Episode 6

2102 Words
Episode 6 Encounters Athila Fabros TINAPOS na namin ang usapan namin ni bakla. Nag-private message na kasi sa kanya si Aleng Binyang na may gawa na raw sila. Habang ako naman ay magluluto naman ng tanghalian namin. Ayaw ko naman na si kuya ang magluto ng kakainin namin. Mahirap na. Yung huling beses na iniwan ko iyon sa kusina, muntik ng matusta yung kawali namin. Ang hirap kaya na magkiskis! Kaya naman inihanda ko na yung binili ni inay kaninang umaga na uulamin namin na magkakapatid. May one fourth naman kasi na manok. Sakto at may sampalok diyan sa likod bahay namin, may talbos din ng kamote. Kaya naman isip ko ay magluluto na lang ako ng sinampalukan na manok. "KUYA! Wala na tayong kahoy magsibak muna kayo! Puro kayo TV? Ano?!" inis na sabi ko sa nakakatandang kapatid ko. Wala naman silang magawa. Alangan hindi kami magtanghalian. Ang hindi ko lang nakita talaga ay sasamahan ni Hacob sa pagsisibak ng kahoy ang kuya. At dahil sa parehong pabida ang dalawang lalaki. Nagsibak sila ng kahoy na walang damit. Opo, as in yung topless. Yung mga napapanoodniyo sa t****k, ganoon. Hindi ba sila aware na sa ginawa nila ay nakahakot lang naman po sila ng napakaraming audience. Mapa-bakla man o babae. Nasa labas ng aming bakuran at parang nanonood ng live show. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. Pwede ko bang ticket-an ang mga dalaga na ito? Natapos na kaya na ang mga gawain nila sa bahay. May mga fans pa sila kuya at Hacob na may hawak ng placards at pompim. Ang haharot mga ineng. Ang sarap kurutin ng mga singit niyo gamit ang pliers. Nangigigigil yung panga ko, legit. Pati si bakla ay narito at nanonood. Nilapitan ko nga siya at kinurot ng pino! Hayop na bakla ito. Akala ko ba at may trabaho na siya? "Harot na harot ka ngayon Jek a? Akala ko ba at work mode ka na? Akala ko ba work first? Ha? Akala ko ba career first tayo?" tanong ko sa baklang ito na naniningkit ang mata. "Sorry ha? Alam mo naman na marupokpok ako pagdating sa kuya mo. Kita mo yung pawis na iyan. Saluhin mo nga girl, babayaran ko ng bente kada patak!" Potaenang bakla 'to. Natawa ako ng wala sa oras! "Taena mo Jek! Hayok na hayok ka ha? Lumayas ka na nga diyan. Hinahanap ka na sa patahian!" ani ko sa kanya. "Pagbigyan mo na ako Athila. Alam mo naman na two months din akong nagtiis na hindi nakita ang kuya Apollo mo! Ang sherep kaya o!" ani bakla. Sarap hampasin ng drft eoo. Matapos magsibak ng dalawa ay inabutan ko sila ng tubig sa pitsel na may yelo. May puso naman ako kahit papaano. Nang makainom sila ay diretso ang mga ito sa dagat. Diretso ligo na raw sila. Ewan ko ba at sinundan na sila kaya agad na nawala ang mga audience sa bakuran namin. Okay na rin iyon ano. Nagsimula na ako na magsindi na ng kahoy. Nagsaing na muna ako at saka na nagluto ng tanghalian. Matapos makapagluto at kumain ay diretso ligo na ako. Wala naman akong gagawin dito sa bahay at nandito naman si Nikee na tiyak naman na babantayan ni kuya. Naglalakad na ako papuntang resort ng makasalubong ko si Elai. Ang bruha, humahalimuyak ang pabango niya. "Ang bango natin kaibigan ha? Anong meron?" pabirong tanong ko kay Elai na nagulat pa sa biglaan kong pagsulpot. "Grabe ka naman Ath! Kamuntikan na akong atakihin sa iyo. Pasulpot sulpot lang peg? At saka bawal na ba maligo ngayon?" iritang aniya. Papalapit na kami actually sa resort. "Wala akong sinabing ganyan ha? Ano pala, saan tayo magtu-tour?" tanong ko sa kanya. "Cancel muna ang tour. Ayaw ng mga hilaw dahil nga ayon, nalasing ng bonggang bongga kagabi. Tutulong lang tayo sa maintenance at linis linis lang tayo. Kaloka, ang lawak ng scope ng job specification natin ha?" ani Elai. Natawa naman ako sa kanya. Malamang, delubyo na naman iyon. Sakto at nandoon si Ma'am Aileen na mukhang fresh na fresh sa suot niyang office uniform. Nakalugay ang buhok at nandoon ang kulay maroon na lipstick sa labi niya. "Mabuti naman at nandito na kayo. Marami tayong trabaho ngayon, and we are really not suffice with workers... Elai, tumulong ka sa paglilinis sa pool ha? Habang ikaw naman Athila? Samahan mo si manang Rosa sa paglilinis ng mga bakante na kwarto..." mando ni Ma'am Aileen na mukhang stress. Marami pa kasing kalat. At siyempre hindi iyon maganda. Nilapitan ko na si manang Rosa na nasa edas 50 na rin. Ibinigay niya yung uniporme sa akin at mga gagamitin namin. Binigyan ako ng iilang tip sa paglilinis ng mabilisan ni Ale. "Athila ha? Ayan ang mga listahan ng mga kwarto na lilinisan mo ha? Heto ang cart na naglalaman ng map, walis, basahan. Dito mo rin ilalagay ang mga garbage bag na nasa basurahan. At saka mo na rin palitan ha? Sige at simulan na natin. Tiyak na sa pag alis ng ibang mga turista kaninang umaga, ay may mga darating na naman. Balita ko ay punong-puno ang reservation ngayon," sambit ni manang. Napaka-chikadora naman pala. Haha! Tiningnan ko naman ang mga kwarto na lilinisan ko. Nagwalis muna ako at saka nag map. Binuksan ko ang bintana ng slight para makita ko yung nililinisan ko. Tapos ay nagpalit na ako ng bedsheets. Amoy hindi kaaya-aya e. At saka na ako nagpalit ng garbage bag and wala! Finish product! Sa pang-anim at huling silid na lilinisan ko sana ay prente akong pumasok nang... "Hala po! Sorry! Maling kwarto po pala!" ani ko sa pagkabigla. Nasa kama si Zen at nakaupo siya. Nakatingin lang siya sa akin na medyo nabigla pa. Sir uso po mag-lock ng pinto! Kaloka! Paano kung may babaeng pumasok dito, yung mga saseng na tinatawag. Paano kung may mangyari sa kanya? Kargo de konsensiya ko pa! Charot. At saka ang sarap niya sa anggulo niya ha? Nakaupo siya at kita ang kanyang topless na katawan. Naka-boxer brief lang siya. Kung nandito lang si Jek ay tiyak na magkakamatayan kami. "Sorry po talaga! I mean, I am sorry..." sambit ko at yumuko pa. Akmang lalabas na ako ng tawagin niya ako. "Can you come here? I can't move my foot," ani niya na nakangiwi. Siyempre naman, to the rescue ang lola niyo. Dali dali akong lumapit kay Zen, I mean Sir. Zen pala. Dapat may paggalang ako sa future asawa ko. Joke lang. Alam ko naman na wala ako sa listahan ng mga taste nito ano. Super bless na ako na ganito. Salamat sa typo ng listahan. Makakasama ko yung lalaking pinapangarap ko lang. Salamat talaga! Kinikilig puson ko, chert. Lumuhod naman ako sa paanan at saka marahan na kinuha ang paa niya. Hindi naman siya mukhang sprain. Marahil ay namanhid at namulikat lang ito. Madalas na magkaganito ang paa ni itay, kaya kung may eksperto man sa ganitong banatan. Hindi ka nagkamali ng tinawag Sir. Zen! You made the right choice! And let me give recognition to his feet. Ang lambot ng paa mare. Walang-wala sa mukha ko. Nahiya naman akong hawakan ito bigla. Pero keri na. Siya pa ba mag-iinarte. Ganda ko kaya! Marahan kong minasahe ang paa niya. Medyo nagmo-moan pa si Sir. Na ikinapupula ng mukha ko. Grabe naman Zen! Huwag gano'n. "You are good at massaging...'' puri niya sa akin. Hala siya! "Thank you Sir," sambit ko naman na hindi makatingin sa kanya. Naglalanding kasi sa boxer brief niya ang mata kong hindi ko makontrol! Masyadong pasaway at naghahanap ng burol. "You are also the girl yesterday right? The tourist guide? Why are you cleaning?" ani Zen sa akin. Grabe, siya na ang nag-open ng topic para sa amin. Heto na ba? First move na ba niya ito? "Ahh, there are no enough personnel sir to clean right now. Ang there are no tourist that want to go outside, because of what happened last night. They are all tired, so Ms. Aillen assigned us on cleaning just for this day. It is so happened that I miss the number of the room and I came here. I am really sorry, mianhe," saad ko. English-era ka girl? " I see, no I am actually thankful that you helped me. You see, I am really in trouble right now if you did nit came and helped me," sambit ng crush ko habang nakangiti. Hala, nahulog na naman ako. Kainis! Ang kaso lang ay bling ang tingin ko sa banyo. Lumabas kasi roon ang isang babae na nakausot lang ng roba at mukhang ang sama ng tingin niya sa akin. Hindi ko naman maiwasan makaramdam ng kirot. Siya rin yung babae na kasama ni Zen kagabi. So, magkasama sila kagabi? At hindi malayo na alam niyo na, may nangyari sa kanila. Girl! Athila! Gising ka o? Hanggang diyan ka lang dapat. Bakit ka ba nasasaktan? Nasaan lisensya mo girl? Wala kang karapatan masaktan dahil hindi ka naman entitled! Iyan ang laman ng isip ko. Kahit naman na aware ako na wala lang ako sa lalaking gusto ko. Hindi ko naman maiwasan e. Masama na ba? Nagmahal lang naman ako e. "What is she doing here Zen? Why is there a peasant here?" nang-iinsulto na saad ng babae na ito. Ako? Peasant? Excuse me ha! Anong attitude iyan? Grabe naman Zen. Kung ipagpapalit mo ako, huwag naman sa babae na ito! Makapag-inarte si ate girl. E pang-isang gabi lang naman ang ganda niya ano. Huwag niya akong ginigigil... Pakisabi na lang! Nabigla naman ako ng inis siyang tiningnan ni Zen. "Stop calling her like that," ani Zen na parang pinagtatanggol ako. Kahit papaano ay gumaan naman ang pakiramdam ko. Tiningnan ko naman ng nang-aasar si ate girl. Pasensya na ha? God bless! "What? Pinagtatanggol mo iyan Zen? Are you also into peasant slut?" Aba, parang sumusobra naman ang babae na ito a? Ako pa ngayon ang slut? Sino kaya ang bilat na bumukaka pero hindi naman jowa! "She is not a slut. And why are you still here? We are done... I just gave what you want. Now you are free to get the hell out of here," saad ni Zen sa babae. Grabe, serves her right. Bilis ng karma ano? Hindi naman makapaniwala na tumingin si ate girl kay Zen." What? Aren't we a thing. There is something happened with us last night! Zen!" " Las time I check, I use protection, you are not my girlfriend, you are the first one initiated it and I am drunk that time," ani Zen na parang wala lang sa kanya ang lahat. Ang cold niya sa part na iyon. Pero kanina naman sa akin, okay naman siya. Sabagay attitude naman kasi ang babaeng ito! Masyadong privilege girl. " Fine! Asshole! Jerk!" Kinuha na ni ate girl ang gamit niya ng nagdadabog at pasigaw na umalis sa silid. "I am so sorry you saw that happened. She is just a... Well a psycho?" pabirong ani Zen sa akin. Like she just shift his mood instantly. "Naku sir, okay lang po iyon. Ayos na po ba ang paa niyo?" tanong ko naman. Ginalaw-galaw niya ang kanyang paa. "Yeah, okay naman siya," ani ni Zen na nagtatagalog ng slang. Hala ang kyut! Hindi katulad kay Hacob. Kapag nagi-slang ng kunwari iyon. Ang sarap itapon sa malayong lupain. "Kung ganoon po ay aalis na ako. May gagawin pa po kais ako e," sabi ko naman. May lilinisin pa ako na isang kwarto. Tatanungin ko na lang si manang kung saan. "Can't you stay?" tanong naman niya sa akin. Parang kumabog ng bonggang bongga ang puso ko. Hindi naman ako nabingi hindi ba? Tinanong niya talaga kao kung pwede akong mag-stay? Hindi naman siguro panaginip na naman ito? Sir, pwede po akong mag-stay, pero pang life time na ha? Ayaw ko yung pang good time lang. Erase Erase! Naku Athila. Tigilan mo nawa iyang kalandian mo at may iniwan ka pa na trabaho. Baka masabon ka na naman kapag nagkataon. Umiling ako sa kanya na ikinalungkot ng baby ko. BABY KO?! Haha. Ang kapal na ng mukha ko ano? "Sir, I still have room to clean. The one that I missed. I will love to accompany you but I still have something to do..." sabi ko naman na malungkot din. Same vibes gano'n. "I see, I totally understand. May I know your name?" tanong niya sa akin. Your future wife po. Chos. "Athila, Athila Fabros..." Itaga mo iyan sa bato.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD