"Ibaba mo na ako," bigla kong sabi nang matanaw na namin ang mismong gate ng Esmeralda Mansion.
Hindi niya ako pinakinggan. Patuloy pa rin siya sa paglalakad. Kung kaya ang ginawa ko ay gumalaw ako para tuluyan na niya akonh maibaba at nagtagumpay ako doon. Nagtataka siyang humarap sa akin.
"K-kaya ko na. . ." sunod kong sabi sabay iwas ng tingin. Ang totoo kasi n'yan, baka kasi mabigatan o hindi kaya nangangalay na siya sa kakabuhat sa akin habang naglalakad. Medyo malayo rin ang nilakad niya mula kakahuyan kahit na sabihin natin na nasa bandang likuran lang ng mansyon ang pinanggalingan namin.
"But how's your feeling?" bigla niyang tanong.
Ibinalik ko sa kaniya ang aking tingin. Nagtama ang aming mga mata. Bahagyang umawang ang aking bibig. "A-ayos na ako."
Tango lang ang natanggap ko mula sa kaniya. Pero ang mas hindi ko inaasahan ay masuyo niyang hinawakan ang isang kamay ko pagkatapos ay ipinagpatuloy pa namin ang paglalakad patungo sa mismong Mansyon!
Gustuhin ko man magpumiglas at tumanggi ay mukhang naunahan pa niya ako dahil mas humigpit ang pagkahawak niya sa aking kamay.
Saka lang kami huminto ni Nilus nang narating na namin ang mismong entrada ng kanilang mansyon Sa pagbukas ng double door ay tumambad sa amin ang isa sa mga kapatid niya, si Miss Vesna. Napasapo siya ng bibig nang makita niya kami. Hindi na rin ako nagtataka dahil na rin sa estado naming dalawa. Alam kong iba't ibang tanong ang bumabaha ngayon sa kaniyang isipan.
"Ahia, anong nangyari?" hindi makapaniwalang tanong niya habang pinapasadahan niya kami ng tingin. "Pareho kayong basa!"
Hindi ko magawang sagutin ang tanong niya. Ipinaglapat ko ang mga labi ko saka sumulyap sa aking katabi para abangan ang kaniyang tugon.
"It's a long story, Vesna." malamig niyang saad sabay hinawakan niya muli ang kamay ko. Marahan niya akong iginiya papasok pa lalo sa loob ng malaking bahay. Ramdam ko na hindi parin maalis ni Miss Vesna ang tingin niya sa amin. Okay, I suddenly feel awkward at this moment. Inatake ako ng hiya dahil baka ano na ang isipin niya dahil pareho kaming basa ng kuya niya. Kung bakit bigla kami magkasama. Tumigil bigla si Nilus kaya napasunod ang katawan ko.
Bumaling siya sa kaniyang kapatid. "By the way, where's mama?" seryoso niyang tanong.
Bahagyang ibinuka ni Vesna ang kaniyang bibig para sumagot ngunit. . .
"Looking for me?" isang tinig ang narinig namin mula sa hindi kalayuan.
Sinundan namin 'yon ng tingin. Nakita ko si Madame Tarrah Hochengco na pababa ng hagdan. She welcomed us with her sweetest smile. It seems like she wasn't bothered in my presence or even the situation right now. Mas napuna ko pa kung papaano siya bumitaw sa railings ng hagdan nang napakaelegante. Hays, ano bang nangyayari sa akin?
"Mama. . ." tawag ni Nilus. Mas sumeryoso ang mukha niya nang nakaharap na niya ang kaniyan ina. "Ayos lang po ba kung dumito muna si Janella?"
Medyo nanlaki ang mga mata ko sa diretsahan niyang paalam sa kaniyang ina. Rinig ko pa ang pagsinghap ni Vesna na nasa abandang likuran namin. Si Madame Tarrah naman ay tahimik na nakatitig lang sa amin. Inilipat niya ang kaniyang tingin sa akin. Sa puntong ito, ramdam ko ang pangamba sa aking sistema. Tila nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil alam kong istrikta at likas na matapang siya. Iyon ang pagkakilala ko sa kaniya. Pero mukhang nagkamali pa yata ako sa pagkakilala sa kaniya.
"There's something wrong?" natataka niyang tanong kay Nilus.
"She runaway from home. She need a shelter to stay for a while."
Tumalikwas ang isang kilay ni Madame Tarrah. I know she even surprised. Sa tagal na din na nagkakilala sina ina at madame, tiyak uulanan din niya ako ng tanong. Tulad ng inaasahan ko ay mabilis niyang inilipat sa aking ang kaniyang tingin. Hindi man niya nasasabi nang diretsahan ay sa pamamagitan ng kaniyang mata ay punung-puno 'yon ng katanungan. Sunod niyang ginawa ay ipinagmasdan niya ang aking kabuuan. Inangat niya nang bahagya ang kaniyang mukha na hindi naalis ang tingin niya sa akin na dahilan upang hindi ako makapali.
"If that so, we still have spare rooms upstairs. You can take her over there." ang naging pahayag niya.
Sa gilid ng aking mga mata ay kita ko ang paglapad ng ngiti ni Nilus. "Xie xie, mama." hindi maitago ang kagalakan nang sambitin niya ang mga katagang 'yon.
Dahil na rin sa kasiyahan ay mabilis niya mulinb hinawakan sa kamay at halos kaladkarin na niya ako! Gustuhin ko man umapila ay nawalan ako ng lakas ng loob. Tila binigyan siya ng pahintulot ng aking diwa na gawin ni Nilus ang gustuhin niya sa akin!
"Oh, wait, Nilus. . ." muling nagsalita si Madame Tarrah na dahilan para tumigil kami. Sabay kaming napatingin ni Nilus sa kaniyang ina. "Aalis muna kami ng baba mo dito sa Quezon. May importante aasikasuhin lang kami sa Cavite at Manila. Kasama ninyo naman ang mga kapatid at mga pinsan ninyo. Hindi rin kami magtatagal doon."
"Sure, ma. Don't worry about us." nakangiting sagot niya. Saglit siyang bumitaw sa akin saka nilapitan ang kaniyang ina upang hagkan sa pisngi. Gayundin si Miss Vesna sa kanilang ina.
Nagbuntong-hininga si Madame Tarrah saka ginawaran niya kami ng matamis na ngiti. "Ihatid mo na si Janella sa magiging kuwarto niya. Please take care of your guest."
"Noted, mama. You, too. Mag-iingat kayo ni baba sa magiging byahe ninyo." saka muli niya akong hinatak palayo sa kaniyang ina.
Nagpahabol pa ako ng tingin kay Madame Tarrah then I mouthed thank you for accepting me as their guest for a while. Imbis ay ngiti ang natanggap ko mula sa kaniya.
**
Kasama ko ang magkapatid para ituro sa akin ang kuwarto na ito. Base sa aking obserbasyon, pareho silang madaldal. Akala mo, hindi sila nauubusan ng kuwento o anuman. Akala mo ay pareho pa silang tourist guide o instructor para ituro sa akin ang banyo at mga kasangkapan sa loob ng guest room. Kahit na pareho silang maiingay ay naeentertain naman ako sa kanila. Kahit papaano ay pansamantala kong nakakalimutan ang nangyari kanina, pero hindi pa rin naaalis sa akin ang pag-aalala para kina ina. Sa nakagisnan kong pamilya. Sa paglalayas ko ay paniguradong hahanapin nila ako. Hindi lang ako sigurado kung mahahanap nila ako sa gayong nasa poder ako ngayon ng mga Hochengco sa ngayon.
Alam kong mali itong ginawa ko. Pero hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko. Sabihin na nating dahil na rin sa bugso ng damdamin ay nagiging bulag na ang isipan ko para pag-isipan ang mga tamang gawin. Lalo na't hindi ko agad matatanggap na katotohanan na isa pala akong ampon. Animo'y nasa isang magandang panaginip at magigising ako sa masakit na katotohanan.
Sa ngayon ay kinakailangan ko munang mapag-isa. Na kailangan ko ng oras para masink in ang lahat. Lalo na't biglaan pa ang pagsulpot ng tunay kong ina. Pero bakit siya lang ang pakita sa akin? Nasaan ang tatay ko? Bakit hindi siya kasama nang hinahanap pala ako ni Corrine? Maraming katanungan ang nabubuo sa aking isipan pero kaakibat n'on ay sakit at bigat sa pakiramdam.
"Maiwan ko muna kayo, ahia. Pupuntahan ko lang sina Carson at ang iba pa nating pinsan. I need to talk to them since narito na si Janella, para na din aware sila."
"Sure, Vesna. Thanks a lot." hanggang sa narinig ko ang pagsara ng pinto ng silid. Nanatili akong nakatayo sa isang sulok.
"Hey, you okay?" bigla kong narinig ang boses ni Nilus na nasa aking tabi.
Tumingin ako sa kaniya. Isang mapait at pilit na ngiti ang ibinigay ko. Tahimik akong tumango bilang kasagutan. Akala ko ay kuntento na siya sa sagot ko. Hinawakan niya ang isang kamay ko at marahan niya akong hinatak patungo sa balkonahe ng silid na ito. Dahil hindi pa ako naghinaw ng katawan ay mas naramdaman ko ang lamig ng hangin na dumadapo sa aking balat. Medyo nangangamba ako na baka sisipunin ako bukas kung magtatagal pa kami dito sa labas.
"You missing them?" sunod niyang itinanong.
Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Hindi rin maiiwasan. Syempre, sila ang nakagisnan kong pamilya. Mula namulat at nagkaisip, sila ang palagi kong nakikita at nakakasama. Nasanay ako na sila ang kinikilala kong pamilya." dumapo ang tingin ko sa sahig. Iniiwasan ko ng mga mata niya dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili kong maluha sa harap niya. Ginusto kong umalis sa bahay kaya sinusubukan kong maging matatag kahit ang totoo niyan ay sila ang kahinaan ko. Na halos hindi ko kakayanin na mawala sila sa buhay ko.
"I bet they missing you too." sunod niyang sinabi na dahilan para makatingin ako sa kaniya. Nagtama ang mga tingin namin. Seryoso siyang nakatingin sa aking mga mata. "Sa nangyari ngayon, you didn't even give them a chance to explain everything. But in your case, I understand you."
"I'm sorry. . . Kung nadamay ka pa yata." malungkot kong sambit.
"I don't thinking that way." kaswal niyang sambit.
"Sa totoo lang, nakilala ko ang biological mother ko kanina." pag-amin ko. Sumulyap ako ng kauntinsa kaniya.
Nanatili siyang tahimik ngunit mataimtim siyang nakatingin nan diretso sa aking mga mata. Para bang inaabangan pa niya ang mga susunod kong sasabihin ukol sa nangyari.
Binasa ko ang aking mga labi. "Gusto niya akong dalhin sa Maynila sa oras na makikilala niya ko. I was like, after all these years. . . Bigla niya akong kukunin kina ina para isama niya ako sa lugar na 'yon? Parang pinapalabas niya ay isa akong basura na itinapon niya at kapag nakita niya ang tunay na halaga nang bagay na 'yon ay babalik para bawiin 'yon? I was like, what the héll. . .?" gustuhin ki mang tumawa sa pagkukwento ko pero hindi ko rin naman magawa. Sa halip ay kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para pinigilan ang mga emosyon na bumubuhay sa aking sistema ngayon.
Mas inilapit pa ni Nilus ang sarili niya sa akin. Ramdam ko ang pagdapo ng kaniyang palad sa aking likod saka marahan niya 'yon tinatapik na may kasamang pag-alalay. "Kung ganoon, you need to talk to your biological mom. Hingin mo ang paliwanag niya kung bakit niya ginawa ang pag-iwan niya sa iyo at bakit ngayon lang siya nagpakita."
Suminghap ako. "Natatakot ako. . . Natatakot ako malaman ang katotohanan sa likod ng pag-iwan niya sa akin." marahas akong bumuga ng malalim na hininga.
"I see. You can buy some time until you're ready." inilipat niya ang kaniyang palad sa aking buhok. Masuyo niyang hinahaplos 'yon. "For now, you need to take some rest. And tomorrow, let me help you to take all your pain away."
Isang maliit na ngiti ang sumilay sa aking mga labi. "Hindi ko alam kung papaano kita pasasalamat sa pagligtas mo para sa akin kanina. Hindi man kita lubusang kilala. . ." natigilan ako saka binawi ang tingin ko mula sa kaniya na tila may napagtanto ako.
Noong una kami nagkita, ang init ng dugo ko sa kaniya. Pero ngayon, parang iba na? Kusa nawala ang negatibong pakiramdam na 'yon!
"Why?" nagtataka niyang tanong.
Ngumiwi ako sabay iling. "W-wala, may naisip lang ako. K-kailangan ko na palang maligo. Ikaw din. . ."
Sumilay ang nakakaloko niyang tingin. "Sabay na tayo?"
I show him my fist. "Ah. . . Eh kung suntukin kita, gusto mo?"
Sa sinabi kong 'yon ay humalakhak siya. "Nagbibiro lang ako. May mga spare clothes d'yan sa cabinet, you can choose which do you like to wear." at saka lumapit pa siya sa akin na siya naman ang pag-atras ko. Hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakorner niya ako sa railings ng balkonahe! Nakayuko siya sa akin, samantalang ako naman ay halos maduling na dahil sobrang lapit na niya akin! Pero kahit ganoon, amoy na amoy ko ang pabango niya! Lalaking lalaki. Pabango palang, inaakit na ako! "Pero seryoso akong hihintayin kita na maging asawa kita, Janella."
"N-Nilus. . ."
"Goodnight, affinity." he gave me his sweetest smile.
Sa halip na sagutin ko 'yon ay muling nagtama ang aming mga mata.
Ngayon ko lang napagtanto na guwapo nga siya. Kaya pala iba ang reaksyon nina Chela at Dolores nang una nila itong nasilayan. I saw Sir Kalous' photo in his prime days once. Hindi nga maitanggi na namana nga niya sa kaniyang ama ang kakisigan nito. Mas mangingibabaw ang pagiging intsik nila. Kung matitigan mo sila ng matagal.
Bago man ako makapag-react ay hindi ko na namalayan na nakalayo na pala siya sa akin. Hahabulin ko sana siya ay mabilis na siyang nakalabas sa guest room. Tumigil ako at nagbuntong-hininga. Tinalikuran ko ang pinto. Napahawak ako sa aking dibdib dahil hindi ko maitindihan kung bakit mas bumilis ang pintig nito kahit ganoon lang ang interaction namin kanina. Pumikit ako ng mariin. Mukhang iba na ito!
Marahas akong umiling para alisin 'yon sa aking isipan.
Nilapitan ko ang pintuan papuntang balkonahe para isara 'yon dahil masyadong malamig. Para makatulog na din ako. Bago ko man tuluyang maisara ang pinto ay may pumukaw ng aking atensyon. Napatingin ako sa puno ng narra na medyo malapit lang sa kinalalagyan ko. Naniningkit ang mga mata ko para maaninag ko nang malinaw kung ano ang mayroon doon. Napaawang ang bibig ko nang matanaw ko ang bulto ng isang babae sa gilid ng puno na 'yon. Tila nanigas ako sa aking kinakatayuan. Halos malagutan ako ng hininga dahil hindi ako makapaniwala at napapaisip kung papaano niya ako nahanap sa lugar na ito. Papaano siya nakapasok sa lupain ng mga Hochengco? Sa pagkaalam ko ay mahigpit ang seguridad ng buong mansyon!
"Corrine. . ." mahina kong tawag sa kaniyang pangalan.
Kusang gumalaw ang aking katawan. Humakbang ako palabas ulit ng balkonahe. Lumapat ang aking mga palad sa railings. Tanaw ko ang mukha niya. Malinaw kong nababasa ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Naroon ang takot, pag-aalala at galit. Para saan? Bakit ganoon ang ipinakita niya sa akin? May kinalaman ba siya pamilyang ito kaya ganito ang reaksyon niya? Kung oo, ano ang kinalaman niya sa angkan na ito? May dapat ba akong malaman mula sa nakaraan o ano?
May inilabas siya mula sa kaniyang bulsa. Kita ko pa na parang may isinusulat pa siya doon saka inilakip niya ang maliit na papel sa sanga ng puno. Kumuha rin siya ng bato para hindi lumipad ang naturang papel. Bago man siya tuluyang umalis ay nagpahabol pa siya ng sulyap na puno nang hinanakit sa direksyon ko. Nang makuntento siya ay malungkot siyang nakalayo sa lugar na ito.
Kumunot ang noo ko. Bumuhay ang kuryusidad sa aking sistema. Tila tinatawag ako ng kakapirasong papel na 'yon. Mabilis akong lumabas ng guest room. Hinahanap ko ang daan patungo sa malawak na bakuran ng mansyon na ito para lang makuha ko ang papel na idinikit ni Corrine sa sanga ng puno. Kahit wala si Nilus ay nagpapasalamat na din ako dahil may nakakasalubong akong mga kasambahay at nagtanong ako ng daan patungo doon. Hindi sila nagdalawang-isip na itinuro nila sa akin. Sinunod ko 'yon hanggang sa tagumpay kong narating ang puno ng narra. Lumapit pa ako at tagumpay na nakuha ang kakapirasong papel. Binasa ko ang nilalaman n'on at natigilan ako. Napaisip ako sa mga letrang isinulat niya.
Leave this place, Janella. Don't play as Juliet Capulet, please. Don't let them know your existence! Be with me and let's escape this place before it's too late!
Binaba ko ang papel at iginala ko ang aking tingin sa paligid. Nagbabakasakaling naririto pa siya. Pero bigo ako. Hindi na siya bumalik o nagpakita man lang. Hindi ko pa magawang itanong sa kaniya ang mga gusto kong malaman. Kung ano ang ibig niyang sabihin sa sulat na ito. . .