JANELLA: NAALIMPUNGATAN ako sa malamig na ihip ng hanging yumayakap sa akin. Napabangon ako ng kama at nagsuot ng jacket na lumabas ng bahay. Malalim na ang gabi at napakapayapa ng paligid. Bilog na bilog din ang buwan kaya maliwanag. Marahan akong naglalakad-lakad ng pampang. Walang ibang kalapit dito sa bahay bakasyunan nila Lawrence. Kaya naman walang anumang ingay sa paligid. Napayakap ako sa sarili na tumanaw sa madilim na dagat. Kalmado ang mga alon nito na umaabot sa aking paa. Mapait akong napangiti na napahaplos sa wedding ring na suot-suot ko. Gusto ko ng makalaya kay Kieanne. Pero may parte sa puso ko ang nadudurog sa kaisipang maghihiwalay na kami nito. Marahil dahil may especial na lugar si Kieanne sa puso ko mula pagkabata namin. Kaya mahirap at masakit din sa akin na p