Episode 4
Kilig
Athila Fabros
Hindi ako makakibo, para akong na-estatwa sa mismong kinatatayuan ko. Para akong natuklaw mga ladies and gentlemen.
Ang lalaking lagi kong pinapanood sa Youtube, f*******:. Ang lalaking laman ng bawat pader ng aking silid. Ang lalaki na laman ng aking panaginip. He is just few inch away. Abot kamay ko na siya.
Pero hindi bilang asawa na pinapangarap ko. Kung hindi isang tour guide. Na iniisip ko na mag hapon lang naman akong dapat na maglinis. Dahil hindi naman bilang tour guide ang kinuha kong trabaho. Ngunit kung pagpapalain ka nga naman ng tadhana.
Magkikita pa kami sa isang hindi inaasahan na pagkakataon. Naka ayon ata talaga sa akin ang mundo.
"Uy teh, tara na at hinihintay na tayo ng Yate! Para kang natuklaw ng Pulis diyan!" eksahiradang paghila sa akin ni Elai mula sa reyalidad. Kamuntikan pa ata akong mag-day dream dito sa mismong kinatatayuan ko.
Taka na tiningnan ko ang Elai na ito. Ang galing mag metaphor! "Bakit naman Pulis?" tanong ko sa kanya na kunot ang noo, though obvious naman ang sagot. Gusto ko lang makisakay sa pick up line niya.
"Eh hindi ba kapag pulis, matulis? Tara na nga. Natulala ka na lang diyan. Kamuntikan na tayong iwan ng kapitan! Halika na! Mahirap mainip ang mga hilaw," ani Elai na tinutuloy ang mga foreigner na nakasakay na sa malaki-laking yate.
Habang paakyat kami ay kanya-kanyang mundo ang mga turista. May hawak ng mamahalin nilang mga camera tulad ng DSLR, tinitignan ang natural na kagandahan ng Isla.
May mga mag-jowa na foreigner na naglalampungan. Angat na angat naman ang kaharutan nila. Ang sakit nila sa mata. Kung pwede ko lang silang batuhin ng coconut! Hehe, ang bad mo naman Athila.
"Gwapo ba?" tanong ni Elai sa akin na nahuli akong nakatingin sa anak ng aming boss.
Hiya naman ako na nag-deny. Kahit alam ko na nagliliyab na sa init ang aking mga pisngi. I tried my best, talaga deny kung deny.
"Tumigil ka nga Elai. Issue ka kaibigan. Tara na nga at balik na tayo sa trabaho," matigas na banggit ko. I should be firm with my lie. Hirap ng mabuko at baka ako ang ibuko ng babae na ito.
Pero ang bruha ay hindi pa rin mabura bura ang ngisi sa labi nito. Tila hindi pa siguro siya kumbinsido sa sinabi ko. Well, I am not acting with conviction too. Ang hirap kasi magpigil ng nararamdaman.
Yung puso ko, para siyang dam na kung hindi babawasan ay sasabog marahil. Zen, ganito yung epekto mo sa akin. Panagutan mo ako!
Bago pa nga ako lamunin na naman ng ulirat ay saka na kami nagpasya na simulan na ilibang ang mga turista. We started going to the famous turtle island. Tuwang-tuwa naman sila sapagkat panahon ngayon ng hatching season ng mga pagong.
Maalaga kami sa kalikasan. Kaya naman protektado ang mga inhabitants na hayop sa mga Isla kahit pa sabihin na napakaraming turista ang bumabalik balik at pumunta sa aming lugar. As much as possible, we put limitations to them.
Siyempre, dahil nga sa baguhan pa lamang ako madalas si Elai ang nagsasalita. Pero kapag nakikita kk naman na hirap na si Elai, at hindi maiwasan na maubusan ng baon na English. To the rescue naman ako.
Sa pang-apat na isla ay huminto muna kami. Kasama namin si kuya George na naghahanda ng tanghalian ng mga turista. They requested a buddle fight. Kaya naman heto kami at hinahanda na ang mahabang pinagdikit dikit na lamesa.
Kumuha si Elai ng mga dahon ng saging at saka hinugasan sa hindi kalayuan na lawa. Ako naman ang naghanda ng mga kakainin. Tulad na lamang ng paghilera ng kanin, hipon, alimango, itlog na maalat, chicharon, nilagang talong, inihaw na isda, at marami pang iba.
"Let us eat guys! We hope, you enjoy our prepared meal," ani Elai at masaya at mukhang eksayted naman ang mga turista.
Nakakatuwa na nagkakamay talaga sila. Mukhang enjoy naman aila sa pagkain. Sinabi nila na makisalo na rin kami. Kadalasan ay tumatanggi kami, kasi bawal pala talaga. Ang kaso nga lang ay mapilit ang mga banyaga. Hindi na kami nakahindi. At saka isa pa, gutom na rin kami.
Hindi rin naman kasi biro yung trabaho na nakatayo, tapos daldal nang daldal. Kaya naman pumunta na ako sa dulo at saka na kumain. Ang sarap talaga ng hipon at alimango. Mabuti at wala akong allergy sa mga 'to.
Kapag gutom nga kao ay kadalasan wala na akong pakialam sa paligid ko. Hindi ko na lang namalayan na katabi ko na pala ang lalaking pinapangarap ko. Oo mga lodi. Katabi ko si Zen.
Para akong tumitili sa isipan ko, habang naninigas sa aking kinatatayuan. Hindi ko manguya nguya ang pagkain ko. Sapagka't nasa tabi ko lang naman ang crush kong K-Pop idol.
Parang hihiwalay sa katawang lupa ko ang puso ko.
Lord, bakit naman ganito? Ang order ko mineral, ang binigay niyo sa akin, champagne. Salamat Master.
"Can I take that?" tanong niya sa akin. Jusko! Totoo ba ito? Kinakausap niya ako? Kung panaginip lang ito, huwag niyo na akong gisingin ha? Wala na sanang 'its a prank'.
Mabuti na lang at hindi ako ganoon katagal na natulala. Ibinigay ko na sa kanya ang mga hinimay kong hipon. Okay lang kahit hipang himay ko pa siya ng magdamagan. Kapag ibinalita ko kay bakla ito. Tiyak na babaliktad ang mundo!
"Kamsahamnida," ani niya sa mababang tono. Ang sarap maski sa boses pa lang. Eargasm kung eargasm talaga.
Sa mga oras na ito. Pakiramdam ko ako ang pinaka-maswerte na babae sa balat ng mundo. Imagine, katabi ko lang naman ang nag-iisang Zen! Ang Zen na pinapangarap ng napakaraming kababaihan. Maraming makikipagbasag bungo makipagpalitan lang sa pwesto ko.
Natapos ang kainan namin na busog ang tiyan at puso ko. Kung ganito lang sana ang trabaho ko. Kahit wala na sigurong sweldo. Charot, bawal pala.
Nag-iipon kasi ako ng pilit para sa pang-matrikula ko sana sa susunod na pagkakataon. Hindi man ngayon dahil kapos pa at hirap, hindi kakayanin na mag-kolehiyo ako sa Maynila. Masyadong magastos. Need ko talaga na makapag-ipon muna.
Nag-aayos na kami pabalik ng isla. Gusto na kasi ng mga turista na bumalik na sa main resort na upang mag-swimming na sa pool. Hirap na rin naman kasi na nakabilad sa dagat. Masyadong mahapdi ang sinag ni haring araw ngayon. Kaya nga feel ko nanlalagkit na ako.
"Oh ano? Busog ka na ba mare? Okay na ba? Satisfied? Kaloka! Bukod palang pinalad ka sa lahat Athila. Nakatabi mo ang lalaking sinasamba ng mga babae sa iba't ibang sulok ng mundo. Usto mo yorn?" ani Elai. Ano pa bang sense kung sakali man na magsinungaling or mag-deny pa ako?
Kaya oo. Napaamin na ako. Hirap naman kasing magpigil. Hindi ganoon kahigpit ang grasp ko sa aking emosyon.
"Oo nga Elai. Blessing in this guise talaga na maging tour guide ako. Imagine, nakausap, nakatabi ko yung lalaking akala ko hanggang pantasya ko lang makikilala. Elai, hindi naman ako nananaginip hindi ba?" tanong ko. Baka kasi kung panaginip ito at magising ako, baka magwala ako ng bonggang bonga
" Ang gara ng utak mong bruha ka. Hindi ito panaginip ano. Real na real dandandan! Usto mo bang ihulog kita sa yate ng malaman mong hindi ka nananaginip?" ani niya sa akin na may pagtataray. Walanghiya rin itong babae na ito e!
"Pass sa laglag yate. Magiging asawa pa ako ni Zen," kunwari ay buong confidence na sabi ko sa kanya.
"Naks, napaka-ilusyunada mo naman ate ghorl," pabirong banat naman ni Elai sa akin at nagtawanan naman kami. Lakas naman talaga ng fighting spirit ko ngayon.
Umaandar na naman pagiging assumera ko. Dapat talaga accountancy ang kinukuha ko sa college. Kasi sabi nga ni Obligation and Contract.
Never assume unless otherwise stated.
Pero hindi naman masama na mangarap hindi ba? Masarap din naman na mag-ilusyon minsan. Nakaka-inspire din kasi. Alam ko naman ang limit ng pagiging ilusyunada ko.
Hindi ko abot ang buwan at maging bituin para maging kami. Ang daming gap na hindi ko kayang mapunan.
Gasgas man, ay si Zen? Langit siya at ako naman ay lupa lamang. Hindi niya nga ako kilala e, maging parte pa kaya ng buhay niya? Swabe na lang at sobrang thankful na lang talaga ako, that at least... Kahit isang beses lang sa buhay ko ay heto, nakatabi ko sa iisang lugar ang lalaking pangarap ko.
Nakarating na nga kami sa daungan. Nag-tour kami saglit bago na bumalik sa mismong resort. Pabalik na sa loob si Zen kasama ang personal alalay niya at manager.
Sana ako na lang. Ano kayang pakiramdam na, ayon nga. Maging malapit kay Zen? Yung pagiging personal assistant. Kung pwede lang sana akong mag-apply. Ang kaso lang ay mukha lang akong talampakan nang Personal assistant ni Zen.
Wala akong laban doon. Kutis nyebe e. Ako kutis alagang vitamin D lang. Hindi naman ako literal na maitim. Morena girl lang kung baga.
NAKAKALUNGKOT isipin na makita ang papaalis na bulto ni Zen. Sana naman talaga ay mas maging frequent pa ang pagkikita namin ni Zen. Kahit ba isang sulyap lang.
Dahil nga sa maaga na natapos ang tour ay maaga rin ang off ko, pero mayroon pa kaming ganap mamayang gabi, bale over time namin iyon, sabi ni Ma'am Aileen.
So may possibility pa na makita ko si Zen?
Yung ganoong isip lang ay kinikilig na ako. Ang peaceful ng mukha niya kanina sa dagat. Para siyang anghel sa lupa sa sobrang gwapo. Dapat yung mga ganoong mukha yung nilalagyan ng god-tier level. Mga mukhang illegal dapat.
Hays Zen, baliw na baliw na ako sa iyo. Paano pa ba ako makakaahon sa iyo? Ang hirap naman nito!
Habang nag-aayos ako ng mga gamit dito sa bahay ay nag-text si kuya Apollo, oo... May nakatatandang kapatid ako at may isang bunso na babae. Nasa Baguio kasi sila ngayon dahil sinama niya si Nikee sa raket niya roon. Bukas na pala ang uwi nila.
"BAKLA! Busy na busy a?" ani Jek ng nakasalubong ko sa labas ng bahay. Otomatiko naman akong napangiti at eksayted na sinabi ang chika ko!
"Mare, nilagay ako sa trabaho ng pagtu-tour sa mga turista. Mare kasama ko kanina si Zen! Nakasama ko pa siyang kumain mare! AHHHH!" nagti-til kami rito sa bahay.
"HALA LEGIT?!" aniya na kinikilig din.
"OO GAGA! IN FLESH! EHHH," tili ko pa.
Ang saya na sana ng usapan namin ng sumabat yung isang epal diyan. Ano na naman bang masamang hangin ang nagdala rito kay Hacob? Kung mamalasin ka nga naman lourdes.
"Ang iingay niyo. Kinurot ba kayo sa singit?" nang-aasar na tanong ng panget na 'to sa amin. Makahanap lang talaga ako ng bao, at ibabato ko sa damuho na ito.
"Hoy bakulaw! Huwag kang basag-trip diyan ha! 'Di ka nakakatuwa, huwag ka ngang epal! Alis!" ani ko sa kanya na imbyerna. Sinisira niya ang gabi ko! Sinasamahan lang naman ako ni jek papunta ng resort.
"Bakit? May-ari ba kayo ng Isla?" ngisi niya. "At saka huwag niyo ng pagpantasyahan yung hilaw na iyon. Nandito naman ako! Higit na mas matikas, mas gwapo, at mas dakila!"
Ang kayabangan! Narinig niyo yorn?
"Ang hangin mo, leche ka! Tara na nga Jek. Baka tangayin tayo diyan," saad ko habang nanlilisik pa rin ang mata, sa tawa nang tawa na si Hacob. Mabilaukan ka sana!
Yung lalaki na iyon. Hindi maaaring hindi niya masira ang araw ko. Bakit kaya hindi niya na lang hanapin yung mga fling niya, kaysa itong naninira siya ng trip sa buhay ko.
Iniwan na namin siya ni Jek. Kung papatulan ko pa iyon ay hindi matatapos ang away namin.
Nagsalita naman si Jek. "Hinay hinay sa pakikipag-away kay Hacob, Athila. Baka kayo ang magkatuluyan," ani ni Jek na parang nanunukso. Ay, jusko huwag naman!
Inirapan ko itong kaibigan ko. ''Masama kang magbiro ngayon Jek a! At saka kung siya na lang din naman ang nakatadhana sa akin. Mage-empake na ako pa-kumbento!"
"Girl ang dugo mo. Nagbibiro lang naman ako e, osiya at narito na tayo sa resort. Best of luck diyan sa kahibangan mo Miss. Fan Girl. Magtrabaho ka ng maayos ha? Huwag puro si Zen ang inaatupag mo! Harot mo," saad ni Jek at saka na umalis. Uuwi pa siya sa bahay para magluto ng kakainin nila.
Okay, here we go! Papasok na ako rito sa resort. Magtatatrabaho na ako. At siyempre susubukan na magnakaw ng sulyap sa lalaking pinapangarap ko. Aba ginoo! Kinikilig ako.