? Chapter 6

2282 Words
Hindi na maalis sa isipan ko ang nakasaad sa sulat ni Corrine. Habang tumatagal ay mas lalo bumubuhay ang kuryusidad sa aking sistema. Mas lalo gumugulo ang isipan ko. Pero ang pinakatanong ko ay ano ang kinalaman niya sa mga Hochengco? Hindi ko man siya nakakausap ay dama ko sa pamamagitan ng sulat niya ang takot at lungkot. Ano ang meron sa nakaraan at bakit gusto niya ako lumayo sa pamilyang ito? Ano ang pinakadahilan? Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga habang paakyat ako ng hagdan. Babalik na ako ng kuwarto nang biglang sumulpot si Nilus sa harap ko na dahilan upang napasinghap ako. Mabuti nalang ay nakahawak ako sa railings ng hadgan kaya hindi ako nahulog. Tulad ko ay nagulat din siya nang makita niya ako. "Nilus. . ." mahinang tawag ko sa kaniya. Kasabay na mas itinago ko pa ang papel sa likuran ko. Ipinapanalangin ko na sana ay hindi niya napansin 'yon. "What are you doing here?" nagtataka niyang tanong sa akin habang sinusuri niya ako. "I thought you're already sleeping." Ibinuka ko nang bahagya ang aking bibig. Pinapagana ko ang aking utak para makaisip nang mas makapaniwala na palusot. Ayokong matunugan niya kung ano talaga ang dahilan kung bakit nasa labas pa ako. Nagtama ang mga tingin namin. Isang maliit na ngiti ang iginawad ko sa kaniya. "Ano kasi. . . Gusto ko muna maglakad-lakad habang nagpapahangin. . . Bago ako matutulog. I. . . I need to reflect some things so. . ." Dahan-dahan siyang tumango, na para bang naiitindihan niya ang gusto kong ipahiwatig. "I see." then he give me his sweetest smile. "If that so, you need to tell that to me so I can give you some of my company." Agad akong umiling. Dumapo ang tingin ko sa kaniyang sapatos. Lumunok ako saka muli nagsalita. "No, I'm fine. Minsan talaga. . . Gusto kong mapag-isa. To realize something." I released a small sighs. Ibinalik ko sa kaniya ang tingin ko. "Anyway, matutulog na talaga ako." kumilos na ako saka nilagpasan ko na siya pero natigilan ako nang ramdam ko na pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak niya sa aking braso. Nagtataka kong bumaling sa akin. "Goodnight, affinity." may halong lambing niyang sambit. Pilit akong ngumiti. "G-goodnight." marahan kong nabawi ang aking kamay saka tuluyan ko na siyang nilagpasan. Hindi na ako nag-abala pang lumingon sa kaniya. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata dahil unti-unti na akong ginapangan ng guilty dahil sa pagsisinungaling ko kanina. Ayoko man gawin 'yon dahil malaki ang utang na loob ko sa kaniya dahil pinatuloy niya muna ako dito sa Mansion pero hindi ko rin maiwasang mabahala. Hanggang sa nakarating na ako mismong guest room na ipinahiram nila sa akin. Agad ko ni-lock ang pinto at sumandal doon. Napasapo ako sa aking dibdib. Ibinuka ko nang kaunti ang aking bibig saka kumawala ang malalalim na buntong-hininga. Ilang saglit pa ay muli kong tiningnan ang maliit na papel na nakuha ko kanina. Dumadausdos ang likod ko sa pinto hanggang sa napaupo ako sa sahig dahil medyo nakaramdam ako ng panghihina. Hindi maitago ang kalituhan, kaba at takot sa aking sistema sa mga oras na ito. Unti-unti kong niyakap ang mga binti ko saka isinandal ko ang noo ko sa aking mga tuhod. Pero ang mas nagtawag ng aking pansin ang nakasulat. Don't let them know your existence! Sa anong dahilan kung bakit hindi nila maaaring malaman tungkol sa presensya ko? Marahan akong pumikit. Isinandal ko ang aking noo sa aking mga tuhod. "Sino ka ba talaga, Corrine? Anong koneksyon mo sa mga Hochengco at bakit ganito ang ipinapakita mo? Bakit sagad ang pagbabala mo sa akin? Why you're protecting me so hard?" mahina kong tanong kahit alam kong hinding-hindi niya ito masasagot ora mismo. ** Nagising ako na ganoon pa rin ang posisyon ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako dahil sa sobrang pag-iisip. Mas nagising ang diwa ko nang marinig ko pagkatok ng pinto sa likuran ko. Rinig ko ang boses ni Nilus mula sa labas. Nagtatanong kung gising na daw ba ako. Dahil d'yan ay agad akong tumayo at kinusot ang mga mata ko bago man buksan ang pinto. Tumambad siya sa akin na mukhang bagong ligo lang. Napakasimple ng kaniyang damit pero hindi maipagkaila ang awra niya bilang isang heredero. Isang matamis na ngiti ang isinalubong niya sa akin. "Nakapagluto na kami sa baba, kailangan mo nang kumain." wika niya. "Dahil may pupuntahan tayo." Medyo nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Agad akong tumingin sa kaniya na may pagtataka sa aking mukha. "S-saan tayo pupunta?" Mas lumapad pa ang kaniyang ngiti dahil sa reaksyon ko. "I'll tell you later. And Vesna can lend you some of her clothes. Dadalhin nalang ng maid dito sa kuwarto mo habang nakain tayo." bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko at iginiya niya ako habang papalabas kami ng silid. Habang pababa kami ay tanaw ko ang isa sa mga kapatid niya sa hindi kalayuan. Si Carson. Makakasalubong namin siya. Tulad ni Nilus ay matangkad ito. Medyo payat na akala mo ay hindi siya mahilig sa mga pisikalang laro. May hawak itong libro na tingin ko ay english novel. Seryoso pa ang kaniyang mukha sa kaniyang binabasa. Tumigil lang siya nang batiin siya ng kasama ko. "Time out muna sa kakabasa, bro. Baka madapa ka sa ginagawa mo." ani Nilus, hindi ko matukoy kung inaasar o nag-aalala. Ibinaba ni Carson ang libro na binabasa. Seryoso siyang tumingin sa amin. "Sorry, ahia. Nawili lang." bumaling siya sa akin. Bahagya siyang yumuko, tanda ng pagbati niya sa akin. Ganoon din ang ginawa ko kahit na medyo nailang ako dahil hindi pa ako sanay na makakahalubilo ang magpipinsan. "So, let's go in Dining Room. Everyone were waiting for us. And Carson, sumabay ka na para kumain na rin." aya na niya sa amin. Kasabay na dumapo na din ang kaniyang palad sa aking likuran. Masuyo niya akong iginiya pababa ng hagdan. Sa totoo lang ay mas ako naiilang dahil hindi ako sanay. Lalo na't nakikita 'yon ng kapatid niya na kasabay na rin naming bumaba. Narinig ko pa ang pagbungisngis nito mula sa likuran ko. Dahil d'yan ay ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Hanggang sa narating na namin ang Dining Area. Bumungad sa akin ang mahabang mesa at maraming upuan sa paligid nito. Mga kasambahay na abala sa paghahanda ng agahan. Pati na din ang mga magpipinsan ay narito din. Hindi ko lang sukat akalain na mas marami pa sila sa inaasahan ko. I suddenly feel overwhelmed. Napalunok ako nang matindi saka humigpit ang pagkahawak ko kay Nilus na dahilan upang mapabaling siya sa akin. Inilipat ko sa kaniya ang aking tingin, bakas sa mukha ko ang takot at pangamba. "What's wrong?" mahina niyang tanong sa akin. Agad ko din ibinawi ang aking tingin. Lumapat 'yon sa sahig. "M-maraming kasambahay ninyo. . . Na kilala ako. . . Baka matunugan ako nina ina. . ." halos pabulong kong tugon. "Don't worry about it. I've already taken care of it." masuyo niyang sambit. May bakas din na assurance sa tono niya. Medyo gulat ako muling tumingin sa kaniya. Hindi makapaniwala sa kaniyang sagot. "Nilus. . ." may bakas pa rin na pag-aalala nang isinatinig ko 'yon. "And they already promised me that they will never mention to your parents that you are here. I've told them that they should respect your decisions and privacy. Kaya wala ka na dapat ipag-aalala pa." then he give me his playful winked. I don't know but Nilus words made me feel relieved. But still. I made up my decision that I can't be stay here longer. I need to do something. Especially between me and Corrine. "Hey, what are you guys waiting for? We're already starving. Can't we just please eat?" bigla kong narinig ang boses ni Vesna. I need to talk to her and ask some questions. About the truth and her reasons. Sabay na kaming kumilos. Hinila ni Nilus ang bakanteng upuan. Inalalayan niya akong umupo doon. Hiya akong umupo doon. Nag-umpisa na ding kumilos ang mga kasambahay para mag-serve ng mga pagkain. Inilapat ko ang mga labi ko. Maingat akong tumingin sa magpipinsan pero ako pa ang nasopresa sa ginawa nila. All of their eyes darted on my direction. Bigla ako ginapang ng kaba sa tingin nilang 'yon. Halos hindi ako makahinga. It seems like all of them are intrigued on me. Sa mga mata nilang 'yon ay bumabaha ng mga iba't ibang katanungan. "Nilus—" si Adler na ang unang nagsalita pero agad din nagsalita si Nilus. "Not now, cous." seryoso niyang sabi habang nagsasalin ng juice sa baso ko. "Oh!" sunod na nagsalita si Aldrie na nasa tabi ni Adler. "I think it's very confidential, cous." Bumungisngis si Adler. "Yeah, I think so, too." "Anyway. . ." seryosong wika ni Rowan na hindi naman kalayuan sa amin. Parang siya ang pinakamatanda sa kanilang magpipinsan. "Malapit na ang birthday ni Choma, kailan daw babalik sina tita Tarrah at tito Kal? This is one of the anticipating event of this clan." "Wala pa sinabi sina mama at baba kung kailan ang balik nila. Ang sabi lang niya, may aasikasuhin daw muna sila sa Cavite at Manila. I think it's really urgent. We don't mind, right?" sagot niya sa kaniyang pinsan. Sumimsim siya sa kaniyang juice. Bumaling ako kay Nilus saka ngumiwi. "Choma?" mahina at punung-puno ng pagtataka sa akin nang banggitin ko 'yon. Sinulyapan niya ako. "Choma means great grandmother. She's the former Grande Matriarch of this household until she left." sagot niya na may ngiti sa kaniyang mga labi. "She was entitled as the tigress in the world of business, Janella." biglang sumingit si Vesna sa usapan. Bumaling ako sa kaniya. Nakapangalumbaba siya saka nagbuntong-hininga siya. "Though, she's not with us now, we still celebrate her birthday, even her death anniversary because it's part of clan's traditions." Dahan-dahan akong tumango, animo'y naiitindihan ko ang ibig nilang sabihin. Pero, natatandaan ko rin na binanggit nina ina at tita Concha na Eufemia Tiangco-Hochengco daw ang dating nagmamay-ari ng Villa Esmeralda. Hindi lang daw 'yon, hindi rin daw maipagkaila na mabait ito, but she was really ruthless when it comes in work and business. Dagdag pa sa narinig ko na bago mo pa lang daw siya mapaikot, naunahan ka na at mahuhulog ka na lang daw sa sarili mong patibong. Bukod pa d'yan, sobrang istrikta daw siya. Lalo na pagdating sa tradisyon ng kanilang pamilya. Kaya nagtataka sina ina kung bakit biglang umiba ang ihip ng hangin at pumayag na magpakasal ang mga apo nito sa mga hindi rin chinese na tulad nila? Imbis na isipin ko pa ang mga bagay na 'yon, ibinaling ko na lang ang sarili ko sa pagkain na nakahain sa aking harap. Ang isa pa sa pinoproblema ko pa ay ang pag-aaral ko. Mabuti na lang ay weekend ngayon pero pinoproblema ko ang mga uniporme at mga gamit ko sa eskwelahan. Hindi rin ako pupwedeng umabsent. ** Pagkatapos kumain ay isa-isa na silang umalis. Nang kakaunti nalang ang tao ay saka na ako tumayo. Hindi para umalis. Kungdi kinuha ko ang mga pinagkainan para tulungan ang mga kasambahay ng mansyon. Alam kong nagulat sila sa aking ginawa. Sa tingin ko kasi ay nakikituloy na nga lang ako dito, aasta pa ako ng tulad ng magpipinsan na sila mismo ang amo. Ayoko nang ganoon. Sa pamamagitan nito, ay may naiiambag naman ako sa pananatili ko dito. Ako pa ang nawindang dahil ang iba sa kanila ay tumatanggi ng tulong ko. Naiitindihan ko naman kung bakit. Natatakot o iniiwasan lang nila na mapagalitan lang sila ni Nilus dahil bisita niya ako. But I insist. "Janella, what are you doing?" rinig ko ang boses ni Nilus sa hindi kalayuan. Ang akala ko ay tuluyan na siyang nakaalis at sumama sa mga pinsan niya. Hindi agad ako nakapagsalita. Dahil d'yan ay bumaba ang tingin niya sa mga kurbyertos na hawak ko. Ibinalik niya ang kaniyang tingin sa akin. Mas lumapit pa siya sa akin. "You practicing as my wife, hmm?" Namilog ang mga mata ko, kasabay lumaglag ang panga ko sa sinabi niya. "A-ano?" bulalas ko pa. He chuckled. "Well, I don't mind if you want to be a home maker of this house, Janella." kinuha na din niya ang mga naiwan na plato at kurbyertos sa mahabang mesa. Binalikan niya ako. "Kahit papaano ay panatag ako na dito ka lang, na sa tuwing pag-uwi ko, ikaw ang bubungad sa akin." dagdag pa niya sa mababang boses. Dahil sa gulat ay napaatras ako. "A-anong ginagawa mo? Be aware of your surroundings, Mr. Ho." mahina rin ngunit matigas kong sambit. "Why? I don't care because I only see you, affinity." I swallowed hard. "Baka tuksuhin ka. . ." sabay iwas ako ng tingin. Nang sabihin ko 'yon ay sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. "Yeah, ilang beses na rin nila akong tinutukso ngayon. Ganoon pala ang pakiramdam kapag inaasar ka ng mga pinsan mo dahil sa isang babae." "Bakit? Ikaw ba ang palaging nang-aasar sa kanila?" kaswal kong tanong habang patuloy pa rin ako sa aking ginagawa. "Sort of," simpleng sagot niya. "But when it's all about you, I don't mind, Janella." Huminto ako sa pag-aayos saka bumaling sa kaniya. "Nilus. . ." "Simula ngayon, liligawan kita hangga't naririto ka pa sa poder ko." deklara pa niya. "I want to be your first love, first kiss, first sight or first date but of course, I just want to be your last of everything." Heto na naman siya. Bakit sa tuwing nasasabi niya ang mga kataga na 'yan sa harap ko, mas bumibilis ang t***k ng aking puso?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD