Chapter Four

1567 Words
Shopping sa Mall, shopping sa online, nood ng movies, mag-scroll sa f*******:, magluto... Iyan lagi ang ginagawa ko sa loob ng limang araw na leave ko. Ang wrong timing naman kasi. Hindi namin mapag-ayos-ayos ang sched namin. Pero possible na this weekend- three days from now kami makapasyal. Well, sana matuloy dahil boring din pala talaga kapag mag-isa mo lang. Parang walang silbi yung leave ko. "What?" Tumawa ako at mas lalo pang natuwa nang makita na naiinis siya. Bad mood nga. Halata. Mukhang ni-reject ng ex. Ayan kasi, naka-move on na nga yung ex niya, lalapitan pa rin. Pero tama rin naman. Baka naman kasi may chance pa 'di ba? Sayang din. Duh! Love over pride dapat. Nandito ako ngayon sa kabubukas lang na shop ni Alliyah. It's a clothing line. Last year niya pa ito pinaplano ng matindi kaya nakakatuwa na naisakatuparan niya na iyon ngayon. "How's the night with your ex? Buntis ka na ba?" Inabot niya ang pinaka-malapit na tissue roll at binato sa akin. Napaka-sadista naman. "Gaga! Buntis ka diyan." Humalakhak ako kapagkuwan ay nagseryoso. "Dalawa lang iyan eh. It's either may nangyari sa inyo kagabi o..." "Oh?" "O nabasted ka," sabi ko saka muling tumawa ng malakas. Tinignan niya ako ng matalim saka tinuro ang pinto ng opisina niya. "Lumayas ka na nga. Bakit ka ba nanggugulo rito? Hindi ka busy?" Nagpaka-feel at home na ako roon saka umupo sa upuang katapat ng swivel chair niya na kulay pink pa. As in pink na pink. Cute din naman. Pero it's too... nevermind. "Naka-leave nga ako 'di ba? Eh syempre, guguluhin na kita para naman hindi ako ma-bored. You know?" Tumaas ang kanang kilay niya saka ngumiti, ngiti na may masamang binabalak o may kalokohang naglalaro sa isipan. "Bar tayo?" Pagyayaya niya. "Ang aga ha," I said, trying to turn down her offer. Marupok ako diyan. Nako! "Mall?" I chuckled. Alam kong busy ito kaya naa-appreciate ko ang paglalaan niya ng oras sa akin. Nakipag-kwentuhan ako sa kanya hanggang lunch bago muling umuwi sa napaka-tahimik kong tahanan. Hindi ko rin makulit sina Tracy at Jem dahil parehong busy ang mga iyon. At isa pa, nagkikita-kita rin naman kami sa weekend so hahayaan ko muna sila sa mga buhay-buhay nila. Yun nga lang, bored na bored na ako rito. Napasulyap ako sa bahay ng hot kong kapitbahay. Alas-kwatro madalas yun umuuwi, may time na mas maaga at napaka-bihira lang umuwi ng sobrang late. Pero hindi ko alam kung paano niya nagawang manatili sa loob ng bahay niya na hindi nabuburyo. "Guluhin ko nga," sabi ko sa sarili saka ngumisi na parang kontrabida. Nagpalipas ako ng oras at nang bandang limang minuto bago mag-alas kwatro na ay lumabas ako at umupo sa plant box sa tapat ng gate niya mismo. I'm wearing my usual pambahay attire, sando and shorts. Hindi na ako nagpalit dahil for sure, palalayasin din ako nun agad. Mambi-bwisit lang talaga ako. Insert my evil laugh inside my head. "Ayun! Gotcha!" Tuwang-tuwa ako nang mamataan ang black Mazda niya na umaandar ng mabilis patungo sa pwesto ko. The car stopped and as soon as he walked out from his car, he glared at me. "What are you doing here?" Kunot ang noo na tanong niya. I smiled sweetly. "Wala lang. Yayayain sana kitang mag-dinner." Hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi ko. Siguro kasi wala rin akong kasabay? Although sanay naman akong mag-isa. "I have my own food." "Eh 'di makikikain nalang ako sayo." Tinaasan niya ako ng kilay at tinignan ng masama. What? Alin na naman sa sinabi ko ang nakakainis? Do I sound like I'm flirting with him? Well, aren't I? Bumuntong-hininga ako at nagpaawa sa harap niya. "Wala kasi akong kasabay kumain kaya..." I played my own fingers. Nakayuko ako at nakatingin sa aking kamay. "I don't want," aniya at walang puso akong nilagpasan. Pero syempre pinigilan ko siya. Aba! How dare he reject my proposal? He's annoying ha! "But I want to eat you." Agad akong napatakip sa bibig nang makita ang masamang tingin niya. Oopss! Namali ng sabi. Though sinadya ko iyon, namula pa rin ang pisngi ko. Bigla akong tinablan ng hiya. "I want to eat with you, that's what I mean." Thank God I didn't stutter. Inalis niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya at walang sali-salitang pumasok sa loob ng kanyang bahay. Sumunod ako, syempre. Dahil nga tila lutang siya ay nakapasok ako ng payapa. His house is very manly. Lalaking-lalaki ang taste niya sa pagde-design ha. Minimalist lang at maayos. "What the fvck are you doing here?" Dumagundong sa buong living room ang katakot-takot na boses niya. Nabigla ako roon at napaatras ng kaunti. "You let me in," I said using my sweetest voice. Pero hindi umubra dahil super sama ng tingin niya sa akin. He looks like he's readying to drag me out of here. "Get out, Miss. Stop pestering me." "I'll just eat my dinner and then I'll go na rin," palusot ko pa para makasama siya. Nakakaburyo kaya mag-isa noh! Saka bakit ako kakain mag-isa kung pwede namang kaharap ko siya. Ngumuso ako at nagpa-cute sa harap niya pero sinagot niya lang ako ng katakot-takot na... "Get out!" Mariin niyang sambit at tinuro pa ang labasan. He's fuming mad and swear, he looks very scary right now. Medyo kinabahan ako pero hindi ko pinahalata. "Fine. So paano? Tomorrow nalang?" "Just stop talking and showing your face in front of me. Ugh!" Naiinis siyang napahawak sa ulo. "Whatever. You can't stop me anyway." Naglakad ako palapit sa pinto saka muling humarap sa kanya. His forehead creased again like he owns all the problems in this world. Tch. Nag-flying kiss ako sa kanya saka kumindat. Level up ako huh, akalain mo, nakatapak na ako sa pag-aari niya- I mean his house ha. Don't be too green. "Have a great afternoon." Kumaway pa ako bago tuluyang tumalikod. Sunod kong narinig ang pagsara ng pintuan. Malakas iyon at natitiyak kong ni-lock niya rin ang pinto. He's really weird. Sayang ang kagwapuhan kung hindi gagamitin sa kalandian. Hay nako! Tinignan ko ng masama si Tracy sa sobrang inis dahil sa pagtawa niya pagkatapos kong ikwento sa kanya ang pangyayaring iyon. Halos mabulunan na siya sa kakatawa na parang isa akong napakalaking estupida sa harapan niya. I rolled my eyes and flipped my hair before I slightly pulled her hair. "Hmm? Bakit?" Tumawa siyang uli na parang baliw. "Iyang kalandian mo talaga magpapahamak sayo--" she laughed again, not even finishing her sentence. Nandito si Tracy ngayon sa bahay. I asked her to come and sleep here since I have no one to talk to. Medyo maluwag naman ang schedule niya para sa araw na ito kaya ayos lang na nandito siya. But I think I made a very annoying and bad decision. Bakit ko ba nakalimutan na kahit gaano ka uptight ang babaeng ito, eh, sobra pa rin siya kung mang-asar? "Shut up! Do you think he's gay?" seryoso akong humarap sa kanya. Tinitigan niya ako at ilang segundo pa'y ibinuga ang nasa bibig na tubig sa mukha ko. What the fvck!? "Eeww! What the heck, Tracy? Are you nuts?" sigaw ko habang hindi malaman ang gagawin. Aawayin ko ba siya? Sisigawan? O maghahanap ng pamunas? Ugh! This day is so frustrating. Kinabukasan ay mukha na naman ng kaibigan ko ang bumungad sa akin. Ano pa nga ba? Magkatabi kami natulog at hanggang ngayon ay tulog mantika pa rin siya. She's always like that. Sanay na ako. I got up from bed and did  my morning routine. Pagkatapos ng hygiene eklavush ko ay agad akong dumalo sa kusina para magluto. I cooked fried rice and egg omelette. Kasalukuyan akong nag-aayos ng mesa nang marinig ko ang pababang yabag ni Tracy. She's now in her usual make up and dress. "Good morning," pagbati niya sa akin sabay halik sa pisngi ko nang makalapit. "Magtimpla ka na ng kape mo." Humalukipkip siya sa harap ko at ngumisi na parang may naiisip na naman na kung ano. "Hindi mo ba ako pagsisilbihan? Bisita mo ako 'di ba?" I scoffed. "Makakaalis ka na." Humalakhak siya. "Wala talagang makakatalo sa mga walang punch line mo. Tsk." After that normal breakfast together, she drove back to work again. Busy'ng busy ang mga kaibigan ko. Ni hindi ko alam kung sino sa kanila ang lalapitan o guguluhin eh. Ako naman, as usual, nanood lang ng TV. But this time, I watched a live fashion show held in Italy. May mga jewelries din na iminodel at sobrang gaganda talaga. Hindi ko namalayang nakangiti pala ako habang nakatingin sa mga naggagandahang alahas na pinapakita sa TV. This is what I really want. To be a jewelry designer, to be able to show my feelings and myself to all my curated jewelries and to be loved and recognized by the talent I have and the passion that I have while doing my work. Ang pagpili sa linyang ito ng trabaho ay hindi madali, pero tiyak na kapag babalik akong muli sa nakaraan ay ito at ito pa rin ang pipiliin ko. There's no doubt on that. Masyado akong nawili sa panonood ng mga ganoon na nakalimutan ko ng kumain ng tanghali. That's why when evening came, my stomach keeps making weird sounds. Gutom na daw siya.  Nagpalit ako ng damit. I wore an oversized pink and light blue hoodie and white shorts. Nag-rubber lang din ako saka dinampot ang aking chanel wallet. Sa labas nalang ako kakain. Tinatamad na rin akong magluto.  I locked the door of my house and jumped to my toyota camry. Hindi na ako nakapag-ayos at medyo gulo-gulo ang buhok but so what? Maganda naman ako kahit anong itsura ko. I'm not bragging, that's honesty. "Ooppss," awtomatiko akong napa-preno nang mamataan ang pamilyar na mukha sa isang restaurant na nadaanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD