"What now?" Hindi pa man ako nakakapag-salita ay iyon agad ang ibinungad niya sa akin. His forehead furrowed and his jaw clenched. Doon palang alam ko ng nasira ko na naman ang araw niya.
Bakit ba laging galit ito sa akin? Ano bang ginawa ko sa kanya? Wala pa nga akong ginagawa eh.
"Having your dinner here?" nakangiti akong umupo sa tapat ni Brion sa kabila ng sobrang samang tingin niya sa akin. "It's nice meeting you here. Lagi nalang tayong nagkikita. Do you think it's fate?" Inaasar ko lang naman siya kaya nagulat ako nang bigla itong tumayo at umambang aalis.
Napatayo rin ako at humarang sa kanya. He's glaring at me now like I'm the most annoying creature he has ever seen. Medyo nasaktan ako sa paraan ng pagtingin niya and I don't know why.
"Sige na, sige na," matinong sabi ko rito. "Aalis na ako. Maupo ka na diyan."
Bago pa siya makapag-salita ay lumabas na ako ng restaurant. Talagang dito ako pumunta dahil nagugutom ako, nasakto lang na nandiyan siya. Yes I saw him before I can even enter this place but I'm planning to eat here talaga. But he won't buy that, of course.
Napilitan akong lumipat ng kakainan at nag-take out nalang dahil medyo nawalan ako ng gana kumain sa loob ng restaurant. I wonder why he is being too unfriendly to me. Sobra na ba ang pang-iinis ko? O madali lang talaga siyang mapikon? Either way, he doesn't want me around.
"Why am I even taking that guy seriously?" Nagtatakang sambit ko sa sarili habang kumakain ng tinake-out kong pagkain. Dati naman wala akong pakielam sa mga lalaki. Siguro kasi I'm not used to being ignored by a man?
Imposible namang na-inlove ako doon, 'di ba? Mahigit isang linggo ko palang siyang nakikita. At ang weird, ayoko ng word na iyon. For sure, I'm just enjoying to play with him. Tama, iyon nga.
"I'll continue to get him pissed then," sabi ko at tumawa ng malakas.
The next day, I saw him going out from his house in the morning. Nakasuot siya ng t-shirt at pants. May dala siyang papel na naka-roll, maybe a floor plan or something since engineer siya, right? I don't know.
Nang magtama ang mga mata namin ay agad akong kumaway at ngumiti sa kanya. "Good morning, neighbor."
He rolled his eyes like a gay. Sumimangot ako at pinanood siyang sumakay sa sasakyan at mabilis na lumayo. I smirked. This man is really something.
Umalis ako sa balcony at doon nagkape sa kusina. As usual, mag-isa ko na naman. Ano pa nga ba? Hindi ko alam kung may silbi pa ba itong leave ko. Pagkatapos magkape ay naisipan kong mag-drawing nalang Ng necklace. Mag-iisip nalang ako ng magandang design para sa next collection ng Vida.
A mixture of gold and silver necklace. I think it's a great idea. Hindi ko nga lang maisip kung paano ang gagawin. Sa pendant ay naisip kong gumawa ng diamond-shaped cage with a red Ruby inside. Madali lang ang pendant kaya ang mismong kwintas ang pinoproblema ko.
I'm holding my digital drawing tablet and pen, of course. Paminsan-minsan ay natutulala ako at nag-iisip ng pwedeng idagdag. I want to draw something but I feel like it wasn't enough or there's something better on the back of my mind that I can think clearly.
Nag-stop akong mag-drawing para kumain ng tanghalian at pagkatapos non ay natulog naman. Bukas na ang outing namin nila Tracy kaya ayaw ko namang antukin at tamadin sa mga activities na gagawin namin so I'll take my test for now.
Hapon na ng magising ako at tanging ang doorbell lang mula sa labas ang gumising sa akin. Medyo masama ang loob kong tumayo at binuksan ang pintuan ng bahay ko.
"What?" Masungit kong tanong habang pumikit-pikit pa rin ang mata.
The beautiful lady was shocked with my sudden annoyed voice. Wait...
"I'm sorry. Na-istorbo ba kita?" Her voice is cracking like she's scared over something. Obviously I scared her for what I did.
"Sorry," mahina at hinging paumanhin ko. "Wait... Pamilyar ka, ah?"
Mula sa malungkot na mukha ay ngumiti ito ng malapad. Oh! I remember na. Siya yung architect na fan ko raw? Tama! Siya nga iyon. But what is she doing in front of my house?
"I'm Architect Ashley Martinez."
Tumango ako at ngumiti. "Yeah, I remembered now."
"Uhm..." Tinuro niya ang labas ng bahay ko at mula rito ay kitang-kita ang nakabusangot na mukha ni Brion. Obviously ay ayaw niyang palapitin ang kasintahan sa akin. Wait, are they together?
"Boyfriend mo siya?" Itinikom ko agad ang bibig matapos kong tanungin iyon. Why do I need to be so straightforward? Ugh! Vidanna!
She chuckled like a teenager. "Hindi. He's my friend. I bet you know him already?"
Tumango ako. Friend lang naman pala eh. I smirked with a crazy thought on mind.
"I'll invite you for dinner sana. Nag-take out ako ng mga food and I heard you're Brion's neighbor so... I would like to... uhm..."
"Game. I'll just wash my face," sabi ko at tinalikuran siya. Brion's eyes are staring at me like I was the one who insisted that idea. Duh! Bakit hindi niya awayin yung kaibigan niya?
And oh, I think that man is in love with his friend. Friendzone maybe? Tsk.
Tulad ng sinabi ko ay nag-hilamos lang ako at nag-ayos ng kaunti bago muling lumabas. Nabigla pa ako nang makita na naroon pa rin sila. My hot neighbor is giving me death glares right now. I gave him a sweet smile as an answer.
"Hi. How's your day?" Tanong ko nang mapalapit ako ng kaunti sa kanya. He shook his head before giving me a disappointed look.
"Pasensya ka na, Miss Vida. Medyo masama lang araw niya kasi hindi sinipot yung businessman na ka-meeting sana namin kanina." Lumapit sa akin si Ashley at inakay ako papasok sa bahay ni Engineer. Naks!
Makakapasok na ako nang hindi napapalayas. Pero sapilitan pa rin dahil hindi naman niya gusto. He can't do anything though. His woman likes me.
Ashley is nice. Sobrang cool niya sa suot na uniform. I think it's their company's uniform, pareho sila ng istilo ng damit ni Brion. And oh, it's my first time seeing this man in his uniform huh. Hindi naman yan ang suot niya kaninang umaga. But anyway, this woman, kung hindi ko alam na architect siya ay iisipin kong modelo talaga siya. She has the body, the face, the elegance on the way she talk, walk and everything.
Nag-uusap kami ni Ashley habang inaayos ni Brion ang mga pagkain at hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya paminsan-minsan. His biceps are moving and damn, how can a man looks so hot even he is in a normal clothes? Ni hindi nga muscle cut shirt ang suot niya eh. It's a polo shirt. Gwapo talaga.
"Alam mo ba, I ordered one of your designs before kaso pang-apat ako na nag-order which is three lang yata ang ini-release kaya hindi ako nakakuha."
He gazed at me angrily when he saw me looking. Ngumisi ako at kumindat sa kanya. Wala lang, para mas lalo lang siyang inisin. It's effective though.
"Vida? Miss Vida?"
"Oh! Sorry." Binalik ko ang atensyon kay Ashley. Her beauty is overwhelming. Malapit niya na ako malagpasan eh kaloka! No wonder Brion's into her. In love nga kaya talaga yun? Akalain mo, pati pala ang isnaberong iyon ay alam ang salitang 'love'. Tss. BADUY!
"I heard na ang unang proyekto mo raw dito ay engagement ring though I still don't know who owns that."
I giggled. Naalala ko bigla si Mr. Fajardo. He texted me the other night that his fiance wants to meet me. Sobrang saya niya raw sa engagement ring na ginawa ko. Kahit malaki ang tyansa na magugustuhan talaga niya iyon ay iba pa rin kapag sinabi niya na sa akin mismo.
"Yeah. It's a businessman."
"Naisipan mo rin ba na gawan ng engagement ring ang sarili mo?" Natigilan ako sa tanong niyang iyon. Pamilyar na sakit ang tumama sa dibdib ko. I don't know why.
I chuckled, a fake one though. "Let's eat!" Mabuti nalang at saktong nakahain na ang lahat kaya iyon ang naging exit ko sa usapan namin. She didn't notice it though and I'm glad for that.
"Nice excuse," bulong ni Brion na agad kong ikinalaki ng mata. Napatingin ako sa kanya na ngayo'y busy na sa pagkuha ng pagkain. Did he really say that or I'm just hearing things?
Nevermind.
Pinilit kong makisama at makitawa sa kanila pero hindi ko alam kung epektibo dahil hindi talaga ako magaling na artista.
"Okay ka lang ba, Miss Vida?" It was Ashley of course. Alangan namang si Brion magtanong niyan 'di ba?
I nodded and showed her the realest smile I could afford for today.
"Yeah. Quit the Miss, call me Vida."
Her eyes twinkled in happiness. "Sure, sure."
Hindi na rin ako nagtagal doon. Ang binalak kong mang-inis kanina ay hindi na nangyari dahil ako ang nawala sa huwisyo. Bigla ay gusto ko nalang magpahinga at matulog. I have the excuse though, bukas kasi kami aalis for the outing so it's better to rest na rin talaga.
"Naisipan mo rin ba na gawan ng engagement ring ang sarili mo?"
"Naisipan mo rin ba na gawan ng engagement ring ang sarili mo?"
"Naisipan mo rin ba na gawan ng engagement ring ang sarili mo?"
Paulit-ulit kong naririnig ang linyang iyon sa aking isipan. Hinawakan ko ang portfolio na nasa side table ng higaan ko. It's an album of all of my ring works. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin.
Gugustuhin ko nga bang gawin ang engagement ring na para sa sarili ko?
Would I love or hate that idea?
It's weird, right?
Pero hanggang ngayon ay hindi ko kayang gawan ng disenyo ang singsing na gusto kong suotin pagdating ng araw. Wala akong inspirasyon kundi sakit, wala akong maisip kundi galit. How can I make a ring for love when all I have and feel is... nothing.