Episode 5
Assume
Athila Fabroa
NAGSIMULA na nga ang kasiyahan sa resort. May mga nakahandang night swimming parties. Naka-toka ang iilang mga boys bilang bantay kung sakali man na may mangyaring hindi inaasahan- coast guard gano'n, which is sana huwag naman.
May mga nakahandang pagkain sa hapag na naka buffet. Tapos ang mga ilaw ay tila nasa isang bar na napapanood ko. Mailaw na makulay, malakas ang musika sa mga higanteng speaker sa gilid. Nanginginig pati maski buong pagkatao ko.
"Nandito ka na Ath! Tara at pumunta na tayo roon, kulang ang tauhan na maghahatid ng mga drinks. Tara na!" ani Elai sa akin na mukhang hindi na magkanda-ugaga. Ako naman ay mabilis na tumalima na.
"Sige, saan ba?" tanong ko na lang at saka na siya sinundan.
Dahil sa peak season nga ng mga turista, ay hindi kataka taka na ganito ang bugso ng mga tao. Grabe kung grabe ang dami ng tao. Minsan iniisip ko na lang na baka maligaw ako kung magkataon na lulusong ako.
Kanya-kanyang indak sila sa saliw ng musika. Hindi naman ako nagtataka kung bakit dinarayo ang resort ng mga Lee. Pang world class kasi ang ganda.
Habang nagse-serve ako ng mga drinks ay hindi ko maiwasan na hindi pansinin kung nasa paligid ba ang dream boy ko. Siyempre ano, baka kahit ngayon lang ay makita ko ulit siya. Para naman sulit at buong-buo na ang araw at gabi ko.
Habang papunta ako sa tabi ng infinity pool ay nakita ko nga si Zen. Mukhang lasing na lasing na nga ito. At mayroong... Kahalikan na babae.
Legit yung kirot at hapdi na naramdaman ko sa puso ko. Umasa kasi ako marites. Alam mo iyon? Tao lang naman ako at marunong masaktan. Kahit na bigyan pa ako ng label na 'assume-era girl'.
Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Elai. Alam ko na dinadaluhan niya ako ngayon sa aking pagluluksa. Medyo over acting din ako ano? Sabagay, I should assume the worst case scenario at the first place.
"O ano? Masakit ba? Girl, sabi ko nga sa iyo. Ang buhay natin dito na taga-isla ay basic-basic lang. Yung karisma natin parang saranggola lang. Hinding hindi natin mari-reach ang level ni Zen." Pagsampal pa sa akin ng katotohanan nitong si Elai. Grabe, heto na nga ako. Pinapamukha na nga ng tadhana sa akin o.
"Masakit oo, pero hindi ko naman ikakalugmok iyan... Tara na nga at balik trabaho na tayo," sabi ko sabay hila kay Elai.
Dahil nga ganap na masokista ako ay tiningnan ko pa rin si Zen na may yapos na babae. Ang ganda niya, yung babaeng kasama niya. Kutis gatas, ang tangos ng ilong, coca cola na katawan. Kumpwara mo iyon sa akin. Halatang walang wala akong laban doon ano.
Kahit papaano ay nakumbinsi ko namna nag sarili ko na bumalik sa reyalidad at gawin ang dapat na ipinunta ko rito. At iyon ang magtrabaho. Hindi naman ito telenobela. Hindi ako si Marimar na sobrang ganda at may nagsasalitang aso para maibigan ng Zen ko.
Ako lang 'to o. Pretty lang pero hindi pang beauty queen. Katamtaman lang, gano'n. Wala e, talo tayo sa kutis at kinis.
Nilibang ko na lang ang sarili ko para hindi na masyadong isipin iyon. Hirap ng maraming iniisip. Baka mawala pa ako sa concentration at momentum, makagawa pa ako ng pagkakamali rito sa traba-
Shit! s**t natapunan ko yung lalaki ng damit! Hala siya! Sinamaan niya ako ng tingin. Sorry lang ako ng sorry!
"Sir sorry po talaga! Sir hindi na po mauulit! Gagawin ko na po ng maayos ang trabaho ko!" makaawa ko sa lalaki. Mabuti at hindi kami agaw atensyon dahil kanya-kanyang ganap ang mga bisita.
"Damn being careless," mura niya sa akin. Medyo masakit iyon ha? Pero mas okay na iyon kaysa magreklamo siya at matanggal ako sa trabaho. Akmang tutulungan ko siya ang kaso ay tinabig niya lang ako at umalis na si kuya.
Namantsahan pa yung damit niya. Jusko Athila! Anak ka ng nanay at tatay mo! Unang araw pa lang sa trabaho ay inaabutan na ako ng kamalasan.
Minabuti ko ng magpahinga. Natapos na ang party at may mga kapalitan kami na siyang mag-aayos ng mga mala-delubyo na kalat sa venue at pool.
Mga bandang maga-alas dose na rin siguro ako na nakauwi. Ang sakit ng paa ko dahil sa hindi man ako makaupo kanina sa trabaho. Perks lang ay tanghali na ang pasok ko bukas, dahil iyon ang schedule namin ni Elai sa pagtu-tour. Kasali na kasi ako sa gc ng mga tour guide e.
Nandoon na sa bahay si inay at itay. Pagdating ko agad sa bahay ay naghilamos na ako at nagsipliyo. Ni-lock ang pinto at diretso tulog na. Bukas ay parang pinipiga na naman marahil ang ulo ko niyan.
Pagkagising ko ay 8 na. Lagot at mukhang napasarap ang tulog ko. Nakarinig naman ako ng nagtatawanang mga boses sa labas ng kwarto ko. Harap lang kasi ng kwarto ko ang sala ng aming munting bahay.
"Gising na pala nag prinsesa. Ano? Napuyat ka na naman sa kaka-K pop mo?" Ang gandang bungad ng umaga ko. Nakauwi na pala ang kuya kong abno. Kasama ng bunso namin na si Nikee. Na batang medyo malambot. Tanggap naman namin.
Inirapan ko lang siya. Wala ako sa mood makipag-asaran.
"Naks, isnaber ka na ngayon a? Balita ko nakikita mo na raw sa resort yung crush mong hilaw? O ano? Nagtatrabaho ka ba ng maayos doon. O puro sulyap lang?" asar ulit ni kuya sa akin. Bakit pa ba umuwi itong kulugo na ito?
"Kuya! Tigilan mo nga ang kakaasar mo. Puyat ako o!" inis na saad ko. Kakaurat ang aga aga naman mambulahaw ng lalaki na ito.
Siya ang kuya ko na si Apollo Fabros. Panganay sa amin at 24 years old na. Kakauwi niya lang galing Baguio. Doon kasi ay may raket siya ng dalawang buwan. Sinama niya na rin ang bunso namin na si Nikee dahil nais raw mamasyal. Kaya dalawang buwan din silang nawala.
Ewan ko ba at kung bakit ba umuwi iyang kuya ko na asungot. Kapag nandito lagi iyan ay hindi puwede na sumama ang timpla ng mood ko. Palibhasa ay medyo kumpare at barkada niya si Hacob. Pareho silang tinik sa buhay ko sa totoo lang.
"Oh? May regla ka ba? Ang sungit mo ngayon a? Nakaalis na si nanay at tatay. Nasa resort na sila. Nakakain na kami ng almusal. Kain ka na riyan," ani kuya at laking pasasalamat ko nang nilubayan na niya ako ng tuluyan at saka na bumalik sa panonood ng TV. Katabi niya si Nikee. Pareho silang nanunuod ng SpongeBob.
Ako naman ay pumunta na sa kusina upang mag mouthwash. Saka na ako nag timpla ng mainit na tsokolate at kinain ang almusal na nasa hapag. Mayroon na kasing pritong hotdog, sunnyside up na itlog at sinangag. Magana akong kumain dahil bumabawi pa ako ng lakas. Mamaya ay trabaho ulit.
Habang kumakain ako ay biglang may naupo naman sa harapan ko kaya muntik kong na itapon ang sinusubo kong kanin.
Nakaayos ang buhok niya na tila binasa riyan sa poso. Nakasando lang siya at litaw ang kanyang ipinagmamayabang na katawan. Pa yummy yummy pa ang asungot nito sa harapan ko. Hindi naman ako natitinag ano! Hindi ko siya type. Hindi ako kumakain ng mahahangin!
"Sino na naman ang nagpapasok sa iyo rito?!'' iritang tanong ko kay Hacob na ngayon ay ngising aso na naman sa akin.
"Yung bayaw ko ang nagpapasok dito. Alam ko naman na kung ikaw lang ang nandito ay hindi mo ako papapasukin e. Makikialmusal na rin ako a? Gutom na tomguds na ako e," sabi niya habang kumukuha na ng plato. Grabe, maysa-semento ang mukha nito. Ang kapal!
"Hoy! Asungot ka umalis ka nga rito. Kung kakain ka ay roon ka sa sala. Ayaw kitang kasabay. Baka mawala lang ang gana ko. Doon ka!" asik na saad ko sa kanya. Hindi talaga maiwasan na hindi kumulo ang dugo ko sa lalaki na ito.
"Ang sungit mo naman Babe. Paano tayo magkaka-develop-an niyan? Lagi mo akong tinataboy? Bakit kasi hindi na lang natin totohanin?" ani niya na nakaupo na sa harapan ko. Nakangiti siyang kumakain. Pag pasensyahan niyo na lang ako. Baka makagawa ako ng hindi dapat ngayon lord.
" Eh kung tokhangin kaya kita Hacob? Umalis ka nga sa harapan ko. Nasisira ang araw ko sa iyo!" Kahit anong taboy ko ata sa kanya ay tila bingi lang siya sa sinasabi ko. Wala e. Kaya naman hinayaan ko na lang siya.
Hindi ko na lang kinibo itong may saltik na ito. Nakakaasar naman kasi si kuya e. Nagpapapasok ng mga may sapak dito sa bahay! Kahit kailan! Siguro, pakana na naman ito ni kuya.
Matapos kumain ay ako na ang naghugas ng plato. Pumunta na sa sala si Hacob. Alam ko naman na manonood din ito sa TV namin. Mukhang hindi siya papalaot ngayon a.
E bakit ko ba iniisip iyon? Hays! Mag-iisip na nga lang ako ng plano at isipin kung ano ana gagawin ko ngayong araw. Ano ba ang magiging goal ko?
Habang nag-iisip ay hindi ko na namalayan na natapos ko na ang aking hinuhugasan. Lumabas na rin ako ng bahay at saka pumunta sa aking tambayan. Sa ilalim lang ako ng coconut tree nakaupo. Feel na feel ko kasi ang hangin ngayon. Hindi pa mahapdi ang sikat ng araw.
"Jek! Wala ka bang gagawin?" Dumaan kasi sakto sa tabing bakod namin itong si Bakla. Mukhang blooming na ito ha? Mukhang hiyang niya ang paglalayas ng tatay niyang pinaglihi kay Satanas.
"Mamaya pa naman mare. Pumunta kasi ng kabilang dako ng mundo si Aling Binyang. Kumuha ng materyales upang makapagtahi na later the day! Ikaw ba?" tanong ni Bakla at saka na ako sinamahan sa pagtambay ko. Kumuha na ako sa kinakain niyang chicharon.
"Mamaya pa akong 2. Puyat pa ang mga turista niyan. Alam mo naman na may kasiyahan kagabi at tiyak na late na magigising ang mga iyon. Kaya tambay muna ako rito sa labas," paliwanag ko sa kanya. Bale nagpapalipas na lang ako ng oras.
Ayaw ko naman maglinis sa loob. May asungot doon. Baka hindi ko na matansya ang barkada ni kuya Apollo at magkasala na talaga ako ng tuluyan. Makita ko lang ang lalaki na iyon, automatic na naaasar na ako.
"E bakit naman kasi rito sa labas mare? Ang lawak lawak sa loob ng bahay mo? Ano ka? Nagsa'sun bathing?" ani bakla habang ino-okrayan ako. Letse na ito. Wala kasupo-suporta sa katawan.
"Nakauwi na kasi si kuya!" sabi ko sa kanya. Agad naman na nagtitili ang baklang kaibigan ko! Nangingisay pa ang gaga at saka ako hinampas. Sinabunutan ko nga.
"Talaga friend! Huy pasok tayo! Nandiyan kuya mo. Alam mo naman kapag nakikita ko ang kuya Apollo mo, kanin na lang ang kulang. May damit pa ba siya!?" tanong ni bakla na parang nabubuwang.
"Umayos ka Jek ha! Tigilan mo ang kakapantasya mo sa kuya ko. Pinagpapantasyahan mo yung mukhang iyon. Umay ka girl. At saka ayaw ko pang pumasok diyan. Nandiyan yung ka tandem lagi ni kuya..." ani ko na hindi maiwasan na hindi mapasinghal sa inis.
Kung gusto niyong umusok ang ilong ko. Banggitin niyo lang ang pangalan na Hacob. Siguro nakakunot na agad-agad ang noo ko.
" Grabe ka naman sa kuya Apollo mo! Hindi mo ba nakikita? Ang gwapo ng kuya mo, may abs, tapos yung ngiti para na akong sinisibak! Girl! Ano ka ba? Huwag mo na lang pansinin si Hacob. Suportahan mo naman ako. Just this once!" ani Bakla na nagpupumilit pa lalo. Anong just this once.
Ang dami ko ng ginawang pabor kay Jek ano. Yung mga sulat at luto ni jek ako ang nag-aabot kay kuya kahit ayaw ko. E masyado naman paasa si kuya, pati kaibigan ko ay hindi niya pinapatawad!
Itong kaibigan ko naman. Masyadong hibang sa kuya ko. Hindi ko makita kung saan banda yung gwapo sa mukha na iyon. Ang dami dami rin na babaeng naghahabol diyan sa kuya ko na iyan. Magsama silang dalawa ni Hacob!
"Bakla, I said no! Ayaw ko ngang pumasok sa loob. Humahapdi ang paningin ko kapag nakikita ko iyang Hacob na iyan. Kung gusto mo, ikaw na lang pumasok. Kalantariin mo roon ang kuya ko. Leche." Pinal ang pagkakasabi ko.
"Athila naman. Masyado ka kamong hard kay Hacob. The more you hate, the more you love ha? Tandaan mo iyan. Baka kayo at siya ang bagsakan mo," banta ni bakla na ikinakilabot ko.
"Tumahimik ka nga! Baklang tow!"