? Chapter 9

2364 Words
Nagpupungas pa ako nang umalis ako sa ibabaw ng kama. Hinawi ko paitaas ang aking buhok at itinali ko ito. Dumiretso ako sa banyo na nasa kuwarto ko lang din. Pinihit ko ang pinto saka dumiretso sa sink para maghilamos. Sunod ay nagtoothbrush ako. Nagising ako nang mas maaga bago man tumunog ang alarm ng aking cellphone. Pagkatapos ko magsipilyo ay dinala ko ang cellphone ko saka lumabas ng kuwarto para maghanda ng kape at almusal. Pero bago 'yan ay narinig ko na may pumindot ng doorbell ng unit na ito. Hindi ako nag-atubiling lapitan ang pinto. Sinilip ko kung sino ang nasa labas. Kita ko ang isang lalaki na nakauniporme. May dala itong kahon na katamtaman lang ang laki. Wala itong sumbrero kaya maaninag ko ang kaniyang mukha. Ilang segundo pa ay pinagbuksan ko siya ng pinto. "Tak? (Yes?)" wika ko na may pagtataka sa aking mukha. "Ah! Witam Panią Masz przesyłkę z Filipin. (Ah, hello, miss. You have a delivery from Philippines.)" aniya saka inabot niya sa akin ang naturang kahon. Nagtataka naman akong tanggapin 'yon. Hindi naman ito mabigat. "I proszę podpisać tutaj. (And please sign here.)" ipinakita naman niya sa akin ang tablet. Nagawa kong pirmahan 'yon. Nagpasalamat kami sa isa't isa hanggang sa umalis na siya. Nang isinara ko ang pinto ay ikiniling ko ang aking ulo dahil sa pagtataka.Hindi bale nalang. Dumiretso ako sa Living Room. Inilapag ko sa mababang mesa ang kahon. Iniwan ko muna ito saglit para kumuha ako ng cutter para mabuksan ko na at malaman ko na kung anong nilalaman ng kahon na ipinadala sa akin. Binalikan ko ito. Lumuhod ako saka inumpisahan ko na itong buksan hanggang sa tumambad sa akin ang isang touch lamp. Hinawakan ko ito saka pinagmasdan kong mabuti. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti. Mukhang may ideya na ako kung kanino galing ang regalo na ito. Dahil d'yan ay ibinalik ko ito sa loob ng kahon saka sunod ko naman kinuha ang cellphone ko na nasa tabi ko. Hinahanap ko sa contacts ko ang kaniyang numero. Idinikit ko ang telepono sa aking tainga. Rinig ko ang ilang ring nito hanggang sa may sumagot nito. "Yes, Janella?" bungad niya sa akin ang baritono niyang boses. Mas lumapad ang ngiti ko. "Natanggap ko na ang regalo mo."diretsahan kong sabi. "Akala ko kung ano nang dumating dito dahil wala naman ako inorder." I heard him chuckled. "Pinag-isipan ko talaga kung ano ang magandang ibibigay ko sa iyo. And besides, you told me a long ago that you treat me as your light, right?" Ngumiti ako kahit bigo niyang makita 'yon. "Thank you so much, King Ardis." "Very much welcome and it's my pleasure, Queen Janella." he sighs. "So it's already winter there. Kailan ka pala ang Chirstmas break mo?" "Oh, starting tomorrow. For now, pupunta ako sa University para magpasa ng mga paper works sa iilang professors then I will hang out with my classmates. Okay lang ba?" "Sure. Hindi ka naman iinom dahil uuwi ka bukas, right?" "Yes, yes. Nga pala, kamusta na pala sina tita Elene at tito Flare? Even your siblings?" pag-iiba ko ng usapan. "They good. Excited na din sila na makasama ka, especially mom. I think at this moment, busy siya sa pag-oorganize para sa Company christmas party and for your welcome party." natutuwa niyang pagkukwento. "And your party dress is already waiting for you." Nagkuwentuhan pa kami ng ilang saglit pa bago kami tuluyang nagpaalam sa isa't isa. Dahil sa kailangan ko na talagang mag-asikaso mamaya at pumasok sa Unibersidad habang siya naman ay marami ding aasikasuhin lalo na't nagtatrabaho na siya sa kumpanya ng kaniyang ama. Nag-umpisa siya sa pinakamababang posisyon hanggang sa narating niya ang posisyon na isa na siya sa mga director ng kanilang kumpanya. Para sa kaniya, mas gustuhin niyang malaman at mapag-aralan ang kalakaran ng kanilang negosyo bago man niya makuha ang pinakamataas na posisyon. Napahanga niya ako sa mindset na mayroon siya. After ko kumain ng almusal ay nagkape naman ako. Nakadungaw lang ako sa bintana. Nakakarelax at pakiramdam ko ay hindi na ako hinahabol ng nakaraan. Aminin ko na minsan ay sumasagi pa rin sa aking alaala ang mga nangyari noon pero mabawasan na kahit papaano. Nasabi ko din sa pamilyang Hoffman ang totoo--na anak ako nina Corrine at Hywel. Tandang tanda ko pa kung ano ang reaksyon na ibinigay nila sa akin nang mga oras na 'yon hanggang sa nalaman ko na konektado pa rin sila sa mga Hochengco. Lalo na't matalik na kaibigan ng mag-asawang Hoffman at mag-asawang Keiran at Nayana Ho. Nabuhay ulit ang takot sa aking sistema. Natatakot ako na baka sabihin nila kung nasaan ako na akala mo ay wanted ako. Nagtangka ulit akong umalis o tumakas pero napigilan ako ni Ardis. He always said that I don't have any reasons to be fear about, especially them. Labas daw ang mga Hoffman sa ganoong problema ng angkan ng Hochengco. Instead, he convinced his parents to help me thru scholarship. Noong una ay tumanggi ako dahil lubos na ang tulong na natatanggap ko mula sa kanila. Pinatuloy, binihisan at pinakain nila ako nang tatlong beses sa isang araw. Hindi nila ako itinuring na iba. Para sa akin kasi, kahit maging isa ako sa mga kasambahay nila at makapag-ipon ako ng tuition para ipag-aral ang sarili ko ay sapat na sa akin. Mismo si Madame Elene ang nagsuhesyon na ipadala ako sa ibang bansa at mag-aral dahil may rason siya. Para hindi ako madaling mahanap ng mga Hochengco. Hindi naman niya pinagtaksilan ang angkan na 'yon pero para na din daw sa akin. And Poland is not a common country where they can find me. "You need to prove to them that you are not like your parents. I know you're innocent and clueless for what happened in the past, Janella." saka marahan niyang hinawi ang aking buhok. "Sometimes, rages makes people blind and forget how to forgive." Kaya ipinapangako ko sa sarili ko susuklian ko ang pagkupkop nila sa akin. Hindi man pera pero susuklian ko sila ng diploma na maipagmamalaki nila. Na worth it ang paggastos nila sa akin. Malaki ang pagtanaw ko ng utang na loob sa kanila. Kung hindi dahil sa kanila, hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Pero hindi rin mawala sa isipan ko si Nilus since then. Ilang beses ako napapaisip kung ano ang mangyari sa oras na malaman niya ang lahat na nangyari sa akin. Kung ano ang kalagayan ko. Pero bumibigat din ang pakiramdam ko sa tuwing narerealize ko na hindi talaga kami para sa isa't isa. Hindi ako ang babae para sa kaniya. Siguro, sa mga panahon na ito ay may iba na siya. Na makakaya niyang iharap sa kaniyang pamilya at dambana. Na hindi tulad ko na magulo ang buhay. And my young and innocent heart fell for him. Kung kailan wala na ako sa poder niya. And I'm trying to keep it for the rest of my life. Without his knowing. ** Kumawala ako ng isang malaking buntong-hininga saka isinandal ko ang aking likod sa waiting bench ng Airport. Tumingala ako sa kalangitan. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na tumapak na ang mga paa ko sa bansa na aking pinanggalingan. Hindi ko maitanggi na namiss ko ang Pilipinas dahil halos pitong taon nang nakalipas buhat na umalis ako dito para mag-aral. Malapit na't matatapos ko na din ang master's degree ko. "Queen Janella," Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Tumambad sa akin si Ardis na naka-business suit. Nahahalata talaga ang pagiging businessman niya sa aura na 'yan. Matik na sumilay ang ngiti sa aking mga labi saka tumayo. Hinawakan ko ang aking maleta. Humakbang siya palapit sa akin para salubungin ako. Hindi ko inaasahan na sasalubungin pa niya ako ng yakap. Isang mahigpit na yakap na akala mo ay ngayon lang kami ulit nagkita. Kahit ang totoo niyan ay bumibisita sila ng mga kapatid niya sa tinitirhan ko kapag winter at summer break ko. "King Ardis." natatawa kong tawag sa kaniya. "I miss you." malambing niyang sambit. Ramdam ko na mas humigpit ang pagkayakap niya sa akin. "I miss you too." tugon ko. Ako na ang bumitaw mula sa pagkayakap niya sa akin. "Natagalan ka yata sa pagsundo mo sa akin." Tumalikwas ang isang kilay niya saka ngumuso. "Well, huwag ka na magtaka dahil hindi nawawala ang traffic dito sa Pilipinas." Bumungisngis ako. "Mukha nga." Inabot niya ang aking maleta saka inakbayan niya ako. "So, let's go?" Tumango ako dahil gusto ko na rin magpahinga at humiga na. Hindi naman malayo kung nasaan ang kaniyang sasakyan kaya mabilis din namin 'yon natanaw. Tagumpay namin narating ang kaniyang sasakyan. Siya mismo ang nagbukas ng pinto para makaupo na ako sa front seat. Siya na rin ang nagsara. Habang nasa labas siya, hinila ko ang seatbelt na nasa gilid ko hanggang naisuot ko na ito. Lumingon ako sa likod ng kotse. Binuksan ni Ardis ang comapartment doon at nilagay ang dala kong maleta. Nang nagawa na niya 'yon ay dali-dali niyang binuksan na ang pinto ng driver's seat at umupo na doon. "Didiretso na tayo sa hotel. Nagpareserved na ako ng hotel room exclusively only for you. Mamayang gabi na gaganapin ang christmas party. May oras ka pa para makapagpahinga." wika niya nang isinara na niya ang pinto sa kaniyang tabi at binuhay na ang makina. Tumango ako. "Yeah, right. Pero grabe naman ang exclusively only for you." nagsimula na kaming maglakad patungo sa Parking Lot ng Airport para makaalis na kami dito. Natawa na din siya sa sinabi ko. "Why? Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit aattend ako sa party. And I am being hospitable here, you know." "Oo na, hospitable ka na." hindi pa rin nawawala na natatawa ako. Habang nasa byahe kami ay panay tingin ko sa labas habang nasa loob kami ng kaniyang kotse. Para bang kinokompara ko ang dati sa ngayon. Nakakatuwa lang isipin na sa ganitong holiday pa ako makakauwi. Sakto na magpapasko na. Nakikita ko na may mga parol na nakadisplay sa sidewalk kahit sa mga poste na nasa gitna ng highway. Nabanggit sa akin ni Ardis na gaganapin daw ang Company Party sa isa sa mga Hotel sa Pasay kaya hindi na din daw hassle sa akin para magpahinga at mag-ayos. Nag-hired na din daw siya ng make up artist at hairdresser para sa gaganaping party mamaya. Hindi na rin ako umangal dahil hindi rin ako magaling magmake-up although tinuturuan ako ng mga kaklase ko sa Poland. Mga basic make up lang nagagawa ko. ** Until we reached the Hotel named Conrad Manila. Namangha ako dahil sa sinabi sa akin ni Ardis. Hindi nga ako mahihirapan para makapagpahinga dahil malapit lang ito mula sa Airport. Nauna siyang lumabas habang tinatanggal ko ang suot kong seatbelts. Umikot siya sa harap para pagbuksan niya ako ng pinto. Nilahad niya ang kaniyang palad sa akin. Walang alinlangan kong tinanggap 'yon at tagumpay akong nakalabas ng sasakyan. Sunod niyang binuksan ang pinto sa compartment para kunin ang aking maleta. Sabay na kaming pumasok para magcheck-in na sa na-reserved na kuwarto na inihanda ni Ardis para sa akin. I am quite surprise, this hotel is an opulent place with a futuristic-looking exterior meant to resemble the cruise ships that pass by the adjacent Manila Bay. Interiors are unsurprisingly swish, with lots of neutral tones, shiny marble floors, and striking sculptures made by local artists. Numerous spaces are designed to make the most of the bay and amusement park vistas, particularly at C Lounge, which has floor-to-ceiling glass and outdoor terraces. Chic metalwork, water features, and stunning modern chandeliers add upmarket touches at nearly every turn. At hinding hindi ako nagkakamali na mahal ang kinuha niyang kuwarto para sa akin base sa narinig ko habang kausap niya kanina ang receptionist. Pero ayos lang naman sa akin kung sa simple na kuwarto na lang ako. Hindi na ako pumapalag pa dahil ayoko lang din masayang ang effort niya dito. Nakasunod lang ako sa kaniya habang pinupuntahan na namin ang sinasabing kuwarto hinayaan ko lang dahil siya ang may hawak ng susi ng guest room. When he opened the door, a spacious and swish, decorated in various neutral-tone textures room greeted us. Humakbang pa kami lalo papasok. Pasimple kong iginala ang aking paningin sa loob ng room hotel. Gray patterned carpet, wood-and-black-metal furniture, leather headboards, and patterned wallpaper. Floor-to-ceiling windows let in lots of light, and upgraded units have furnished balconies. Modern amenities are consistent with luxury properties, smart TV, seating areas, kettles and Nespresso machines, mini bars, and closets with electronic laptop-sized safes, ironing facilities, hair dryers, and bathrobes. Marble bathrooms have rainfall showers, high-end aromatherapy associates toiletries, and digital scales. Ngumuso ako saka umupo sa gilid ng kama. Pero pakiramdam ko ay hinihila ako nito kaya nagawa kong humiga. I extend my arms to feel the soft and comfortable through beddings. "Finally, nakahiga din ako!" bulalas ko na may kagalakan sa aking boses. "Hindi biro ang long flight galing Warsaw." "You worked hard. Good to know you like this room, Queen Janella." nakangiting sabi niya nang matapos niyang ayusin ang aking maleta. "Thank you very much, King Ardis. I appreciate it." I said. Pero dahil sa pagod ko sa mahabang flight ay parang makakatulog pa yata ako nang wala sa oras. Ramdam ko na unti-unti na ako hinihila ng antok hanggang sa nagawa kong ipinikit ang aking mga mata. Pero naramdaman ko ang pag-upo ni Ardis sa aking tabi. Hinawi niya ang aking buhok takas na buhok na natatabunan na ang aking mukha. "Sleeping already?" malumanay niyang tanong. Hindi ako nagsalita dahil antok na antok na talaga ako. I heard him sighs. "After all these years, I control my emotions very well. I wish I could tell and show you how much I'm in love with you, Janella." Medyo nabigla ako sa aking narinig pero agad din 'yon nabawi dahil sa nararamdaman ko ngayonm Gustuhin ko man idilat ang mga mata ko dahil sa mga narinig ko pero hindi ko magawa. Until I heard the next thing he said. "You are my secret. My beautiful secret, my Queen Janella."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD