THIRD Person POV:
" Boss !!! Sumuway talaga ang prinsipe sa plano."
Ano bang binabalak nya .. ?
" Di nya alam ang pinasok nyang g**o ngayon. Mapapahamak sya ng dahil sa babaeng yun."
Saad ko.
Ano ba naman kasi ang pumasok sa utak nya.
Ang usapan iaalay ang dugo ng babaeng yun upang muling mabuhay ang ama nya, ang mahal na hari pero ano tung ginawa niya???
" Manmanan nyo sila. At saka tayo kikilos pag naplano ko na ang lahat. "
Tiim bagang kong utos sa kanila.
Wala na akong magagawa. Mukhang kinakalaban nya ako.
Ang di pag sunod sa tradisyon ay papatayin kahit na prinsipe ka pa at kaisa isa nalang na bampira sa mundong tuh ngayon.
" Pero BOSS ---."
Pagtutol ng isa kong mga alagad.
" Walang pero pero kung ayaw mong yang dugo mo ang ialay ko sa katawan ng mahal na hari."
Pero soya lang yun. Dahil iisa lang ang hanap ng katawan ng hari at yun ay ang nakatakda at ang nakasulat sa libro.
Nakasulat dun na isang birheng babae ang unang makakaalam ng sikreto ng prinsipe at ang dugo nito ang syang magiging daan upang mabuhay muli ang hari at ang lahat. Sya... Sya ang paraan para makapag hasik muli ang mga bampira sa mundong tuh.
MILKA Claire POV:
Atlas ! Tapos na ang kalokohang kasal kasalan. Ginabi pa kami ngayon sa daan.
Ngayon naman.
Pauwi na kami sa aming bahay daw kuno.Take note. BAHAY NAMIN. Wohhh ! Nakakakilabot isipin dyos ko po.
Kaming dalwa nalang ang sakay sa kotse na tuh.
Natatakot pa nga ko kanina na tumabi sa kanya dito sa driver seat kasi iniisip ko baka pag tulog na ako ay kagatin nalang nya ko bigla.. Wahhh---pero dahil sa sinabi nya saking ..
" Hey ! Come with me ! I wont hurt you. Promise."
With matching looked to his black eyes na seryoso naman ay nabuhay ang katawang lupa ko para kiligin este para sumunod sa kanya. Me sa hepnotismo yata tung bampira para mapasunod ako.
Pero bakit ganun?
Feeling ko sa sinabi nya sakin..
Di ako mapapahamak ..
Walang mangyayari sakin.
At higit sa lahat ..
Di nya ko pagtatangkaang papakin kahit tulog ako. Tama ba?
" Waaaahhhh--
Napatingin tuloy sya sakin.
Tingin na nagtatanung kung bakit ako mukhang sirang nagsisisigaw ..
" A.hi.hihi !!! Trinay ko lang kung ayos pa voice ko. Mag audition kasi sana ko sa monday para sa singing -----
" You will not pass, I assure you."
Anokamo? Parang sinabi nya rin sakin na panget ang boses ko?
" Abat---" Magsasalita palang ng bigla akong napahinto. Kasabay sa paghinto ng sasakyan.
" A-anyari? Ma-may sira ba ang sasak----"
" We're already here. Nandito na tayo sa bahay natin."
Ano daw? Andito na daw kami sa BAHAY NAMIN?
( Capslocked pa para di nyo maagawa hahah.. )
Hihintayin ko sanang sa paglabas nya ay pag bubuksan nya ako ng pinto pero nakalimutan kong wala pala sa dugo ng lalaking tuh ang dugo ng taong gentleman.
Wala! Nganga.
Napaka UNGENTLEMAN mu naman talaga oh. Tsk !
Pero teka makababa na nga.
Nang makita ko yung bahay namin.
Oo. Kulit ! Bahay nga namin hahah !
.
Pagkababa ko, napatingin ako sa paligid ko.
Tekk-a ..
Asan ba yung bahay na sinasabi niya? Eh puro malalaking puno tuh ah? Tsaka matatandang puno na tuh ahh? Kaedad pa yata ni lapu-lapu ee.
" Heyy ! Will you walk faster?"
Aba ! Nagmamadali? mamadali ka? Tatakbo ba yang bahay mo? Kala nito sa paa ko, may gulong? May gulong lang Pre?
" Teka lang naman po. Di uso kasi saakin ang di gulong na paa okay?" Pabuga kong sabi.
Teka? Bakit palayo kami ng palayo sa pinagbabaan namin eh, padilim ng padilim?
" Teka. Bat ang dilim na ng daanang tuh? San ba yung bahay mo? Wag mong sabihin nasa bundok pa ey, kanina pa ko tanaw ng tanaw dito sa paligid ey, wala naman akong makitang nagliliwanag na mansyon, bahay, palasyo o kubo man lamang. Teka hindi kaya ipapalapa mo na ko sa mga kasamahan mong bampira tapos tapos sabay sabay nilang sisip sipin yung dugo ko hanggang pati white blood cells ko ay maubos na din tas---Waaaaaahhhhhh paniii--pani--paniki ! Takbo ! Taraaah na bilis.".
May mga nagsisi liparang paniki na papalapit na samin.
Ey, buti sana kung isa, dalwa, tatlong paniki ang problema ey ha-halos isang daang batalyon sila. Kasama na yata ang mga lolo't lola ng mga paniking tu.
Nakakatakot pa. Halos maihi ako s kinatatayuan ko ngayon sa mga nakikita ko.
Pilit kong hinihila si Bampirang sungit para umalis na sa lugar na tuh ang kaso ayaw naman nya. Paisa isa ng nakakalapit samin ang mga paniki at nanginginig naman ang mga tuhod ko habang hinahampas ko sila papalayo sa akin.
" Waaaah--shu shu ! Alis kayo. Aliiisss ! "
Susumbong ko kayo kay papa.
At pati tung lalaki, kakasabi lang sa kanya ni mama na wag ako padapuan ng lamok ey tapos heto sa paniki ako padadapuan.
Pero laking gulat ko nang mahinahong magsalita itong lalaking walang dugong gentle.
" Makakaalis na kayo. Salamat sa pagbabantay sa bahay ko ! "
Ano daw ? Ako ba kausap nya o yung mga paniki ??
" Si..sinong kau..usap mo ??"
Pagtataka kong tanong.
" Ang ingay mo kasi kaya akala nila kaaway ka ! "
Anoooo? Tung mukhang tu pang kontrabida? Excuse me madalas kunin tung bida sa mga fairytales sa schol huh.
Pero--anu nga ulit yung sinabi niya sa mga tuh? Na eengkanto naba ako? Nisapian na ba ako ng ligaw na kaluluwa? Tama ba talaga ang narinig ko.
Kaya ba di sya niro inaano. At puro nasakin lang?
Wahhhh. Lord mababaliw na ako.
Dalhin nyo nalang po ko sa mental.
" Tara na sa bahay. "
Abat --Kung makahatak sakin ? Close lang kami ? Tsaka, anung bahay ? Eh ni isang gusali nga walang naka-----
Nang biglang may tumambad sa harapan ko ang malapalasyong mansion.
" Woooooowwww !!! Ba-bahay. Bahay mooo? Seryoso ka ba-bahay mo?"
Grabeee . Ang ganda. Pe--pero bakit kanina wala ito? Sobrang ganda, parang palasyo I mean, palasyo na nga yata tuh.
" Oy ! Bahay mo ba talaga yang pagkalaki laki?"
" Hindi ! Bahay lang yan ng aso't pusa. Pshh !"
Abat talagang basag yung moment ko.
Pilosopo lang ?
Saka ko sya nakitang pumasok na sa napakalaking pintuan.
Wahhhhhh --- sobrang ganda talaga.
Eh sulit naman pala ang pagpapakasal ko sa bampirang tuh ii. Tiba tiba hahaha ! Pwede na akong mag buhay reyna dito.
Wahhhh .. Cant wait to get inside n----Arrrayyyyyy ko !!!
Puchapepe !
Nadapa pa ko ..
Napatid ng bato ..
Katangahan ..
Dali dali akong tumayo.
Buti nalang walang nakakit-----
" Tsk. Katangahan. Ingatan mong di magasgasan ang lahat ng nakikita mo dito sa paligid, maske bato pa yan ! "
Ano daw? Sira ulo ba siya. Mas nag alala pa siya sa bato kesa sakin na pakiramdam ko tuhod ko ang nagas gasan.
Baliw.