Kusang umigting ang aking panga, kasabay na ibinuhos ko ang lahat ng lakas na mayroon ako para tagumpay ko siyang maitulak. Tulad ng aking inaasahan ay napaatras siya sa ginawa ko. Ramdam ko sa aking mga talampakan ang mga damo. Hindi maalis ang tingin ko sa kaniya. Napatingin siya sa akin, bakas ang pagkagulat sa kaniyang mukha na tila hindi siya makapaniwala sa aking ginawa. Umukit ang kaseryosohan sa aking mukha. Nagtaas-baba ang aking dibdib dahil sa kaba na aking inabot pagkatapos ko marinig mula sa kaniya ang mga salita na galing sa kaniyang bibig. At hindi ako makapaniwala sa masasabi niya ang mga bagay na 'yan lalo na't ngayon lang naman kami nakakilala. Akala mo sigurado na siya kung ano ang mangyayari sa hinaharap.
Lumunok ako saka kumilos. Natataranta kong pinulot ang mga sapatos sa damuhan. Hindi ako nagdadalawang-isip na layasan siya sa lugar na ito kahit na hindi ako sigurado kung nasaan ang labasan. Rinig ko pa ang pagtawag niya sa akin nang ilang ulit ngunit hindi ko siya magawang pakinggan o nag-atubiling tumigil. Ang tanging gusto ko lang sa ngayon ay makaalis at makabalik kung nasaan ang mga kaibigan ko. Higit pa doon ay gusto ko nang umuwi sa gayon ay maging panatag na ang kalooban ko.
Ang nakakainis lang ay maraming pasikot-sikot! Bakit kasi dito ako dinala sa maze garden? Kung alam ko lang na ganito ang kinahihinatnan ko, eh di sana pala ay hindi na ako pumayag na pumunta dito!
Abala ako sa paghahanap sa tamang labasan kaya hindi ko agad maisuot ulit ang mga sapatos na kanina pang nasa kamay ko. Hanggang sa may natanaw akong isang daan. Tumigil ako. Pinagmasdan ko ang direksyon na 'yon ng ilang saglit. Kusang kumunot ang noo ko dahil tingin ko ay pamilyar sa akin ang lugar na 'yon. Bukod pa doon ay rinig ko ang isang tunog. May rumaragasang tubig. Tila may nagtulak pa sa akin upang lapitan pa ito. Kumawala ako ng hakbang hanggang sa lumalakas ang tunog na naririnig kong tunog.
Hanggang sa tumambad sa akin ang ilog at ang talon. Umawang nang bahagya ang aking bibig sa akin nakita. Napasinghap ako nang napagtanto ko na nasa likod pala ng Mansyon na ito ang ilog at talon na ito. Bakit ganoon? Sa tinagal-tagal ko nang narito. Mula sanggol ako hanggang sa nagkaisip, hindi ko alam na ganito. Ngayon ko lang nalaman talaga.
Muli ako humakbang. Nilapitan ko ang malaking bato upang doon ay umupo. Hinugasan ko ang aking mga paa na kaninapa nadumihan dahil sa nakayapak lang ako sa kakahanap ng lagusan palabas. Para na din makapagpahinga. Nakaharap ako sa mismong ilog at niyakap ang akin sarili. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Tumingala ako sa kalangitan. Ramdam ko ang malamig at sariwang hangin na dumadapo sa aking balak. Sa pamamagitan nito ay gumagaan na ang aking pakiramdam. Nawawala din ang kaba na aking inabot sa tuwing kasama ko ang Nilus Hochengco na 'yon. Napapangiwi nalang ako sa oras na sumasagi sa isipan ko ang isang 'yon. Bakit ba napakabulgar ng isang 'yon?! Bakit kailangan niyang sabihin ang mga bagay na 'yon? Hindi ba siya aware na mas bata ako sa kaniya at masyado akong inosente para pag-usapan ang mga bagay na 'yon? Dmn that bstard!
Bumaba ang tingin ko sa ilog. Pakiramdam ko ay inaakit ako ng malinis at malinaw na tubig. Itinapat ko ang mukha ko doon. Gumalaw ang isang kamay ko at maingat kong hinawakan ang tubig. Malamig. Napangiti ako dahil mas lalo niya pinakalma ang aking pakiramdam. Dahil na rin sa kasiyahan ay nawili akong laruin ang tubig. Rinig ko din ang mga kuliglig sa paligid. Hindi naman masyadong madilim dahil sa tulong ng liwanag ng buwan.
"What are you doing here?"
Napasinghap ako at saka lumingon sa direksyon kung nasaan nanggaling ang boses na 'yon. Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa pagkagulat. Tumambad sa akin ang isang chinitong lalaki. Matangkad at maputi. Alam kong hindi ito ang kapatid ni Nilus na si Sir Carson. Hindi rin mismong si Nilus ang nakatayo roon. Kung hindi ako nagkakamali, isa ito sa mga pinsan niya! Ang kaso lang, sa dami nila ay hindi ko malaman kung sino o anong eksaktong pangalan niya o kaninong anak siya.
Aligaga akong tumayo at pinagpag ang aking sarili. Inilagay ko ang aking mga kamay sa aking likod. "P-pasensya na po. . . Napagawi lang. . ." kinakabahan kong tugon.
"I thought he's with you." kumento pa niya sabay lapit pa nang kaunti sa akin. "You left?"
Ibinuka ko ang aking bibig. Bumaba ang aking tingin. Hindi ko magawang magsalita. Hindi ko naman siguro pupwedeng sabihin na iniwan ko ang pinsan niya.
"You're Janella, right? I'm Loukas." pakilala niya sa masiyahing boses.
Nagtataka akong tumingala sa kaniya, nakaukit pa sa aking mukha na hindi makapaniwala. "K-kilala ninyo. . . Ako?"
Ngumuso siya saka nagkabit-balikat. "Well, ikaw palagi ang bukambibig ng pinsan namin, malamang ay makikilala kita. Namin." talagang diniinan niya ang salitang 'namin.' Para bang may ipinapahiwatig siya base ng kaniyang tono. "I think he will worried to death for you. Kailangan na kitang ibalik." suhesyon pa niya.
Magsasalita pa sana ako pero tinalikuran na niya ako. Nagbuntong-hininga ako. Itinikom ko ang aking bibig. Nagpasya na akong sumunod sa kaniya.
**
Tanaw na namin ang parte ng malawak na hardin ng mansyon na ito. Rinig ko na rin ang mga musika na nanggaling doon. Nanatili pa rin akong nasa likod ni Sir Loukas. Pareho kaming tahimik na naglalakad. Nakabuntot lang ako sa kaniya. Pareho lang kami tumigil nang matanaw ko ang mga nakakalat na tao sa paligid. Sa lagay na 'yon ay parang abala sila sa paghahanap sa isang bagay. . . O tao?
Napatingin lang ako kay Sir Loukas na ngayon ay lumingon sa akin. "See? He's worried for you."
Hindi ko magawang sumagot. Sa halip ay nanatili akong tahimik at bumaling sa paligid. Tumigil ang isang pinsan ni Nilus nang makita niya kami na paparating. "Nilus! Narito na siya! She's with Loukas!" bigla itong sumigaw, sapat na 'yon upang marinig siya kung sinong nasa malapit sa kaniya.
"Janella!"
Napatingin ako nagmamay-ari ng boses na 'yon. Tumambad sa akin si Nilus na mabibigat ang hakbang ang kaniyang pinapakawalan habang papalapit siya sa amin. Hindi ko malaman kung anong ekspresyon sa mukha ang kaniyang ginagawa. Kung galit ba siya dahil sa pag-aalala o galit dahil nilayasan ko siya kaniya.
"I saw her in the river, cous." seryosong sambit ni Sir Loukas sa kaniya. Nakatayo ito sa isang gilid at nakapamulsa.
Tila hindi siya pinakinggan ni Nilus. Dire-diretso siya sa paglalakad hanggang nasa mismong harap ko na siya. Tumalikwas ang isang kilay ko dahil sa pagtataka. Wala akong makuhang sermon o ni isang salita mula sa kaniya. Nanatili siyang nakatingin sa akin na ganoon pa rin ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Dagdag pa n'on ay umigting ang kaniyang panga. Wait, nanggagalaiti ba siya? Galit na galit ba talaga siya sa ginawa ko kahit siya naman talaga ang may kasalanan?!
Magsasalita pa sana ako para tarayan siya pero hindi 'yon natuloy dahil bigla niya akong niyakap! Isang mahigpit na yakap! Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Sandali, hindi ba niya pansin na nakatingin dito ang mga tao, lalo na ang mga pinsan niya?! Nakakahiya!
"Papátayin mo ba ako sa nerbyos, affinity?" namamaos niyang tanong.
"Nilus. . ." tanging pangalan lang niya ang masasabi ko sa ngayon.
Hinigpitan pa niya ang pagkayakap niya sa akin. Sabay nagsialisan ang mga tao sa paligid namin. Mukhang nakuha nila at ang iba pa sa kanila ay itinaboy ang iba pang bisita para bigyan kami ng espasyo, kabilang na din doon si Sir Loukas na malapad ang ngiti. Nasiyahan sa kaniyang nakikita. sa hindi ko malaman na dahilan.
Ramdam ko nalang na dahan-dahan kumalas mula sa pagkayakap sa akin si Nilus. Nagtama ang mga tingin namin. "Alam kong nabigla at nagalit kita. Pero huwag na huwag kang aalis nang ganoon." aniya.
Lumunok ako at umiwas ng tingin. Wala akong makapang salita upang sagutin ang bawat sasabihin niya sa akin.
"Kung gusto mo, dadahan-dahanin ko." sunod niyang sinabi.
"Huh?" napaamang ako. "Anong pinagsasabi mo?"
"Aakyat ako ng ligaw." diretsahan niyang sagot.
Namilog ang mga mata ko. "Agad?!" bulalas ko.
"Oo." wala ng kagatol-gatol niyang sagot.
Ilang segundo pa ang titigan namin. Hindi ko rin alam kung bakit biglang nagwala ang buong sistema ko. Pero kahit ganoon, pilit ko pa rin maging kalmado. Kailangan ay hindi ako natataranta sa harap niya. Para tagumpay kong magawa 'yon ay lumihis ang tingin ko sa ibang direksyon. Tinitingnan ko kasi baka may makarinig sa mga pinagsasabi ng lalaking ito. At malaki ang pasasalamat ko dahil wala na ibang tao dito, maliban sa amin.
Nagbuntong-hininga ako saka umatras ng kaunti mula sa kaniya. Kita ko kung papaano siya nagtaka sa ginawa ko. Lumapat ang tingin ko sa damuhan. "Uh. . . Hindi ako nagpapaligaw." bigla kong sabi.
Bahagyang umawang ang bibig niya. "Janella. . ."
Inilapat ko ang mga labi ko at tumango. "If you excuse me, gusto ko na po sanang magpahinga na, uhh. . . Pasensya na po sa abala, Sir Nilus." ang huli kong sinabi bago ko siya tuluyang nilagpasan.
Wala na akong narinig pang salita mula sa kaniya habang ipinapatuloy ko ang paglalakad ko palayo sa kaniya. Sinadya ko talagang idugtong ang pormalidad para mipamulat sa kaniya ang reyalidad. Na hindi ko siya katulad at ganoon din ako sa kaniya. Anak lamang ako ng magsasaka at sila ng pamilya niya ang amo namin. Hanggang doon lang at walang hihigit pa doon.
**
Nanatiling tikom ang aking bibig habang patuloy kami sa paglalakad. Buhat ng gabing 'yon, naging payapa na muli ang buhay ko. Ilang araw nang nakalipas pero hindi pa rin nahupa ang isyu tungkol sa party na inorganisa mismo ng mga Hochengco. Lalo na tungkol sa bagay na nawawala daw ako kahit hindi naman talaga!
"Kung nakita mo lang kung gaano nataranta si Sir Nilus nang nakabalik siya sa dance floor. Hinahanap ka talaga. Talagang pinatigil niya ang sayawan para lang mahanap ka! Naku, ang swerte mo talaga, Janella!" bulalas ni Dolores habang hawak niya ang kinakain niyang kakanin.
Ngumiwi ako. Si Chela naman ay bumungisngis, hindi ko malaman kung saan siya natatawa. Sa mukha ko ngayon o hindi kaya kung papaano kinukwento ni Dolores kung anong nangyari nang gabing 'yon.
"Si Brian din, nataranta nang nalaman niyang nawawala ka daw." patuloy pa rin siya sa pagkukwento, pero sinadya pa niya diniinan ang salitang daw. Pambihira talaga ang babaeng ito. Parang nagpaparinig kahit harap-harapan pa.
"Saglit, tigil ka muna, Janella." biglang sabi ni Chela.
Sumunod ako sa sinabi niya. Ganoon din si Dolores. May tiningnan si Chela sa bandang likuran ko. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. "Bakit, Chela?" nagtataka kong tanong.
Ibinalik niya sa akin ang kaniyang tingin. Sumilay ang malapad at mapaglaro niyang ngiti. "Wala lang, feel ko kasi ang haba ng buhok mo." saka humalakhak siya, sumabay din si Dolores na nakuha niya ang ibig sabihin ng kasama namin. Nag-apiran pa sila sa harap ko.
Umiling-iling ako saka inirapan ang mga kasama ko. Iniwan ko nalang sila dahil hindi ako pupwedeng magsayang ng oras ngayon dahil ako ang inutusan ni ina na ihatid ang hawak kong bilao na may mga puto sa nagpa-order. Kasama ko naman sina Dolores at Chela upang samahan ako patungo doon kahit alam ko naman ang tamang direksyon papunta.
Dahil Ber months na, hindi naman masakit sa balat ang init ng araw. At saka sinadya namin na hindi na magrenta ng tricyle dahil exercise na din itong paglalakad namin. Bukod pa doon, makakapagkwentuhan pa kami habang naglalakad.
Wala pang tatlopung minuto ay nakarating na kami sa bahay kung saan ko ihahatid ng bilao ng mga puto. Nakuha ko na din ang bayad. Sa ngayon ay kinakailangan ko nang umuwi para maibigay ko na kay ina ang pera. Sa gayon ay maaari na akong makapagpahinga at makagala kasama ang mga kaibigan ko. Pero bago 'yan ay dadaanan sana namin ang palengke upang daanan namin ang iba pa naming kasamahan doon. Ang iba kasi sa kanila ay natulong sa mga magulang nila na naghahanapbuhay din sa palengke. Natulong sila sa pagbebenta ng mga karne, isda, gulay o ng mga prutas. At isa pa, kilala naman kami ng mga magulang nila kaya minsan ay sumasama din ako sa pagtitinda dahil bored kami.
Abala kami sa pagkukwentuhan ay biglang may nakabangaan ako. Tumingin ako kung sino ang bumangga sa akin. Nagtama ang mga tingin namin. Isang may-edad na babae, parang kasing edad lang nina ina at ama. Mahaba at tuwid ang kaniyang buhok, maputi rin siya. Balingkinitan ang kaniyang katawan kahit simpleng tshirt at denim pants lang ang kaniyang suot. Kahit tsinelas niya ay simple lang din. May dala siyang backpack.
"P-pasensya na," natataranta siyang humingi ng tawad sa akin.
"Wala po 'yon, ayos lang po 'yon." nakangiting sambit ko.
"Pasensya na talaga. . ." saka iginala niya ang kaniyang paningin sa paligid. Ibinalik niya sa akin ang kaniyang tingin di kalaunan. "Iha, pwede bang magtanong?"
"Sige po. . . Ano po 'yon?"
"Matagal na kasi akong hindi nakabalik dito sa Quezon. Maaari bang malaman kung saan ang daan papunta sa Villa Esmeralda?"
"Ay! Malapit lang po kami doon." biglang sabat ni Dolored. "Bakit po pala?"
Umiba ang ekspresyon ng kaniyang mukha sa isinagot ni Dolores. "T-talaga? I-ibig sabihin. . . Kilala ninyo si Doring?"
"Nanay ko po siya. Bakit po?" ako naman ang sumagot, may halong paggalang.
"Ano kasi. . . Kaibigan ko siya. May usapan kami na sa oras na nakabalik na ako dito. . . Magkikita kami. Lalo na sa anak ko."
Sa sinabi niyang 'yon ay biglang umiba ang pakiramdam ko. Hindi ko lang alam kung para saan.
"A-ano po bang pangalan ninyo?" sunod kong tanong.
Matamis siyang ngumiti sa akin. "Corrine ang pangalan ko. Narito ako para balikan ang anak ko. Si Janella."