? Chapter 4

2316 Words
Tumigil ako sa mismong harap ng bahay namin na siya naman ang paglingon ko sa direksyon ng mga kasama ko. Lalo na sa babae na nangangalang Corrine. Base sa kaniyang hitsura ay maganda siya. Hindi ko nga aakalain na may anak siya. Pero mas nabuhay ang kuryusidad ko nang nabanggit niya na hinahanap niya sa nanay ko dahil sa anak niya. Ni minsan ay walang binabanggit o may ipinakilala si inay na bata na anak ni Corrine pero wala. Mas ipinagtataka ko pa ay kapangalan ko pa ang anak nya. Kinukumbinsi ko sa aking sarili na ibang tao 'yon at hindi lang ako ang Janella sa mundo. Baka katukayo ko lang 'yon. Pero nang nagtama ang mga tingin naming dalawa, ipinagtataka ko lang kung bakit mariin siyang nakatitig sa akin. Kusang bumangon ang negatibong pakiramdam sa sistema ko. Ramdam ko na rin ang mas bumilis ang t***k ng puso ko. Pilit ko isiniksik sa sarili ko na hindi ako ang tao na kaniyang hinahanap. Upang matakasan ko 'yon, dumapo sa lupa ang aking tingin. "Uhm, dito po. . . Ang bahay namin." nahihiya kong sambit nang tumigil na din siya sa mismong harap ng bahay. "Tatawagin ko lang po si inay. . ." hindi ko maituloy pa ang sasabihin ko nang marinig ko na may nagbukas ng pinto. Sabay kaming napatingin doon. Tumambad sa amin na si ina ang lumabas, may hawak siyang bilao, tiyak gagawa ulit siya ng puto at iba pang kakanin para bukas. Ibinuka ko ang bibig upang tawagin siya subalit naunahan ako. "Doring!" biglang tawag ni Corrine sa aking ina saka inangat niya ang isang kamay niya upang kumaway. Nakaukit sa kaniyang mga labi ang kagalakan nang makita ang tao na kaniyang hinahanap sa wakas. Tulad ng inaasahan ko, dumako ang tingin ni inay sa aming kinaroroonan. Naniningkit ang mga mata niya nang makita niya ako. Bakas doon ang pagtataka. Hanggang sa unti-unti na nagbabago ang ekspresyon ng kaniyang mukha nang inilipat niya ang kaniyang tingin sa aking katabi. Nababasa ko doon na tila napagtanto niya kung sino ang babaeng kasama ko, lalo na't nabitawan niya ang hawak niyang bilao at bumagsak iyon sa lupa. Para bang nakakita siya ng multo sa lagay na iyon. Ang mas ipinagtataka ko kay ina nang nagmamadali niyang daluhan kami. Inaakala ko ay sasalubungin niya na may katuwaan sa mukha si Corrine ngunit hindi. Kabaliktaran ang nangyari. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko na bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko't inilayo kaunti mula sa babae. Tulad ko, ay nagtaka din ang babaeng nangangalang Corrine sa inasta ni ina. "Doring. . ." "A-anong ginagawa mo dito, Corrine?" bakas sa boses ni inay ang ipinaghalong pag-aalala at takot. "At. . . Kailan ka pa dumating?" Isang hilaw na ngiti ang iginawad niya para sa aking ina. "Doring, alam mo kung bakit ako naririto ngayon. Hindi ako bumalik dito para humanap ng gulo. Narito ako para sa anak ko. Para balikan siya." nahihimigan ko ang galak at pagkasabik, lalo na't binanggit niya ang bagay na tungkol sa anak niya. She doesn't even bothered with my mom's facial expressions. She still draw a sweet smile. "Corrine. . ." halos nanghihinang tawag ni ina sa kaniya. "Malaking gulo ang mangyayari kapag natunugan nilang bumalik ka." "Maniwala ka sa akin, Doring. Ang anak ko lang ang tanging rason ko kung bakit ako naririto. Sa oras na makita ko na siya, dadalhin ko na siya pabalik ng Maynila para magbagong buhay na kasama siya. Wala na akong pakialam sa nakaraan. . ." "Pero sa maling pagkakataon ka dumating ngayon, Corrine." naging matigas na sambit ni ina. Natigilan siya nang bahagya. Doon na umiba ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Kumunot ang kaniyang noo. Nababasa ko ang pagtataka doon. "Hindi, Doring. Ilan taon nang lumipas, ito na ang tamang panahon para makita ko na ang anak ko. Just tell me where is she. You know how much I missed her." halos nagmamakaawa niyang wika. Pumikit ng nang mariin si ina ng ilang saglit. Sa pagdilat ng kaniyang mga mata ay bumaling siya sa akin. Bumuhay ang kuryusidad sa aking sistema sa mga tingin na 'yon. Nakikita ko na tila nasasaktan si ina. May ibig siya ipahiwatig doon. Nararamdaman ko na din ang pagbilis ng t***k ng aking puso, nanunuyo ang aking lalamunan at kaba. "Ina. . ." nag-aalalang tawag ko sa kaniya. "S-siya. . ." mahina niyang sambit. Humigpit ang pagkahawak niya sa aking kamay. Kulang nalang ay ayaw niya akong pakawalan. "Siya ang anak mo, Corrine." Ako naman ang natigilan. Tila tumigil ang lahat na nasa paligid ko. Kasabay na nanunuyo ang aking lalamunan. Unti-unti bumaling sa akin ang babae---ang sinasabi na siya daw ang aking ina. Tulad ko, bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Nasisilayan ko din na nangingislap ang mga mata niya. Hindi lang sa kagalakan, dahil na din sa mga namumuong luha. Kumawala siya ng isang hakbang palapit sa akin. Sinubukan niyang abutin ako ngunit kusang humakbang ang mga paa ko paatras. Kita ko kung papaano siya natauhan sa aking inakto. Habang si inay naman ay mukhang alam na niya na ganito ang mangyayari. Sa pagkakataon na ito, daig ko pang nalagutan ng hininga. "Anak. . ." tawag ni Corrine sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanatili akong nakatingin sa kanila, humihiling na sana ay hindi totoo ang mga narinig at natuklasan ko ngayon. Na isa lang itong panaginip. Na gisingin ako ngayon din! "Anak ko. . ." muli niyang tawag. Akmang yayakapin niya ako. I flinched. Marahas akong umatras papalayo sa kanila. Tinalikuran ko sila at tumakbo palayo. Rinig ko pa ang malakas na tawag sa akin ni ina pero ni ayaw pakinggan ng katawan ko ang tawag na 'yon. Kahit ang mga kaibigan ko ay tinatawag ako pero bigo nila ako pigilan. Bawat pakawala ko ng mga hakbang, habang tumatagal ay nararamdaman ko na ang pagpiga sa aking puso. Alam kong gusto nang kumawala ang mga luha ko pero pilit kong pigilan ang mga 'yon. Hindi ko man alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa, ngunit mas nangingibaaw na nanaisin ko pang makalayo muna at mapag-isa. ** Hinihingal akong tumigil sa kakahuyan. Dumapo ang isang palad ko sa isang puno. Yumuko ako at pumikit ng mariin. I need to compose myself before I proceed. Di naglaon ay iginala ko ang paningin ko sa paligid. Nasa harap ko ang ilog. Humakbang ako palapit. Sa puntong ito, hindi ako makaramdam ng pagod o ano. Ramdam ko ang malamig na hangin na dumadapo sa aking balat. Hinubad ko ang suot kong tsinelas. Ramdam ko ang mga tuyong dahon at maliliit na sanga sa aking talampalakan habang nanatili pa rin akong nakatingin sa malawak na ilog. I admit, I was shocked. I found out that I was adopted. The usual questions flooded my mind at this moment. Bakit at papaano. Bakit naging ganito? Ano bang nangyari at hindi si Corrine ang nakagisnan kong ina? Bakit niya ako pinabayaan at hinayaan na ibang tao ang magpapalaki sa akin na imbis ay siya? Nang makita ko ang ekspresyon sa mukha ni inay, masakit. It really hurts that they were strangers who had taken me in and brought me up as their child for a long time. I was angry at nobody in particular. I know my parents loved me so much that they protected me from the truth of feeling different from the rest of the so-called-family. How could I possibly be angry at them? How could I be angry at my relatives who loved me and also felt the same? Pero sa rebelasyon na nalaman ko, it feels like a crap. Everything is a crap. It made me feel too different, more isolated. That I'm not supposed belong there. The dark side of me suddenly awake and it slowly eat my sanity. Halos wala na ako sa sarili nang tumapak ako sa tubig. Hanggang sa palubog nang palubog. Ramdam ko ang mga bato. I wish I could be like them. Hindi nila mararamdaman kung papaano masaktan. Mananatili lang sila sa kanilang direksyon. . . Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Gusto kong lunurin ang negatibong pakiramdam kaya mas mainam na ang mismong sarili ko ang ilulubog ko. . . Kahit walang kasiguraduhan kung ano na ang mangyayari sa akin sa oras na ididilat ko ang aking mga mata. I know no one will save me since I'm alone in the woods. I held my breath. I'm trying to sunk deeper and deeper. Eventually my lungs start to burn. I know how terrifying how I do this pero wala na akong mkaakapitan ngayon. . . Unti-unti ay hindi na ako makahinga. Pero ang determinasyon sa akin ay nanatiling buo at matayog. Subalit may biglang may humigit sa aking braso upang inangat ako mula sa pagkalubog. Napaubo ako nang ilang ulit hanggang sa matagpuan ko nalang ang sarili ko sa malaking bato. "What the héll are you thinking?!" isang malakas at bakas ang galit sa tanong na 'yon, pamilyar sa akin ang nagmamay-ari ng boses na 'yon. Hindi ko magawang magsalita. Nanatili akong nakayuko. Sa pagdilat ng aking mga mata ay dahan-dahan kong inangat ang aking tingin hanggang sa tumambad sa akin ang mukha niya. Hindi ko alam kung bakit pero mas bumigat ang pakiramdam ko kahit wala naman siyang ginawang masama sa akin, kahit na galit siya ay balewala lang sa akin. Muli akong yumuko hanggang sa nagagawa ko nang humikbi sa harap niya na alam kong nabigla siya. "Hey. . ." malumanay niyang tawag sa akin. Patuloy pa ring tumulo ang mga luha na nahalo na ng tubig mula sa ilog. "Don't cry. . . Please tell me what's wrong. . ." pagsusumao niyang wika. Hindi ko pa rin magawang sumagot. Wala akong lakas ng loob upang sagutin ang bawat katanungan niya. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Pero ang mas nagpalakas ng iyak ko ay nang marahan niya akong niyakap. Mahina niyang tinapik ang aking likod. Hindi ko malaman pero sa huli ay nagagawa niyang pakalmahin ang aking sistema. "Ihahatid na kita sa inyo. Basa ang damit mo." dagdag pa niya. Agad akong umiling na ipinagtataka niya. Tumingin ako ng diretso at seryoso sa kaniya. "Ayoko munang umuwi." kusang lumabas ang mga salita na 'yon mula sa akin. Kita ko kung papaano kumunot ang noo niya sa naging sagot ko. "Your parents will be worried. Anong oras na din." He insisted. "Although they're not my real family." mahina kong pahayag. Natigilan siya. Tumitig pa siya sa akin na para bang pinag-aaralan niya ang ekspresyon sa aking mukha. Kalmado lang siya. Binawi niya ang kaniyang tingin saka kumawala ng malalim na buntong-hininga. "If you don't want to go home, do you have any place to go to stay?" sunod na tanong niya. At doon ako natahimik. Bumaling ako sa rumaragasang tubig. May mga kaibigan ako pero ayokong mag-abala. Kung pupuntahan ko man sila, paniguradong bbahain nila ako ng mga tanong. At higit sa lahat, matutunton ako nina ina at ama, lalo na ni Corrine. Rinig ko muli niyang pagbuntong-hininga. "You can stay at home for a while." suhesyon niya. Medyo nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bago man ako tumanggi ay walang sabi na itinapat niya ang kaniyang likod sa akin. Umupo siya nng pakingtayad. Hindi ko man mahagilap ang kaniyang mukha ay nagagawa ko pa ring tumitig sa kaniya. "Hurry up. Pagabi na. Mahihirapan tayong makita ang daan pabalik." mahinahon at malumanay niyang saad. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin upang sundin ang sinasabi niya. We do a piggy back ride. Umahon siya at hinawakan ang magkabilang binti ko bilang suporta para hindi ako malaglag. Nag-umpisa na siyang naglakad. Naaaninag pa naman ang daan. Pareho kaming tahimik. Habang abala siya na tinatahak ang daan, ako naman ay marahang pumikit. Kahit ako ay hindi makapaniwala na magagawa ko ang bagay na 'yon. Halos matikil ko ang sarili kong buhay. Dahil siguro sa nabablangko ako nang malaman ko ang tunay kong pagkatao. Hindi ko namamalayang humigpit ang pagkakapit ko kay Nilus. Hindi ko lang sigurado kung nararamdaman niya ang kinikilos ko. Pero isang salita lang ang kusang lumabas mula sa aking bibig. "Salamat. . ." mahina kong sambit saka sinubsob ko pa ang mukha ko sa pagitan ng kaniyang leeg at balikat. Ramdam ko na natigilan siya. Marahan akong pumikit. "Thank you for saving me." dagdag ko pa. Halos pabulong na 'yon. Inayos niya ang pwesto ko. "Whatever it is, you're welcome." muli siyang kumilos. "Next time, don't dare to take your life, Janella. If there's something or someone bothers you, don't hesitate to call me. If I could, I would come and stay by your side to tell you that you're not alone." Ako naman ang natigilan. Napatingin ako sa kaniya kahit na bigo man magtama ang mga mata namin. Sa mga binitawan niyang salita, tila sumikdo ang parte ng aking puso. "Nilus. . ." hindi ko mapigilang banggitin ang pangalan niya. "You're my curiosity, Janella. I want to learn everything about you." "Pero. . ." "When I see you in that state, that you are crying with so much in pain. I feel it. Your pain is my pain." "Nilus. . ." "Every person explore the darkness, but you might find your own light while you're at it." Hindi ko magawang magsalita. Pero hindi ko inaasahan na may idudugtong pa siya. "And your fight is also my fight." Hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko na mamuo ang mga luha sa aking mga mata. Kinagat ko ang aking labi dahil ito lang ang paraan na alam ko para mapigilan ko na naman humikbi. Mas humigpit ang pagkakapit ko sa kaniya. Isinandal ko ang aking noo sa kaniya at pumikit. Ngunit bigo ako. Dahil sa pagpikit ko ng aking mga mata, doon ay muling kumawala ang isang butil ng luha. And it's a good thing, hindi niya ito nakita ngayon. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD