CHAPTER 1
Start
Athila Fabros
Mukhang pagod na naman sa resort si Itay at Inay kaya naman ngayong half-day nila ay ako na ang nagluto ng agahan. Sinimulan ko sa pagkuha ng mga binilad na kahoy sa luma naming bubong, sa likod bahay na rin naming ay may poso at balon, katabi ang kalan naming na gawa sa lupa at linalagyan lang ng kahoy pang-apoy.
Nang oras na nagkaroon na ng ‘baga’ o apoy ang kahoy ay inihanda ko na ang kawali. Hinayaan ko munang uminit bago ilagay ang mantika, saka na ako nagprito ng itlog at daing na may kapares na special na sinangag na may taba ng fresh na fresh na alimango.
Bakasyon kasi ngayon, dapat ay sa pasukan ay nasa unang taon na ako ng kolehiyo. Ngunit sa karatig isla pa ang college school sa lugar namin. Sa hirap ng buhay ay baka kailangan ko muna na mag-ipon ng isa o dalawang taon upang maitawid ko ang pag-aaral ko at maiangat ang magulang ko sa hirap.
“Hi, best friend! Napaka-pretty naman natin today!” Si Jek na isang kaibigan kong sirena o Adan na naging Eba. Nangunot naman ang noo ko nang makitang may pasa na naman siya sa mukha. Kagagawan na naman ng demonyo niyang tatay.
”Bakla, anong nangyayari na naman sa mukha mo, at may black eye ka? Ginawa na naman ba iyan ng tatay Juancho mo? Aba at isuplong na natin iyan sa kinauukuluan.” Nag-aalala akong lumapit kay bakla.
“Ano ka ba? Ayos na ako, at isa pa ay masaya ako dahil sa isang katotohanan. Tuluyan nang lumayas ang tatay kong bakulaw at sumama na sa kabit niya. Malaya na ang beauty ko ano!” masayang balita niya. Masaya na rin ako para sa kanya. Ang tagal din niyang nagtiis sa tatay niyang nilaklak na lahat ng kasalanan sa mundo.
“Ano iyang dala mo, Jek?” tanong ko nang iabot niya sa akin ang isang tupperware.
“Ginisang kamatis na may dilis. Isama niyo na sa ulam n’yo iyan bakla. At ako ay aalis muna at pupunta sa patahian. Sideline muna ako.”
Napakasipag talaga ng kaibigan ko. Nagpaalam na siya at ako naman ay pumasok na sa aming munti ngunit kaaya-aya namang tahanan. Inilapag ko na sa lamesa ang mga hain na pagkain. Sa gitna ay may hinog na mga saging.
“Magandang umaga inay at itay! Kain na ho tayo.”
“Napakasipag naman ng dalaga natin,” ani Itay ng umupo na ito sa harap ng hapag. Mabuti at natapos ko ng timplahin ang kape nila.
“Napakaswerte natin mahal. Masipag at maganda ang anak natin,” bola pa ni Inay. Lah? Char.
Hindi ko naman maiwasan na mamula sa papuri nila itay at inay. Laking pasasalamat ko nang busugin nila ako sa pagmamahal. Namuhay man kami ng payak at hindi ganoon na kayaman ay masaya at kontento na kami. Naghahangad na lang na balang araw ay masuklian ko ang paghihirap nila Inay at Itay. Walang anak na hindi nangarap mabigyan ng magandang buhay ang mga magulang nila, ano?.
Sinimulan na naming magdasal muna bago nmain tikman ang biyaya ng Maykapal. Masaya naming binubusog ang aming sarili ng bigyan ako ng masayang balita ni inay.
“Dahil nga summer ay nagkakaubusan na ng mga empleyado ngayon sa dami ng mga bakasyunista sa Isla. Nasabi ko na kay Senyora na ipapasok kita at pumayag siya anak. Magsisimula ka na bukas.”
Hindi ko naman maiwasan na kusang pumaskil ang ngiti sa labi ko. Juskolord, maraming salamat. Ito na 'yung one step closer ko sa aking pangarap. Pagbubutihan ko talaga ang trabaho ko.
“Pakisabi kay senyora na maraming salamat, ha inay.” Masaya na happy pa na sabi ko. Haha.
Si Senyora Celly ay isa sa mga masuwerte na Pilipinang nakaangat sa buhay nang makapag-asawa ng mayamang Korean. Nakapagpatayo ng resort, na siyang sagana sa mga turista sa kahit ano mang panahon, lalo na sa panahon ng tag-init.
Sikat ang lugar naming sa mayamang likas na karagatan, mga kweba, bundok, surfing na binabalik-balikan ng mga turista. Kaya marami sa baryo namin ang nangangarap ding makabingwit na Kano at ibang lahi. Pero para sa akin, diskarte at edukasyon ang totoong susi para maging successful.
Mga bandang alas-diez ay sumama na ako sa shift nina Itay at Inay. Isang helper si inay habang driver ng resort si Itay. Sasama ako upang makuha ko na ang mga pre-made ko na uniporme. Ako naman ay hindi maiwasang hindi ma-excite.
Dahil sa ganda ng resort ay tila hindi ko maiwasang hindi matuwa na araw araw akong nasa loob nito. Makakakuha na experience sa pagtatrabaho at makakilala ng mga tao.
Sa malaking gate pa lang na may disenyong Lee ay hindi ko na maiwasang hindi magalak sa ganda. Mula sa matayog na hotel. Kaliwa at kanan na mga swimming pool at infinity pool at mga turista pa. Ppara tuloy siguro akong ignorante na nakanganga habang papasok.
Tumigil kami sa attendant desk at nag-log muna ako. First time ko pang makasakay sa elevator kaya namamangha ako. Hanggang sa mayakap ng lamig ng aircon ang balat ko.
Pinakilala na ako ni Inay kay Senyora na siyang nakangiti na humarap sa akin. Napakabait ni Senyora! Hindi ako makapaniwala, para akong nakakita ng santa sa totoong buhay. Napaka-soft spoken pa at hindi halata ang edad sa mukha ng donya.
“Aasahan ko na sisipagin mo ang pagtatrabaho mo rito sa resort Athila. Nasa bag na ito ang tatlong pares ng iyong uniform. Maski ang papel kung saan nakasulat ang job description and specification mo. Sa susunod ko na lang rin hihingiin ang iba mo pang document na ipapasa mo na lang sa HR. Bukas ka na magsisimula.”
Maliglig naman akong tumango. “Sige po, Senyora, makakaasa po kayo.”
Nagpaalam akong muli at umalis na sa resort. Sa bulsa ko naman ay kinuha ko ang aking cell phone na regalo nina Itay at Inay sa akin noong 18th birthday ko. Wallpaper ko ang sikat na leader ng isang Korean boyband na Genesis, si Zen Lee, ang anak ng may-ari ng resort na ito.
“Hi Zen. Nakilala ko na ang mama mo, ang bait-bait niya pala ano? Talagang ginawa ko ang best ko para naman makakuha ako ng good impression kay future mother-in-law.” Hindi ko maiwasang hindi kiligin sa mga kahibangan ko. Bakit ba? Libre lang naman na mangarap, ah?
“Kinakausap na naman ni Kilay ‘yung cell phone niya, o.”
Kung mamalasin ka nga naman, o. nakasalubong ko pa ang malaking tinik sa buhay ko. Ang nag-iisa at wala nang iba pa na si Hacob. Isang gwapong mangingisda sa aming komunidad. May lahing Espanyol na hindi pinanagutan ng tatay niya.
Marami ng turista at kababaihan sa luga naming ang nabiktima ng so called charms niya, pero ibahin niya ako. Kung siya lang naman, mag-aasawa na lang ako ng niyog, ano! Hmp!
“Wala kang pake, bakulaw. Napakapakialamero mo talaga e, ‘no? Saka pwede ba, tigil-tigilan mo na iyang kakatawag sa akin ng kilay.” Kilay ang tawag niya sa akin kasi noong bata ako ay aksidente kong na-shave ‘yung kilay ko, na ginawang katawa-tawa ng walanghiyang Hacob.
Tatawa-tawa siya habang papaalis na ako sa banda niya. Bwisit na lalaking iyon. Walang araw na hindi niya pwedeng hindi sira sa bawat pang-aasar niya. Kaunting-kaunti na lang siguro ay ibabaon ko na siya sa lupa.
Minabuti ko ng tahakin ang daan papunta sa patahian kung saan nagtatrabaho si Jek. Natagpuan ko naman si Aling LIta na siyang may-ari ng pagawaan. Mabait ang matanda kaya naman swerte sa negosyon pagawaan ng mga balabal at sweater na balita ko pa ay ibinebenta rin sa labas ng bansa.
“Ikaw pala, hija. Mukhang may nangyaring maganda at abot kisame ang ngiti mo Athila.” Nahiya naman ang sa lowkey na pang-aasar ng ale.
“Hala, si Aling Lita ma-issue. Natanggap na po kasi ako diyan sa resort at bukas ay simula na po ako sa trabaho,” balita ko naman na ikinatango ni Aling Lita.
“Mabuti naman kung ganoon. Ayon si Jek at lapitan mo na. Sakto naman at break time na nila.”
Sign na iyon para lapitan ko ang bakla. “Jek, natanggap na ako sa trabaho! Sa resort ng mga Lee. Jek!”
Kinurot baman ako ng pino ng bakla. “Oo na! Ulit-ulit ka best friend. Ikaw ay magtrabaho nang mabuti roon. Baka wala ka nang ginawa kung hindi ang abangan yung crush mo roon. Sino nga kasi ‘yung Korean na iyon?”
“Si Zen! Hays, nakausap ko nga ang mama niya kanina. Feeling ko tumaas ang tiyansa na maging manugang ko ang senyora!” kinikilig na sabi ko habang nag-iinit ang magkabilang pisngi dahil sa mga iniisip ko. I am one step to reach my prince.
Nangangarap na rin lang naman ako. Sinagad ko na ano. I am an ultimate fan girl ni Zen. Nag-iipon talaga ako para makabili ng mga merchandise niya. Umiiyak pa nga ako kasi wala akong pambili ng concert ticket niya lagi. At saka sa Maynila pa,hindi kaya ng bulsa at pa-ekstra-ekstra ko iyon, ano?
Napapailing na lang si bakla sa akin habang sinisipsip niya ‘yung straw sa plastic na may lamang pepsi. Nagmemeryenda kasi kami ng empanada. “Oh sige, mangarap ka lang diyan. Baka nga kay Hacob lang ang bagsak mo, e. Ang taas pa ng level mo K-idol talaga.”
Para naming nagpantig ang beauty ko sa sinabi ni bakla anio. “Kung si Hacob lang, willing akong tumandaang dalaga, o magmadre na lang ano. Baka kung anong galis pa ang meron ‘yung bakulaw na iyon sa sobrang palengkero!” Hindi maiwasang bulalas ko habang sumisinghal singhal pa sa inis. Dati pa mainit ang dugo ko sa lalaki na iyon. Always annoying me!
“Alam mo naman ang kasabiahn ng mga matatanda. The more you hate, the more you love. Malay mo naman, Athila is the key for the change. Every bad boy needs a good girl,” ssar pa ng baklang hindot na ito. Pepektusan ko na ‘to e.
Masuka-suka naman ako sa sinabi niya. Spare me! Kung siya lang naman ang icing sa ibabaw ng cupcake ko, magtitiis na lang ako sa bahaw, ano!
Natapos ang break ni bakla at balik trabaho na ito. Umuwi na ako sa bahay upang masimulan na ang mga gawaing bahay na naiwan ko. May mga labahin pa akong tatapusin pa pala. At habang nagsasampay ako bandang tanghali ay nakita ko ang isang pamilyar na dayuhan na umangkin sa puso kong pihikan.
Si Zen!