Chapter 7 Sympathize

4005 Words
JANELLA: NAMAMANHID ang buong katawan ko at ramdam ko ang kirot sa balakang particular sa p********e ko. Pinakiramdaman ko ang paligid at napakatahimik dito. Unti-unti akong nagmulat at unang bumungad ang maliwanag na puting kisame sa nanlalabo kong mga mata. Napakusot-kusot ako ng mga mata at unang luminaw sa paningin ko ang suero na nakasabit sa ulunan kong kumunekta sa kamay ko. Napaangat ako ng aking kamay at nakumpirma ngang naka-dextrose ako. Nangilid ang mga luha ko dahil nahihinulaan ko na ang posibleng nangyari. Lalo na't napakakirot ng p********e kong kumukunekta sa balakang ko. Napahaplos ako sa impis ko pang tyan kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Napadantay ako ng braso sa mga mata at hinayaang tumulo ang mga luha ko. "Anak? How are you feeling?" Umiling-iling ako at patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. "I'm sorry for your lost, anak. The baby is gone." Lalo akong napahagulhol sa pagkumpirma ni Mama sa guni-guni kong nakunan nga ako. Nanghihina akong napayakap kay Mama at iniiyak lahat ng bigat na nararamdaman ko. Wala na ang anak ko. . . nawala ng gano'n-gano'n lang. Kung hindi lang dahil sa kahayupan ng magaling niyang ama? Dala-dala ko pa sana ito. Sana hindi na lang kami lumapit sa kanila. Kung alam ko lang na mawawala ito sa paglapit ko sa ama niya? Nagpakalayo-layo na lang sana kaming mag-ina. Pero kahit anong pagsisisi ko ay wala na siya. Hindi na siya maibabalik sa akin. Paano naatim ni Kieanne gawin sa aming mag-ina ang ganito? Naiintindihan ko namang wala siyang pakialam sa akin. Pero ang anak ko? Anak namin 'yon kahit pa nabuo siya sa kahayupan ng ama niya. Hinding-hindi ko siya mapapatawad! Kinasusuklaman ko talagang nagkrus pa ang landas naming dalawa! Mas gugustuhin ko pang tawaging disgrasyada habang-buhay basta kasama ko ang anak ko at naaalagaan ito. Pero dahil sa ginawa ni Kieanne? Nawalan ako ng anak. Tanggap ko namang hindi niya gustong magkaanak sa akin. Pero bakit niya pa ako pinakasalan kung siya din mismo ang kikitil sa buhay ng aming anak? Kahit dugo pa lang itong nabubuo sa sinapupunan ko'y anak pa rin namin ito. Tao siya. Hindi hayop na basta na lamang tinatanggalan ng karapatang mabuhay! Mapapatay ko siya! Napaka walanghiya niyang tao! Sana siya na lang. Sana siya na lang ang nawala sa buhay ko hindi ang anak ko! "Tahan na, anak. Makakasama sa'yo ang magpagod. Magpahinga ka pa, hmm?" maalumanay na saad ni Mama. Nagpahid ako ng luha na napatitig dito. Kitang maging ito ay namumugto na rin ang mga mata. Awang-awa ito na nakamata sa akin. "Iwan niyo na po muna ako, Mama. Gusto kong mapag-isa," mahinang sambit ko. Inalalayan pa rin naman ako nitong nahiga ng kama at inayos ang kumot ko. Dahan-dahan akong tumalikod sa gawi nito at niyakap ang sarili. Hindi ko mapigilang mapahagulhol sa kaisipang wala na ang anak ko. Ni hindi ko naprotektahan ito laban sa kanyang ama. Kung kaya ko lang ibalik ang oras ay hindi ko na sana inilapit pa si baby kay Kieanne. Sana noong una pa lang ay nagpakalayo-layo na ako para maprotektahan ang anak ko. Hindi sana siya nawala sa sinapupunan ko. Tahimik lang naman si Mama na hinahaplos ako sa ulo. Para akong nadurog muli sa pagkawala ni baby. Nawala na sa akin si Mama. Nawala na ang dangal ko. Nawala na ang baby ko. Nawala na ang lahat sa akin. Paano pa ako makakabangon nito? ILANG araw din akong nanatili sa hospital. At ni minsa'y hindi nagpakita ang Kieanne na 'yon sa akin. Napakatigas ng puso niya. Napamanhid niyang 'di manlang makaramdam ng konsensya sa ginawa sa aming mag-ina niya. Hindi ko na siya kayang makasama pa. Ayo'ko na. Tama na. Wala ng dahilan para manatili at magtitiis akong maging asawa niya. Isa lang din naman akong mababang uri ng babae sa paningin niya. Isang bayarang babae. Puta. At kung ano-ano pang pang-iinsulto sa pagkatao ko ang ibinabato at ipinapamukha niya sa akin. Hanggang sa paglabas ko ng hospital ay hindi manlang nagpakita maski anino nito. Inaasahan ko naman na iyon pero may bahagi pa rin sa puso ko na nasaktan. Pinapamukha niya talagang wala siyang pakialam kung ano man ang mangyari sa akin. Napaka walang puso niyang nilalang. Kinasusuklaman ko talaga ang lalakeng 'yon. Mapait akong napangiti na hinaplos ang impis kong tyan. Para akong sinasaksak sa puso ko na maalala na naman ang baby ko. Muling nabubuhay ang galit sa puso ko para sa ama nitong walang kunsensya. Paano kaya siya nakakatulog gabi-gabi? Gano'n na ba katigas ang puso niya na hindi manlang tablan ng kunsensya sa pagpatay niya sa sarili niyang anak? Wakang kamuwang-muwang na bata ang nawala dahil sa kahayupan niya. Pero heto at nagagawa pa niyang kumain, maglibang at payapang nakakatulog gabi-gabi. Na parang wala lang sa kanya ang ginawa niya sa anak namin. Wala siyang puso. Wala siyang kaluluwa. PAIKA-IKA akong naglalakad dito sa silid ko sa mansion ng mga Montereal. Kahit pilitin ko ang sariling umidlip na para makabawi ng lakas ay hindi ako dalawin ng antok. Hindi na nga ako komportable sa bahay na 'to. Kahit napakalaki ng mansion nila ay pakiramdam ko'y napakasikip nito dahil nandidito si Kieanne. Paupo pa lang ako sa gilid ng kama ng bumukas ang pinto at iniluwal no'n si Kieanne na. . . lasing na lasing. Nilukob ako ng kakaibang takot at kaba na makita itong muli. Halos sumubsob na siya sa sahig sa pagewang-gewang niyang paglakad palapit pero 'di ko magawang salubungin ito para maalalayan. Nanginginig ang buong katawan kong makaharap itong muli lalo na't lasing pa! Hindi ako makakilos. Para akong napako sa gilid ng kamang nakaupo at matamang lang na nakatitig ditong palapit sa kinaroroonan ko. Pabagsak itong humiga ng kama sa kabilang gilid ko at kaagad nakatulog. Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko sa sobrang kaba ko at ngayo'y nakahinga ng maluwag na nakatulog din kaagad ito at humihilik pa. Ilang minuto din akong natuod sa kinauupuan bago nagawang makatayo at lumipat sa may sofa. Hindi ko siya kayang makatabi. Kahit makita o makausap ay 'di ko kaya. Mapait akong napangiti na niyakap ang unan ko. Hinayaan ang luhang malayang umaagos sa aking mga mata. Gustong-gusto ko siyang saktan, sigawan, sumbatan pero wala akong lakas. May bahagi sa puso ko na natatakot na kay Kieanne. Na konting pagkakamali ko lang ay parurusahan na naman niya ako ng walang kalaban-laban. KINABUKASAN ay 'di ko na nakagisnan si Kieanne sa kwarto ko. Kahit ramdam ko pa rin ang panghihina ko'y pinilit ko na ang sariling pumasok. Marami na rin kasi akong nakaliktaan sa mga subject ko. Malapit na rin ang final namin kaya kailangan ko ng pumasok. As usual, hinatid ako sa university ng driver ko at at hindi magkasabay na pumasok ni Kieanne. Pagkababa ko pa lang ng kotse ay naabutan ko si Kieanne sa parking na may kahalikan na namang ibang babae. Magkayakap na nakasandal paupo sa harapan ng sportscar nito. Parang kinurot ang puso ko at mapait napangiting nilisan ang lugar. Ni wala siyang pagsisisi sa ginawa sa akin. Kahit para manlang sana sa anak namin. Gusto ko na lamang makawala sa masalimuot na mundong pinasok ko. Ang mundo ni Kieanne. Maiintindihan naman siguro ni Mama Sam kung pakikiusapan ko siyang ipawalang bisa na ang kasal namin ni Kieanne. Gusto ko ng makawala sa kanya at mamuhay ng tahimik malayo sa kanilang lahat. Wala naman na ang anak namin kaya wala ng rason para sa pagsasama namin. Isa pa ay hindi namin kayang matutunan ni Kieanne na mahalin ang isa't-isa. Wala siyang pagtingin sa akin at gano'n din ako sa kanya. HABANG kumakain mag-isa dito sa may cafeteria ng university ay biglang nagtilian ang mga kasama ko. Hindi na lamang ako nag-angat ng mukha dahil nahihinulaan ko naman na kung sino ang tinitilian ng mga ito. Silang magkakaibigan lang naman ang nakakapag patili sa mga estudyante dito kapag nakikita sila o dumadaan sila. Nagpatuloy ako sa pagkain na walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid. Pero natigilan ako na maramdaman ang pamilyar niyang prehensya at pabango. Nanigas ako sa kinauupuan na inilapag nito ang dalang pagkain sa harapan ko at naupo. Hindi ako makakilos. Napapasinghap naman ang mga nasa paligid namin na nagbubulungan na rin. Kung bakit ang isang Kieanne Montereal ay nakisabay mananghalian sa isang katulad ko. Sanay ang mga ito na makitang puro high class na babae ang kalampungan ni Kieanne. Kaya marahil nagulat silang sa isang katulad kong ulila at mahirap tumabi ito ngayon. "Kumain ka pa. Nangangayayat ka na." Napasinghap ako na nagsalita ito at naglagay ng kanyang ulam sa tray ko. Ni hindi ko na nga malunok ang kinakain ko pero heto at pinondohan pa ako. Minsan bipolar talaga ang lalakeng ito. Maayos minsan. Pero madalas ay may sumpong. Kaya nakakatakot siyang kasalamuha. "Hindi ka ba kakain?" may kadiinang tanong nito. "Ka-kakain," utal kong sagot na sumubo na. "Tsk." Hindi ako makaangat ng mukha. Muli din naman itong kumain na ramdam ko ang matiim niyang pagtitig. Lalo tuloy akong hindi makakilos ng maayos. Nakayuko ako na nagpatuloy kumain kahit parang mabubulunan na ako sa hirap kong paglunok na kaharap ko ito. Magmula noong ma-hospital kasi ako ay ngayon lang ulit kami nagkaharap at nagkausap. Nakikita ko siya sa mansion at dito sa school pero hindi naman kami naghaharap. Para lang akong hangin sa paningin niya. Nararamdaman pero tila hindi nakikita. Matapos kong kumain ay tumayo na ako na walang imik itong iniwan. Mabuti na lang at hindi na ako nito sinundan pa. Hindi na kasi ako komportable kapag nasa paligid si Kieanne. Nandoon 'yong pakiramdam na natatakot na ako sa kanya. Mukhang nagkaroon na nga ako ng phobia sa asawa kong napaka walanghiya. Tumuloy ako sa susunod na klase ko. Kahit may isang oras pa ako ay mas gusto ko na lamang mapag-isa. Usap-udapan din kasi dito sa university namin ang paglalapit ni Lawrence sa akin. Kaya marami ang nagtataas kilay sa akin na tila kasalanan ko pa na nilalapitan ako ng isang Lawrence Castañeda. Ngayon naman ay si Kieanne ang lumalapit. Kaya hindi ko masisi ang mga ito na husgaan ako. Lalo na't mahirap lang ako at walang mga kaibigan dito. Walang connection na maaaring pagpatulungan ko. Kaya ini-easy lang nila ang mga katulad ko. BUONG klase namin ay tahimik lang ako sa upuan ko. Matamang nakikinig sa professor namin. Kahit dama ko ang mga matang nakatutok sa akin at dinig ang mga bulungan na pinapatamaan ako ay hindi na lamang ako umalma pa. Marami akong alalahanin sa buhay para dagdagan pa. Kailangan ko pang ipasa ang nalalapit naming final exam para maka-graduate na ako ngayong taon. Kapag nakapagtapos na ako at makakuha ng mas maayos na trabaho ay aalis na ako sa poder ni Kieanne. Sa ngayon ay kailangan ko na munang magsumikap at abutin ang pangarap ko. Ito na lamang ang natitirang alas ko para makabangon sa kinaroroonan ko ngayon. Wala na ang anak namin ni Kieanne. Hindi namin gustong makasama ang isa't-isa. Wala ng rason para magsama pa kaming dalawa. Pabor ang pagpapawalang bisa namin sa kasal namin sa aming dalawa. Siguro naman ay ibibigay niya iyon sa akin total siya na mismo ang nagsabing. . . hindi ang isang katulad ko ang nanaisin niyang maging asawa. LUMIPAS pa ang mga araw. Hindi na ulit lumapit si Kieanne sa akin. Kahit nagkakasalubong nga kami sa mansion ay hindi ako nito tinatapunan ng tingin. Kaya nasanay na rin ako at kusang umiiwas kapag nakikita ko ito. Nagpatuloy pa rin naman siya sa dating gawain niya. Na kung sino-sino ang kinakalantari. Nasanay na nga ako at hindi na nakakadama ng pagkailang sa tuwing nakikita siyang may ibang kahalikan. Naging abala din ako sa studies ko kaya hindi ko na namamalayan ang paglipas ng mga araw. "Baby? Hey, what happened to you? Ilang araw kang abala ah." Napaangat ako ng mukha sa humarang sa dinaraanan ko. "Lawrence." Napahikbi akong kaagad yumakap dito. Kaagad din naman ako nitong niyakap ng mas mahigpit at pinaghahalikan sa ulo na lalo kong ikinahagulhol sa dibdib nito. "Hush, baby. Nandito na ako." Pag-aalo nito. Napalabi akong tumingala dito at pinahid ang mga luha kong masagang umaagos sa pisngi ko. Napapikit akong yumakap sa baywang nito ng mariin itong humalik sa noo ko bago masuyong humalik sa mga labi kong ikinatili ng paligid namin. Kahit paano ay naiibsan nito ang bigat na nararamdaman ko sa maalumanay nitong paghalik sa akin at hindi ako kinakahiya sa lahat. 'Di tulad ni Kieanne. Naghahabol hininga kaming bumitaw sa isa't-isa na may ngiti sa mga labi. Marahan nitong hinaplos ang pisngi ko at mariing hinagkan ako sa noo. Napapikit ako na tuluyang gumaan ang bigat sa dibdib ko. INAKAY ako nito sa likurang bahagi ng school kung saan madalas nilang tambayang magkakaibigan. Nandidito naman ang dalawa sa kaibigan nito. Sina Claude Ivan Montereal Madrigal na pinsan ni Kieanne at si Spencer Buenaventura. Napayuko ako nang mapatingin ang mga ito sa akin dahil magkahawak-kamay kami ni Lawrence at nakakunotnoo pa ang mga ito. "Baby, chin-up. I want you to meet my friends." Napaangat ako ng mukha kahit nagkakarambulan na ang pagtibok ng puso ko. Pilit ang ngiti ko ng pag-angat ko ng mukha ay nakangiti na ang dalawa sa akin. Napalunok pa ako ng maglahad sila ng kamay ng sabay sa akin. "Ako muna. Hi, gorgeous, it's me. Claude Ivan Montereal Madrigal. Do you remembered me?" malabing pagpapakilala ng pinsan ni Kieanne. Pilit akong ngumiti na nahihiyang tinanggap ang kamay nitong napakainit at lambot! "Hi," alanganing bati ko at kaagad bumitaw sa kamay nito ng pisilin nito ang palad ko. "Nice to see you again, Ms Beautiful, remembered my name?" nangingiting tanong ni Spencer habang nakalahad pa rin ang kamay na agad kong tinanggap. "S-Spencer B-Buenaventura," utal kong sagot na ikinalapad lalo ng ngiti nito. Nagniningning ang mga mata nitong animo'y tuwang-tuwa na natatandaan ko ang pangalan nito. Ngayon ko lang sila nalapitan ng gan'to kalapit at nakausap ng harapan. Kahit naman kasi dumalo sila noon sa secret wedding namin ni Kieanne ay hindi kami nagkausap-usap noon. "That's enough. Kilala niyo naman na siya, but still. I want you two to meet my girlfriend. Janella Garcia," sabat ni Lawrence kaya sabay pang napa-ohhh ang dalawang kaharap namin. Inakay naman ako ni Lawrence na umupo sa bench na kaharap ng mga ito. "Ako, hindi mo ba ipapakilala sa akin. . . ang girlfriend mo?" Nanigas ako sa baritonong boses na nagsalita sa likuran namin. Nangatog bigla ang mga tuhod ko at nanghihinang napaupo. Umakbay naman sa akin si Lawrence at pinipisil-pisil ang punong-braso kong tila pinapakalma ako. Naupo naman si Kieanne sa harapan namin katabi ang dalawa na natahimik at mababakas na kabado rin tulad ko. Hindi ko masalubong ang mga mata nitong matiim na nakatutok sa akin. "You already know her. Ano pang saysay na ipakilala ko siya sa'yo, dude?" basag ni Lawrence sa mahaba at nakakailang naming katahimikang lima. "Tsk. Pinanindigan mo talaga eh, hanggang kailan naman kaya, dude?" may halong pang-uuyam nitong sagot. Napakuyom ako ng kamao at napatiim bagang sa sinaad nito. Malala na nga siya. Nagawa pang mang-uyam pagkatapos niyang kitilin ang buhay ng sarili naming anak. "Habang buhay, dude. Dahil kailan ma'y hindi ko siya. . . pagsasawaang mahalin at alagaan." Napatikhim ito sa matapang sagot ni Lawrence. Para niyang hinaplos ang puso ko sa pinaparamdam nitong seguridad ko sa piling niya. Maya pa'y pagak na natawa si Kieanne at naiiling na tumitig sa amin ni Lawrence na tila nang-uuyam. "Hindi mo naman sinabing. . . mahilig ka sa tira-tira, dude. Kung sabagay. . . pinagsawaan ko na ang pokpok na 'yan kaya sige, sa'yo na lang," pang-uuyam nito kaya napatayo si Lawrence na kaagad kwinelyohan ito! Napatayo kaming napasunod sa kanila ng hinila ni Lawrence si Kieanne palabas sa kinauupuan nito at sunod-sunod na sinuntok sa mukha! Kaagad din namang pinaghiwalay ni Claude at Spencer ang mga ito at parehong niyakap ng mahigpit. Pareho silang nagpupumiglas na handang magbasagan ng mukha! Nanginginig ang mga tuhod ko at nag-alpasan ang masaganang luha ko dala ng pag-aalala kay Lawrence at sa friendship nilang maaapektuhan dahil sa akin. "Hindi ka namin pinapakialaman, Kieanne. Pero sumusobra ka na!" singhal ni Lawrence dito. "Watch your words, Castañeda. Ikaw ang nangingialam sa ating dalawa!" bulyaw din ni Kieanne dito. "Hwag mo akong subukan, Montereal. Ikaw ang unang nang-agaw! Binabawi ko lang siya!" duro pa ni Lawrence dito na akmang magkakasuguran na naman. "Tama na! Ako na lang ang aalis!" bulyaw ko at kumaripas na ng takbo palayo sa kanila. "Baby, wait!" sigaw ni Lawrence na hindi ko na nilingon. Napahagulhol ako nang bigla ako nitong kinabig at niyakap ng mahigpit mula sa likuran ko. Nanghihina akong napaluhod at niyakap na rin ang mga braso nitong nakayapos sa akin. Hinayaan lang naman ako nitong umiyak habang yakap ako. "Nandito ako, baby. Tell me, what's happening?" Inalalayan na ako nitong makatayo at iginiya pabalik ng parking lot. Tahimik akong sumakay sa kotse nito at hinayaan sa kung saan niya ako planong dalhin. Napakabigat ng loob ko at gusto kong may mapaglabasan ng sama ng loob ko dahil sa Kieanne na 'yon. Tahimik akong umiyak at nakaharap sa bintana patagilid kay Lawrence. Tahimik din naman itong nagmamaneho pero kita ko sa salaming panaka-naka ako nitong sinusulyapan at makikita sa mga mata nito ang lungkot at awa para sa akin. MARIIN kong ipinikit ang mga namimigat kong mata. Mahapdi na rin ang mga ito sa kakaiyak ko at pati mga luha koy tila natuyot na. Hindi ko alam kung ilang oras kami sa byahe dahil nakaidlip na ako. Kahit paano ay nakapag pahinga ako ng kampante ang isip at puso dahil wala si Kieanne sa paligid kundi ang lalakeng mahal ko at. . . mahal ako. "Wake-up, my sleeping beauty princess." Napangiti ako sa malambing bulong ni Lawrence sa mukha ko. Ramdam ko ang kabigatan nitong nakadagan sa aking dibdib habang nakahiga na kami sa malambot na kama. "Hmm," ungol ko lang kaya napahagikhik pa ito. Napayakap ako sa batok nito kaya muli itong nag-angat ng mukha sa pagkakasubsob sa leeg ko. "Where are we?" paos ang boses at inaantok kong sagot. Medyo gumaan naman ang pagkakadagan nito sa akin kaya napasilip ang isang mata ko. Napalinga-linga ako sa paligid at napa-o ang bibig ng mabungaran kung gaano kaganda ang tanawin! "Come, our lunch is waiting, baby." Tumayo na ito at inalalayan akong makatayo. Nandito kami sa isang isla kaharap ang may kalakihang white house. May malaking puting kama dito sa harapan ng bakuran na nalililiman ng malaking puno at pinong-pino ang puting buhangin habang kaharap ang kulay asul at kalmadong dagat! Namamangha kong iginala pa ang paningin at napansing walang ibang tao dito. "Solo natin ang isla, baby. Sana lang hindi na tayo sundan ni Kieanne dito," napalingon ako sa sinaad nito. Bakas ang kaseryosohan sa mga mata nito at puno ng galit! Ngumiti akong yumakap sa tagiliran nito habang naglalakad palapit sa mesang katabi lang din ng kama. Puno ng pagkain ang mesa at may mga prutas, desert at inumin din. "Thank you." Nakangiting pasasalamat ko dito nang alalayan akong maupo sa silya. Siya na rin ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Ngumiti naman ito at humalik pa sa ulo ko bago naupo sa kaharap kong silya. 'Di ko mapigilang mamangha habang nililibot ang paningin sa kabuoan ng isla. Napakatahimik dito at maaliwalas din ang paligid! Kahit sino ay mare-relax sa gan'to kagandang tanawin lalo na't solo niyo ang isla! "Mabuti naman nagustuhan mo dito, baby." Napalingon ako kay Lawrence at 'di namalayang nakangiti na pala akong nililibot ang kagandahan ng lugar. Napahinga ako ng malalim na muling iginala ang paningin. Ngayon lang kasi ako nakapunta sa gan'to kagandang isla. Para kang totoong nasa paraiso sa ganda ng lugar. Idagdag pang pribado dito kaya walang katao-tao. Damang-dama mo ang kapanatagan sa isip at puso mo habang nandidito ka. Nakakalimutan mo ang mga alalahanin mo sa buhay at nare-relax ka. "Halata ba?" nahihiyang tanong ko na ikinangiti at tango-tango nito. "I can see it in your eyes, baby," saad pa nito. Naglahad ito ng kamay na nagpapa anyayang kumain na kami. Napapapikit akong ninanamnam ang sarap ng pagkain ko lalo na ang dalang ginhawa ng lugar na kinaroroonan ko idagdag pang si Lawrence ang kasama ko. Para akong nananaginip na ako si Cinderella at natagpuan na ako ng prince charming ko na ngayo'y kasama na ako dito sa kaharian nito! Kung p'wede lang manatili na lang kaming dalawa dito, bakit hindi? Malayo kami sa lahat. Sa mga fans niya. Higit sa lahat. . . malayo ako kay Kieanne. Napalis ang matamis kong ngiti ng sumagi si Kieanne sa isip ko. "What's wrong, baby?" malungkot nitong tanong kaya napatingin na ako dito kasabay ng pagtulo ng luha ko. Kaagad din naman itong tumayo at umupo sa katabing silya ko at pinihit paharap dito. Pinahid din nito ang mga luha ko bago mariing humalik sa noo ko. "Lawrence, wala na siya," humihikbing pagtatapat ko. Napahawak na rin ako sa palapulsuhan nito dahil ikinulong nito ang mukha ko sa dalawang malalaking kamay nito. Napakunotnoo itong tila naguguluhan sa sinaad ko. "Who, baby?" kabadong tanong nito kaya napahagulhol na ako. "A-Ang a-anak ko." Natigilan ito at tumulo din ang luha. Kita ang kabiglaan sa mga mata nito. "Oh God!" bulalas nito at agad akong niyakap at pinaghahalikan ako sa ulo. Kumapit ako sa braso nito at hinayaang mailabas lahat ng bigat sa dibdib ko. Hanggang ngayo'y hindi ko pa rin matanggap-tanggap ang nangyari. Ang sinapit ng anak ko. Para akong nakakulong sa bangungot sa tuwing maalala kung paano ito nawala sa akin. Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili sa pagkawala nito. Kung hindi sana ako mahina. Kung may lakas lang sana akong kalabanin ang katulad ni Kieanne ay naprotektahan ko ito. Pero wala. Isa lang akong mahinang nilalang na tinatapakan lang ng mga taong makapangyarihang katulad ni Kieanne Montereal. "Hush now, baby. I'm here. Your boyfriend, you can count on me, baby. You are not alone," pag-aalo nitong ikinatango-tango ko. Napangiti na rin ako.kahit patuloy pa rin sa pagragasa ang mga luha ko. "Pinuwersa niya ulit ako. Parusa ko daw sa paglapit sa'yo. Nagmakaawa ako pero nagawa niya pa rin akong bugbugin. Pinuruhan talaga ang sinapupunan ko dahil ayaw ko din naman daw dalhin ang anak niya. . . ka-kaya ginawan niya lang ako ng pabor," pagtatapat ko na ikinatagis ng panga nito. Namumula din ang mga mata nitong punong-puno ng galit. "Help me, please? Gusto ko ng makawala sa kanya. Hindi ko na siya kayang makita lalo na ang makasama siya sa iisang bubong," pagsusumamo kong ikinatulo ng mga luha nito at napatangu-tango. "I will, baby. You don't have to asked. I'll help you skip." Napayakap ako dito at sinubsob ang mukha sa balikat nito. Hinayaan lang naman ako nito na hinahagod-hagod ang likod ko. Naibsan kahit paano ang bigat ng loob ko sa prehens'ya nito. At sa kaalamang may makakatulong na sa aking makawala. . . kay Kieanne. Ilang minuto kaming nanatiling magkayakap habang inaalo ako nito. Mabuti na lang at laging on time si Lawrence para saklolohan at damayan ako dahil sa kagagawan ng demonyong Kieanne Montereal na 'yon. TAHIMIK akong umiyak na inilabas lahat ng bigat sa dibdib ko. Kahit linggo na ang nakakalipas ay masakit pa rin sa loob ko na nawala ang anak namin ni Kieanne. Oo nga't hindi ko mahal ang ama niya. Pero ang anak ko ay mahal na mahal ko. Walang gabi ang nagdaan na hindi ako umiiyak na naaalala ito. Kung paano siya. . . nawala sa akin dahil sa ama nito. Minsan ay tinatanong ko rin ang Diyos. Kung bakit hinahayaan niya akong magdusa ng gan'to? Napunta ako sa lalaking walang puso. Nawala ang ina ko dahil sa lalakeng iyon na ngayo'y asawa ko na. Ngayon naman ay ang anak ko ang nawala dahil din kay Kieanne. Wala ng natira sa akin. Kinuha lahat ni Kieanne ang mga mahahalagang tao sa buhay ko. Ngayon ay mag-isa na lamang ako. Hirap na hirap umusad sa putik na kinaroroonan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD