Kabanata 4

1033 Words
Hindi ko alam pero sa lahat ng alam kong kasal. Sa lahat ng nakita kong mga kasal, sa lahat ng napuntaham ko na naganap masasabi kong yung kasal ko na yata ang pang halloween. Pang horror breaker ampupu. Ikaw ba naman ang ikasal ng 12 o'clock ng hating gabi sa ilalim pa ng kabilugan ng buwan tingnan ko lang kung di ka kilabutan. Garden wedding pa. Oh di ba bongga?  Ang malala, halos kapamilya lang ng side nung bampirang tuh ang nandito at si mamat papa lang ang kilala ko . Unfair nuh?  Pero ang mas nakakatakot ay yung lahat sila ay  naka suot ng kulay pula . Kasama na yung paring magkakasal samin. Di kaya ? Kulto ang mga tuh ? O kampon ng mga satanism ? Wahhhhh ! Di kaya sumabog na kami sa kulay ng mga suot namin? Arg.  Sana man lang ako ang tinanung nya kung ano ang gusto kong mangyari sa kasal ko. Para nasabi ko sa kanya lahat every details pa that I want. Yung mula sa decorations, set up, sa place, tsaka heller, garden wedding nga pero wala ni isang rosas manlang akong natatanaw ngayon except sa bulaklak na hawak ko ngayon na naghihingalo na rin ang buhay, ewan ko ba kung garden wedding pa ba ang matatawag ko sa kasal nato o forest wedding sa dami ng puno at imbes na red carpet ang aapakan ko ey etong mga tuyong dahon lang naman. Di ko pinangarap ang ganitong kasalan aba. Huhuhu !!! Habang naglalakad ako sa aisle--este sa kasagsagan ng mga tuyong dahon na nagmula pa sa mas matanda pa sa lola kong mga puno ii etong mga tuhod ko ngatog na ngatog na.  Toka--tumakbo nalang kaya ako? Ehh bampira yun dai, mahahabol ka nun kahit mag eroplano ka pa. Di ko malaman kung kinakabahan ba ako dahil sa natatakot ako o kinakabahan ako dahil sa excitement na hatid nito sakin. Oy ! Kahit naman ganito ang kasal ko. Babae pa din ako. Nakakaramdam ng saya. Pero dapat di sa ganito. Ang maikasal sa taong hawak ang buhay ko. Sa taong, di ko naman mahal. Sinulyapan ko si mama at papa na syang kasama ko ngayon para ihatid ako sa altar .. Nakakainis sila. Imbes magtaka sila kung balit ganito ang kasal ng anak nila ey, parang tuwang tuwa pa silang ipakasal ako .. Hayyysss .. Kung alam nyo lang Mah-Pah. Tskkk ... " Anak ! Magpapakabait ka sa asawa mo huh ? Mahalin mo sya tulad ng pagmamahal ko sa papa mo, alagaan mo siya tulad ng pag aalaga mo sa iyong sarili, anak." Halos masamid ako sa sarili kong laway sa sinabi ni mama. Heller ! Anong mahalin ? Anong alagaan?  Tsk .. Ni pagtingin nga wala. Mahal mahal pa? Murahin ko pa iyon ii .. Pero Joke lang . Baka kainin na akong buhay nun. Haha !! " Anak ! Nakikita kong mabaet si Zach kaya hindi ka nyan pababayaan. Magtiwala kayo sa isa't-isa." Wow !!! Papa ? Kelan kayo naging close nun at parang kilalang kilala mo na ang halimaw na yun ?? Ayt !!! Pagkadating namin sa kinatatayuan ni Bam-este Zach .. " Hijo ! Sayo ko na ipapaubaya ang unica hija namin. Alam mo na ang dapat mong gawin. Maging responsable ka bilang asawa nya at pag sinaktan mo sya ihanda mo ng sarili mo sa paghaharap natin. Alagaan at mahalin mo yan. Wag na wag mong papaiyakin." Wahhh. Totoo ba yun pah? Hahah kahit di ko kasama yan si papa ramdam ko yung pagiging over protective nya sakin. Sila ni mama. Mahal na mahal ko kayo papa--mama. Eto namang lalaki. Binigyan lang ng ngiti si papa saka tumango. Psh ! Walang kakwenta kwentang tao talaga tu. Tsk ! Kung di ka lang bampira. Nako malayong mapasayo ang kagandahan ko. "Oh hijo .. Ikaw na bahala sa prinsesa namin. Alagaan mo syang mabuti, kung maaari kahit lamok wag na wag mong padadapuin sa kanya, dahil di namin yan pinadapuan simula pag ka bata kaya ingatan mong mabuti yan. " Wohhh ! Love you mom. Kaso .. Di nga lamok ang dadapo sakin. Bampira naman.  Hayysst .. Pero bago pa bumaha ng luha ni mama dito sa garden na tuh, at makatulog ako sa antok .. Eyyy pinutol ko na ang usapan nila. Ang kaso eto ang nangyari ---  " Tama na nga po yan mah, pah. Oy ikaw lalaki tara na nga ng matapos na tuh." Saka ko hinawakan ang kamay ni Bam--esye Zach para lumapit na sana sa altar at simulan ng seremonya. "Aba anak !!! Dahan dahan naman. Wag kang masyadong mag madali, alam kong excited ka para sa honeymoon nyo pero makapaghihintay ka naman yata.. Hahaha" Halos buhusan ako ng kahihiyan sa sinabi ni mama. Arg .. Pakiramdam ko tuloy nag init ang mga buong pisnge ko sa mga pinagsasasabi nya. Honeyhoneymoon kayo dyan ? Baka tuluyan ko pa yan mismo sa honeymon--ehehe joke lang ! Baka ako tuloy ang matuluyan. Mind reader pa naman tung---- biglang nahagip ng mga mata ko ang mga mata niyang nakatitig. Pero biglang ngumiti ulit kela mama at papa. Tung lalaki feel na feel ang word na honeymoon at kung makangiti parang pagbibigyan ko sya.. Well .. Well well .. OVER MY SEXY GORGEOUS BODY ! NO FEELINGS ! NO ENTRY ! yata ang motto ko sa pagbigyan ko nitong perlas ko. " He.he ! Mah--pah !!! Sayang ang oras baka umagahin tayo. " Sabi ko nalang sa kanila.  Natapos na ang pagpapalitan ng vows at I DO .. Habang ang pari dumadada pa sa harapan ko. Di ko maiwasang mapasulyap sa lalaking aksidente ko ng ASAWA ngayon. Sa lalaking di ko mahal pero PINAKASALAN ko. Ang gwapo pala nya.. Yung mukha nya .. Ang kinis .. Yung ilong katamtaman ang tangos .. Yung mga mata nyang magaganda kahit na nakakatakot pag nagiging pula. At ... Yung .. Yung labi nya .. Sobrang ganda .. Daeg pa ang labi ng isang babae sa hugis at kinis nito .. Siguro .. Ang sarap nyang halik----TSSSSSUPPPPPPPPPPP !!! Saka ko narinig ang malakas na palakpakan. Napalunok ako ng sunod sunod habang ang mga mata ko ay halos lumuwa.  Tengenengdollar. First kiss ko yun mga amigas. Tuluyan na ngang na snatch waaaahhh. Sinulyapan ko sya pero nakangiti lang sya sa mga bisita. Wahhhhhuhuhuhuhu !!! Ibalik mo ang first kiss ko. Di para sayo yun ee. Bakit ba kasi humantong ang lahat ng ito sa ganito, Lord? Na sa isang iglap lang .. Eh may ASAWA na ako .. Buti sana kung normal .. Eh ang kaso BAMPIRA !!! Mamaya nyan matukso pa tuh sa dugo ko .. At gawing juice ang dugo ko .. Hola bombay ! Patay ako. Ano ba kasing katangahan ang ginawa ko ..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD