JANELLA: MATAMANG kong pinapanood ang kambal na tuwang-tuwang nakikipaglaro sa Daddy Lawrence nila. Kung pagmamasdan sila ay para talaga silang mag-aama. Lalo na't napakalambing nilang magharutan sa playground dito sa kalapit na parke ng aming tinutuluyan. Kararating pa nga lang ni Lawrence mula Pinas pero makulit ang kambal at hindi tinantanan ito hanggang mapapayag na lumabas kami. Saka lang kasi nakakalabas ang mga anak ko kapag nandidito si Lawrence dahil nakakulong lang kami ng condo kapag kami-kami na lamang. Natatakot din kasi akong ilabas-labas sila lalo na't napakalikot nilang dalawa. Natatakot akong malingat lang sandali ay mawala ang isa sa kanila or worsts silang dalawa! Hindi ko kakayaning mawalay sa akin ang mga anak ko. Sa kanila na umiikot ang mundo ko, ang buhay ko.