15

1931 Words

"Wow, ma'am!" panggugulat ni Beth sa akin. "Bakit?" tanong ko rito. 5th day ko. Maaga akong nagising na magaan ang pakiramdam. Kaya naman maganda rin ang mood ko ngayon. "Hindi po kayo lasing at fresh na fresh po kayo." Malakas akong natawa sa hirit nito. Totoo naman. Sa ilang araw ko rito ay parang nasasanay na ang mga ito na lagi akong lasing at may hangover. "Mamaya pa lang ako malalasing." Biro ko. "Si ma'am naman!" ani nito. Tinapik ko lang ang balikat nito habang tumatawa. Saka ako dumeretso sa restaurant. Nandoon si Theo. Nagkakape. Agad akong lumapit dito at umupo sa bakanteng upuan. "Good morning, Theo." Ang suot nitong t-shirt ay lumang t-shirt ng kandidato. Halos mabura na iyong mukha. Pero iyong 'vote' ay nababasa ko pa. Iyong itsura nito ngayon ay medyo marungis na hot.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD