JANELLA: PARA akong pinipiga sa puso ko habang papalayo kay Kieanne. Gustong-gusto ko siyang balikan at pakinggan ang paliwanag niya pero nanatili akong matatag. Bawat hakbang ko palayo sa kanya ay kay bigat sa dibdib. Patuloy sa pagragasa ang luha ko at pilit humahakbang palayo dito. HABANG nasa ere kami ay tahimik kami pareho ni Lawrence. Pakiramdam ko'y pagod na pagod ako sa mga nangyari. Nawalan ako ng sigla maski ang magsalita. Nakaakbay lang naman ito na hinahagod-hagod ako sa likod. Kahit walang salitang lumalabas sa kanyang bibig ay alam kong ramdam nito na labag sa aking kalooban na lumayo kay Kieanne. Hindi ko pa alam kung saan kami pupunta. At kung paano harapin ang bagong umaga na. . . wala na si Kieanne sa tabi ko. Kahit napaka-imposible ay may bahagi pa rin sa puso ko an