Chapter 2
Sulyap
Athila Fabros
Tila natuod ako sa kinatatayuan ko sa buong oras na nakita ko nga na alive and kicking ang idolo ko. Ito ‘yung first time na makita ko siya nang malapitan at hindi lang sa mga fan camera, mga videos or music videos.
Nakasuot ito ng puting shirt at itim na jogging pants. Marahang hinahaplos ng hangin ang kanyang buhok. Napakapayapa ng mukha nito, para siyang liwanag na nakakasilaw at nakakakit sa paningin ko. Legit na legit ‘yung kabog ng dibdib ko sa mga oras na iyon.
Lahat ata ng dugo ko ay umakyat sa aking mukha. Walang tao ngayon sa labas, marahil ay siesta time na. Habang ang lalaki na ito, ang Zen ng buhay ko ay nakatingin sa dagat. Feeling ko nga ngayon, ako si Marimar na low budget. Gusto kong tumahol papunta sa binata. Ang kaso ay nilapitan na siya ng PA niya na lalaki at umalis na sila na hindi ko man nalapitan si Zen.
Siyempre laking panghihinayang ko, bhie. Wala pa naman ang cell phone ko at na low battery sa kaka-sound trip ko kanina sa paglalaba. Pero hindi bale, may bukas pa naman! Habang may buhay, may pag-asa. Go lang nang go sabi nga nila.
Natapos ang sampayan na para akong baliw na ngingiti-ngiti at nakangisi. Masyado akong masaya. At bago pa nga kumagat ang dilim ay nalinisi ko na ang bahay at nakapaghanda na para sa hapunan.
Ganito talaga kapag in love ka masyado, kung pwede nga lang ay linisin ko pa ang bahay ng kapitbahay namin sa sobrang inspired ko, mga ateng. Iba ‘yung pagka-blooming ko ngayon, abot hanggang Japan.
"Baka mapunit naman ang labi mo sa kakangiti, anak? Masyado ka namang masaya," komento ni Inay habang nasa hapag na kami at pinagsasaluhan ang pritong daing at nilagang okra at talong na tanim namin.
"Nay, nakita ko si Zen kanina! Ang guwapo talaga niya! Parang lumutang ako sa parola nang nakita ko siya ‘nay...'' Hindi naman ako masikreto na tao kaya kahit sa magulang ko ay alam nila na ang luho ko lang ay ang pagiging fan ni Zen at ng group niya sa Korea.
"Kaya naman pala, nakakita ng gwapo ang dalaga ko," sabi naman ni Itay.
"Si sir Zen pa ba? Naku mas lalo nang hindi titigil sa kakangiti iyang unica hija natin kapag nagtrabaho na bukas..." Hays, sobrang excited na ako na makita bukas ang idol ko.
Siya ang laman ng bawat pahina ng mga slam book ko noon, siya rin ang wallpaper ng cell phone ko, nauubos ang pera ko sa kaka-stream ng mga music video niya.
Kahit masulyapan ko lang siya araw-araw my precious, buo na nag bakasyon ko. Buong bakasyon akong mag-iilusyon. Ganito talaga kapag avid fan girl ano, huwag niyo na akong taasan ng kilay diyan! Haha.
Ako na ang naghugas ng aming pinagkainan. Matapos ay nagwalis pa ako sa sala. Mas naunang nakatulog sina Inay at Itay. Kasi pagod nga naman sila sa kanilang mga trabaho. Ako naman ay tila nagkaroon ng instant insomia. Hindi ako makatulog kaya nagtimpla ako ng mainit na tsokolate. Lumabas ako at pumunta sa tabi ng aming bakuran. May mataas na niyog at sa tabi nito ay ang upuang kahoy na tambayan ko. Maliwanag ang sinag ng buwan, ang sarap nitong titigan.
Maririnig ang mga mahihinang hampas ng alon sa hindi kalayuan. Marahan ding humahaplos ang hangin sa akin. I am so happy right now. At hindi ko na rin kayang isipin ang excitement ko para bukas.
Nagpaantok lang ako nang kaunti, inubos ko ang inumin na tsokolate habang nakatingin sa picture ni Zen na naka-save sa aking cell phone, saka ko ginawang wallpaper.
"Hays Ze, kahit sa pangarap na lang." Totoo, siyempre ako. Sa estado pa lang ng buhay namin ay wala na akong say.
Tipikal na langit at lupa ang pagitan. Bago ako ay may mahabang pila pa na mga babaeng may gustong makasungkit kay Zen. Mga babaeng may mataas na estado sa buhay. Hamak na fan girl lang ako na taga-isla. Wala akong laban sa mga gluta nila e, biyas lang ang panlaban ko. Chos.
Pero hindi naman iyon magiging hadlang para mangarap ako. Siya ring ilusyunadang palaka na ako rito ay itutuloy-tuloy ko na nga.
Nang matapos ang aking mahabang muni-muni ay pumunta na ako sa kusina. Hinugasan ko na ang tasa at kutsara na ginamit ko. Bumalik na ako sa aking silid. Nahiga na ako at saka muling tumingin sa gwapong larawan niya na nasa tabi ko. Naka-picture frame pa nga ito sa katunayan.
"Good night, future husband," at saka na ako nilamon ng antok.
Kinabukasan ay excited akong nagising. Kinuha ko agad ang uniporme ko para sa aking unang araw na trabaho. Nilabhan ko kasi ‘yung uniform ko kahapon at ngayon ay kinukuha ko na sa sampayan.
Plinantsa ko pa ito gamit ang hiniram kong plantsa sa kapitbahay namin na si Aleng Nena. May bayad pa nga na bente, pero kiber! Ang mahalaga ay presentable ako sa soon to be hopelessly na jowa ko.
Tapos na rin kaming mag-almusal sa niluto kong pritong itlog at sinangag. Sabay-sabay na kami nina Inay at Itay na nagtungo sa resort. Bagay na bagay nga ang suot kong uniporme sa akin e, ang bongga! Mukha kaya akong flight attendant dito sa suot ko. Classic at napakasikat kasi ng resort, kaya pili at saka presentable ang mga server nila roon. At unang araw ko ngayon!
"Wow naman kilay! Ang ganda mo sa suot mo ngayon a?" saad ni Hacob, isang epal na nilalang ng kung sino man. Sumabay pa siya sa amin sa paglalakad. Akala naman niya ikinasarap niya ang pagsusuot ng sando. Kakabanas, susubukan na naman niyang sirain ang araw ko ngayon!
"Wala akong panahon sa iyo ngayon ha? Lumayas-layas ka na nga sa tabi ko at baka hindi kita matansya!" Nanlilisik na sabi ko, siya naman ay tawa nang tawa. Pati si Itay at Inay ay natatawa sa bangayan namin.
"Hinay-hinay sa pagtatalo. Baka maglaro ang tadhana ay kayong dalawa ang magkatuluyan..." Hindi magandang biro iyon ni Inay.
Nakita ko kung paano mismo ngumisi ang epal na lalaki, na para bang tuwang-tuwa pa siya sa narinig niya. Hambalusin ko pa siya ng niyog!
Masuka-suka akong umarte. "Nay! Kung mag-aasawa rin naman ako, pipiliin ko na ‘yung naliligo at mabango. Doon pa lang ay ekis na iyang si Hacob. Ew!"
"Ah? Baka kapag inamoy mo ako ay ikaw na mismo ang lumapit sa manok, Kilay..." mahanging saad niya. Ang kapal ng mukha nitong pumuting unggoy na ito. Ang kapal-kapal talaga to the highest level!
Akma pa nga akong sasabat kasi trigger pa ako mami! Mabuti at pasalamat lang talaga itong Hacob na ito na inawat na kami nina Inat at Itay, kung hindi ay maaga siyang maghahanap ng lapida niya!
"Awat na iyan, sige na, hijo at lalakad na kami sa trabaho't baka ma-late pa nga kami." Si Inay.
"Sige po, ingatan niyo po sana iyang anak niyo at pakakasalan ko pa po iyan," sabi ni Hacob na hindi ko ma-take, ay juskolord!
Papaalis na lang ako ay masama pa ang tingin ko sa lalaking iyon. Siguro ay nawala lang ang kunot na noo ko noong nakita ko na ang resort. Bigla akong kinabahan na na-excite. Kumbaga, this is it pancit na!