang mo ‘yon sa ’kin. Antipatikong ‘to.” Hmp! “Psh. You should have remained under The Sector.” Hindi ako umimik. Katahimikan na ang kasunod niyon. Ewan ko ba. I just don’t feel the topic of The Sector being brought up. “Alpha! Alpha Spear!” Napalingon kaming lahat. A man came rushing in. Probably one of those who were guarding the perimeters of the territory. “Hunters!” Para bang ang isang salitang iyon ang naglagay ng tensyon sa buong silid. Nagsitayuan ang halos kalahating mga taong-lobo na naroon at naglabasan. Nagkatinginan kami ni Cyrus na parehong nalilito at nagtataka. What the hell is happening?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD