Episode 7
Satisfied
Athila Fabros
MATAPOS nga akong matapos na makalabas sa kwarto ni Zen ay tila pakiramdam ko, nasa heaven na ako. Jolina ka girl? Pero seryoso nga! Para akong nasa cloud 9 ng mga oras na ito.
Sobra sobrang mga biyaya na ang natanggap ko ngayong magkakasunod na araw. Oo na mga mare. Ako na ang pinagpalang babae!
Mantakin mo ba naman na sa sobrang swerte ko. Naranasan ko ng makasama at makasalo si Zen sa iisang hapag, tapos nakausap ko na siya, nagpakilala ako sa kanya, nginitian niya ako. Feeling ko kahit feeling ko lang ay close na kaming dalawa.
Bago pa ako sakupin ng mga thoughts ko ay nag madali na akong lumapit kay aling Rosa.
"Ay, namali lang ako ng pagkakasulat dito ija. Alam mo naman na parang lumalabo na ang mga mata ko, ganoon na lang talaga siguro kapag nagsisimula ka ng magkaedad. Heto ang numero ng lilinisin mo na kwarto. Pasensya na ulit," paghingi ng dispensa ni aling rosa.
"Naku, ayos lang iyon Aling rosa. Maliit na bagay, small thing," sabi ko naman. Blessing in disguise ang pagkakapasok ko roon sa kwarto na iyon! Feeling ko, it is the destiny who creates the mood. Sige Athila, ilusyon pa more.
"Osige, maiwan na kita at may dalawa pa akong silid na lilinisan," ani aling Rosa na nagmamadali na. Ako rin ay magsisimula na sa paglilinis ng mga kwarto na nakatoka sa akin.
Matapos kong malinisan ang last two rooms na naka-assign sa akin ay bumalik na ako sa maintenance room upang hubarin na ang aking uniform, ibalik ang mga gamit at itapon na ang mga nakolekta ko na basura.
Medyo nakakapagod itong araw na ito. Pero pakiramdam ko naman ay worth it ang lahat. Isang silay lang kay Zen, pakiramdam ko ay buo na ang araw ko. Ngayon pa kayang nakausap at nahawakan ko na siya.
"Saya natin a? Baka mapunit naman ang labi mo niyan girl? Kinikilig ka ng wala sa oras e," saad ni Elai sa akin na parang nabisto ako ng wala sa oras. Hindi ko talaga kayang magpanggap na hindi kinikilig. Hindi ako madali na maka-get over. Ganoon kasi talaga ako.
Kapag masaya ako, hindi ko iyon basta-basta na naitatago. Kung ano ang nararamdaman ko ay iyon ang nakalagay sa mukha ko. Sabi nga nila ay masyado raw akong open book. E sa ganoon talaga ako e.
"Grabe ka naman Elai. Basta, may magandang nangyari sa akin ngayong araw na ito! Kumpleto na ang saya ko ng pang-isang linggo Elai! Ang sarap pala na magtrabaho!" saad ko sa masiglang tono habang kumakain na ng meryenda. Naghanda ang mga staff ng sandwich and juice sa amin.
" Baka masaya ka dahil sa amo natin, hindi sa trabaho. Dalawang araw pa lang tayo na magkakilala Athila. Alam ko na ang pintig ng palasingsingan mo ate girl. Ang ganyang kalawak na ngiti? Tiyak ako na si Sir. Zen ang may gawa niyan. Oh! Don't tell a lie!" saad agad ni Elai na para bang huling-huli na ako sa akto. Wala naman akong plano na magsinungaling ano.
Kinikilig kong hinampas si Elai. Ang bigat pa naman ng kamay ko kaya hindi siya maiwasan na hindi mapaaray. Sorry in advance na, ganun haha!
"Ang sakit mo naman kiligin, peste ka Athila! Ano ba, i-chika mo na habang mainit-init pa ang balita. Baka sakali na matuwa ako sa dahilan ng pagiging bayolente mo," ani Elai na nakataas ang isang kilay. Yung kaliwa pa mismo.
"Kasi naman Elai. Kanina habang naglilinis ako ng kwarto. Namali ng bigay sa akin ng room si Aling Rosa. Kaya ayon, napasok ako sa isang kwarto. Unexpectedly ay nandoon si Zen. Kya!" ani ko at tumili sa panghuli kong sinabi.
"Aksidente ba iyan o sadya? Naku Athila ha? Huwag basta ibibigay ang bataan at Kalumpit girl!" ani Elai sa akin.
"Huy alam ko iyon ano, balak ko lang ibigay iyon sa mapapangasawa ko. Hindi naman ako tulad ng ibang mga kabataan ngayon ano. Study first, career first at family first ako Elai. Kapag nakilala mo ako, malalaman mo na malandi lang ako sa salita pero hindi sa gawa!"
"Oh, e 'di best of luck na lang sa iyo. Tara na at mag-log na tayo ng makauwi na. Ang dilim na rin sa labas at mahirap na. Sasabay ka na ba sa akin? Nandiyan na rin naman yung papa ko," saad ni Elai sa akin. Kakatapos ko lang din na mag-log.
"Huwag na Elai. Dadating din naman ang kuya ko e," sabi ko habang nakatingin sa relo. Malapit na rin naman na mag-six ng gabi. Ang ganda ng buwan sa labas, shape siya ng gibbous moon.
"A oh sige, e 'di mauna na ako ha? Ingat na lang sa pag-uwi. Bukas ulit! Babye!" ani Elai at saka na lang ako kumaway.
Tama, bukas. naman. May bukas pa at wishful na naman ako na sana makita ko na naman si Zen. Hindi naman siguro masama na humiling ng ganoon ano?
Kahit man lamang sa buong bakasyon na ito. Bago bumalik si Zen sa Korea ay masulit ko man lang ang pasulyap sulyap na ganap ko.
Ultimate crush ko talaga si Zen. Halata naman iyon ano? Kaya naman normal lang na hanap-hanpin ko maski anino niya. Kung tatamaan naman na kasi ako ng pana. Doon pa sa lalaki na hindi ko kailan man na maaabot. Si Zen na impossible kong ma-reach.
Hindi naman mataas ang standard ko sa lalaki actually. Sabi ko nga, si Zen. Siya yung standard ko na hindi valid. I mean, hindi naman ako sobrang ganda para i-set si Zen bilang standard ko.
Pero siyempre, may mga pagkakataon na nagiging assume-ra at ilusyunada tayo. Bata pa naman ako, madali lang akong malunod sa mga thoughts ko.
Pero may grasp pa naman ako sa reality. I know and still aware of my limit and boundaries. Okay lang na maging avid fan ako. May pagkakataon na gusto ko laging makita si Zen. Na iniisip ko na boyfriend ko siya. And that is totally normal as long as hindi pa naman ako nahihibang. Alam ko pa naman ihiwalay ang ilusyon sa katotohanan.
I know that someday somehow, makikita rin ni Zen yung babae na para sa kanya. At matagal ko ng sinabi sa sarili ko na hindi ako iyon. Pagbaliktarin ko man ang mundo.
Hindi ko namalayan na sa sobrang lalim na ng iniisip ko ay nilalamok na pala ako rito sa labas ang hotel. Ayaw ko naman na maglakad ng mag-isa at madilim. Kahapon ay maraming tao kaya keri lang na umuwi akl ng mag-isa at saka nakasabay ko pa si Jek sa daan. Hirap din kaya, nagka-trauma na kasi ako sa mga tanggero diyan sa tabi ng dagat. Kamuntikan akong napag-trip-an. Kaya naman ayon, medyo ilag na ako.
Kahit na dalaga na ako ay mas gusto ko na maglakad ng may kasama. At kahit na sabihin pa ay delikado rin sa isla sa tuwing gabi. Hindi ko mawari at baka may mga masasamang loob na lang ang biglang sumulpot diyan. Mahirap na.
"Ano ba naman iyan si kuya, ang tagal-tagal dumating! Nakakainis," sabi ko sa aking sarili. Uwing-uwi na rin naman ako ano. Kakapagod din kaya ang araw na ito. Hindi nakaka-fresh.
Hindi ko alam at nang mapabaling ako sa isnag banda ay nakita ko ang pamikyar na lalaki na papalapit sa akin. Girl, sabi ko nga sa inyo. Kapag nakikita ko iyan. Automatic na nagdidilim ang paningin ko.
"Anong masamang hangin ang nagdala sa iyo rito Hacob?" inis at asar na saad ko sa kanya nang makalpit na siya sa akin. Kung alam niyo lang kung gaano ko kagustong burahin ang ngisi niya sa kanyang labi!
"Pinapasundo ka ng kuya mo. Nandoon pa kasi sa basketball court at ako na lang daw ang sumundo sa iyo," ani nito na nakangisi. Etong gunggong na ito ang susundo sa akin?! Nalintikan na.
"Hoy Hacob! Ako ba ay pinaglololoko mo? Iyang mukha mo na iyan pagkakatiwalaan ko? Huwag na ano! Hindi pa ako nababaliw. Pakisabi na lang sa kuya ko na siya ang gusto kong makaharap dito. Kung hindi ay isusumbong ko iyon kay inay at itay! Loki na iyon!" inis na sabi ko. Nakakainis naman si kuya e.
Pakana niya lahat ito. Lagi na lang siyang nakakagawa ng paraan para ma-bwisit ako. Humanda ka talaga sa akin Apollo Fabros! Nalintikan na lang talaga! Ibebenta ko lahat ng brief mo kay Jek!
" Ha! Aba, ikaw pa ba lugi rito Athila. Ang gwapo na nga ng magsusundo sa iyo, matikas, magaling sa kama. Ano pa bang quality ang hinahanap mo? Quality time na lang natin ang kulang!" Aba't nakakagago na talaga itong lalaki na ito a? Hanep! Ang lakas ng fighting spirit ni kuya niyo!
Pinaningkitan ko naman siya ng mata." Jacob, magkape ka naman para medyo kabahan ka sa mga sinasabi mo! Nalintikan na... Kung kaya mong bulagin ang mga dalaga sa isla natin. Puwes! Ibahin mo ako, huwag ako Hacob. Hindi ako papatol sa iyo ano! Che! Magkamatayan na ngayon pa lang!" saad ko na may pinal na tono. Mukhang nainis na talaga siya.
" Kung ayaw mo, e 'di huwag. Hindi naman kita pinipilit e. Nagmamagandang loob lang naman ako. Ako pa ngayon ang nahusgahan. Sige mauna na ako. Sasabihin ko na lang sa kuya mo na sunduin ka..." Taena, first time talaga. First time talaga na tinablahan ako ng konsensya.
Patakbo akong lumapit kay Hacob at saka na sumabay sa kanya. Tiyak naman ako na makakauwi ako ng safe. Bago na-lowbat ang phone ko ay nag-message pa ako kay kuya na kasama ko si Hacob, para kapag tinambangan ako ng kasama ko, yari siya.
At saka hindi naman magagawa siguro ni bakulaw na ipahamak ako. Dahil unang una. Barkada niya si kuya at ayaw naman niya siguro na magkasira sila. At hindi naman siguro isang mamatay tao or rapist itong bakulaw na ito.
"Bakit ka sumabay sa akin?" malamig na saad niya sa akin. Aba, ang cold niya ha? Pa-cool ka ba diyan?
'' Bakit? Bawal na ba? Titulo mo ba itong Isla?" sarkastiko kong banat. Hindi na siya nagsalita noon. Tahimik na lang namin na binaybay ang dalampasigan.
Ang sarap ng hangin. Sa mga ganitong pagkakataon ko nararamdaman ang kapayapaan. Sa mga ganitong pagkakataon ako nakakapag-isip ng mga bagay na gusto kong makamit.
Na darating yung araw na yung mga kamag-anak namin sa Maynila ay hindi na kami mamaliitin. Na darating yung araw na maiaahon ko sa hirap ang pamilya ko. I don't want us to be stuck in this island for eternity. Malawak ang mundo. Malaki ang pangarap ko. Magtitiis ako para makamit lang ang mga iyon.
NAKAUWI na ako, at ang magaling na kuya ko ay nag-set pala ng inuman kaya naman pala. Ang gagaling. Sarap daplisan ng patalim sa tagiliran. Nakakainis talaga kahit kailan, abno talaga ang kuya ko. Ewan ko ba kung bakit ang dami daming babae at bakla ang nagkakagusto sa bakulaw the second na iyan.
Pagkapasok ko sa bahay ay nadatnan ko si inay na nagluluto. Ibinaba ko lang yung bag ko at saka na nagmano. Wala pa pala si itay dahil kumuha raw ito ng bigas sa kabilang panig.
"Nay, ako na diyan sa niluluto niyo," sabi ko, ngunit umiling lang si inay.
"Ako na Athila, hala kang bata ka at may ulam na diyan at nakatakip. Kumain ka ma habang mainit pa ang ginataang gulay na may dilis. Hetong mga daing ang pritong pata ay pulutan ng kuya mo," sabi ni inay sa akin na ikinakunot agad ng noo ko. Spoiled na naman yung kuya ko.
"Nay ini-spoil niyo na naman iyang panganay niyong masiba sa alak. Tapos bukas susuka suka na naman iyan kasi hindi naman kaya!" asar na saad ko. Kailan kaya ako sasaya? Zen? Beke nemen.
''Hayaan mo na ang kapatid mo at kakauwi lang. Nagkakasiyahan lang silang magkakaibigan dahil ilang buwan din silang hindi nagkita. Ikaw talaga," saad ni mama. Nakita ko naman na lumabas na sa kwarto si Nikee.
" Niks, tara sabayan mo na akong kumain," saad ko habang kumukuha ng plato.
" Sige ate," ani niya naman. Sumandok na ako ng ulam at kanin para sa kanya at para sa akin upang makapag hapunan na.
Iniisip ko pa rin ang mga nangyari ngayon araw. At hindi ko maiwasan na hindi ma-satisfied. Siguro makukuntento na ako kapag naging kahit magkaibigan lang kami ni Zen. Kahit sa maging ganoon na lang ang posisyon ko sa buhay niya. Sana may mga eksena la kaming dalawa ano?