When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
"Yolly," bati ko sa pinsan ko na tumawag sa akin ilang oras pagkatapos kong makausap si Tita Gracey. "Girl, may chika na naman ako sa 'yo." Excited na ani nito sa akin. "Talaga?" walang kagana-ganang tanong ko. Pagod ako sa pag-iyak, eh. "Sinubukan akong kausapin ni Tiya Carmelita kanina." "Oh, talaga?" "Oo. Kaya ang ginawa ko ay tumakbo ako kay mama." Natawa ako dahil sa malakas na pagtawa nito. "Bakit ka tumakbo?" "Baka sampalin ako, eh. Masakit iyon. Ayaw ko iyon." Halos mautot ako katatawa. Iba rin talaga magbiro ang babae. "Anong sabi ng mama mo?" "Sabi n'ya kay Tiya... kausapin mo na lang ang anak ko kapag ready na siya. Girl, kahit tumanda na ako. Hindi ako magiging ready. Tiyak kong masasampal ako ni Tiya Carmelita sa ginawa kong kalokohan sa dinner na iyon. Tapos si Evang