Episode 3

1064 Words
  Chapter 3   Tour   Althea Fabros     Nakapasok na kami sa hotel and resort ng mga Lee. Binati pa kami ni Manong Gaston na siyang guard na namumuno at nakaposte ngayon sa harapan ng magarang gate ng resort.   Pangatlong beses o pang-apat pa lang ata akong nakapasok rito e. Kaya ganoon na lamang ako na parang ignoranteng nakatingin sa paligid. Kita naman siguro sa mukha ko at bibig na hindi ko pa maisara.   "Anak, tara na at ng masabihan ka na ng HR manager kung saan at anong job description mo. Kami ng itay mo ay tutungo na sa aming pwesto. Sa kwarto na iyon ay hanapin mo si Ma'am Aileen. Kaya mo na ba?" tanong sa akin ni Inay matapos akong bigyan ng instructions.   "Opo, inay. Kaya ko na po, huwag na po kayong mag-alala," sabi ko naman. Nagpaalam na sila at saka na nagtungo sa trabaho nila. Si Itay ang isa sa mga driver dito habang si Inay ay kasama sa mga nagra-round sa mga kwarto at naglilinis kapag wala ng naka-check in.   Kumatok muna ako sa opisina, kita naman ang nasa loob kasi clear glass yung dingding kung tutuusin. Nakita ko naman ‘yung mga manager na nasa loob at saka na ako pinapasok.     "Si Ma'am. Aileen po? Ako po ‘yung bago pong pasok na trabahador po ng hotel," saad ko. Nilapitan naman ako ng isang magandang babae na siguro ay nasa twenty-five na taong gulang.   Nakalugay ang mahaba at itim na buhok, mukha pa nga itong kumikinang sa kintab at parang pina-rebond. Naka-lipstick din siya, at saka matangkad.   "Hi, ako si Ms. Aileen, and yes na-inform ako sa pagdating mo. Halika rito sa aking cubicle." Para kasing may mga division ‘yung mga table na parang sa mga tipikal na opisina.   Pinaupo ako sa isang bakante na lamesa ni Ms. Aileen, grabe ang lamig dito at talagang air-conditioned ‘yung buong silid. Laking ceiling fan lang kasi ako, medyo hindi ako sanay sa mga ganitong uri ng kasosyalan.   "Medyo puno na kasi ‘yung ibang mga trabaho. We needed more of those who can tour our visitors. Lalo na ‘yung magagaling sa pag-e-English at kayang mag-handle ng mga foreigner... Kaya mo ba iyon? Can you handle the tasks of a tour guide?" tanong ni Ma'am, medyo na-pressure ako nang kaunti sa part na iyon.   Nakapag-aral at tapos naman ako ng senior high kung tutuusin, nasa top rin ako at hindi pahuhuli sa academics, ano? Pressure lang kasi hindi naman ako sobrang friendly, mas keri sana ito ni Jek. Ang kaso ito ‘yung inu-offer sa akin. Kaya napasubo na lang ako nang tuluyan.   "Kakayanin po, Ma'am... Kaya ko naman pong mag-handle ng mga magiging bisita po natin," sabi ko habang pilit na pinapakain ng kompyansa ang aking sarili.   "Sige, here is the guide. Please paki-memorize ang mga nakalagay sa brochures na ito and even this guide book. Pasensya na at wala ka munang formal training ngayon at napaka-impromptu nito, ha? Nalaman ko rin naman kasi na nakapag-aral ka, and your grades look outstanding too kaya confident akong ibigay sa iyo ang mga task na ito," sabi niya.     I am also informed na may makakasama naman pala ako na aalalay sa first week ko bilang bagong tour guide ng Lee hotel and resort.   Binigyan ako ng HR manager ng 2 oras bago ako isalang sa trabaho. Medyo kinakabahan ako. Ay, hindi pala medyo, talagang kinakabahan ako ng triple. Para akong lumaklak ng pang-isang buwan na rasyon ng kape. Shocks, ang alam ko lang ay tamang walis-walis lang dapat ako e, may mga planong nakaw-tingin kay Zen. Pero hindi ko naisiip na mapapasabak ako sa English-an ngayong araw na ito.   Nang oras na para mag-tour sa mga bisita ay roon ko nakilala ang makakasama ko. Ang pangalan niya ay Elai. Kalog siya at kung kasama namin ngayon si Jek ay baka makabuo kami ng higanteng speaker.   Hindi na ako magtataka kung bakit gamay na gamay na niya ang pagtu-tour guide. She is good at speaking, napakamaboka niyang magsalita. Madaldal pero may sense, napaka-friendly. Kung pwede ko lang ibigay ang sash ng Miss Congeniality ay siya na talaga!   "Kinakabahan ako, Elai, feeling ko mababato ako ng kamatis kapag nagkamali ako mamaya," ani ko na palagay sa kanya. Nahihilo na ako sa pressure.   "Ano ka ba? Normal lang kabahan kasi unang beses mo ito e. Pero masasanay ka rin. Mahahasa ka rin sa ganitong trabaho. Titibay ka na lang sa mga foreigner na iyan. Marami naman sa kanila ay mabait, yung iba pagpasensyahan mo na lang. Kapag nainis ka, ipagpasa-Diyos mo na lang. Kapag pumalag ibangga mo sa niyog nang magkalasog-lasog," sabi niya dahilan upang mapahagalpak ako.   " Huy, huwag naman gano’n, Elai! HAHAHA." Hindi maiwasan na matawa ako.   "At saka malay mo at makakita ka ng foreigner na aahon sa iyo mula sa kahirap at dulo ng mundo! E ‘di go for imported sausage ka na?! Isa na namang Pilipina ang umahon sa kahirapan." Gaga talaga itong babae na ito, sa sobrang galing niya sa kalokohan ay napapawala niya ang aking kaba.     "Haynako, Elai, isang lalaki lang ang pinangarap ko. Speaking of foreigner ha? Kay Sir Zen lang ako dadapa," sabi ko dahilan para maghagikgikan kami na parang baliw.   "Nadimunyu ka naman pala, Althea! Ang taas ng lipad mo sister at si Sir Zen pa? Tipo no'n ‘yung mga naliligo sa gatas at papaya." Aray namam, masyadong brutal ‘yung pagiging honest ng babae na ito. Eh, siyempre mangangarap ka na lang ay tataasan ko na rin.   "Ay, basta! Zen ang standard ko sis at wala nang iba pa. Iaalay ko ang puso ko para sa kanya," mayabang na sabi ko.   "O siya, ilusyon pa more. Tara na nga at baka hinihintay na tayo ng mga imported nating mga kaibigan," sabi ni Elai na ang mga tinutukoy ay mga foreigner marahil.   Pumunta naman kami sa tabi ng dagat para hintayin ang mga turista. Sasakay kami sa mga nakahandang malalaking bangka na good for 20 people. Ang kagandahan lang nito ay gala akong tao.   Kaya naman halos alam ko na ‘yung mga magagandang isla rito, mga magagandang tourist spots at mga uniqueness ng mga isla.   Habang naghihintay kami ng mga turista na naka-assign sa amin ay nakita ko ang mga iilang bulto ng mga Korean people. Ang kinesa nila, in fairness, sana ako rin. May pagka-inferiority complex pa naman ako kasi hindi naman ako kaputian. Maganda lang, char.   Hindi ko naman alam na itong mga Koreano na ito ang itu-tour namin. Kasama si Zen na huling dumating. Napatulala ako ng slight. Hindi ako makapaniwala! Tila umaayon sa akin ang kapalaran, ate ghorl!      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD