KABANATA 2

2151 Words
YELENA P.O.V Ang init ng araw ngayon ay tila wala sa katwiran. Ramdam ko ang bawat pagdampi ng araw sa aking balat habang patuloy ako sa pag-aani ng palay. Pero kahit ganoon kainit, hindi ko iniinda. Sanay na ako sa ganitong gawain. Kasama ko ngayon sina Nanay at Tatay sa palayan. Maraming tao ang nagtratrabaho rito, kapwa ko mga taga-Eldraesia, at gaya namin, wala ring reklamo ang mga ‘to. Pare-pareho kaming may kailangan gawin—kumita ng pera para sa pamilya. May mga nag-uusap, may mga tahimik lang na tulad ko, pero lahat abala sa kani-kaniyang gawain. Naririnig ko ang tunog ng mga kalabaw sa di kalayuan, pati na ang yabag ng mga kasama namin sa pagtatrabaho. Hiningal ako saglit, huminga ng malalim at pinunasan ang pawis ko gamit ang panyo na nakasabit sa leeg ko. Kulang na lang ay sumisid ako sa isang balde ng tubig, ganun kainit ang pakiramdam. Napatingin ako sa kabila ng palayan. Ilang metro ang layo, may mga dumaan na nagbebenta ng kakanin, at karamihan sa mga kasama ko ay tumigil saglit para bumili ng meryenda. Pero ako, hindi ko na pinansin. Gusto ko lang matapos ang trabaho nang mabilis, para makauwi na rin agad. Bigla na lang, narinig ko ang mga yabag ng kabayo mula sa likuran. Napahinto ako saglit at tumingin. Sa gitna ng palayan, may nakasakay sa kabayo—isang pamilyar na mukha. Ang bagong mayor ng Eldraesia, si Mayor Vladimir Sergei Ivanov. Nagulat ako sa pagkakakita sa kanya, hindi ko inaasahan na pupunta siya rito sa palayan. Agad namang nagsilipatan ang mga kasama namin papunta sa kanya, binati siya ng magagalang na “Magandang araw, Mayor!” habang isa-isa silang nakikipagkamay. Ako naman, nanatili lang sa kinatatayuan ko. Hindi ko kayang lapitan siya. Parang natutunaw ako sa bawat pagkikita namin, lalo na kapag nagtama ang mga mata namin. Kaya pinili ko na lang ipagpatuloy ang ginagawa ko, hindi na tumingin pa sa direksyon niya. Habang pinapakinggan ko ang ingay ng mga nag-uusap sa paligid ko, hindi ko maiwasan marinig ang boses ng mayor. Ang boses niya, malalim pero malambing sa pandinig ko. Para bang may kakaibang epekto ang boses niya sa akin. Mas lalo akong nag-focus sa pag-aani para hindi ako ma-distract. “Good afternoon to everyone,” narinig kong bati ni Mayor. “Kumusta ang trabaho? Mukhang mainit ang panahon ngayon ah, pero saludo ako sa sipag at tiyaga niyo.” Narinig ko ang reaksyon ng mga tao, nagkakatuwaan sila habang nagkakamay kay Mayor. “Ayos naman po, Mayor!” sigaw ng isa sa mga kasama ko. “Sana mas mapaganda pa ang kalagayan namin sa palayan para mas madali ang trabaho.” “Siyempre, isa ‘yan sa mga plano natin. Gusto kong mas maging maayos ang agrikultura dito sa Eldraesia,” sagot ni Mayor Vladimir, at doon ko na naman naramdaman ang panginginig ko. ‘Yung boses niya, kahit simple lang ang mga sinasabi, parang may kakaibang dating. Parang ang sarap pakinggan. Pero hindi ko dapat hayaang malihis ang isip ko sa mga bagay na ‘to. Isa lang siyang mayor, at wala naman akong balak makisali sa kahit anong drama sa politika. Patuloy akong nag-aani, pero hindi ko mapigilang sumulyap paminsan-minsan. Nakikita ko siya, nakangiti habang nakikipag-usap sa mga kasama ko. Sobrang comfortable siya sa pakikisalamuha sa mga tao, at halatang gusto rin siya ng mga taga-rito. Wala akong naririnig na reklamo o puna mula sa kanila, kundi puro papuri. “Huwag kang matunaw, Yelena,” bulong ko sa sarili ko, pinilit kong itigil ang pag-iisip tungkol sa kanya. Pinagpatuloy ko lang ang trabaho ko, nagbabalak na tapusin na agad ito para makaalis na at makaiwas sa kahit anong pangyayaring hindi ko gusto. Pero habang abala ako, narinig kong nagpatuloy pa sa pagsasalita si Mayor. “I know this job is hard, and I want to make things easier for all of you. I’ll be working with the local government to provide better tools and resources for our farmers. You can count on that.” Ang dami niyang sinasabi, pero hindi ko maalis ang atensyon ko sa boses niya. May kakaibang hatak, parang ang sarap niyang pakinggan kahit hindi ko sinasadyang makinig. Hindi ko alam kung paano nangyari, pero bago ko pa mapigilan ang sarili ko, napatingin na naman ako sa kanya. Sa paglingon ko, nagtama na naman ang mga mata namin. Agad akong natigilan. Para bang bumagal ang lahat sa paligid ko, at bigla na lang akong nakaramdam ng kaba. Napapikit ako saglit, umiwas ng tingin, at pinilit ibalik ang focus ko sa palay. “Hindi, Yelena. Trabaho muna. Wala ka dapat pake,” sabi ko ulit sa sarili ko. Pero kahit anong gawin ko, parang hindi ko maalis sa isip ko ‘yung presensya niya. Pakiramdam ko, nararamdaman niya rin ako kahit nasa malayo siya. Narinig ko ang mga kasama ko na patuloy na nakikipag-usap kay Mayor. Sila, mukhang masayang-masaya na makita siya nang personal. Nakangiti si Tatay habang nagkukwento sa mayor tungkol sa mga hirap sa palayan. “Mayor, salamat at napansin niyo ang problema namin dito. Matagal na kaming umaasa na mas mapapansin ng pamahalaan ang sitwasyon namin dito,” sabi ni Tatay. Tumango si Mayor. “Huwag kayong mag-alala, Mang Tomas. Gusto kong tumulong sa lahat ng paraan na kaya ko. Alam ko na ang buhay sa probinsya ay hindi madali, pero kung magtutulungan tayo, magiging maayos din ang lahat.” Napakunot ang noo ko. Hindi ko mapigilang mapaisip kung totoo ba ang sinasabi niya. Ilang beses na rin akong nakarinig ng mga ganitong pangako mula sa mga nakaraang lider, pero wala namang nangyayari. Gusto kong maniwala, pero sa loob-loob ko, mas mabuti nang hindi umasang masyado. Rinig na rinig ko parin ang usapan nilang lahat. Pakiramdam ko, hindi pa tapos ang kwento namin ni Mayor Vladimir Sergei Ivanov. Pero sa ngayon, pipiliin kong huwag na lang isipin. Mas mabuting tapusin ko muna ang trabaho ko at bumalik sa normal na buhay. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko maalis sa isipan ko ang boses niya, pati na ang paraan ng pagtitig niya sa akin kanina. *********** Ang ingay ng paligid ay napalitan ng tahimik na pagtawag sa pangalan ko. "Yelena!" Hindi ko inaasahan ang tinig ng Nanay ko, kaya’t agad akong napatingin sa direksyon nila. Nandoon siya, kasama ang ilang mga kasamahan namin, at nasa gitna nila ay si Mayor Vladimir Sergei Ivanov. Napansin kong nakatingin din ang iba sa akin, para bang hinihintay ang susunod kong gagawin. Napalunok ako, at sa kabila ng pagtutol ng loob ko, wala akong magawa kundi lumapit sa kanila at magbigay galang. Habang papalapit ako, sinubukan kong kontrolin ang kaba. Binaling ko ang tingin sa lupa, pilit na iniwasan ang mga mata ng mayor. Nakatungo lang ako, parang gusto ko na lang maglaho sa lupa sa bawat hakbang na papalapit. Nakaramdam ako ng kakaibang tensyon, lalo na nang maramdaman ko ang presensya niya mismo sa harapan ko. Malakas ang t***k ng puso ko, at tila hindi ko na alam kung saan ko ibabaling ang tingin. Hanggang sa bigla kong naramdaman ang banayad na paghawak niya sa baba ko. Nagulat ako nang itinaas niya ang mukha ko gamit ang kanyang kamay. Napilitan akong tumingin sa kanya, at doon kami nagtama ng tingin. Mata sa mata. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para bang huminto ang oras sa sandaling iyon. Nakita ko ang ngiti ni Mayor Vladimir—isang ngiti na tila nakakapagpakalma ng kaba, pero sa parehong oras ay nagbibigay ng kakaibang pangingilabot sa akin. Napako ako sa pwesto ko, hindi alam kung paano gagalaw, bago ko napagtanto na kailangan kong umatras. Kaya’t dahan-dahan akong umatras, nagbigay distansya, pero hindi ko magawang tuluyang umiwas ng tingin. “Ah, Yelena, tama ba?” tanong ni Mayor Vladimir, matamis pa rin ang ngiti niya habang nakatingin sa akin. Tumango ako, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Parang naguguluhan ako sa nangyayari. “Magandang araw po, Mayor,” mahina kong bati, hindi pa rin ako makatingin nang diretso sa kanya. Pakiramdam ko, lahat ng mata ay nakatingin sa akin, at hindi ko mapigilan ang pag-iwas ng tingin. “Napakaganda ng pangalan mo, Yelena,” sabi niya, at naramdaman ko ulit ang kakaibang pakiramdam na tila may kiliti sa loob ko. Agad kong sinaway ang sarili ko sa iniisip ko. Mayor siya, at kahit gaano siya kaguwapo, hindi ko dapat iniisip ang mga bagay na ‘to. “Mayor, si Yelena po ang paborito naming anak,” pabirong sabi ni Nanay, halatang proud siya sa akin. Napangiti ako, kahit na nahihiya pa rin. Bigla namang nagsalita ulit si Mayor Vladimir. “Yelena, pwede ba kitang hilingan ng favor?” Nagulat ako, hindi ko inaasahan na may tanong siyang ganoon. “Ah, po? Ano pong favor iyon, Mayor?” nagtataka kong tanong. “Gusto kong makita pa nang mas mabuti ang lugar niyo, Eldraesia. Pwede mo ba akong i-tour dito?” tanong niya na may kasamang ngiti na parang hindi mo matatanggihan. Gusto kong tumanggi, gusto kong sabihin na may trabaho pa akong tinatapos, pero paano ko naman tatanggihan ang mismong mayor? Kaya’t napilitang tumango ako, “Sige po, Mayor. I-tour ko po kayo.” Pagkatapos no’n, naramdaman kong unti-unti na akong lumuluwag. Habang naglalakad kami, ipinaliwanag ko sa kanya ang iba’t ibang bahagi ng lugar namin. “Dito po kami madalas nagtatanim ng palay. Mahirap po ang trabaho, pero ito po ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao rito.” Sinubukan kong gawing casual ang tono ko, pero paminsan-minsan, nararamdaman ko pa rin ang kaba kapag nakatingin siya sa akin. “Mukhang masipag ka, Yelena. Nakikita ko sa mata mo na may pagmamahal ka sa lugar na ‘to,” sabi niya, at para bang may kung anong kuryente ang tumama sa akin sa sinabi niya. Ngumiti ako ng bahagya, tinatago ang pagkailang. “Oo, Mayor. Dito po ako lumaki. Mahirap, pero mahalaga sa akin ang lugar na ‘to. Hindi po kagaya ng siyudad, pero ito ang tahanan namin.” Inikot ko siya sa buong lugar—sa mga palayan, sa maliit na plaza kung saan madalas magtipon ang mga tao, at sa simbahan na pinagmamalaki ng baryo namin. Habang tumatagal, napansin kong unti-unti akong naging komportable sa presensya niya. Hindi ko alam kung dahil sa paraan ng kanyang pakikipag-usap—simple pero may laman—o sa pagiging approachable niya bilang tao. Hindi siya kagaya ng ibang lider na masyadong pormal o mahigpit. Siya, masaya siyang nakikipag-usap sa kahit sinong tao. “Alam mo, Yelena, nakikita ko kung gaano kahalaga sa’yo ang probinsya na ‘to,” sabi niya habang naglalakad kami sa tabi ng ilog. “Napansin ko kanina na parang naiilang ka sa akin. May dahilan ba?” Napahinto ako. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. “Ah, hindi naman po sa ganon, Mayor,” sagot ko, pilit na nag-iisip ng tamang sagot. “Medyo nagulat lang po ako... hindi ko po in-expect na pupunta kayo dito sa palayan namin.” Ngumiti siya, at tila nabasa niya ang nasa isip ko. “Well, gusto ko talagang makita ang totoong buhay ng mga tao dito. Hindi kasi sapat ‘yung makita mo lang sa mga papel o report. Iba pa rin ‘yung mismong nakikisalamuha ka sa kanila.” Habang nagpapatuloy kami sa pag-ikot, mas lalo kong naramdaman na totoo nga ang mga sinasabi niya. Hindi lang siya nandito para magpakitang-tao. Nararamdaman ko na talagang interesado siya sa kalagayan ng probinsya namin. Kahit na mayor siya, hindi siya nagmamalaki o nagpapakitang mas mataas siya. Pagdating namin sa isang mataas na burol kung saan tanaw ang buong Eldraesia, huminto kami at tumingin sa malayo. “Dito po makikita ang buong baryo,” sabi ko. “Napakaganda po ng tanawin, lalo na sa hapon.” Tumingin siya sa akin, tapos ibinalik ang tingin sa malawak na tanawin. “You’re right. Napakaganda nga. I can see why you love this place.” Nagkaroon ng sandaling katahimikan habang pinagmamasdan namin ang lugar. Nakaramdam ako ng kakaibang saya sa loob ko. Hindi ko alam kung bakit, pero parang nagkaroon ako ng bagong pag-asa. Siguro dahil sa mga sinabi ni Mayor Vladimir, o baka dahil na rin sa naramdaman kong may plano siyang talagang tulungan ang lugar namin. “Salamat, Yelena,” sabi niya bigla, at napatingin ako sa kanya. “Salamat sa pagpakita sa akin ng lugar niyo. Mas lalo kong naintindihan ngayon kung gaano kahalaga ang mga tao dito.” Ngumiti ako, isang simpleng ngiti na puno ng pasasalamat. “Walang anuman po, Mayor. Sana po magawa niyo ang mga plano niyo para sa amin.” Tumango siya. “You can count on that.” Sa pagkakataong iyon, hindi ko alam kung paano at bakit, pero naging komportable na ako sa presensya niya. Parang wala na ‘yung kaba kanina. Napalitan na ng isang tiwala na baka nga, may magandang pagbabago na mangyayari para sa Eldraesia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD