Chapter Six

1687 Words
"Gaga! Nababaliw ka na ba? Mahuhuli na tayo sa flight natin." "Teka nga kasi! Gosh, where's my earrings?" Kung saan-saan ko na kinalkal ang ini-ready kong hikaw pero hindi ko mahanap. Kainis. Mas lalo akong hindi makagalaw ng maayos dahil sa maya't mayang paninigaw ni Tracy. Siya kasi ang sumundo sa akin ngayon at dadaanan namin yung dalawa dahil on the way rin naman. "Whatever, Vida! Just leave your earrings or the plane will leave us!" Naiinis na binitawan ko ang hawak saka nagmamadaling nagpaubaya nalang sa gusto niya. Male-late na rin kasi kami talaga. I took my keys, my mini LV bagpack with my important things on it, and my travel bag.  Travel bag na isa lang ang dala ko, I usually travel a lot so sanay na ako mag-ayos ng mga gamit. Alam ko na kung ano-ano lang ang dapat idala unlike Tracy who came with her big luggage.  "Seriously, Vida!" "If I didn't go to your house an hour early, we won't be able to catch the plane." "Bakit ba kasi late kang nagising? You should've set your alarm. Gosh! I don't know what to do to you. So annoying." Lalo tuloy akong kinakabahan sa panenermon niya. Bakit hindi nalang siya mag-drive eh noh? Mas lalo niya lang pinapa-komplikado ang sitwasyon eh. Tss. "Naku talaga, Vida! You know how hard to book that flight pero hayan at ganyan ka pa rin ka-kupad. Nanggigigil talaga ako sa iyong babae ka!" I know, it's too obvious that she's pissed kaya. Tch. "Oo na," naiiritang sagot ko. Kita niyang inaantok pa ako eh. Ang sakit kaya sa ulo na kagigising mo lang pero panay na ang sermon ng kasama mo.  Hindi na namin sinundo si Jem at Alliyah, nag-commute nalang sila papunta dahil hindi na talaga kakayanin ng oras kapag nag-stop stop pa kami. Good thing hindi naman kami na-late, pero hindi rin kami maaga. Sakto lang. Mga five minutes before the flight. "Na-sermonan ka?" Natatawang pang-aasar ni Alliyah sa tabi ko, siya ang katabi ko. Hindi ko rin alam kung bakit pero ayos na rin para maka-idlip ako ng walang sermon. We're going to Boracay. Hindi rin kami mamasyal, we'll stay there for two nights and sa hotel lang kami. It's a resort kaya mga water activities ang nandoon, hindi na kami gagala sa ibang lugar. We just want to rest and laugh the rest of the weekend. "Isn't it obvious?" "Nanay yun eh." Nagtawanan kami na agad nasita ng mga kalapit naming pasahero. Sabay naming tinikom ang bibig saka palihim na tumawa nalang. Dalawang oras ang byahe pero hindi ko namalayan dahil nakatulog ako. Nagising lang ako nang nag-aanounce na sila nang nakarating na kami sa destinasyon. Jem and Tracy are pulling their luggages while Alliyah and I are holding our travel bags. Sa ibang bansa rin kasi nag-stay itong si Alliyah at madalas ding mag-travel kaya malamang ay kabisado na rin nito ang mga dapat at hindi dapat dalhin sa pagtatravel. Unlike Jem and Tracy na bihira lang mamasyal sa malayo. Madalas ay doon lang din sila sa Manila area, tagaytay or something near namamasyal. "We'll ride a boat to the hotel," anunsyo ko kahit alam naman na nila. Itinuro ko ang maleta nila at tinaasan ng kilay pareho, "Mas mabigat pa yata sa akin ang mga dala niyo." Tracy rolled her eyes on me. "Well, my luggage is earlier than you anyway." "BOOM!" pagha-hype ni Alliyah sa tabi ko saka tumawa ng malakas. "Oh? Wala bang rebut diyan, girl?" "Whatever!" syempre iyan nalang ang nasabi ko dahil ayokong masermonan ulit ng pagkahaba-haba. May lalagyanan naman pala ng gamit sa loob ng bangka para hindi mabasa at kasyang-kasya naman kaming apat, bale anim with the two boat drivers. "Mga ilang minuto po ba, Kuya?" Alliyah asked with her maarteng boses. Halos pantay kami ng level of kaartehan nitong si Alliyah at hanggang ngayon ay palaisipan sa akin kung sino nga ba ang mas maarte. Sa pananamit siguro ako though siya ang clothes designer sa amin pero kapag sa pananalita ay mas maarte siya. "Isang oras mahigit ho, Ma'am." "Why? Excited to land already?" tanong ni Jem habang busy sa pagkuha ng larawan. "Bakit hindi ka nalang magpakalunod dito tutal ay hindi ka binabalikan ng ex mo?" Nagtawanan kami ng malakas sa sinabi niya iyon. Maliban kay Alliyah syempre. Tinignan niya ng matalim si Jem. "Eh kung ikaw kaya ilunod ko diyan? Palibhasa wala kang love life." "Wow! Meron ka teh?" sagot naman nung isa. "Wait and see," nagmamalaki at tila siguradong-sigurado namang saad ni Alliyah but I can see the pain she's feeling through her eyes. She can't fake it. She's trying to get back with his ex who is now a well-known model. Pretty sure the man is rejecting her. Hindi naman na kataka-taka iyon dahil hindi rin maganda ang paghihiwalay nila. It might look that it's my friend's fault if you know the man's side but Alliyah has no choice back then. "You're still trying to make it up with him huh," puna ko. Ngumuso siya saka ibinaba ang kamay sa tubig. She's playing with the water and her mind seems on a different planet. Ilang minuto pa ay si Tracy naman ang nagsalita. "Learn to let go if you can't take the pain anymore, Alli." She forced a smile, still starring at the water. "Mahal ko eh." "Even if it hurts?" tanong ko. I'm quite worried about her. Ayokong dumating sa punto na hindi na niya kayanin ang sakit. She doesn't deserve all this pain. No one does. "Oo," she nodded before gazing at me. "Mas masakit kapag tuluyan siyang nawala, Vida. The pain he's giving me right now is bearable but the pain of seeing him settling down with some other women... that, I can't take." I sighed. Ganoon ba talaga kapag tinamaan ka ng love? Mas lalo tuloy akong natakot magmahal. I cannot see myself being stupid and crazy towards a person. Paano nila nagagawa yun? She fought for that love, and I salute Alliyah for that. Hindi madali ang mga pinagdaanan niya pero heto pa rin siya, matapang na lumalaban, matapang na hinaharap lahat para sa taong mahal na mahal niya. Lunch na nang makarating kami sa mismong hotel. After an hour on that boat, we rode a van which the hotel lend us, and we drove for around ten minutes to arrive to our destination. The place is beautiful, surreal, and excruciatingly amazing. Redundant na ba? But grabe... I'm lost of words. "Sa baba na tayo mag-lunch o pa-akyat nalang ako ng food?" tanong ko habang busy sila sa kani-kanilang gamit. Magkakasama kami sa isang room, syempre. Two double-sized beds and one bathroom. Mayroon ding mini sala, mini kitchen, balcony with the ocean as a view, large windows with large gray curtains, a normal size television and some cute paintings on the wall.  "Paakyat ka nalang muna. I need to take a shower first," ani Tracy saka dala-dala ang damit na isusuot at pumasok sa bathroom. "Kayo?" "Sige, pa-deliver ka nalang dito. I'll take a nap first," Jem uttered. Sunod kong tinignan si Alliyah na ngayo'y nakasimangot habang nakatingin sa screen ng phone niya. Hindi niya tuloy namalayan ang paglapit ko and there I saw a picture of her ex-boyfriend with another woman. Mukang kaka-post lang iyon sa i********:, hindi ko nga lang nabasa kung sino ang nag-post. I grabbed her phone. Nagulat siya at hindi inaasahan ang ginawa ko kaya madali ko iyong nakuha. "Lend me your phone," lumapit din ako kay Jem na nagtatakang iniabot nalang sa akin ang cellphone. "Throughout our stay here, no one will hold your phone, okay? Para naman walang negative energy na sasapi at walang kontrabida sa trip." "I need that to take pictures, Vida," angal agad ni Alliyah na sagad na sagad yata ang pagka-martyr. Tinignan ko siya ng masama. Need to take pictures o need to see and stalk pictures? Tch. "Fine!" sumimangot ito pero hindi na nagreklamo.  Inilagay ko sa isang pouch lahat ng phones namin. I grabbed Tracy's phone too from her bag. Wala rin namang silbi ang phones namin dahil may kanya-kanya kaming camera na dala. Tulad ng napag-usapan ay dito na kami nag-lunch sa kwarto. At pagkatapos non ay ilang minutong pahinga bago kami lumabas. Lahat kami ay naka-beach dress. Wala pa kaming plano mag-swimming ngayon, bukas nalang o mamayang gabi. Maglalakad-lakad lang kami at kukuha ng larawan. "Gawa tayo ng sand castle," hinila ako ni Tracy sa lugar kung saan tirik na tirik ang araw. Nagpahila naman ako. Tch. "Lakas ng trip, ah?" reklamo ko. "Gusto mo ma-ihaw?" Tracy laughed. Hindi sumunod yung dalawa at nanatili sa may lilim. Iniwan ko si Tracy doon at sumunod din naman siya. Mukhang naisip niya na walang kwenta ang ideya na sinabi niya. Ang cute ng dresses naming tatlo. We're all wearing maxi dresses. Magkakaiba lang ng disenyo. Tracy is wearing her floral blue maxi dress with her chanel sunglasses; Jem is wearing her black and white polka dots dress partnered by a white beach hat with feathers as a design and her beach accessories such as big necklaces and earrings; Alliyah is wearing a plain yellow maxi dress with a black sunglasses and I am wearing my bloody red color maxi dress with my black beach hat.  May dala din akong glasses pero hindi ko na suot. Nakasabit lang sa damit ko. We'll be using these kasi as a props for our pictures. Alam niyo na, mga i********: girls kami. "Paano later? Bar or bonfire?" Nasa may kubo kami ngayon at umiinom ng juice. Mamaya-maya konti kami lalabas kapag hindi na sobrang init ng araw, ayos lang naman na maaraw dahil balak din namin magpa-tan ng kaunti pero mahapdi kasi yung init ngayon dahil tanghaling tapat. This should be fine later. "Let's go to bar today and join bonfire tomorrow," suhestiyon ni Alliyah habang nilalaro ang sunglasses niya. She's doing some shots with her glasses and the beach as a background. "I agree but don't drink too much, please. Swear, the three of you becomes crazy when you're drunk." I laughed at Tracy's statement. Hindi iyon totoo. Bihira ako malasing. Well, Jem is the craziest when it comes to that thing. "Whatever. Don't talk." Sabay-sabay kaming tumawang tatlo dahil hindi pa man kami nakakasagot ay inunahan na kami ni Tracy. "I know you'll defend yourselves again. It's annoying," patuloy niya. "Let's drink a little on the bar and continue it upstairs, hmm?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD