Prologue
Hindi ko inakala na makakarating ako sa puwesto na ito. Sino bang mag-aakala na ang anak ng taga-isla na si Kanor at Linda ay magiging super model. Marahil kung ipinagkalat koi to sa buong Isla Perez ay pagtatawanan lang ako ng mga kabaryo ko. I am just a simple girl with big dream before. Hindi ko inaasahan na magbubunga lahat ng pagsisikap ko. Remembering how hard to strive living we do way back. Pero ngayon ay isa na ako sa mga highest paid international model na purong pinay.
Salamat sa tangkad ko. Hinasa rin ako sa pagrampa at pagmomodelo. Inalis ko na sa vocabulary ko ang salitang hiya. I take every opportunity na dumating sa buhay ko hanggang sa makamit ko ito.
Nang dahil sa kanya ay lumakas ang loob ko at tuluyan na ngang nagkaroon ng motivation para umalis sa isla at makipagsapalaran. Inisip ko kasi na ang success ang best revenge ko sa lahat ng ginawa niya.
Kahit masakit ang ginawa sa akin ni Zen. Siya ang naging motivation ko para maabot ang pangarap ko. Kung hindi niya ako sinaktan at ginamit, hindi ako luluwas pa-Maynila para makipagsapalaran at maabot ang lugar kung saan narito ako ngayon.
Our break-up, ‘yung panloloko niya sa akin, ng Koreanong hilaw na iyon ay isang blessing in disguise para sa akin. Oo nga at noon ay halos isumpa ko na ‘yung namutlang palito na iyon. Lahat ng poster ko sa kwarto ay sinunog ko. I want to slap him hard at sabihin ‘ang kapal ng mukha mong gamitin ako’. ‘Yung mga ganun ba. Hindi ako inire ng nanay ko at ipinutok paloob ng tatay ko para lang saktan niya ako. Never!
“Athila, next ka na,” sabi sa akin ng Filipino staff na siyang nag-o-organize ng fashion show na ginaganap namin sa Milan, kaya naman nabalik na ako sa wisyo and I prepared mentally para sa pagrampa ko.
I am wearing this elegant white and silver dress, may kulay metallic silver na slit, emphasizing also my white and gray stiletto, habang ang make-up ko ay mostly metallic and silver also.
As I saw my cue ay agad na akong rumampa sa entablado, wearing my fierce poker face, modeling this dress on a professional way, I can see the light of them capturing every moment that I am on the runway. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako sumabak sa ganitong runway. Lagi namang puno ang schedule ko dahil sa aking pagiging in-demand. Naging laman ng mga magazine and fashion article sa loob ng mga taon. Saying that I am one of the most successful Asian models at all time. The first ever Filipina model na umangat sa larangan ng industriya na ito. Hindi ko naman minadyik kung paano ako nakarating sa posisyon ko.
Ilang beses din akong nadapa. I also experienced the rejection and the uncertainty of tomorrow. Pero sabi nga ng baklang best friend ko ay lavarn lang. Pasasaan ba at magbubunga rin daw ang lahat ng paghihirap ko. At nagdilang-anghel nga siya.
Who knows that I am a star after 10 years Zen broke my heart into shattered pieces? Who can say that I will be the one of the most successful bachelorettes of this era, na kumikita na nang higit sa kailangan ko? Minsan sa sobrang hectic ng buhay ko ay tulog na lang sa van ang pahinga ko. Siyempre, kailangan ko rin magpahinga dahil ganda at katawan ang puhunan ano.
Maayos naming naidaos ang fashion show. I can hear compliments with international people mapa-celebrity, entrepreneur and even political names are here. Nakipag-usap ako saglit bago na sumakay sa kotse kung saan naroon na ang poging-pogi na si Zio. His gray sweater compliments his nerdy eyeglass na kahit naman alam ko na sa likod nito ay ang gwapo nitong hulmahan.
Noong umulan ng magic sarap all purpose, sinalo na lahat ni Zio. Hindi na ako magtataka na ang daming baliw na baliw sa kanya na mga dalaga, may kinakasama na at iba pa. He is also one of those person na itinalagang sexiest men in the world.
I can’t help but to roll my eyes heavenly ward when he opens the door of the car in a gentlemen way. He is actually courting me for 8 years. So yeah, kindly back-off.
Marami na rin namang conspiracy theory ekek na dating nga kami. We are not actually feed the mind of these paparazzi na sinusubukan pa ring mangialam sa buhay namin. Kahit na anong piga nila ay maingat kaming dalawa ano. Madaming uncertainty ang future. That is one of my favorite lesson noon. A life learned lesson na nadala ko na hanggang ngayon. Kaya ayaw ko munang i-public na dating kami ni Zio.
And I just want to inform everyone that I really, really appreciate his patience, na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin siya sa akin. Kahit naman noon pa ay sinasabi ko na sa kanya na pwede naman siyang bumitaw anytime. If nakahanap na siya ng mas karapat-dapat na babae ay maiintindihan ko. I don’t want him to waste his time waiting for me. Pero ang sabi lang ng mokong. That day na binigyan ko siya ng pag-asa ay sumugal at namuhunan na raw siya sa akin. Even a tiny branch of hope, ay kakapit pa rin daw siya rito.
At sabihin niyo sa akin na tanga pa ako. Oo naman, aminado ako. I can just say yes to him. Pero hindi pa kasi ako handa, but heaven knows na malapit na akong maging handa.
Siya ang nag-design sa lahat ng suot ko. He is one of the guys who pursued on this designing. Hindi lang naman mga gay at girls ang into design, let us stop putting feminism and masculinity in some ways.
Nakilala ko si Zio noong nangatulong ako sa Manila. Ang sungit pa niyan sa akin noon, pero maganda at likas ang alindog ni Athila Fabros na nagmula sa angkan ni Kanor at Linda, huwag kayong ano diyan.
“You are the star again…” panimula niya. I just cannot help but to reminiscent the past.
“But someone stole my light…”