Kabanata II
Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang eksena at tagpo na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. Huwag nang ituloy ang pagbabasa kung hindi rin lang ninyo gusto ang konteksto.
KATARINA
HINDI PA RIN MATANGGAL SA AKING DIBIDB ANG KABA. Ang akala ko talaga ay may masamang loob siya at mayroon siyang masamang balak sa akin. Iyon pala ay hindi lang siya kampante na naglalakad ako sa lansangan ng ganitong oras. Ngunit ano lang kung maglakad ako ng ganitong oras? I mean, anong pakialam niya sa akin kung tutuusin, e hindi naman naging maganda ang aming naging unang pagkakakilala. Hindi ko nga alam kung anong pangalan niya eh.
Napailing ako at saka ako naglakad papunta sa aking kwarto at ibinaba ang aking mga gamit. Naupo ako sa gilid ng kama at saka ko tinanggal ang sapatosko at ang aking medyas.
"Haay! Nakakapagod naman," wika ko habang hinihilot ang aking kanang sakong. Nagstretch pa ako ng aking leeg at saka nag-inat. Kapagkuwan ay ihiniga ko muna ang katawan ko sa aking single bed.
"Hhhmmmm," ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim.
Ganito ang buhay ko lagi, lalo na sa dati kong baording house. Iyon nga lang, ang dati kong boarding house ay napakaraming nakatira at kailangan naming magshare sa isang room. Hindi rin ako nagiging komportable sa aking pag-aaral at pagkilos kaya't mabuti na lang talaga ay mayroon akong maayos na nalipatan. Ang upa nga lang ang pinagkaiba, ngunit kaya ko namang magtipid at mayroon naman akong part time job para dito. Kung sana ay mayroon kaming magandang buhay ay easy lang ang lahat.
Napamulat ako ng aking mga mata nang biglang magring ang aking cellphone. Bumangon ako at saka ko iyon sinagot. Si Robin ang tumatawag.
"Hello, kumusta ka na? Nakauwi ka na ba?" Tanong niya sa akin.
"Oo, kauuwi ko lang," sagot ko saka ako tumagilid ng higa.
"Okay mabuti naman. Pasensya ka na, hindi kita naihatid kasi mayroong emergency dito sa bahay," sabi pa niya sa boses ng pag-aalala.
Hindi niya naman ako kailangang ihatid dahil hindi ko naman siya kasama sa trabaho. Hindi naman okay para sa akin na pupunta pa siya sa workplace ko tapos susunduin at ihahatid niya ako sa aking baording house. Wala naman siyang driver's contract sa akin.
"Naku Robin, sa edad kong 23 ay hindi ko na kailangan pang maihatid, kayang kaya ko na ang sarili ko," sabad ko naman na kunwari ay hindi nakaramdam ng takot sa gitna ng madilim na kalye kanina.
"Mahirap na at hindi safe ang maglakad ng nag-iisa sa daan," aniya.
"Safe naman sa lugar na ito, Robin," saka ako bumangon upang hawakan si Monina na ngayon ay nasa paanan ko na.
"Hindi natin iyan masasabi. Oh siya, magpahinga ka na. Kumain ka na ba?"
"Kanina pa ako kumain sa pinagtrabahuhan ko, pero baka magluto ako ulit ng noodles mamaya," sagot ko sa kaniya.
"Oh siya sige, kumain ka na. Salamat sa time,"
"Salamat din," saka ko ibinaba ang tawag at inilapag ang aking cellphone sa kama.
"Monina, marami akong dalang pagkain mo. Huwag ka nang maghalungkat ng basurahan ha? Baka kung ano ano na naman ang iyong makuha doon," hinimas ko ang kaniyang katawan at saka siya lumilingkis akin.
"Oh siya, halika na at mayroon akong dalang pagkain para sa'yo. Mabubusog ka na ngayon," sabi ko pa saka siya dinala sa kusina.
Nang mapakain ko na siya ay saka naman ako nagbihis at naghilamos. Nakadama ako ng kaunting gutom kaya naman bago ako mag-aral para sa lunes ay kakain muna ako ulit ng noodles at tinapay.
Habang nagluluto ako ay mayroon akong narinig na dumaan sa tapat na grupo ng mga kababaihan na nagtatawanan. Hindi ko naman iyon pinansin dahil baka bisita lamang iyon ng aking kapit-bahay.
Pagpasok nila ay tumahimik na rin naman kaya't wala na rin akong narinig na nagtatawanan. Pagaluto ng noodles at pagkalagay ko sa seasonings ay saka ko iyon isinalin sa mangkok at nagsimulang kumain. At dahil gutom na gutom ako ay naubos ko iyon ng mabilisan lang.
Hinugasan ko na rin iyon kaagad at isinunod ko ang pagtu-toothbrrush bago ako pumasok sa aking kwarto upang mag-aral muna.
Sa tabi ng aking higaan ay ang isang mesa na eksakto lang para sa akin upang mapaglagyan ko ng aking libro at mga gamit sa paaralan. Bago ako magsimula ay nag-inat muna ako at nagpunas ng salamin ko.
NASA KALAGITNAAN na ako ng aking pag-aadvance reading at pagtetake down notes nang tingnan ko ang oras. Alas nwebe na ng gabi at usually bago mag alas dyes ay mahihiga na ako. Kailangan ko lang tapusin ang isang chapter ng aking inaaral bago ako mahiga.
Kasalukuyan akong nagsusulat nang parang mayroon akong naririnig na mahinang kalabog sa kabilang kwarto. Medyo mayroong kakapalan ang mga dibisyon ng bawat silid ngunit dahil kahoy iyon ay maririnig pa rin kung masyadong malakas ang nasa kabila.
Una ay mahinang kalabog lamang ang aking naririnig. Ngunit habang tumatagal ay sinasabayan iyon ng magkakasunod na halinghing at tila ba naihirapang boses.
"Meow," nagulat pa ako ng pati si Monina na nakahiga sa gilid ng kama ay napatayo at nagising dahil doon.
"Meeooww," madali lang niyang nilundag ang kinaroroonan ko at saka naupo sa tabi ng aking libro.
"Matulog ka na," kinausap ko pa siya.
"Meooow," ang tangi niyang sagot saka nahiga sa tabi ng libro ko.
Nagpatuloy ako sa pagsusulat nang biglang lumakas ang boses ng kung sinong tao sa kabila.
"OOhhhh Aiden it's so good! Faster please, don't stop," wika ng isang boses ng babae.
"Torture her Ace," natatawa naman ang isa sa kaniyang sinasabi.
At magpapatuloy na sana ako ng biglang parang mayroong tumatama ng paulit-ulit sa dingding. Sa palagay ko ay parang mayroong nagpupukpok sa kabila na dahila para mayanig ang kahoy na pagitan ng bawat kwarto.
Nawala ako sa focus kaya't napasandal na lamang ako. Pinagmamasdan ko ang pader na nasa harapan ko ngayon at hindi ko malaman kung bibigay ba ito dahil sa lakas ng kalabog.
"AAaaaggghhhhh!" Boses iyon ng isang lalaki na tila ba nahihirapan o kaya naman ay nakadama ng kung ano.
Napatayo ako at agad itinulak ang eyeglasses ko na dumudulas sa aking ilong dahil sa pagkagulat. Tumingin ako kay Monina na napalingon din sa pader saka nagmeow.
"Meoooww!"
Ano ba ang nagaganap sa kabila?
Kaya naman bilang hindi na rin ako makapagfocus sa aking ginagawa ay iniligpit ko na ang mga notebooks at libro ko at inilagay na iyon sa aking bag. Lumabas muna ako sagllit upang uminom. Habang umiinom ako ay nagrereply ako kay Maxine na marami na palang chats sa akin.
Balak niya raw makipagchikahan bukas ng umaga dito hanggang hapon at sabay daw kaming magsimba bago maggabi.
Nagreply naman ako sa kaniya kaagad ng okay lang dahil open lang naman ang bisita dito sa Tita Lola's Boarding House.
Pagkatapos nito ay pumasok na rin ako sa loob ng kwarto ko at saka ako pumwesto sa aking kama. Sa tabi ko lang ang switch ng ilaw kaya't madali ko na iyog napatay.
Dahil na rin siguro sa pagod ko maghapon ay mabilis kong nakuha ang aking tulog at wala na akong kamalay-malay sa mga nangyayari.
PASADO ALAS DOS ng madaling araw nang makarinig na naman ako ng kakaibang boses at mga daing sa kabila. Noong una ay hindi ko iyon pinansin ngunit habang tumatagal ay lumalakas iyon sa aking pandinig.
"Aaaahhhhh Aiden, you're so good, that'ts right, oh yeah! Faster," wika ng babae.
Ano bang nangyayari? Napabangon ako at saka luumingon sa dingding.
Boog! Booog! Boog!
Napatayo ako kaagad nang marinig ko ang pagkalabog ng kung ano sa dingding. Kinapa ko ang aking eyeglassses at nagbukas ng ilaw.
"Heto na ako Amanda, heto na aaghhh!" Sabi pa ng boses ng lalaki sa malalim na paraan.
Napapailing na lang ako dahil ni hindi ko nauunawaan ang mga nagaganapp.
"My turn big boy," sabi naman ng isang babae kaiba sa boss kanina.
Tumahimik bigla sa kabila at nang hindi na iyon nasundan ay nahiga na akong muli at napatay ng ilaw. Ngunit wala pang limang minuto ay the same sounds na naman ang sumisira sa aking pandinig.
"Aaaagggghhh Sshhhiiittt, Ace, faster please aahhh!" Naihirapan na ang babaeng nagsasabi nito at halata sa kaniyang boses na ngayyon ay tila ba umiiyak na.
Sa sobrang inis ko ay tinakpan ko ng unan ang ulo ko ngunit sa kasamaang palad ay hindi ao makahinga ng maayos. Kaya naman agad kong kinuha ang aking earphones at saka iyon isinalpak sa aking tenga. Sa wakas ay tugtog na lamang ng magandang musika ang naririnig ko.
Siguro naman ay matutuloy na ang putol putol kong tulog nito. Kahit kaunti ay nakatulong naman iyon dahil naririnig ko pa rin ang mga kalampag at kalabog sa kabila maging ang mga nahihirapang boses ng tao na walang humpay sa tila ba paghingi ng saklolo.
NAGISING ako ng bandang alas syete ng umaga. Wala akong duty ngayon at wala naman akong ibang pupuntahan kaya't kahit tinanghali ako ng gising ay ayos lang. Maaga akong bumaba upang bumili ng pandesal sa kalapit na panaderya.
Pagbukas ko ng pintuan ay eksakto namangg padaan ang dalawang babae na tila ba mga modelo ng alak dahil sa kanilang mga kasuotan. Napatingin ako sa aking suot na pajama at maluwag na t-shirt. Parang ako pa ang nahiya dahil doon. Pinauna ko na muna silang maglakad kaya naman bumalik na muna ako sa loob.
Makalipas ang limang minuto ay lumabas na ako ng aking inuupahang kwarto saka pumanaog upang bumili ng tinapay.
Hindi katulad ng gabi, medyo matao na ang kalye ngayon. Mayroong mga taong naglalakad palabas na tila ba papasok sa trbaho, mayroong mga bata at mga matanda na nagkakape sa gilid ng kanilang mga tahanan.
Medyo tapat lang ng building ng inuupahan kong boarding house ang panaderya kaya't malapit lang talaga. Pagdating ko doon ay inasikaso kaagad ako ng matandang lalaki na nagbabantay.
"Aba eh napakaganda naman ng dalagang ito ai," wika niya.
Sa punto pa lang ng matanda ay mukhang Batangueno na ito.
Napangiti lamang ko.
"Pabili nga po ng bente pesos na pandesal," ang tangi kong nasabi.
"Saglit la-ang hija at ako ay kukuha ng mainit at bagong luto," sabi pa ng matanda.
Naghintay naman ako at habang nakatayo ay mayroong lumapit sa akin na lalaki. Mayroon itong tattoo sa kanang braso hanggang balikat at kitang kita iyon dahil sa suot niyang itim na sando. Mayroon siyang katangkaran at maputi ang balat niya. Halatang bagong gising siya dahil gulo-gulo pa ang buhok niya. May hitsura rin naman kung tutuusin.
"Bago ka dito?" Tanong niya.
Medyo napaatras ako dahil baka hindi ako ang kinakausap niya.
"Kapag kinakausap ka sumagot ka," saka siya tumingin sa akin.
"A-ako ba ang kinakausap mo, kuya?" Tanong koo.
"Mayroon pa bang iba?" Aniya.
"Ah oo, opo kuya. Kalilipat ko lang nung isang araw," sagot ko naman saka napatingin sa matandang mayroong hawak na binalot na tinapay.
"Pabili nga ng kwarentang pandesal, yung mainit," saka nilapag ng lalaki ang singkwenta pesos sa estante saka ako hinarap.
"Anong pangalan mo?"
"Kat po,"
"Okay ka rin ah," taas baba niya akong tiningnan.
"Hija, ito na ang tinapay mo," sabi ng matanda saka inabot sa akin iyon.
"Salamat po," sabi ko. Nang maglakad ako paalis ay saka ako sinigawan ng lalaki.
"Hoy, kinakausap pa kita," aniya.
Dahil sa takot ko ay napalingon ako.
"M-may bisita kasi ako mamaya, kaya't hindi ako pwedeng magtagal," sabi ko na lang.
"Kinakausap pa kita tatalikuran mo na ako. Hindi mo ba ako kilala?" aniya.
"P-pasensya ka na talaga kuya," nanginginig na ang mga tuhod ko.
"Sige na, umalis ka na. Next time makikipag-usap ka na sa akin, maliwanag," sabi niya pa.
Tumango lang ako saka ako naglakad pabalik.
Nagmamadali akong umakyat at bago ako makarating ay nakita kong nagkakape ang lalaking humarang sa akin kagabi sa tapat ng aking inuupahang kwarto, nakasandal siya at nagkakape.
Tanging maong na pantalon lamang ang suot niya at punit punit pa iyon. Kita ko naman ang magandang hubog ng katawan niya na ginagapangan ng mumunting balahibo.
"P-papasok na ako," sabi ko sa kaniya dahil nakaharang siya sa aking pintuan.
"Huwag mo siyang kakausapin," sabi niya.
Sinong huwag kong kakausapin?
"Excuse me, papasok na ako," sabi ko pa ngunit hindi siya umaalis.
"Kapag kinausap mo pa siya, umalis ka na lang dito sa lugar na ito," sabi pa niya.
"Sorry pero hindi kita maintindihan," nakayuko kong wika.
"Anong hindi mo maintindihan?" Tanong niya.
Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay kong may hawak na pandesal.
"Nasasaktan ako," sabi ko at saka ako nagpumilit na tanggalin iyon hanggang iwaksi ko ang kamay ko at tumilapon ang lahat ng binili kong pandesal.
Hawak niya pa rin sa isang kamay niya ang kanyang kape habang nakatitig sa akin.
"Kung hindi ka makikinig sa akin, bahala ka na," sabi pa niya saka ako binitawan.
Napaatras ako dahil sa impact ng pagbitaw niya.
Tiningnan ko siya at sak pinulot ang isang pandesal at hinipan.
"Sayang," aniya saka kinagat iyon sa harapan ko at tumingin sa aking mga mata.
Naiilang ako kaya naman agad akong pumasok.
NASA LOOB na ako ng silid habang nagkape. Iniisip ko pa rin ang mga naganap kanina. Napapailing na lang ako.
Saka ako narinig ng kattok.
"Baka si Maxine na iyan," sabi ko pa saka patakbong nagtungo sa pintuan.
"Hindi ka man lang nagsabing nandi..." nahinto ako nang makita ko kung sino ang nasa tapat.
Nakamaong pa rin siya at nakasuot na ng malaking sando at mayroong hawak na paper bag ng tinapay.
"Baka makahabol sa pagkakape mo," sabi pa ng lalaki saka kinuha ang kamay ko at ipinahawak ang dala niyang tinapay sa akin.
Siya na ang humila sa pintuan at nagsara niyon para sa akin.
Naiwan akong nakatulala at nag-iisip kung para saan ang mga ginagawa niyang ito.
End of Chapter Two.