Chapter Seven

1655 Words
The rest of the afternoon, we took a lot of pictures. Gumawa rin kami ng sand castle at hinintay na lumubog ang araw sa dalampasigan. Nang lumubog na ang araw ay pumunta kami sa bar na nandoon. Nagsaya lang ng kaunti at nagpaakyat na kami ng drinks sa hotel tulad ng plano. "Damn. Liquor makes me miss him so much," Alliyah gave the wine glass a sarcastic smile before putting it up for a toast. "Cheers for my broken heart." Wala ni isa sa aming nagtaas ng baso. Sinimangutan niya kami at nanatiling nakataas ang kamay. She's tipsy now.  "Cheers for the love that we all deserve."  So basically, that night was full of crazy and stupid talks. Kinabukasan ay masakit ang ulo naming lahat pero hindi naman sobra dahil hindi naman kami nagpakalasing ng bongga. We know we're here to have fun so drinking a lot won't benefit us. "Wake up! Mag-ayos na kayo. I'll go downstairs and order our breakfast. Sunod nalang kayo ha." Si Jem ang pinaka-maagang nagising sa amin. Siya na rin ang bumaba para um-order ng pagkain dahil siya ang nakabihis na. Naligo ako at nagpalit ng damit. I'm wearing a dark blue maong shorts and a white over-sized shirt with a crazy print. Sumunod na ako kay Jem habang nag-aayos pa yung dalawa. The hotel is clean and cozy. Wala masyadong tao kaya nakakapagtaka kasi summer naman. Naaninag ko si Jem na nakatitig sa karagatan habang nakaupo sa four-sitter table sa labas ng restaurant at may umbrella pa na malaki. Naglakad ako palapit sa kanya. Balak ko nga sanang gulatin kaso biglang humarap sa akin. She laughed when she saw my reaction. "Come on, Vida. Hindi mo ako madadaan sa mga ganyan mo." I pouted before sitting beside her. "Ano tinitignan mo diyan?" "Baka multo," sarkastiko niyang saad. "Eh dagat lang naman ang meron diyan," I stated. "Stupid. Dagat lang pala meron eh 'di malamang ay dagat ang tinitignan ko. Ano bang nangyayari sa iyo, Vidanna?" "Maka-stupid naman." Natigil kami sa pagsasalita nang dumating na ang mga in-order niyang pagkain. Seafood lahat at mayroon lang pancake saka coffee. My mouth shaped an 'O' sign while looking at the foods. Biglang nanubig ang bagang ko at gusto ko na agad tikman ang mga iyon. It's been a while since I last ate shrimp and crabs. Dumampot ako ng tahong pero agad pinalo ni Jem ang kamay ko. "Hintayin natin sila Tracy," aniya bago pa man ako makapag-salita. "Ihh! I'm hungry na," reklamo ko habang hinihimas ang tiyan na talaga namang nagrereklamo na. Bigla kong naalala, hindi na nga pala ako masyadong sanay na may kasamang kumakain. I usually eat alone. Ni ayaw nga akong samahan ng kapitbahay ko kahit mag-isa niya lang din naman. Speaking of that man, kumusta na kaya yun? Hindi kaya siya nagtataka na wala ako sa bahay? O baka wala siyang pake tulad ng pinapakita niya? Hindi kaya yun nalulungkot na kumakain siya mag-isa? Na wala siyang kausap sa bahay nila? Well, the architect ate there last time. Baka kasama niya naman lagi yun. Eh teka, bakit ba naiisip ko iyon bigla? Tss. "Ako nalang tatampal sa noo mo, bruha ka." Napatingin ako kay Jem nang magsalita siya sa tabi ko. "Ano na namang problema mo?" "Bakit? Manghihingi ka?" Jem is the most care-free among us. Suportado kasi ng mga magulang at wala ring problema sa love life. She's financially stable, she's happy-go-lucky, she can do whatever she wants. Pero lahat kami ay umaasa na hindi siya masaktan dahil hindi ko yata kakayaning makita ang kaibigan ko na ganito ka-masiyahin na masaktan ng sobra. You know, kapaag nasanay ka sa mga ngiti, iba yung sakit kapag napalitan yun ng lungkot. "I heard you have a hot neighbor, hmm?" Ayan na naman ang kalandian niya. Nakiki-pantay ng lebel sa akin eh. "Yeah. Sayang I have no picture of him eh." Oo nga noh? Bakit ba hindi ko siya kinunan ng picture? Para naman may maipakita ako sa mga friend ko. "So... how is he like? Pumapatol ba sa kalandian mo?" Sumimangot ako saka umirap at dahil doon ay mukhang alam niya na ang sagot. "Woah! For real? So someone's not interested on any game with you, huh. So, you've been disturbing this guy for how many days now?" Disturbing talaga ang ginamit niyang word? Tch. What a friend.  "More or less a week." Bumilog ang mata niya at eksaheradang tinakpan pa ang bibig gamit ang dalawang kamay. Ilang segundo siyang ganoon bago tumawa ng pagkalakas-lakas. Some people around are eyeing at us, particularly at this psycho. Pinalo ko siya ng mahina saka tinignan ng masama. "Eksena mo girl? Ang dami ng nakatingin, oh." "Teka nga," hinawakan niya ang mukha ko at bahagya pang kinurot ang pisngi. Damn. Ang sakit nun ha. "Is this Vidanna Smith, for real?" namamangha kunwaring sabi niya saka ako binitawan at muling nagpakawala ng tawa. "Fvck you!" "So, hanggang kailan mo kukulitin yang mystery guy mo? Hmm? Hindi ba iyan bakla?" Umayos na siya ng upo saka napangalumbaba sa mesa. Medyo bumabalik na siya sa katinuan matapos sapian ng kung anong espirito. "I think he's in love with his friend," I stated. That's what I believed in. Mas kaya ko namang tanggapin na in love siya sa iba kaya 'di niya ako pinapansin kaysa malamang bakla siya. Hindi ko yata ma-imagine na yung ganoon ka-hot na lalaki ay beki. It's not that it's impossible but... I can't imagine that I tried flirting with a gay! So, please, sana naman ay hindi siya bakla noh! "Ooohh... so you better back off then." "Do you think?" Hindi ko alam kung nauuto na ako nito o ano, eh. "A week, girl. Hindi ba ang lalaki na nati-trip-an mo ay nagla-last lang for a day or two. Are you fvcking serious right now? Baka naman in love ka na diyan ha." Jem's annoying face turned to a worried one.  "I'm not, duh." Agad akong tumanggi. Ako? In love? There's no damn way I will be. Saka paano akong mai-inlove sa taong hindi naman ako pinapansin. I just love the thrill of annoying him, that's why it lasted for a week. And it's my ego's doing. I can't believe that man rejected me for how many times now. Walang connect ang in love, in love na iyan dito. That sucks. That conversation stopped when the two came. Nakalimutan na rin namin ni Jem ang topic at hindi na nabalikan. After breakfast, naka-schedule ang pag-i-island hopping namin. We enjoyed the scenery so much. "I can live here forever," it was Alliyah. Binuka nito ang dalawang braso at umikot na para bang nasa pelikula. She's wearing a yellow two-piece underneath her see-through white dress. "Come on, Alli," sigaw ni Tracy. Naka-pwesto na kasi kaming tatlo para sa picture taking sa may mga rock formations habang si Alliyah ay abala sa pagmo-moment. Ganoon yata talaga pag-broken hearted. Wala na kasing balak balikan ng ex. Lol.  Aanhin mo ang ganda, 'di ka naman bet ng mahal mo. Eh 'di ending, ayan, tanga. "Gosh, alalayan niyo ako," maarteng sabi ni Alliyah at iniabot ang kamay sa amin na puno ng aksesorya.  We took three shots then my eyes landed on the big coral near the water. Wala sa sarili kong nilapitan iyon at hinaplos. Madami namang dead coral rock sa paligid but something special is in here. Parang may glittery look ang mga butas niya. And the shape isn't as normal as others. Kinunan ko iyon ng larawan saka muling hinaplos. It's rough but there's a small part which is soft. Very soft. "How about doing a sea collection? I propose a collaboration." Gulat kong nilingon si Alliyah. Ang tanging narinig ko lang ay ang sea collection na sinabi niya. "Sea collection?" A jewelry inspired of the beautiful ocean, waves, sunset and summer. Nakanganga kong niyakap si Alliyah saka bumitaw at ngumiti na parang baliw. I want to do it. The collection she has suggested. Parang ang daming ideya na pumapasok sa isip ko at sobrang overwhelmed ako sa mga iyon. This would turn out pretty pretty good. That's for sure. "Tsk." Alliyah showed me her annoyed expression. Nginitian ko siya pero mas lalong bumusangot ang mukha niya. "Oh? Problema mo?" "Sea collection about jewelry and dresses. I'm proposing a collaboration, not an idea." Tinaasan niya ako ng kilay saka muling inirapan. "I'll sue you if you'll grab my idea without doing a collaboration with me, Miss Smith." I smirked. Naisipan kong sakyan ang biro niya but deep inside, my excitement goes beyond its limit. Ito ang first time na gagawa kami ng ganitong proyekto na magkasama. "Huh. No one knows that you were the original owner of this idea, Miss Simson. How could you sue me?" Sumama ang timpla ng mukha niya saka pumulot ng bato. Pikon talaga. Humagalpak ako ng tawa saka siya niyakap. "Let's plan about it later." Hapon na ng makabalik kami sa hotel. Nag-swimming kami, nanood ng live shows ng mga sea creatures, kumuha ng picture, nagkwentuhan, at naglaro na parang bata. Pero kahit na anong gawin ko ay naglalaro pa rin sa isipan ko ang mga ideya sa gagawin naming new collection. Parang napaka-daming imahe ng mga alahas ang nagsasayawan sa utak ko. Indeed, this is really my passion, the track that I want, the dream I'll choose over and over again. Nag-bonfire kami kinagabihan at umalis na rin nang maaga kinabukasan. I took the rest of the day to rest. Talagang super dami naming ginawa at kulang ang tulog namin sa trip na iyon. Pero I'm glad natuloy kami. Ngayon nga ay hindi na mahagilap yung tatlo. Nagpaka-busy na sa kani-kanilang trabaho. Lumabas ako ng bahay para salubungin ang delivery man na pinag-orderan ko ng pagkain. Tinatamad na kasi ako magluto at maggagagalaw. I bought beers and barbecues. "Hi, let's drink." Humarang ako sa gate na papasukan ni Brion. Sa dalawang gabi na wala ako ay ang naiinis na awra niya pa rin pala ang babalikan ko rito. He glared at me like I'm a real pester in his life. Grabe, ah? "Alis!" Mariin at nakakatakot niyang utas. I smiled though. "I'm not going rape you, okay?" He gave me a sarcastic smile, "Leave me alone or I'll call you names you do not want to hear."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD