? Chapter 1

2226 Words
Biglang umurong ang gutom ko. Nanlalaki pa rin ang mga mata ko. Para akong nabato sa kinakatayuan ko dahil nanatili pa rin nakadikit ang katawan niya sa akin. Ilang segundo pa ang lumipas na nasa ganoon pa rin kaming posisyon. Amoy na amoy ko ang panlalaki niyang pabango. Kasabay na nanunuyo nang matindi ang lalamunan ko. Pero kusang gumalaw ang mga kamay ko at walang sabi na tagumpay ko siyang naitulak. Matalim ko siyang tiningnan. Hindi ko alam pero nainis ako sa inakto niya! "Hindi pala ako gutom." pasuplada kong pahayag. Walang kagatol-gatol na inirapan ko siya't mabilis akong umalis sa harap niya. Kailangan kong lumayo sa kaniya! Delikado ako kapag siya ang kasama ko! Hindi ako kampante kapag siya ang kasama ko, lalo na sa mga binitawan niyang salita! Kahit pagpapakilala lang ang ginawa niya, there's something about him. I sense that he's a dangerous creature! I need to avoid him. I need to escape no matter what. Wala akong narinig na mula sa Nilus na 'yon, mabuti naman! Sa ngayon ay kailangan kong hanapin sina Chela pati na din si Dolores! Saan ba kasi napadpad ang mga 'yon at iniwan ako dito?! Humanda ang dalawang iyon sa akin sa oras na makita ko sila, kulang nalang ay kukurutin ko sila sa mga singit nila dahil sa pag-iwan nila sa akin habang kasama ko ang Nilus Ho na 'yon! Kuuh! Lumihis ako ng daan. Hindi ako pupuwedeng tumungo sa likod ng mansyon dahil paniguradong naroroon pa rin sina inay, si tita Concha pati na din si Ma'm Tarrah. Tiyak magtataka sila sa oras na makita nila ako, lalo na't nilayasan ko ang anak niya. Hindi ko naman magawang magsumbong sa kaniya kung ano ang ginawa ng panganay niyang anak sa akin! Ano bang laban ko eh anak lang naman ako ng tauhan nila? Nakakainis! Nadatnan ko ang dalawang tao na hinahanap ko na nakaupo sa karitela at nagtatawanan sila habang may pinag-uusapan. Mabibigat na hakbang ang pinakawalan ko habang papalapit sa kanila. Kinuyom ko ang aking mga kamao. Tumigil lang sila sa pag-uusap nang maramdaman nila ang presensya ko. Sabay silang tumingin sa direksyon ko. "Oh, Janella!" "Bakit ninyo ako iniwan?" iyan ang naging bungad ko sa kanila, hindi ko maiwasang hindi maitago ang inis sa boses ko. Muli tumawa ang dalawa. "Baka kasi makaistorbo kami." si Chela ang unang sumagot. Umalis siya mula sa pagkaupo niya sa karitela. Dinaluhan niya ako't hinawakan ang isang kamay ko. "Huwag ka na magalit." "At saka, kung nakita mo lang kung papaano tumingin si Sir Nilus sa iyo kanina, Janella." humahagikhik na segunda ni Dolores na nakaupo pa rin sa karitela. "Teka, bakit parang ang bilis mo naman yatang kumain?" Inirapan ko silang dalawa. "Nilayasan ko siya." seryoso kong sagot. Pero hindi ko madugtungan kung bakit nga ba nilayasan ko ang Nilus na 'yon. "Ha?! Nilayasan mo si Sir Nilus?!" parehong bulalas nila. Tumahimik ako. Nanatili akong bumaling sa ibang direksyon pero napapakinggan ko pa kung ano ang mga sumunod nilang sasabihin. "Ang swerte mo nga kasi makakasama mo ang panganay na anak nina Sir Kalous at Ma'm Tarrah! Sayang ang oportunidad!" bakas sa boses ni Chela ang panghihinayang. Tamad ko silang binalingan. "Eh bakit hindi na lang kayo?" Sabay silang umiling. "Hindi kami ang tipong desperada, Janella. Kapag alam naming walang gusto sa amin ang lalaki, hindi namin pinagpipilitan ang mga sarili namin. Alam mo 'yan." si Dolores ang sumagot. "Nga pala, nakita namin kanina si Brian dito sa handaan, kasama niya ang kaniyang tatay para maghatid ng mga bilao na naglalaman ng mga palabok na luto ng kaniyang ina. Ano, puntahan natin? Tapos maglaro tayo?" Umiba ang ekspresyon ng aking mukha. Ngumuso ako. "Oh sige. . ." "Pero ayos ka lang ba? Ni hindi ka pa nakakain, oh." nag-alalang tanong ni Chela. "Ayos lang ako. Hindi pa naman ako gutom." ang tanging naging sagot ko. Totoo naman kasi, nawala ang gutom ko dahil sa lalaking 'yon. Hindi lang si Brian ang nakita namin sa handaan ng mga Ho. Narito din ang iba pa naming kaibigan. Ang iba ay hinihintay namin matapos sa pagkain sa pamamagitan ng kawentuhan. Pero sa hindi malaman na dahilan ay may umuutos sa akin na bumaling isang direksyon. Tumingala ako sa malawak na balkonahe ng mansyon. Tumambad sa akin si Nilus na mataimtim na nakatingin sa direksyon namin. Hindi ko maiwasang kabahan nang masilayan ko ang seryoso niyang mukha. Napalunok ako. Ano bang problema ng isang ito at mukhang galit pa? Ako dapat ang magalit sa kaniya dahil bigla siyang dumikit sa akin nang basta-basta, lalo na't hindi ko siya lubusang kilala. Binawi ko din ang aking tingin at ibinaling ko 'yon sa mga kasamahan ko. "Makakarating ba kayo mamayang gabi?" masiglang tanong ni Noel sa amin pagkalapit, kakatapos lang niyang kumain. Sabay kaming tumingin sa kaniya, may pagtataka sa mukha ko. "Bakit? Anong mayroon?" tanong ko. "May sayawan daw mamaya, ah. Ang mga Hochengco ang nag-organize. Pwedeng-pwede daw makarating ang mga tauhan nina Sir Kalous. Kami nga ni Brian, makakarating. Masilayan ko lang ang naggagandahang Hochengco. Kahit makasayaw ko lang ang isa sa kanila." talagang nakapikit ang mga mata niya na nakangiti, sabay nakadapo ang isang palad niya sa dibdib nito. Napangiwi ako. "Hindi ko lang alam kung mapapayagan ako nina inay at itay na makadalo sa mga ganyan." sabi ko. "Pumunta ka na, Janella. Sayang ang pagkakataon na makikilala natin ang iba pang magpipinsan! Hindi naman sila parati na naririto. Sige na." dagdag pa ni Sayo, ang kabilang din sa grupo. May lahing hapon ang isang ito kaya singkit ang isang ito. Namana din niya sa kaniyang ama ang pagiging maputi nito. Madaming magkakacrush sa kaniya pero deadma ang isang ito, maliban sa mga kaibigan naming mga lalaki. Bukod pa doon ay siya ang kabilang sa grupo na ito na maykaya siya sa buhay. "Isusuot ko ang bagong bestida na binili sa akin ni mama!" saka bumungisngis siya, mukhang excited na siya. "Kung gusto mo, ipagpapaalam kita sa mga magulang mo, Janella." nakangiting wika ni Brian na nasa tabi ko. "Ako ang susundo sa iyo, ako din ang maghahatid sa iyo pauwi." Ngumiwi ako muli. "Naku, nakakahiya naman, Brian." alangan kong sambit. "Makakaabala naman ako sa iyo. At saka, hindi ko talaga sigurado kung mapapayagan ba ako nina ina at ama na makarating sa mga ganyan. Alam mo namang todo protekta sa akin sila sa akin." "Pero sana umiba ang ihip ng hangin para pumayag ang mga magulang mo." sumingit bigla si Chela sabay nag-cross fingers pa sa harap namin. Isang hilaw na ngiti lang ang iginawad ko sa kaniya. Muli ako tumingin sa direksyon kung nasaan si Nilus. Nawala ang ngiti sa aking mga labi dahil wala na siya sa paningin ko. Sa puntong 'yon, para akong nakahinga ng maluwag dahil hindi ko na naramdaman pa ang kaniyang presensya. ** Abala sa ako sa pagliligpit ng mga kasangkapan na ginamit ni ina sa paggawa ng puto. Ang iba pa doon ay hinugasan ko na para makapagpahinga na din ako pagkatapos. Si ama naman ay naroon pa rin sa Esmeralda Mansion. Inaya kasi siyang makipag-inuman. Si tita Concha ang kasama ko dito pauwi. Si ina naman ay nagpaiwan para tumulong sa pag-aasikaso ng mga bisita ng mga Hochengco. Para na din may kasama si ama sa pag-uwi mamaya. "Janella?" tawag sa akin ni tita Concha na dahilan para tumigil muna ako sa ginagawa ko at napatingin sa kaniya. "Bakit po?" nagtataka kong tanong. "Iniimbitahan kang pumunta sa sayawan mamaya. Nasa kuwarto mo na ang damit na susuotin mo." Natigilan pa ako ng ilang segundo sa sinabi ni tita. Sinisink in ko pa kung hindi ba ako nagkamali ng pagkarinig o ano. Aligaga akong pumunta sa kuwarto ko para tingnan ang sinasabi niya na may damit ako na maisusuot para sa sayawan! Tumambad sa akin ang isang floral dress at puting flat shoes. Umawang ang bibig ko dahil mukhang mamahalin ito at hindi ito basta-basta makikita ang mga ganitong damit. At higit sa lahat, nakita ko na branded ang mga ito, ah! Pero kanino ito galing? Imposible naman na mabibili nina ina at ama ito, kahit si tita Concha pa! "Mamaya pala may susundo sa iyo, ha? Kaya mamaya mag-ayos ka nang maigi sa sarili mo para mas tumingkad ang kagandahan mo." saka tumawa siya. "Malay mo, makabingwit ka ng isa sa mga Hochengco." nasundan pa pala niya ako dito sa kuwarto. Umingos akong lumingon sa kaniya. "Tita naman. . ." "Nagbibiro lang ako. Oh siya, ako na magtutuloy ng mga ginawa mo. Mag-beauty rest ka na para mamaya." wika niya. Talagang nahuli ko pa siyang kumindat bago pa siya tuluyang makalabas ng silid. Hinatid ko lang siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas ng kuwarto. Muli kong binalingan ang floral dress na nasa ibabaw ng ing higaan. Hinawakan ko ito at idinikit ko ito sa aking katawan. Hindi ko mapigilang mapangiti. Mukhang alam na din naman nina ina at ama na makakadalo ako sa sayawan mamaya. Nasabi din sa akin ni tita Concha na alas siete ng gabi pa naman daw mag-uumpisa ang sayawan sa malawak na hardin ng Esmeralda Mansion. May oras pa ako para makapagpahinga at makapag-ayos ng sarili. Nakatulog ako ng kaunti. Pagkagising ko ay dumiretso na ako sa banyo para maligo. Kiniskis ko ang balat ko para matanggal ang libag sa katawan. Nang makuntento na ako ay lumabas ako nang nakatapis na't dumiretso ako sa kuwarto para magbihis. Sakto lang sa katawan ko ang floral dress, pati na din ang flat shoes, kasya sa akin! Si tita Concha ang nag-ayos ng mukha at buhok ko. Talagang nilagyan pa niya ako ng cologne. "Dahil may gatas ka pa sa labi, lip tint nalang ang ilalagay ko sa mukha mo pati na din polbos." humahagikgik niyang sambit. Lihim ako napangiti. Alam kong magugulat ang mga kaibigan ko dahil hindi nila inaasahan na makakadalo ako! Lalo na sina Chela at Dolores! "Alam mo, Janella. Kapag ikaw nagdalaga nang talaga, hindi ako magdadalawang-isip na isali ka sa mga beauty contest. Matalino ka rin naman." sabi pa ni tita. "Hindi po ako mahilig sumali sa mga ganyan, tita. Huwag nalang po." Lumabi siya. "Seryoso ako, mahal kong pamangkin. Isasali nga kita. Ako ang magiging manager mo." saka sumilay ang ngisi sa kaniyang mga labi. "Ako ang bahala sa iyo. Sayang naman kasi kung dito ka lang sa Quezon, ang mga tulad mo ay dapat madiskobre sa Maynila! Maraming trabaho ang naghihintay sa iyo balang araw." Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Nang sabihin niya ang mga bagay na 'yon, hindi ko alam kung makakaya ko bang iwan ang lugar na kinamulatan ko. Ang lugar na punung-puno ng alaala. Hindi ko rin magawang iwan ang lugar na dito dahil dito ako nagkaroon ng mga kaibigan. Kung wala ako dito, hindi ko makikilala sina Chela at Dolores, pati na din sina Brian, Noel, Sayo at ang iba pa. "Tao po?" rinig ko ang boses ng lalaki mula sa labas ng bahay. Sakto rin na tapos na akong ayusan. Biglang pumalakpak si tita. "Ay, narito na siya!" bulalas niya. "Tuloy po kayo!" Nagpasya na akong tumayo. Napalingon ako sa pinto kung saan papasok ang lalaki na narinig ko sa labas. Tila nabato ako sa kinatayuan ko nang makita ko ang bulto ng isang lalaki. Pakurap-kurap akong tumingin sa kaniya lalo na't nakasemi-formal ang kaniyang suot. Teka. . . "Anong ginagawa mo dito?" hindi ko mapigilang suminghal nang wala sa oras sabay turo ko sa lalaki na bagong dating. "Janella, huwag mong sigawan si Sir Nilus." suway ni tita sa akin sabay ibinaba niya ang kamay ko na nakaturo sa direksyon ni Nilus Hochengco! "Pasensya na po, Sir Nilus, nabigla lang ang pamangkin ko." "Wala pong problema," magalang na sagot niya kay tita. Inilipat niya sa akin ang kaniyang tingin. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko hanggang sa sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. May halong pagkamangha sa kaniyang mukha na tila nakuntento siya sa kung anuman ang nakikita niya. "As what I've thought, kasya sa iyo ang damit at sapatos ni Vesna." Kung hindi ako nagkakamali, si Vesna ay ang kapatid niyang babae! Nanlaki ang mga mata ko. "I-ibig sabihin, ikaw ang tinutukoy ni tita. . ." Mas lumapad ang ngisi niya. "Yeah, ako na mismo ang nagpaalam sa parents mo na susunduin at ihahatid kita sa tamang oras. Binili ko ang damit na 'yan kay Vesna tutal hindi pa niya nagagamit iyan." walang sabi na lumapit pa siya sa akin na siya naman ay pag-atras ako. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil biglang hinapit ng isangbbraso niya ang bewang ko. Si tita Concha naman ay napasinghap at napasapo ng bibig. Namimilog ang mga mata sa nasaksihan. Gusto ko siyang suwayin dahil nakikita ni tita ang pinanggagawa niya! Pero hindi matanggal ang tingin ko sa mga mata niya kahit gulat na gulat na ako sa inaakto niyia. "Isn't that amazing how a person like you was once a stranger, can suddenly. . . Without warning. . . Mean the entire world to me. . .?" "B-bitaw. . ." nanghihina kong sabi. Inilapit pa niya ang kaniyang mukha sa akin. Lumihis iyon at itinapat niya ang kaniyang bibig sa aking tainga. "You ignore me? I don't care. I will touch your heart, steal your attention and make you mine until you're a full grown woman, so be ready, Janella. . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD