Kabanata I

2521 Words
Kabanata I Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang salita at eksena na hindi angkop sa mga mambabasa na may edad 18 pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. KATARINA NATAGPUAN ko ang sarili kong nagkakape sa tapat ng maliit na mesa ng aking maliit na kwarto Sabado ng umaga. Alas sais y media pa lang at alas onse pa ang pasok ko sa fastfood chain kung saan ako nagpapart-time job. Inuubos ko ang donut na ini-uwi ko kahapon dito. Unang umaga ko sa boarding house na ito kaya naman nakakapanibago pang gumalaw. "Meow... Meow," umaaligid na ang pusa kong si Monina sa akin sa may mesa. Kinuha ko si Monina sa dati kong boarding house dahil naaawa ako dito. Hindi kasi nakakakain ng maayos, and pet lover ako kaya naman kinuha ko siya dito sa Tita Lola's Boarding House kasama ko. Lumipat ako sa boarding house na ito dahil malapit ito sa lugar na pinagtatrabahuhan ko. Mura lang din naman ang renta kaya naman kinuha ko na. "Anong gusto mong pagkain? Gusto mo bang i-uwian kita ng mga left overs mamaya?" Kinakausap ko pa siya habang hinihimas ang mabalahibong katawan niya. "Meowww," "Huwag kang mamomorwisyo ng kapit-bahay ha? Baka mapalayas tayo dito," sabi ko pa. "Meow," Itinaas ko ng kaunti ang aking eyeglasses na bumaba sa ilong ko bago ako ulit humigop ng kape. Napagod ako sa pag-aayos ng mga gamit ko kahapon pero hindi pa ako natatapos dahil may dalawang karton pa akong hindi nabubuksan. Maya maya ay tumawag si Maxine, ang kaibigan ko na nagpresentang tutulungan ako kahapon ngunit hindi nakarating dahil sa kanyang emergency. "Hello sis, papunta na ako diyan," sabi pa niya. "Ang aga mo namang pumunta," "Eh kasi nga diba, maaga din akong nagising dahil nagsend pa ako ng mga requirements natin. Buti ka pa, magaling ka masyado kaya naipasa mo kaagad," "Minadali ko lang talaga dahil alam kong lilipat ako kahapon," "Oh siya, salubungin mo ako at malapit na ako," "Sure," Pinatay ko na ang cellphone ko at saka ako lumabas ng kwarto. Nasa third floor ang kwarto ko at bawat floor ay may anim na mga kwarto. Lahat dito ay yari sa kahoy at himalang napakatibay nito. Iba talaga pag lumang style, matitibay ang mga gamit. Pagbaba ko ay hinintay ko lang siya ng ilang segundo saka siya bumaba sa tricycle. "Manong bayad oh," Pagkatapos nito ay ngumiti siya sa akin at saka naglakad na papasok at nauna pa sa akin. "Kumusta naman ang paglipat mo kahapon? Sinong tumulong sayo?" "Secret," sabi ko pa. Sa totoo lang ay walang tumulong sa akin. Kinaya ko lang talaga mag-isa. "Pasecret secret ka pa diyan, ano ka ba, hindi naman masamang sabihin na si Robin ang kasama mo kahapon," sabi pa niya. Robin. Ang manliligaw kong hindi ko masagot sagot dahil palagay ko ay hindi ako deserving. "Wala akong kasamang naglipat kahapon, at si Robin, katulad mo ay busy kahapon. Pero okay lang, kayang kaya ko naman," "Weh? Kayang kaya?" "Yes. Nakapag-ayos na nga ako eh," "Lahat?" "May naiwan pa," "That's why I am here," aniya. Paakyat na kami sa third floor nang makasalubong namin ang lalaking nakasando ng Grey at hapit na hapit iyon sa kanyang matipunong katawan. Natahimik kami ni Maxine nang malapit na ito sa amin habang nakatingin lang sa akin. Napayuko ako at inayos ang aking salamin dahil nahiya akong makipagtitigan. "Kat," biglang hinawakan ni Maxine ang kamay ko. Napalingon ako sa kanya dahil maging siya rin ay nahihiya sa gwapong lalaking makakasalubong naming dalawa. "Deretso lakad lang girl," sabi ko pa. Hanggang sa makasalubong na namin ang lalaking may hawak na basurahan. Matalim ang mga mata nitong tumitig sa akin. Maitim iyon at punong puno ng misteryo. Para akong nakakita ng karakter sa mga pelikulang vampires na kung saan ay sa tingin pa lang ay parang gusto na akong sakmalin nito. Patuloy lang kami sa paglalakad nang biglang magsalita ang lalaki. "Hey," aniya. Napahinto kaming dalawa ni Maxine nang marinig iyon. Nauna akong lumingon at nakumpirma na kami nga ang sinabihan niya ng ganon. Saka ako nakayukong humarap. "B-bakit po?" Tanong ko. "Ikaw ba ang bagong nakatira diyan?" Tanong niya sabay turo sa pintuan ng kwarto ko. Malapit na pala kami. "O-opo. Bakit?" Nauutal kong sagot at tanong. "Kung ganon ay sa'yo yung pusa na iyon?" Tanong niya. Tumingin ako sa pusang may dalang transparent na plastic at may lamang kung anong likido sa loob saka patakbong pumunta sa bubong dahil hanggang third floor lang ang building. "Ano iyon Maxine?" Tanong ko. "Gaga, hindi mo ba alam? Used condom yun," mahina niyang wika. "Shocks," napatakip ako ng bibig nang malamang si Monina ay may kagat na gamit na condom. Saan niya iyon kinuha? My Goodness. Ibinalik ko ang tingin ko sa lalaki at nakita ko ang hawak niyang basurahan na halos puno na at nakumpirma ko kung kanino galing ang condom na dala ni Monina. Sa kanya. "Maging responsableng pet owner ka para hindi magkalat ang alaga mong pusa. Mahilig pa man din ako sa p***y, baka kunin ko iyan," sabi niya bago tumalikod. Nagkatinginan kami ni Maxine saka niya sinenyas na huwag na akong sasagot pa. Napailing na lang ako nang sandaling iyon bago kami pumasok sa aking inuupahang kwarto. "Oh MY GGG girl, may hot neighbor ka," aniya sabay higa sa aking kama. "Hot nga, mukha namang fuckboy," sabi ko pa habang inilalabas sa supot ang dala niyang mga tinapay. Pinapakain ko naman ng maayos ang pusa na iyon bakit condom pa ang trip niyang kainin, at gamit na condom pa ha? Ewwww. Dugyot. Ayaw ko na kay Monina. Bakit ba kasi isinama ko pa siya kung ganon lang ang ginagawa niya? Nakakahiya. Naalala kong bigla ang sinabi sa akin ng lalaki kanina. "Maging responsableng pet owner ka...," Nagpabalik-balik iyon sa isipan ko at saka ako nakipag-usap sa sarili ko. "Pfffrtt, siya dapat ang maging responsableng fuckboy dahil hindi iyon pagdidiskitahan ni Monina kung nakadispose ng maayos ang condom na ginamit niya," napalakas ang boses ko. "Hoy, sinong kausap mo diyan?" Tanong ni Maxine sa akin. "Wala, naiinis lang ako sa lalaki kanina," "Yung hot neighbor mo?" "Sana nga hindi ko na lang neighbor iyon," "Sana nga ka-room mo na lang?" Sabad ni Maxine. "Maxine, kailan pa naging mahalay ang utak mo?" Tanong ko sa kanya. Nerdy kasi kaming dalawa ng bestfriend kong ito kaya't hindi uso sa amin ang kapusukan, ang kalandian at ang mga bagay na walang kinalaman sa academics. "Kanina lang, nung nakita ko ang kapitbahay mo," sagot niya. "Sa tatlong taon nating pagiging magkaibigan, sa bad boy ka lang magiging lukaret? Mag-isip ka nga Maxine," sabi ko pa. "Para ka na namang manang diyan. Nagbibiro lang ako," tumayo siya at kumuha ng tinapay sa mesa. "Alam mo, you attract who you are," sabi ko pa sa kanya. "Ang weird mo lang ha?" "Eh sabi iyon sa Law of Attraction. Kapag gusto mong nasasaktan ka, nakaka-attract ka ng taong mananakit sayo. The same is true with that guy kanina, kung bet mo siya, meaning bet mo ring nababastos ka," sermon ko sa kanya. "Hala, lecture 101 ba ito Madame Katarina?" Sabi pa niya bago kumagat muli ng tinapay. "Hindi, sinasabihan lang kita to choose kung sino ang pagbibigyan mo nga attention mo," at kumuha na akong muli ng tinapay. "So, I choose to give my attention to your things. Kailan natin itutuloy ang pag-aayos? After your lecture or while you are giving me a lecture?" Pamimilosopo niya. "Whatever," umirap ako sa kanya. "DALIAN NA NATIN, may trabaho pa ako ng 11 AM," sabi ko pa kay Maxine na panay ang pag-uusyoso sa mga gamit ko. Tinitingnan niya kasi ang bawat litrato na dala ko bago niya ilagay iyon sa mga estante. "Oo, matatapos naman natin ito bago mag-11," aniya. "So hindi na tayo kakain?" Tanong ko. "Madali lang tayong kakain, kahit nga sa mismong workplace mo na eh," aniya. "Nagtitipid ako Maxine. Mahal ang pagkain doon," "Ililibre kita," "Bakit? May padala na naman ba ang mama mo?" "Wala naman. Marami lang akong ipon," "Ipon saan? Sa paggawa ng assignments ng iba?" "Yes," "Eh kaya pala napapabayaan mo na ang studies mo, mas inuuna mo ang assignment ng iba," "Namamanage ko naman, Katarina," "Namamanage mo nga, eh ang tanong, nagiging effective ka ba sa studies mo?" "Okay na ako sa passing grade," "You graduated Valedictorian tapos okay na sayo ang passing grade sa college? Imposible," "Sa kurso nating Med-Tech hindi na uso ang mataasang grado sis. Lalo na at grabe kung sumala ang mga profs natin," "So ikaw ang unang masasala kung nagkataon," sabi ko pa. "Promise, pagbubutihin ko na. Two semesters na lang ga-graduate na tayo," sabi pa niya. "Kung, makakapasa tayo," sabi ko pa. "Papasa iyan. Ikaw ba? Hindi ba masyadong hectic iyang schedule mo sa part time job mo sa time mo for your studies?" "Hindi naman. Namamanage ko naman katulad ng sinabi mo," napangiti pa ako. Tumaas ang kanan niyang kilay. "Kapag ikaw bumagsak, huwag kang iiyak iyak sa akin," "Parang narinig ko na iyan dati pa," natatawa kong wika. "Che, ewan ko sa'yo," aniya. NAGPATULOY NA kami sa aming ginagawa and luckily ay natapos na namin iyon kaagad. Nagmadali na rin ako sa pag-prepare ko sa sarili ko dahil may trabaho na naman ako. Katulad nga ng sinabi niya ay inilibre niya ako mismo sa pinagtatrabahuhan ko bago ako magstart sa duty ko. Umalis na rin siya kaagad pagkatapos. MABILIS lumipas ang oras. Natapos na agad ang duty ko ng alas syete ng gabi. Wala na rin naman akong lakas para magluto ng pagkain ko kaya't dito na rin ako kumain ng hapunan. Katulad ng ipinangako ko sa pusa kong si Monina, kaysa used condom ang itakbo niya ay uuwian ko siya ng mga buto at mga hindi naubos na pagkain. Naglalakad na ako papasok sa kanto ng aking inuupahang boarding house nang sumabay sa akin ang isang naka-jacket na itim, nakasuot ang hood nito at nakapamulsa ang kanyang mga kamay. Malamig ang December kaya naman justified na naka-jacket siya. Pero ang naka-hood siya sa daan ay tila ba kahina-hinala. Hinawakan ko ng mabuti ang bag ko at saka aambang tatakbo kung may masama man siyang gagawin sa akin. Madilim ang daan sa kanto. Pasado alas otso pa lang ng gabi pero parang ghost town na ang kantong papasok sa aming boarding house. Dub-dub. Dub-dub. Ang lakas lakas ng t***k ng puso ko dahil sa takot. Ano ba ang lugar na ito at sobrang nakakatakot kapag gabi? Kahapon din ay ganito pero hindi ako nakadama ng kahit na ano, pero bakit ngayon? Tiningnan ko ang katabi ko na mata ko lang ang gumagalaw. Pinipilit kong magpakatatag para makatakbo. Matangkad siya at malaki ang katawan. Imposibleng makatakas ako kaagad kung mahahagip ako ng mga kamay nito. Malaki rin ang mga braso niya at halata iyon kahit pa naka-jacket siya. Lord, help me. Medyo malayo pa ang lalakarin ko at may dalawang poste na pundi ang ilaw. May mga kabahayan din naman pero wala nang tao. Kailangan ko nang tumakbo. Hindi na maganda ang pakiramdam ko sa lalaking ito na kung mas bumibilis ang lakad ko ay doble doble ang bilis niya sa akin. Isang hakbang niya ay dalawa sa akin. At nang alam kong wala akong choice kundi umatras ay huminto siya sa paglalakad. Pagkatapos nito ay umikot siya at saka ako tiningnan. Madilim kaya't hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Nagstretch siya ng leeg at nang gawin niya iyon ay mas natakot ako. Isa. Dalawa. Tatlo. Pagbilang ko sa isip ko ay agad akong tumakbo. Ngunit sa kasamaang palad ay tumakbo din siya. Naabutan niya ako at nahagip niya ang dala kong supot ng mga pagkaing dala ko para kay Monina. "Tulooonngggg," sigaw ko. Ngunit wala na akong naisunod pang sigaw dahil natakpan na ng mainit niyang palad ang bibig ko. "Uuhhhmmmm," daing ko. Mahigpit ang pagkakakapit niya sa akin. "Huwag kang maingay, hindi kita sasaktan," bulong niya. Naririnig ko ang baritono niyang boses at saka ako napalingon sa kanya. Ngayon ay malapit ang mukha niya sa mukha ko at kahit pa nakasuot siya ng hoody jacket ay naaninag ko na ang mukha niya. Unti -unti niyang inaalis ang kamay niya sa bibig ko at saka humiwalay sa akin. Tinanggal niya ang hood niya at saka nakapamewang na tumingin sa kawalan bago muling tumingin sa akin. "Bago ka nga dito ano?" Maangas niyang tanong. Napayuko ako. "Itinuro ba sayo na kapag may kumakausap sayo ay kausapin mo at tingnan mo sa mukha o sa mata?" Wika pa niya. Napakapit ako sa suot kong pants at saka ko inayos ang eyeglasses ko. "B-bakit ba kasi, anong kailangan mo?" Mahina kong tanong sa kanya at dahan-dahang nag-angat ng mukha. Matalim ang tingin niya sa akin bago umiwas at napabuga ng hangin at naglakad pabalik. Pero nakakailang hakbang pa lang siya ay bumalik siya para hawakan ang aking kanang kamay. Nabigla ako nang hilahin niya ako. "Nasasaktan ako," sabi ko pa. At saka siya huminto at inilapit ako sa kanya. Bumangga ang katawan ko sa matigas niyang katawan at saka bumagsak ang eyeglasses ko sa semento. Paano na iyan? Medyo malabo ang mata ko sa dilim. Pinilit kong kumawala pero ayaw niya akong pakawalan hanggang sa biglain niya na akong bitawan. Napaatras ako at saka ko agad pinulot ang eyeglasses ko. Sana naman ay hindi iyon nasira. Salamat at hindi. "Dalian mong maglakad," utos niya. Nakakatakot siya. Sobra. Panay ang pagkabog ng dibdib ko habang naglalakad at nakasunod lang siya sa akin. Gusto kong lumingon pero natatakot ako, ng sobra. At nang sa wakas ay nakarating na ako sa bakuran ng boarding house ay nakahinga na ako ng maluwag. Pero wala pa ring mga tao. Nasaan ba sila? "Umuuwi ang mga tao dito kapag weekend. Dahil puro sila estudyante," aniya. Kinilabutan ako dahil napakalapit niya sa likuran ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa second floor. At nakasunod pa rin siya sa akin. Alam kong sa third floor siya pero saang parte doon? Sa wakas ay nakarating na ako sa third floor. Naglalakad ako sa pasilyo at nakasunod lang siya sa akin. Inaantay kong mauna siyang pumasok sa kung saan man siya kwarto nabibilang ngunit naalala ko na nakasalubong namin siya kanina. So malamang sa huling kwarto siya o sa susunod pa dito. Dahil sa ikatlong room ako. "Sa susunod na magpagabi ka, tawagan mo ako dahil maraming lasenggo diyan sa dinadaanan mo. Curfew na rin ng alas otso dito dahil sa krimen na nangyari diyan sa labas noong nakaraan," wika niya na ikinalingon ko. Hindi ko pa man naibabalik ang atensyon ko sa pagbubukas ko ng pintuan ngunit nagsalita pa ulit siya. "Tandaan mo ang mga sinabi ko para hindi ka na nakakaistorbo. Sige na, pumasok ka na," utos niya. Simbilis ng kidlat ang pagpasok ko at nang makapasok ay sumandal akong bigla sa pintuan at huminga ng malalim. Anong ibig niyang sabihin? Pagtatapos ng unang kabanata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD