? Prologue

2040 Words
"Inay! Tapos na po ako sa mga gawain, makikipagkita na po muna ako kina Chela!" sinadya kong tinisin ang boses ko nang matapos ako magbihis ng damit-pambahay at nagawa ko na ang mga gawaing bahay. Tapos na din ako sa mga takdang-aralin ko. Tanghali palang ay nakauwi na ako galing eskuwelahan, kasalukuyan akong nasa unang taon ng senior high. Nakakatuwa lang dahil maaga din kami pinauwi ng guro namin sa isang public school. Ang sabi ay may meeting daw ang faculty. "Huwag ka lang magpagabi ng uwi, anak." sabi ni inay habang abala siya sa mga gagamitin niyang sangkap para gumawa ng puto na gawa sa bigas. Mas alam niya kasi ni ina ang tradisyonal na paggawa ng puto at ibang kakanin. Nalaman ko din na bukas ay dadating ang mga anak nina Sir Kalous at Ma'm Tarrah na galing pang Cavite. Ngayon palang kasi ito mapapadpad dito sa Quezon. Ang panganay nilang anak ay nasa kolehiyo na kaya dito idadaos ang handaan tutal ay papalapit na rin naman ang bakasyon. Sa totoo lang ay hindi naman ako interisado sa kaniya. Hindi ko rin naman siya kilala, ang tanging alam ko lang ay sakop ng lupain nila ang sinasakahan ni itay. Masyadong mabait si Sir Kalous, gayundin ang asawa niyang si Ma'm Tarrah. Sila palang ang nakikita ko sa tuwing gumagawi sila dito sa Probinsiya. Pinapahiram nila ang lupa sa mga magsasaka na halos wala nang bayad. Pero dahil sa nahihiya kami ay ang tanging bayad namin sa mag-asawa ay kahit isang kaban ng bigas o dalawa. Hindi lang 'yon, may mga naitatanim naman kaming mga prutas at gulay, tuwing ani ay nagdadala kami sa Esmeralda Mansion. Kahit wala sila, naghahatid pa rin kami. Ayaw naman naming isipin nila na tuwing nariyan lang sila ay doon lang kami nagbibigay. Bilang pa-consuelo na rin dahil sa malaking tulong na naibigay nila sa amin. Malawak ang lupain ng mga Hochengco. Ilang hektara din ang lawak. Ang ibang parte pa nga ay ginawa nang maliit na komunidad na pinayagan din ni Sir Kalous. Minsan napapaisip ako, bakit hindi kaya siya tumakbo bilang mayor ng bayan eh sobrang bait naman niya? Marami silang natulungan. Pero ang narinig ko kina ina at ama, walang balak si Sir Kalous na tumakbo o maging parte ng politika. Ginagawa lang daw niya kung ano ang tama. Nang marinig ko ang mga iyan ay hindi ko maiwasang hindi mamangha. Iyon palang ay napatunayan kong mababait nga sila. Habang tumatakbo ako sa kapatagan ay tanaw ko ang mga kaibigan ko na kumakaway sa direksyon ko. Mas lumapad ang ngiti ko at mas binilisan ko pa ang pagtakbo, hanggang nasa harap ko na sila. Hinihingal man pero kaya ko pa. "Mabuti pinayagan ka ni Aling Doring, Janella." nakangiting saad ni Chela sa akin. Tumayo ako ng ayos saka pinunasan ko ang pawis na namuo sa aking noo. "Basta ang sabi niya sa akin, huwag na huwag daw ako magpapagabi. Abala ulit siya sa paggawa ng mga puto, pero siguro mas marami ngayon." "Ah! Bukas kasi ang handaan sa Mansyon, dumating na pala ang mga anak nina Sir Kalous at Ma'm Tarrah!" bulalas ni Dolores na napagtanto niya ang bagay dahil sa binanggit ko. "Ang sabi ni mama sa akin, puros mga guwapo at magaganda ang lahi nila." saka bumungisngis siya. Ngumiwi ako habang si Chela naman ay naiiling habang nakapameywang. "Ewan ko sa iyo, Dolor, ang mabuti pa, umalis na tayo dahil hinihintay na nila tayo." natatawang sabi ni Chela. Sumunod kami ni Dolor nang nauna si Chela sa paglalakad. Dinaluhan namin ang iba pa naming kaibigan na paniguradong kanina pang naghihintay sa amin. "Maiba. . . Taya!" wika ni Brian nang sisimulan na namin ang paglalaro kahit sa edad namin ngayon. Sa huli ay si Dolores ang taya. Siya ang maghahanap namin dahil ang lalaruin namin ay tagu-taguan. Pantanggal ng stress galingnsa eskuwelahan. Agad dinaluhan ni Dolores punung-kahoy. Humarap siya doon na nakatakip ang kaniyang mga mata. "Pagbilang ko ng dalampu, magtago na kayo. . . Isa!" pagkakanta niya. Mabilis akong tumakbo. Nagpasya akong pumasok sa kagubatan. Dito ay mahihirapan siyang hanapin ako dito. Takot siya dito, eh. Hehe. Nagpasya akong nagtago dito sa malaking puno na malapit lang sa ilog. Idinikit ko ang aking likod sa naturang puno at tumingala. Ito ang gusto ko sa lugar na ito. Tahimik. Payapa. Nagiging kalmado ang sistema ko sa tuwing naririnig ko ang huni ng mga ibon. Ang mas nakakatuwa pa dito ay ang malinis na tubig sa ilog na minsan ay dito rin ako naliligo dahil presko sa pakiramdam. "Adler! Pierson! Dalian ninyo! Tumalon na kayo!" may narinig akong mga hiyawan at tawanan na hindi kalayuan sa kinalalagyan ko. Boses ng isang lalaki ang narinig ko. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin upang humakbang pa ako papunta sa pinanggalingan ng boses na iyon May naririnig din akong boses ng mga kababaihan. Idinampi ko ang isang tuhod ko sa lupa at marahan kong hinawi ang halaman sa harap ko. Tumambad sa akin ang mga mga kabataan na tingin ko ay kasing edad ko lang ang iba sa kanila. Mayroon din na may mas matanda sa kanila. Enjoy na enjoy sila sa pagligo nila sa ilog na iyon. Puros mga chinita at chinito ang mga ito. Mapuputi at mahahalata na may lahi sila ng banyaga ang iba sa kanila. Bumuhay ang kuryusidad ko, sino ba sila? Ngayon ko lang sila nakita sa lugar na ito. Mga dayo ba sila? Nakikita ko kasi na hindi sila taga-dito. "Ikaw naman, Nilus ahia!" tili ng isang babae na pumapalakpak pa habang ito'y nakatingala sa mababang bangin. Sinundan ko iyon ng tingin. Laglag ang panga ko nang may pumukaw ng aking atensyon. Isang lalaki na maputi at chinito. Sakto lang kaniyang pangangatawan. Hindi payat, hindi rin mataba, tanging suot lang niya ay board shorts. Humiyaw ito sabay itinaas ang mga kamay. Pagkatapos ay nag-dive dito hanggang sa bumagsak siya sa tubig. Naghiyawan ang mga kasamahan niya. Nagpasya na akong tumayo at mabilis na lumayo sa lugar na iyon. ** Maaga ako ginising ni inay. Muntik ko nang makalimutan na Sabado ngayon at ngayon na ang handaan sa Villa de Esmeralda. Kinusot ko pa ang mga mata ko habang palabas ako ng kubo. Nadatnan ko si mama na abala sa pag-aayos ng mga iilang bilao na naglalaman na puto at iba pang kakanin, kasama niya si tiya Concha, na kapatid niya. Nagsuot ako ng tsinelas. Napukaw naman ng atensyon ko na dumating si itay na may mga bigas na nakasako na. "Janella, kailangan mo nang maligo para makarating na tayo sa mansyon." malumanay na utos sa akin ni inay habang nakatuon pa rin ang tingin niya sa mga bilao. "Opo, inay." sagot ko. Kung hindi ako magkakamali, tiyak naroon din sina Chela at Dolores dahil tulad ni itay ay pagsasaka din ang trabaho ng mga ama namin. Unang buhos ko palang ng tubig sa aking katawan ay hindi ko mapigilang mapahiyaw dahil sa lamig. Niyakap-yakap ko ang aking sarili. Nagsabon at gumamit na ako ng shampoo. Nagbuhos ulit ako ng tubig ng ilang ulit. Pagkatapos ay nagbihis na ako sa banyo at lumabas na. Nakapulupot ang tuwalya sa aking buhok. Nagpahid ako ng lotion habang nagpapatuyo ng buhok nang marinig ko ang boses ni tita Concha. "Nakita ko ang panganay na anak ni Sir Kalous. Diyos ko, ate. Ang guwapo! Naalala ko tuloy si Sir Kalous noong kabataan niya!" bulalas niya. "Pati ang bunsong anak nila, ang ganda talaga ng mga lahi nila." "Sinabi mo pa." natatawang pagsang-ayon ni inay. "Kahit naman ang mga pinsan ni Sir Kalous, puro mga guwapo din naman noong kabataan nila." "Naku, kapag magkakasama ang magpipinsan, daig mo pang may rambulan." Nagkibit-balikat ako at ngumuso. Tinanggal ko na ang tuwalya sa aking buhok at nagsimula na akong magsuklay. May kinuha pa ako sa aking bag at pinahid ko iyon sa aking katawan na napagtanto na cologne ko pala 'yon! Teka, bakit bigla ako nagpapahid ng mga ganito na pagmamay-ari ni inay?! "Janella, anak? Tapos ka na ba d'yan?" malakas na tanong ni inay. "Aalis na tayo! Nakakahiya naman kina Sir Kalous at Ma'm Tarrah dahil baka hinihintay na nila ito!" "Opo! Nariyan na po!" malakas kong sagot. Binilisan ko pa ang pagsuklay sa aking buhok at nagmamadali nang lumabas ng silid. Hinawi ko ang kurtina at dinaluhan ko na sila. Napatingin sa akin sina tita Concha at inay sa akin. Nagtataka ako kung bakit iba ang tingin nila sa akin. "Nagdadalaga na talaga itong si Janella." humahalakhak na sambit ni tita Concha. "Hindi na talaga ako magtataka kung maraming magkakandarapa sa kaniya pagkatuntong niya ng disiotso anyos." "Naku, mas mabuting pag-aaral muna niya ang atupagin niya." natatawang kumento ni mama. Umiling nalang ako't tumulong ako sa pag-aayos ng mga pagkain. ** Masaya akong bumaba sa karitela. Sinalubong ako nina Chela at Dolores na tulad ng inaasahan ko, nauna silang nakarating dito sa likod ng Mansyon. Tumulong din sa pagbaba ng mga pagkain at hinatid namin ang mga ito sa Kusina. Bumungad sa akin na abala ang mga kasambahay dito. May mga abala sa pagluluto, may mga abala din sa paghahanda at kumuha ng pagkain para sa mga bisita sa naturang handa na ito. "Doring!" isang pamilyar na boses ang narinig ko. Bumaling ako sa pinanggalingan ng boses. Natigilan ako nang makita ko si Ma'm Tarrah na nakasuot ng simpleng dress pero mas nangingibabaw ang kagandahan niyang taglay. Parang hindi siya natanda. Ang ganda pa rin niya buhat noong una ko siya nakita. "Mabuti at nakarating ka! Kamusta ka na?" "Ayos na ayos lang po, Ma'm Tarrah." nahihiyang tugon ni inay. "Dala na po namin ang mga inorder ninyong puto." "Maraming salamat, Doring. Ikaw lang ang kilala ko na gumagawa ng mga tradisyonal na pagkain tulad nito." bumaling sa akin si Ma'm Tarrah. Mas umukit ang pagkamangha niya nang makita niya ako. "Heto na ba ang anak mong si Janella? Dalaga na pala!" "H-hello po, Ma'm Tarrah. . ." nahihiyang bati ko. "Hello din, iha. Ang ganda talaga ng batang ito. Ay siya, kumain na muna kayo. Nakahanda na ang mga pagkain. Janella, isama mo na din ang mga kaibigan mo. . ." "Mama, pwede po bang umalis muna kami? Nagkaayaan sina Rowan ahia na pupunta daw kami ng bayan. . ." biglang may nagsalita sa bandang likuran ni Ma'm Tarrah. Napatingin kami sa bagong dating. Natigilan ako nang makita ko ang lalaki. Hindi ako makapaniwala na narito siya! Siya ang lalaking nakita ko na tumalon mula sa mababang bangin kahapon! Na may mga kasama niyang naliligo sa ilog! "Oh, Nilus! Halika ka muna rito. . ." utos ni Ma'm Tarrah. Lumapit ang lalaki. "Ito nga pala si Janella. Siya ang binabanggit ko na anak ni Aling Doring. Ayos lang ba na asikasuhin mo muna sila, ituro mo muna kung nasaan ang hapag para makakain na sila. . ." "Yes, mama." inilipat niya sa akin ang kaniyang tingin. Pero ang mas ipinagtataka ko kung bakit parang may iba sa tingin na iginawad niya sa akin na dahilan para tumindig ang balahibo ko. Umiba din ang aking pakiramdam nang nagtama ang mga tingin namin. "Follow me." utos niya sabay pinutol niya ang tinginan naming dalawa. Tumikhim ako't humakbang na para sundan namin siya patungo sa sinasabi niyang Dining Area. Nang nakarating na kami sa Dining Area ay natagpuan ko na wala nang tao dito. Mabuti nalang dahil nahihiya ako. "Sasamahan kitang kumain," bigla niyang sabi. Napamaang ako. "H-ha?" "Ikaw lang ang kasama ko papunta dito." wika pa niya saka humarap sa akin. "Iniwan ka ng mga kasama mo." Pakurap-kurap ko siyang tiningnan. Agad akong lumingon. Namilog ang mga mata ko dahil wala sina Chela at Dolores! Saan nagpunta ang mga iyon?! Ibinalik ko ang tingin ko sa tinatawag nilang Nilus. Mas nawindang ako dahil mas malapit pa siya sa akin sa pagkakataon na ito! "Nakita kitang sumisilip sa amin habang naliligo kami sa ilog kahapon." saka ngumisi siya. Umawang ang bibig ko. Ano?! Nakita niya ako kahapon?! Mas inilapit pa niya ang kaniyang sarili sa akin. Ramdam ko nalang na lumapat ang likod ko sa pader ng Dining Area! Idinikit niya ang isang palad niya sa pader! Muli nagtama ang mga tingin namin. "It's nice to meet you, Janella. I'm Nilus Hochengco."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD