? Chapter 2

2440 Words
Tahimik lang ako nakasunod kay Nilus habang naglalakad kami patungo sa malawak na hardin ng mansyon na ito. Hindi ko na rin mabilang kung nakailang lunok na ako mulang umalis kami ng bahay hanggang sa makarating na kami dito. Tumambad sa amin ang magandang pagkaset up, talagang inaasahan na may party dito. Bumabaha din ng mga pagkain at inumin. Hinahanap ng mga mata ko sina Chela at Dolores. Kahit sina Brian ay hinahanap ko din. Nagbabakasakaling makarating sila dito dahil ang alam ko ay dadalo sila ngayong gabi tulad ng pinag-usapan namin. Tumigil lang kami sa paglalakad nang nakita kong huminto rin siya. Lumingon siya sa akin. Bumaba lang ang tingin ko nang may hinila siya. Isang upuan. Ibinalik ko sa kaniya ang aking tingin. Sa nakikita kong ekspresyon ng kaniyang mukha, parang inuutusan niya akong umupo doon. "Kakausapin ko lang sina baba at mama, babalikan kita." nakangiting paalam ni Nilus sa akin. Bahagyang umawang ang aking bibig. Tahimik lang ako tumango at saka umupo sa upuan. Doon na rin siya umalis. Pinapanood ko siyang lumayo at doon ay marahan akong pumikit at saka nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Sa wakas, nakalayo na din siya sa akin. Sa puntong ito, para akong nakahinga ng maluwag. Aminado ako na hindi ako makapali kapag talaga nararamdaman ko ang presensya niya sa paligid ko. Masasabi kong naiilang ako dahil amo namin siya, samantalang anak ako ng isa sa mga tauhan nila. Siguro masyado lang akong cautious. Ayoko lang din na may masabi sa akin na masama sa paligid ko. Ang isang tulad ko ay hindi nababagay sa kaniya. Matinong babae ako na palakihin nina ina at ama kaya hangga't kaya ko ay kinakailangan kong makalayo sa isang Hochengco hangga't maaari. Hindi ako pupwedeng dumikit sa kaniya. "Janella?" rinig ko ang pamilyar na boses mula sa likuran ko. Lumingon ako at tumayo. Bumungad sa akin ang dalawang tao na kanina ko pa hinahanap! Umukit sa kanilang mukha ang pagkamangha nang makita nila ako. "Ikaw nga!" bulalas ni Chela sabay niyakap ako ng mahigpit. "Ang akala namin hindi ka makakadalo ngayong gabi. Anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Dolores. "Pero ang ganda mo, ha! Impernes!" Ngumiwi ako, nakapakamot ako sa aking batok. "Mahabang kwento, eh. Nasaan na pala ang iba?" pag-iiba ko ng usapan. Nagkukungwaring luming-linga sa paligid. Kungwari, hinahanap ang iba pa naming kaibigan. "Naku, kakarating lang naming dalawa. Hanapin natin sina Brian, tara?" aya ni Dolores na matamis na nakangiti. Tumango ako bilang pagsang-ayon. Hindi rin nagtagal ay natanaw namin ang grupo kung nasaan si Brian. Hindi kami nagdalawang-isip na daluhan namin sila. Naroon din sina Sayo at Noel na kasama niya. "Ang akala ko hindi ka makakarating." malapad ang ngiti ni Brian nang sabihin niya iyon. "Mabuti nalang at nadinig ang panalangin ko." saka humalakhak siya. "Iyon din ang akala ko." kumento ko pa saka uminom ng tinatawag nilang blue ice tea. Pero hindi ko pa rin sasabihin sa kanila kung bakit ako napadpad dito o anuman ang naging relasyon ko kay Nilus Ho. Mahirap na, malakas pa naman mangantyaw ang mga ito kung sakaling malaman nila ang totoo. Ayoko din na maging sentro ako ng tsismis. "Ang ganda talaga ni Miss Vesna." bulalas ni Noel sa gilid, talagang nakasapo siya sa kaniyang dibdib. "Hindi nakakasawa ang mukha niya, dre!" Sinundan ko 'yon ng tingin. She's wearing a silver color dress. Naka-heels din siya. Maganda ang pagkaayos sa kaniyang buhok kahit na pinakulot 'yon ng kaunti ang dulo nito. Simple lang din ang make up niya kaya mas nangingibabaw ang ganda niya. No wonder napahanga niya si Noel sa madaling paraan. "Good luck nalang sa iyo kung mapapansin ka niya." utas ni Dolores saka uminom din ng juice na nasa tabi ko. Ilang saglit pa ay napukaw ng mga atensyon namin ang emcee na nagsalita sa platform. Hudyat na mag-uumpisa na ang party. Nagbigay din ng mensahe sina Sir Kalous at ang asawa niyang si Ma'm Tarrah. Nagpapasalamat sila sa pagpunta namin sa piging na ito. Pero kung tutuusin ay kami ang dapat ang magpasalamat sa kanila, dahil binigyan nila kami ng ganitong salo-salo. Dahil hindi nila kami tiningnan bilang trabahador ng kanilang Hacienda. Nakakatuwang lang isipin na pantay-pantay ang tingin nila sa amin. Hindi kami iba sa kanila. Maski ang iba pang kamag-anakan nila na naririto ay maganda ang pakikitungo sa amin. Pagkatapos ng pagbibigay ng mensahe ay may mga gumagala na ng mga waiter para bigyan kami ng pagkain at inumin. Nahagip ng aking paningin si Nilus na ngayon ay kasalukuyang kasama ng kaniyang pamilya, kausap din niya ang iba niyang pinsan. Hinahayaan ko lang siya, para sa akin ay maigi na din iyon dahil hindi talaga ako mapakali kapag siya ang kasama ko. Para wala na rin namin mabigyan ng clue ang mga kaibigan ko kung ano ang mayroon sa aming dalawa. Kahit siya ang kumaladkad sa akin patungo dito! "Nakalimutan kang bigyan ng panghimagas, Janella." wika ni Brian na nasa aking tapat. "Kukuha lang ako para sa iyo." saka tumayo siya. Pipigilan ko sana siya dahil tatanggi sana ako pero inunahan na niya ako. Mabilis siyang nakalayo sa akin. Hinatid ko lang siya ng tingin at nagbuntong-hininga ako bilang pagsuko. Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko. "Anong nangyari, Janella?" biglang bulong sa akin ni Chela. Nagtataka akong bumaling sa kaniya. "Bakit hindi kayo nagkakausap ni Sir Nilus?" Hindi ko alam kung bakit pero daig pang nabilaukan ako sa tanong niya. Kumunot ang noo ko. "Bakit naman kami mag-uusap, aber?" matigas kong tanong. Tumalikwas ang isang kilay ni Chela. "Eh hindi ba, type ka niya? Anyare?" Mabilis akong umiling. "Guni-guni mo lang 'yon, ano ba?" Bumungisngis siya saka umiiling-iling. Ipinagpatuloy niya ang pagkain. Para bang ayaw niyang maniwala kung anuman ang sinasabi ko. Marahas akong bumuntong-hininga. Bakit ba nakalimutan ko na silang dalawa ni Dolores ang nakakaalam sa mga bagay na ito? Kung hindi lang ako iniwan ng dalawang ito, hindi mangyayari 'yon! Pagkatapos kumain ay may mga naghahatakan na sa gitna para sa sayawan. Inaaya na din ako nina Chela at Dolores na sumayaw pero sinabi ko sa kanila na sumunod nalang ako dahil busog pa ako sa mga kinain ko kanina. Tanging ako nalang ang naririto sa mesa. Nanonood lang ako sa kanila sa dance floor. Biglang nagpalit ng kanta na pinapatugtog. Naging mabagal ito. Ibig sabihin, sweet dance? Nahagip ng mga mata ko sina Chela at Dolores na nakasayaw na nila ang mga pinsan ni Nilus! Gusto kong tumawa dahil kitang kita ko kung papaano namumula ang dalawa kong kaibigan habang kasayaw nila ang mga pinsan ni Nilus. Sa lagay nilang 'yon, gugustuhin na yata nilang mahimatay. Unexpected naman kasing makakasayaw nila ang mga ito, parang nitong nakaraang araw lang gusto nilang makilala ang mga ito. Ngayong nangyari ang gusto nila, sila pa ang aatras at tumakbo pauwi. Tinanggal ang tingin ko sa dance floor nang may nakita ko nakalahad na kamay sa tabi ko. Tumingala ako upang tingnan kung sino ang nagmamay-ari nito. Naaninag ko ang mukha ni Brian na matamis na nakangiti sa akin. "Puwede ba kitang maisayaw, Janella?" masuyo niyang tanong. Sinuklian ko din siya ng matamis na ngiti. Walang alinlangan na tinanggap ko ang nalalahad niyang palad. Marahan niya akong hinatak para makatayo ako. Sabay kaming naglakad patungo sa gitna ng dance floor. Wala kaming pakialam sa paligid. Tumingil kami at magkaharap kami. Ipinatong ko ang mga palad ko sa magkabilang balikat niya, samantalang siya naman ay humawak sa magkabilang bewang ko. Pareho na kaming gumalaw upang sabayan namin ang musika. Hindi matanggal ang ngiti namin sa isa't isa. Hindi ko rin naman maitanggi na may kaguwapuhan ding taglay itong si Brian. Hindi ko aakalain na mapapansin ko iyon ngayon dahil siguro sa sanay na na makita ko siyang simple. Sabay kaming lumalaki at madalas na magkasama kaya naman bago lang sa akin na magagawa namin pareho ito. He's slowly going a young man , samantalang ako naman ay isang taon na lang ang nalalabi ay ganap na akong dalaga. Hindi na rin bago sa akin na isa si Brian sa mga habulin sa eskuwelahan. Maraming babae na nagkakagusto sa kaniya. Bukod sa guwapo siya, matalino din siya, palagi siyang nasa honor roll. Maraming ding teacher ang nag-eexpect sa kaniya. They rooting for him. Ngayon palang ay usap-usapan na mag-aaral daw ito sa Maynila kung nasaan ang iilan niyang kamag-anak. Palagi niyang sinasabi sa amin na balang araw ay maging isang engineer siya at mag-aapply siya sa isang bigating construction firm sa Metro. Hindi ako sigurado kung bakit mag-aaral siya sa Maynila pero dito niya pipiliing magtrabaho sa oras na nakapagtrabaho na siya. Samantalang ako, hindi ko alam kung ano ang kukunin ko sa oras na magtapos ako ng Senior High. Hindi ko pa nadidiskobre kung anong gusto ko. Medyo natigilan ako nang nagtama ang tingin namin ni Nilus na kasalukuyang kasama niya ang mga iba pa niyang pinsan. Naroon din ang mga kapatid niyang sina Vesna at Carson. Sa mga tingin niyang iyon, tumindig ang balahibo ko. Bakit ang sama ng tingin niya dito sa direksyon namin? Kulang nalang papátay siya sa lagay na 'yon. Napalunok na naman ako. Ginapangan ako ng takot. Kita ko din na kinausap niya ang kaniyang mga kapatid, pagkatapos ay umalis siya bigla. Sinundan ko siya ng tingin nang hindi ko namamalayan. Saan pupunta ang isang 'yon? Ang akala ko ba, babalikan niya ako? Anong nangyari sa isang 'yon? Teka, ano itong pinag-iisip ko? Pinili ko na lang na bawiin ang aking tingin. "Excuse me?" boses na isang babae na nasa gilid ko. Sabay kaming tumingin ni Brian sa pinanggalingan ng boses. Napasinghap ako nang tumambad sa amin sina Miss Vesna malapad ang ngiti at ang bunsong kapatid nila na si Sir Carson na seryoso ang mukha. "Dude, pwedeng ako naman ang maisayaw ni Janella?" tinatamad na tanong ni Sir Carson kay Brian. "Don't worry, ako naman ang makakapareha mo." wika naman ni Miss Vesna na mas lumapad ang kaniyang ngiti. Pareho kami ni Brian na nagkatinginan sa isa't isa na may pagtataka sa mukha subalit sa huli ay wala rin kami magawa pa. Changing partners ang naganap. Si Sir Carson ang kasalukuyan kong kasayaw habang si Miss Vesna naman kay Brian. "Bago magtapos ang kanta, puntahan mo si Nilus ahia sa maze garden. Hihintayin ka niya doon." seryosong sambit ni Sir Carson sa akin. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya pero may pagtataka sa aking mukha. Anong meron at bakit doon ko kikitain ang kaniyang kuya? Ano naman ang gagawin namin doon kung sakali? Hindi ko namalayan na magtatapos na ang kanta. Buglang tumigil kami ni Sir Carson sa pagsayaw at bumitaw siya sa akin. Seryoso siyang tumingin sa akin. "Go, puntahan mo na siya." mahinang utos niya. "And he's waiting for you." Kusang gumalaw ang katawan ko upang sumunod sa iniutos niya. Humakbang na ako palayo sa lugar na iyon para puntahan ang tinutukoy niyang maze garden na kasunod lang ng hardin na ito. Ang pagkakaalam ko ay hindi naman kalayuan ang sinasabing lugar kung saan kasalukuyang naghihintay si Nilus. Tumigil lang ako sa paglalakad nang natanaw ang bulto ng lalaki na nakatayo. Nakapamulsa siya't hinihintay niya ang aking pagdating. Napasapo ako sa aking dibdib habang nakaawang nang bahagya ang aking bibig. Hindi matanggal ang tingin ko sa kaniya. Nang makita niya ako ay isang malapad na ngiti ang kaniyang iginawad niya't humakbang siya palapit sa akin. Bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko. Walang sabi na hinatak niya ako papasok sa loob ng garden maze. Walang pagtutol sa akin. Hinahayaan ko lang na sumunod sa kaniya kung saan man niya ako dadalhin hanggang sa tumigil kami sa isang sulok ng maze. Masuyo niya akong pinaupo sa swing. Nagtataka ako kung bakit bigla siyang lumuhod sa harap ko. I was like anticipated when we taking off my shoes. Bakit? Para saan? Nang tagumpay niyang hinubad ang mga sapatos ay nagtama ang mga tingin namin. Muli niya ako ginawaran ng ngiti. "Can I have this as your last dance tonight?" malumanay niyang tanong. Tumayo siya't nilahad niya ang isa niyang palad sa akin. Tinanggap ko iyon pero mabilis niya akong hinatak palapit pa sa kaniya. Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa dibdib niya. Nakasapo ang mga palad ko doon. Masuyo niyang hinawakan ang mga kamay ko. Ang isa ay hinawakan niya ang isa ko namang kamay ay ipinatong niya sa balikat niya. Ang isa niyang kamay ay dumapo sa aking bewang. "Step on me." mahina niyang sabi. Sumunod ako. Tumapak ako sa mga sapatos niya. Kasabay na narinig namin ang susunod na kanta ang pinapatugtog mula sa hardin kung nasaan ginaganap ang party. Kusa nang gumalaw ang mga katawan namin upang sundan ang beat ng kanta. Sa puntong ito, daig ko pang malagutan ng hininga lalo na't nakatitig ako sa mga mata niya, at ganoon din siya sa akin. Until I heard the chorus. . . "Kiss me like you wanna be loved You wanna be loved You wanna be loved This feels like falling in love We're falling in love. . ." "Pinipigilan kong magselos, Janella." he suddenly muttered. "Ayoko lang magalit ka sa akin sa oras na sugurin ko ang lalaking kasayaw mo." Kumunot ang noo ko. "Don't mess with my friend." "But still, he's a boy." then he sighs. Inilapit pa niya ang kaniyang mukha sa akin. "Ano ba ang dapat kong gawin para tuluyan kang makalayo sa Brian na 'yon, affinity?" Mas lalo lumukot ang mukha ko. "Janella ang pangalan ko, hindi affinity. Babaero ka ano?" He chuckled. "Nope. Starting today, I'm going to call you affinity. Because we're suited for each other." walang sabi na niyakap niya ako. Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa pagitan ng leeg at panga ko. "So, my affinity, ano ang dapat kong gawin para lumayo ka sa Brian na 'yon?" talagang inulit pa niya ang tanong na 'yon! "Wala siyang ginagawang masama, ikaw nga itong. . ." Inangat niya ang kaniyang ulo para tingnan niya ako nang mabuti. Tumaas ang isang kilay niya. "What?" Para akong natauhan. Mabilis kong iniwas ang aking tingin. "We're just childhood friends, that's all. . . Teka, bakit nagpapaliwanag ako sa iyo na hindi naman dapat?" He chuckled. "Hihintayin ko talagang mag-eighteen ka." Tinapunan ko siya ng matalim na tingin. "Bakit? Anong gagawin mo?" Mas inilapit pa niya ang mukha niya sa akin, hindi na naman ako makawala dahil nakahawak pa rin siya sa bewang ko. "Because I'm planning to settle down with you. Hindi lang ngayon pero balang araw. You have no fcking idea what you made me feel the first time I saw in the woods, you made me weak for the first time, big time, affinity."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD