Buong gabi akong gising kakaisip sa mangyayari bukas.
Pano naman kasi.
Anong kalokohang KASAL KASALAN ey, maske nga mga magulang ko walang kaalam alam sa pakulong tuh.
Nakakainis--pano ko tu sasabihin kela papa at mama? Nag aaral pa ko tas ikakasal na? Ang masaklap pa ni di ko manlang naging jowa yung papakasalan ko ni 0% walang lumilitaw na feelings para sa kanya. Arrggg kalokohan.
As if naman tototohanin nya.
Bahala na nga ..
"Tokkkk !!! Tokkk !!! Tokkkk !!
Milka, bangon na dyan at dumating ang mama at papa mo."
Halos mahulog ako sa kama sa narinig kon gsinabi ni Yaya.
Huh for real? Te-te..ka ... Next month pa ang dating nila ahhh ? Ba...bakit napa aga ya---
"Milka ..."
"Ah... O..opo yaya ! Bababa na po ko .."
Anong oras kaya sila dumating ? At anong nangyari ? Bakit napaaga ang uwi nila ? Bat di ko man lang alam na darating sila?
May nangyari kaya? Kaya umuwi sila ?? Hayyysss ..
Dahan dahan na akong tumayo at nag ayos ng sarili saka bumaba..
Nasa hagdanan pa lang ako, rinig na rinig ko na ang boses ni papa at mama at mukhang nagtatalo pa. Kaya napahinto ako at saka ko sila pinakinggan na muna.
" Ano ba Javier, sabing kapatid lang yun ng kasosyo natin sa negosyo at wala kaming relasyon.Josepa bintana Javier.
Pagmamaktol ni mama.
" Walang relasyon? Eh bakit magkatext kayong dalwa. Wag ako Beatrice. Huling huli kita kanina na sa pangalan ng lalaking yun sinend mo yung text mo."
Sagot naman ni papa.
" Purbida Javier, malamang dahil nagtatanong sya kung bakit isang linggo natin pinakansela ang lahat ng ating mga lakad at meetings."
Bwelo naman ni mama.
Haysss .. Kung kelan tumanda saka pa nag selosan ang mga tuh.
Saka na ako nagpatuloy sa paglalakad sa staircase pababa.
"Mah ! Pah tigilan niyo na nga yan. Ang aga aga ang iingay nyo. "
Pagpuputol ko sa sasabihin sana ni papa kay mama.
"Ahhh .. Ang unica hija ko .. Hmmm .. Namiss kita anak. "
Hayy nako. Sa sobrang miss mo sakin mah di na ko makahinga sa totoo lang po.
"Mah ! I can't breath, okay ?"
Saka niluwagan naman ni mama habang inaayos ayos ang buhok ko.
"Akala ko ba ey next month pa kayo makakauwi bakit----Ano yan pah ??
Pagtataka ko ng may ipakitang isang puting envelope sakin na may ribbon. Parang stilo ng isang imbitasyon . Napakunot noo ako. Anong meron?
"Don't tell me anak wala kang alam sa pinag gagagawa mo.. Eh kami nga dapat magtaka kung bakit bigla bigla nalang may dadating na ganyang imbitasyon kahapon sa bahay."
Napakunot ang noo ko ulit sa sinabi sakin ni papa. Sabi na ee, imbitasyon yan. Pero para san wala namang mag bibirthday at mas lalong walang patay--este kahit may patay walang pakulong ganyan? Kaya para kanino at---
"Anak.. Bat di mo samin sinabi agad ? Huhuhuhu "
Tsk .. Nalilito na ako huh?
To namang si mama, nag uumpisa na namang magdrama.
"Akina nga yan pah, babasahin ko .. "
Pag ka agaw ko, dali dali kong binuksan ..
At halos malaglag ang panga ko at dalwang mga mata ng makita ko kung kaninong pangalan ang mga nakasulat dun, at kung kaninong demonyo galing.Halos di ko maigalaw ang buo kong katawan sa sobrang bigat na dala nitong nakasulat sa mabangong papel.
"Anak ! Masyado mo kaming nasorpresa dyan sa wedding invitation mong yan. Mabuti nalang at hindi masyadong importante ang meetings namin ng mom mo sa Italy for this week. Ikakasal kana pala mamaya pero nananahimik ka lang."
Saad sakin ni papa, habang ako.Sunod sunod kong nilalagok ang laway ko.
Di pa din ako makapaniwala.
Pano nya nagawa tu ng isang iglap lang.
Parang kahapon ko lang naman kinumpirma tung kasunduan tapos agad agad makakarating eto kela mama at papa?
Hayop !!!
Me sa alien ba siya este bampira nga sya.
Pero bakit ako pa ? Mukhang totoo na nga etong bangungot ko sa buhay.
Di ko lubos maisip na magpapakasal ako sa di ko na nga mahal.
Eh BAMPIRA PA !!! WAHHHHH
" Anak, sya nga pala. Na meet na namin yung boyfriend mo at ang family nya. Infairness anak huh, lahi talaga nila ang pagiging hilaw. Ang puputi. Mestisong mestiso sarap magpalahi hahaha."
Mah, anu ba? Kung alam mo lang kung bat ganun nalang ka mestiso yun baka magtago ka sa kabaong ni lola.
Tsaka ano daw? Eh maske nga ako di ko pa namimeet yung parents nun. Ayos ah ! Planadong planado niya. Talagang sinigurado niyang yung pangatlo ang pipiliin ko.
Di ko alam pero napapatango nalang ako sa mga sinasabi sakin nila mah at pah.
"Anak ! Di ka nagkamali ng lalaking minahal. Naaalala ko sa kanya ang kabataan ko hahaha .. Yung tindig nya, kgwapuhn nya at katalinuhan ay parehong pareho nung kabataan ko din hahaha-----
" Purbida, Javier !!! Nangarap ka na naman dyan. "
Sabat ni mama kay papa.
"Aba .. Kung di mo naaalala ey ikaw pa nga tung habol ng habol sakin. Ni di ko nga alam bakit ako nagpakasal sayo. Kung anung nagustuhan ko sayo. Baka nga ginayuma mo ko."
" Hoy Javier, baka nakakalimutan mo. Ginapang mo ko nung hindi kita sinagot. "
Kahit nasa state of shocked pa ako ey di ko mapigilang matawa sa dalwang katabi ko ngyon. Hahaha !
Ganyan yang dalwa lagi ii . kaya sobra ko silang namimiss pag umaalis sila. Pero naiintindihan ko yun dahil alam kong ginagawa nil yun para sakin.
Napabuntong hininga nalang ako ng pumasok si manang na may dalang isang manipis na kahon ..
"Milka, para sayo daw ..
Napakunot ang noo ko. Kailan ako umorder?
"Para sakin ? Kanino galing ----
Bigla akong may naramdamang kakaiba sa likod ko ..
Parang .. Parang may tao.
Parang may nakamasid sa bawat galaw ko ngayon ..
Mas kinilabutan pa ako ng biglang may bumulong sakin..
At hinding hindi ako nagkakamaling sya iyun ..
Syang sya ang nagsabi saking ..
" Yan ang isusuot mo sa kasal natin mamayang gabi."
Napapikit ako para maramdaman ko ulit ang presensya nya pero wala na.
Grabe. Pano nya nagawa yun ?
Para syang sumasabay sa ugoy ng hangin.
Mababaliw na talaga ako.
Mababaliw !!!!
Nagising lang ang pag iisip kong nasa planetang waka waka ng magsalita si mama sabay agaw dun sa kahon.
" Ako na nga magbubukas anak, feeling ko sobrang ganda nito haha."
Mah .. Ano ba ? Dapat di ka masaya dapat di kayo pumayag na ipakasal ako. Dapat walang mangyaring kasalan. Pero pano ko naman sasabihin tuh kela mah at pah ??? Ehh baka imbes tulungan ako sa problema ko ee ipamental pa ko. Ano ba naman ...
"OY .. BEATRICE . Mas excited ka pang magbukas nyan kesa sa anak mo na syang ikakasal. Abahhh !!! "
Pang aasar ni papa ..
Napaupo naman ako sa harapan nila mama at papa habang si mama ii halos di magkanda ugaga sa paghahablot para punitin ang karton nito.
Pero ..
Ano kaya ang itsura ng wedding gown kong yun ???
Maganda kaya ??
Ano kayang pakiramdam ???
Pakiramdam na suot ko yun ???
Di ko alam pero bakit tila nagiging excited na ako sa mangyayaring kasalan knowing na di ko naman tuh gusto. Wahhhhh ---- ERASE .. ERASE !!! NU KA BA MILKA, MAGPAPAKASAL KA NGA. PERO DI SA TAO KUNDI SA BAMPIRA .. HUHUH-----
"WOOOOW !!!! ANAK .. ANG GANDA !!! " Mama.
" PULAAAAAA ??? KELAN PA NAGING PULA ANG SUSUOTIN NG IKAKA---
" HAHAHA .. Ano ka ba anak ?? Bongga nga ey, kasi ang unique ng motif color ng kasal nyo.. Babaeng babae k kung titingnana .. Hahaha " mama.
Wahhh . ano ka ba naman mah .. Isipin mo kaya ako.
Eh kulay pa lang nyan, simbolo na ng dugo ..
Mamamaya mabilataan nyo nalang ako na namatay sa honeymoon dahil ang pinakasalan ko ay isa lng naman bampira.
Dyosmiyo marimar .. Sana di nalang ako nabuhay kung ganito lang naman ang magiging kapalaran ko.
Nang dahil sa pagiging chismosa ko.
Nauwi sa pagpapakasal sa isang BAMPIRA ..
BAMPIRANG KAHIT ANONG ARAW AT ORAS AY MAAARING HIGUPIN ANG DUGO KO NA IKAKAMATAY KO.