Simulang idineklara na niya ang bagay na 'yon ay hindi na ako tinitigilan ni Nilus. Talagang pinanindigan nga niya ang sinasabi niyang liligawan daw niya ako. Hindi ko na din mabilang kung ilang beses na namula at nag-init ang pisngi ko sa mga pinanggagawa niya! At talagang hindi niya tinatago 'yon kahit sa harap pa ng mga kapatid at ng mga pinsan niya! Kaya kahit ako ay nadadamay na sa pang-aasar nila. Pero 'di rin kalaunan ay hinahayaan ko na lang siya. Iniisip ko nalang na siguro ganoon nga talaga sila. Pero kahit anong pang-aasar nila sa akin, hindi naman nila ako naooffend o anuman. It was more than like, masaya sila. Ramdam ko na sinusuportahan nila ang pinsan nila sa love life nito.
Nalaman ko na rin mula kay Nilus na siya na ang personal na pumunta sa eskuwelahan para i-excuse ako at hindi ko alam kung anong palusot ang ginawa niya para pumayag agad ang mga proctor ko. Lalo na ang principal ng naturang eskuwelahan! Instead, bumalik siya dito sa mansyon na dala na niya ang mga magiging module ko daw na agad ko rin tinanggap pata masagutan.
Tumigil ako sa malawak na hardin ng mansyon. nagpasya akong umupo sa damuhan. Langhap ko ang sariwa at malamig na hangin. Dinadama ko din ito sa aking balat. I think this is the best decision that I made. That I will stay here for a while. Naging kalmado ang aking pakiramdam kahit na hindi ko nakakalimutan ang nangyari sa amin. Hindi ko maiwasan na namimiss ko na din sina ina at ama. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita na pinapahanap nila ako. Pero may parte din sa akin ang pagtataka at galit.
Hindi ba nila ako kailangan na? Hindi na ba ako importante sa kanila buhat na dumating na si Corrine dito? Naging kampante na ba sila dahil hindi na nila ako responsibilidad? Ganoon ba?
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata saka humiga sa damuhan. Nang naisip ko ang mga bagay na ito, pakiramdam ko ay kinurot ang parte ng aking puso. Maybe I was in a denial stage. I still don't know how to accept the fact that I am an adopted child. And everything is a lie. That this is just a fantasy.
Hindi ko namalayan na tumulo ang isang butil ng luha mula sa aking mata. Napadilat ako nang may naramdaman akong may nagpunas n'on. Sa pagdilat ng aking mga mata ay tumambad sa akin si Nilus. Nang nagtama ang aming paningin ay ginawaran niya ako ng isang matamis na ngiti. Marahan akong bumangon saka humarap sa kaniya.
"K-kanina ka pa ba?"
"Hindi naman. Kakarating ko lang." saka may kinuha siya mula sa kaniyang gilid. Dalawang tasa na may laman. Kinuha niya ang isa at inabot iyon sa akin. "Here, try this one. Peppermint tea. Ipinadala ni tita Jaz, tito Owen's wife ."
Hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin 'yon. "Salamat. . ."
"She loves tea so much. Kaya siguro masigla siya sa edad nila ngayon." he said.
"Oh, I see. . ." ang tanging nasabi ko. Sumimsim ako nang kaunti mula sa tsaa. Pagkatapos ay tumingin ako sa kaniya. "Sorry, ngayon ko lang nasubukan ang tsaa."
"No sweat." hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. Ilang saglit pa ay medyo umiba ang ekspresyon ng kaniyang mukha. May bahid na kaseryosohan 'yon. "I'm just wondering. . . What hobbies or passion you have, affinity?"
Bago ko man sagutin ang kaniyang katanungan ay inilihis ko ang aking paningin. Napatingin ako sa kawalan. Binabalewala ko ang hangin na dumadapo sa amin.
"Actually, wala." mabilis kong tugon. Ibinalik ko sa kaniya ang aking tingin. Nababasa ko sa kaniyang mukha na naguguluhan. "Ang importante lang sa akin eh makapagtapos ng pag-aaral. Kahit senior high lang." then I grinned.
Kumurap siya ng dalawa. Nang marealize niya ang isinagot ko. Yumuko siya saka nagpipigil siya ng ngiti. "Kung ganoon, walang problema sa akin." siya naman ang humiga sa damuhan. Pinapanood ko lang siya sa kaniyang ginagawa. "Just take your time and you will find your passion sooner or later." halos matili ako nang bigla niyang hinatak ang isang kamay ko hanggang sa dumapo ako sa kaniyang dibdib. Nanlaki ang mga mata ko nang nagtama ang mga mata namin. "And I support you whatever in your mind just tell me right away, affinity."
"N-Nilus. . ."
Pumikit siya nang nakangiti. Ginalaw niya ang isang kamay niya at marahan dumapo ang kaniyang palad sa aking ulo. Masuyo niyang idinapo ang aking ulo sa kaniyang dibdib. Dmn, why I hear his heartbeat out of the sudden? Or is it mine? "You might be a storm but let me fix you."
"Storm?" ulit ko na ganoon pa rin ang aming posisyon.
"Yes, because storms made me calm and peaceful."
**
Kakatapos lang din namin kumain ng hapunan. Ang magpipinsan ay nag-ayang magkwentuhan. Ang iba naman sa kanila ay naglalaro ng mga board games. Ang iba din sa kanila ay nag-aayang manood muna ng movies, especially girls. Ako naman balak kong tumulong sa mga kasambahay para magligpit ng pinagkainan ay bigla akong hinatak nina Verity, Vesna at Eilva papunta sa guest room. Kahit ang mga nakakatanda nilang pinsan na babae ay hinatak din ako. Hindi naman ako makatanggi dahil marami sila at nag-iisa lang ako. Nagpaalam pa sila kay Nilus na hihiramin ako at agad itong pumayag. Hindi naman sa ayaw ko sila makasama, sadyang nahihiya lang ako sa kanila.
"Ito ang panoorin natin." malapad ang ngiti ni Verity nang ipinakita ang poster ng movie mula sa kaniyang cellphone.
"Mas bet ko horror." nakangusong suhesyong ni ate Laisa. Nakaupo siya sa single couch.
"Atsi naman, gabing gabi, horror pa talaga gusto mo?" kinakabahan na sambit ni Vesna sa aking tabi.
Namungay ang mga mata ni ate Laisa saka ngumiwi. "Alangan manonood ka ng horror sa umaga, Ves? Really?" may halong sarkastiko niyang sabi.
Nagtawanan ang magpipinsan dahil sa naging pahayag ni ate Laisa.
Natatawa na din ako sa kanila. Hindi mo talaga maiisip na mga heredero't heredera ang mga ito. Marunong sila makisama at walang arte sa katawan. Ang bukod pa doon ay mararamdaman ko talaga na sincere sila kapag kaharap ko sila. And also their bonding, parang walang bubuwag sa kanila. Wala din silang issue sa katawan kapag magkakasama ang mga ito. Nakakatuwa lang silang tingnan.
"Umm, kukuha lang ako ng merienda sa ibaba." biglang prisinta ko.
"Samahan na kita, Janella!" biglang sabi ni Maisie sabay taas ng kamay. Mabilis din siyang tumayo mula sa pagkaupo niya sa sahig na may carpet. Pinagpag pa niya ang kaniyang sarili bago niya ako tuluyang malapitan.
"Naku, okay lang. Ako na po."
"Eh? Sure ka?"
Tumango ako bilang tugon. Then sa huli ay wala na din sila magawa kungdi hintayin nalang ako. Sinabi ko din sa kanila na pupwede silang mauna nang manood at susunod nalang ako. Pero naroon pa rin ang pag-aalangan at hiya. Ang ending ay hindi daw sila mag-uumpisa hangga't wala ako. Dahil na rin sa hiya ay mas mabilis ako kumilos patungo sa Kusina para makakuha na ng snacks. Kinuha ko ang silver tray mula sa kinalalagyan nito. Binuksan ko ang kitchen cabinet para kumuha ng mga chichirya at inumin. Pagkatapos ay umalis na ako sa kusina na dala ko ang tray na naglalaman ng mga pagkain.
Paakyat na ako ng hagdan ay tumigil ako. Nakuha ng aking atensyon ang pintong nakabukas patungo sa veranda. Kusa kong ipatong ang hawak kong tray sa mesa na katabi lang ng grand staircase. Dinaluhan ko ang pinto para isara 'yon pero nanigas ang katawan ko nang maaninag ko ang isang tao na nakatayo sa tabi ng puno na tila nay hinihintay. Kasabay na bumilis ang t***k ng aking puso nang mapagtanto ko kung sino 'yon.
Si Corrine!
Imbis na isara ko ang pinto ay nagmamadali akong lumapit sa kaniya. Para sa akin, ito na ang tamang pagkakataon upang itanong sa kaniya ang mga gusto kong itanong. Na ilang araw nang naghahanap ng mga kasagutan.
"Corrine. . ." tawag ko sa kaniya nang tumigil ako sa harap niya.
Isang malungkot na mukha ang iginawad niya sa akin. "Janella. . ."
"Paanong. . ."
"I used to know this place."
Alam niya ang lugar na ito? Kaya pala madali para sa kaniya makapasok dito? Ibig sabihin, may koneksyon talaga siya sa pamilyang ito? Pero walang sinabi sina ina at ama tungkol dito. Wala akong ideya. O sadyang ayaw lang talaga nila sabihin tungkol sa tunay kong pagkatao? Na talagang sinadya nilang ilihim sa akin ang katotohanan?
Pero siguro naman ito na ang tamang pagkakataon para malaman ko ang lahat. Kung bakit hindi siya ang nakagisnan at nakasama ko mula ipinanganak ako hanggang sa tumuntong ako sa ganitong edad.
"Janella. . ." pagsusumaong tawag niya sa akin. Tumingin ako sa kaniya. "Kailangan mong umalis sa poder ng mga Hochengco ngayon din. Bago man mahuli ang lahat. . . Hangga't may panahon pa, lumuwas na tayo ng Maynila."
Kusang kumunot ang noo ko. Dahan-dahan akong umiling. Mas lalo nagkabuhol-buhol ang isipan ko. "Pero. . . Bakit? A-anong. . ."
Walang sabi na hinawakan niya ang pagkabilang braso ko. "Makinig ka sa akin, kahit ngayon lang. Hindi magandang ideya na mapalapit ka sa kanila. Lalo na kapag nalaman ni Tarrah ang tunay mong pagkatao. Kung sino ang tunay mong ina. Hindi ko sinasabi sa iyo para ipilit ang isarili ko sa iyo. Bilang ina, kailangan kitang protektahan."
Muli nagdahan-dahan ako ng umiling. Mas lalo ako naguguluhan sa nangyayari! Gusto kong magsalita, pero ayaw lumabas ng boses ko. Bakit nagkaganito?
"Please, Janella. . ." sagad na niyang pakiusap sa akin. "Sumama ka sa akin. Kailangan na kitang itakas dito sa lalong madaling panahon!"
"And what are you doing here, btch?"
Halos pareho kaming napatalon sa gulat ni Corrine nang marinig namin ang isang pamilyar na boses. Dahil doon ay agad siyang napabitaw sa akin. Umukit ang takot sa kaniyang mukha, para bang hinding hindi niya makakalimutan ang nagmamay-ari ng boses na 'yon.
Sabay kaming napatingin sa direksyon ng pinanggalingan ng boses. Napasinghap ako nang tumambad sa akin si Madame Tarrah na nakahalukipkip. Suot ang matalim na tingin para sa aming dalawa at Sir Kalous na seryoso ang mukha habang nakapamulsa. Hindi lang siya, kahit ang ibang magulang ng magpipinsang Hochengco ay naririto na sa harap namin! Ang lagay na ito ay tila pinapaligiran nila kami.
Ang nakakabatang magpipinsan naman ay isa-isa lumabas mula sa mansyon, bakas mukha nila ang pag-aalala at pagtataka sa nangyari. Kahit ako ay nagtataka kung bakit napabalik sina Sir Kalous at Madame Tarrah dahil sa pagkaaalam ko ay pupunta sila ng Cavite at mamalagi doon ng matagal.
Bigla tumindig ang balahibo ko nang makita ko ang mukha ng mag-asawa maski ang mga tiyuhin at tiyahin ni Nilus. That was unusual side that I had never seen before. Bakas sa mukha nila ang galit at disgusto na kanilang naabutan. Nahagip ng aking paningin na si Nilus ay kakalabas lang din galing mansyon. Bakas din sa mukha niya ang pagtataka sa nangyayari.
"Tarrah. . ." malamig na tawag ni Corrine kay Madame Tarrah.
She smirked. "Ilang taon nang nagdaan pero talagang bumalik ka dito, Corrine." humakbang siya palapit sa amin. Pero bakit bawat hakbang na pinapakawalan niya ay mas lalo bumibigat ang pakiramdam ko? "Daig mo pang daga na kaya mong pumasok sa teritoryo namin para lang maghasik ng lagim." matigas at nanggagalaiti niyang sabi.
"Hindi ako narito para manggulo tulad ng iniisip mo. Narito ako para kunin ko ang anak ko. Pagkatapos ay aalis din kami agad at hindi na magpapakita pa." tugon ni Corrine. Talagang kinaya niyang tingnan si Madame Tarrah nang diretso sa mga mata!
Mas lumapit pa si Madame Tarrah kay Corrine. Nabigla ako nang biglang hinigit ni Madame ng buhok ni Corrine at walang sabi na itinulak niya ito sa damuhan!
Namilog ang mga mata ko sabay napasapo sa aking bibig!
"Tarrah!" natatarantang tawag ni Sir Kalous.
"Mama!" tawag naman ni Nilus sabay lapit sa direksyon namin.
"Hindi magpapakita?! Pero hindi ka pa nagbabayad sa ginawa ninyo sa akin ni Hywel! Mga walang hiya kayo! Hinding hindi ko kayo mapatawad kahit pareho na kayo sa Impyérno!" singhal niya. Hindi pa siya kuntento. Umibabaw siya kay Corrine at walang sabi na pinagsasampal niya ito! "Ang kapal ng mukha mo! Walang hiya ka!"
"T-tama na, Tarrah. . ." nagmamakaawang sabi niya habang ginagawa niyang panangga ang kaniyang mga braso.
"My moon, tama na. . ." natatarantang awat ni Sir Kalous. Lumapit na rin ang mga ama ng magpipinsang Ho para umawat na rin.
Bumaling sa akin si Madame Tarrah. Halos hindi ako makahinga nang makita ko na nanlilisik ang mga mata niya sa akin. "At ikaw!" tinuro niya ako. "Anak ka pala ng démonyo na 'to Kung alam ko lang na ikaw pala ang ipinagbuntis ng babaeng 'yan noon eh di sana hindi ko hinayaan at pinayagan na makalapit ka sa amin! Lalo na kay Nilus!"
"M-madame. . ." mahina kong tawag sa kaniya.
"Oh, shút up, will you?!"
"Mama!" maawtoridad na tawag ni Nilus sa kaniya. Hinarang niya ang kaniyang sarili sa akin. "Walang kinalaman si Janella sa nangyari."
Gulat na tumingin si Madame Tarrah kay Nilus. Kahit ako ay hindi makapaniwala na magawang pagtaasan niya ng boses ang kaniyang mismong ina!
"Nilus, you don't even realize who is she? Siya ang anak ni Hywel at ng babaeng ito! Ang démonyong nagtatangka sa buhay ng angkan na ito! He's a psychópath! She's the daughter of that son of the bítch!" sunod niyang itinuro kung nasaan si Corrine na pilit tumayo habang nakahawak sa pisngi. "Ang babaeng 'yan na malaking pagkagusto kay Kalous noon! Ang babaeng gustong sumira ng relasyon namin ng ama mo! She got pregnant and she even try your father to take the responsibility kahit hindi naman talaga kanya!"
Nang marinig ko ang rebelasyon na 'yon ay nanigas ako sa kinakatayuan ko. Parang unti-unti nang nagiging malinaw sa akin ang lahat. . . Na nabibigyan na ng kasagutan ang mga katanungan na aking hinihingi.
"But still," malamig na wika ni Nilus. Napatingin ako sa kaniya. "She's not right person to be blamed for what happened in the past."
Nanatili akong nakatitig sa kaniya. Tila hinaplos ang puso ko sa mga salitang binitawan niya. Kasabay na umagos ang mga luha sa mula sa aking mga mata. Pumikit ako ng mariin. Kinuyom ko ang aking mga kamao. Tila may sariling isip ang mga paa ko. Humakbang ako paatras habang naiiling-iling. Sa puntong ito, hindi na yata kakayanin ng buong sistema ko ang rebelasyon na aking narinig. Parang hindi ko kayang masikmura ang lahat ng mga nalaman ko. Kusa akong tumakbo palayo sa kanila.
"Janella!" malakas na tawag ni Nilus sa akin pero hindi ko pinansin 'yon.
"Stop him!" rinig kong malakas na utos ni Madame Tarrah. "Hindi ka na pupuwedeng lumapit pa sa kaniya, Nilus!"
"No, mama! Ahhh, sht! Let me go! I said, let go!"
Patuloy pa rin ako sa pagtakbo palayo sa kanila. Halos wala na sa wasto ang pag-iisip ko ngayon.
Ang bigat. Sobrang bigat para dalhin ang mga nalaman ko. Walang humpay ang mga luha na umaagos habang pilit kong umalis sa lupain ng mga Hochengco. Hindi ako nagpapadaig sa hampas ng hangin. Ang tanging gusto ko lang ay matakas dito. Ang makalayo dito hangga't maaari. Tipong walang makakaabot sa akin. Si Corrine man o isa sa mga Hochengco. Kahit si Nilus pa.
Dahil sa mga luha ay nanlalabo na ang aking paningin. Tumigil lang ako sa pagtakbo nang marinig ko ang malakas at mahabang busina mula sa isang papalapit na sasakyan. Kasabay na halos mabubulag na ako dahil sa nakakasilaw na liwanag sa aking direksyon. . .