Prologue
Prologue
"OH GOD!"
Boog! Boog!
"Yes, bilisan mo! Shut Ace, uhhhm yes Aiden,"
Boog! Boog!
"Aray!" Nahulog sa mukha ko ang painting na nakasabit sa dingding ng bago kong kwarto sa gitna ng gabi.
Napabangon ako at isinuot ko kaagad ang eyeglasses ko.
"Ano bang nangyayari?" Tanong ko sa sarili ko habang hinahanap ang tsinelas ko sa baba.
"Yes, Aiden. Ohhh yesss. Ganyan nga!"
Boses iyon ng babae na nasasaktan pero parang hindi. Basta, hindi ko maipaliwanag.
Maya maya ay nawala ang malakas na kalabog sa kabilang kwarto at tumahimik na.
Kinuha ko ang painting na bumagsak sa aking mukha at inilagay sa gilid ng aking kama.
Pabalik na ako sa higaan nang gumalaw pati ang aking kama na nakadikit sa dingding ng kwarto.
"Ooohhhh God, ang lalim!" Wika ng nasa kabila.
Napalingon ako sa narinig ko.
"Sinasaksak ba ang nasa kabila?" Mahina kong tanong sa sarili ko.
Unti unti kong tinatanggal ang eyeglasses ko nang makarinig ulit ako ng kalabog.
Boog! Boog!
Tumatama ang kung ano sa may pader ng aking kwarto. Tumingin ako sa orasan at alas dos pa lang ng madaling araw.
"Ohhh Yesss! Too deep that's it, yeahhh!" Patuloy ng babae.
Nahiga na lang ako dahil hindi ko maunawaan kung ano ang nangyayari sa kabila.
"Aaacceee, faster please!"
Nakakairita na. Madaling araw na madaling araw may nagkakarerahan yata.
Kaya naman tinakpan ko ang tenga ko ng unan para makatulog na akong muli.
"Ssshhhiiiitttt Aiddeeennn!"
Boog! Boog! Boog!
"Aaarrggghhh Melissa, heto na!"
Ngayon ko lang narinig ang boses ng lalaki sa kabila. Pero may isa pa eh, Aiden at Ace? Sino sila?
Hindi ko pa masyadong nakikilala ang mga kapitbahay ko dahil wala akong time. Gabi na rin ako umuuwi dahil sa part time job ko at maagang umaalis para sa aking klase.
Wala nang time makipagkilala sa neighborhood.
Dahil sa lakas ng kalabog ay nadamay ang kamang kinahihigaan ko. Maging ito ay gumalaw kaya naman napatayo ako at muling isinuot ang eyeglasses ko.
Gusto ko sanang kalampagin sila kung ano man ang nangyayari sa kabila pero nahihiya ako, lalo pa at bagong bago ako dito sa Tita Lola's Boarding House.
Kaya naman nagdesisyon akong hilahin ang kama ko upang hindi madikit sa dingding na yari sa Antique style na kahoy.
Tumahimik ulit ang kabilang kwarto at saka ako nahigang muli sa aking kama.
Sa wakas, makakatulog na ulit ako.
Nasa may moment na ako ng malapit na pagtulog nang muling kumalabog ang dingding.
Boog! Boog!
"s**t Aiden, aaahh ang lalim," sabi naman ng bagong boses.
Ilan ba ang kapit-bahay ko?
Puro salitang "malalim, oh God, and s**t," ang naririnig ko sa kanilang lahat.
This is my third night at walang palya ko silang naririnig noong isang araw pa.
May narinig akong Melissa, Alexa, Gina, Madelyn, Vina at dadalawang tunog lalaking pangalan lang ang naririnig ko, Aiden at Ace.
Maliit lang ang mga kwarto sa paupahan na ito pero bakit parang ang daming tao sa kabila?
Na-curious tuloy ako!
Uminom muna ako ng tubig bago ko muling tinungo ang higaan dahil wala nang kumakalabog.
Sa wakas ay nakatulog na akong muli.
Ngunit paglipas ng ilan pang sandali ay nabulabog na naman ako sa kalabog sa kabilang kwarto.
Naiinis akong bumangon. Isinuot kong muli ang eyeglasses ko at saka nagmadaling lumabas ng kwarto.
Alam kong baguhan lang ako dito pero nakakainis na silang pakinggan. Minadali kong makarating sa kabilang pinto at saka ko iyon kinalabog ng malalakas na pagkatok.
"Excuse me!" Sigaw ko sa labas kasabay ng malalakas kong katok.
Umatras pa ako at nagtiklop ng mga kamay habang hinihintay na may lumabas na tao mula doon.
Lalapit pa sana ako para kalampagin iyon nang bigla itong bumukas.
"Pasensya na sa istorbo pero...,"
God!
Napanganga ako!
Bakit may nakatayong lalaki na pawis na pawis at halos hubad na sa suot niyang puting brief na pilipit pa ang garter at nakatayo sa harapan ko?
Gosh, ang virgin eyes ko!
"Pipila ka ba na tulad nila?" Ibinuka niya ang pintuan at nakita ko ang tatlong babae na naghihintay sa kanya.
Bakit ako pipila? May bigayan ba ng ayuda?