KIEANNE: PANAY ang lagok ko sa baso ko sa sobrang sama ng loob ko. Hindi na nga umuwi si Janella ng mansion at wala akong ideya kung saan dinala ito ng kaibigan kong si Lawrence. Nagngingitngit ang mga ngipin ko sa magkahalo-halong emosyong nararamdaman ko ngayon. Okay na sana eh. Napakasalan ko na ang babaeng 'yon. Higit sa lahat magkakaanak na kami kaya kampante na akong akin na siya at wala ng kawala sa akin habang buhay. Pero biglang nagkagulo ang lahat sa paglapit ni Lawrence dito. At ang masaklap. . . si Lawrence pala na bestfriend ko ang gusto ni Janella sa grupo namin. Kaya siya sumali ng auction party ilang buwan na ang nakalipas. Hawak ko na siya pero heto at hawak naman ng iba ang puso niya. Hindi ko yata kayang tanggapin na ipaubaya na lang ito basta-basta. Kahit na nasusukl