KIANNE: NAALIMPUNGATAN ako na maramdaman ang malambot na nakasiksik sa akin. Napangiti ako na hinahalikan ito sa ulo. Mahina naman itong napaungol na naramdaman ako. "Good morning, honey. Bangon na," paos ang boses kong saad. Nag-angat ito ng mukha na naniningkit pa ang mga mata. "Fvck! Who are you?!" bulyaw ko sa babaeng nabungaran kong hubot-hubad na kayakap kong nahihimbing dito sa kama namin ng asawa ko! Bumangon naman itong tila proud pang ibulandra sa harapan ko ang kabuoan nito na may matamis na ngiti sa mga labi. Napapalunok ako na napagala ng paningin at kitang nasa penthouse naman ako. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung paanong ibang babae ang katabi ko sa kama at hindi ang asawa ko! Napasabunot ako sa ulo na makitang pasado alas nuebe na ng umaga! Napabangon ako ng