"Are you okay, miss?"
Tila na natauhan ako nang marinig ko ang boses na 'yon. Agad ako napatingin sa pinanggalingan ng boses. Tumambad sa akin ang isang lalaki na tingin ko ay kasing edad lang niya si Nilus o mas matanda pa ng kaunti. Matangkad at mukhang foreigner sa paningin ko. Base din sa kaniyang kasuotan, tingin ko ay galing siya sa isang buena familia. He was just wearing a white long sleeve polo shirt, a black slacks and luxury black leather shoes. Nakaayos din ang kaniyang buhok. Mukhang galing siya sa isang party o anuman.
Halos hindi ako makagalaw sa aking kinakatayuan. Hindi lang ako makapaniwala na buhay pa ako sa lagay na ito. Ang buong akala ko katapusan ko na. Akala ko ay tuluyan na akong masasagasaan.
Sinundan ko siya ng tingin nang kusa siyang lumapit sa aking direksyon. Gustuhin ko mang umatras upang hindi niya ako maabutan ay bigo ako. Dahil sa takot na inabot ko kanina ay pabagsak na ako sa kalsada ngunit agad ako nasagip ng mga kamay ng estranghero na nakaengkuwentro ko ngayon. Nasalo niya ako. Hindi ko magawang magsalita. Dumapo ang tingin ko sa kalsada. Nag-iisip ako kung lalayasan ko ba ang lalaking ito at ipagpapatuloy ko pa ang pagkatakbo ko dahil sa takot. Pero mukhang nakapagdesisyon na ako nang may naririnig akong mga boses, palapit ito nang palapit sa akin. Walang sabi na tumakbo ako palapit sa pinto ng kotse at pumasok sa front seat. Alam kong nabigla ang lalaki sa ginawa ko. Sumunod siya pumasok at narating niya ang driver's seat.
Yakap-yakap ko ang sarili ko. Nanginginig ang pang-ibabang labi ko. Kahit ang buong kalamanan ko yata.
"Miss?" muling tawag sa akin ng lalaki. May halong pagtataka at pa gustong magtanong.
"Please, i-ilayo mo ako d-dito. . ." nanginginig kong wika na hindi tumitingin sa kaniya. "A-ayokong maabutan nila ako. Kahit m-mamaya ko na.. . Ipapaliwanag ang lahat."
Wala akong narinig mula sa kaniya, maliban lang sa buntong-hininga na kaniyang pinakawalan. Sa gilid ng aking mga mata ay kita kung papaano siya gumalaw. Binuhay niya ang sasakyan saka tinapakan ang gas pedal hanggang sa tuluyan na kaming nakaalis sa lugar na ito.
Tahimik akong nakadungaw sa window pane ng sasakyan. Pilit kong pakalmahin ang sarili ko. Ang buong sistema ko. Aminado ako na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Hindi ko sukat-akalain na hahantong kami ni Nilus sa sitwasyon na ito. Kalaban pala ni Corrine ang Hochengco clan. Lalo na si Madame Tarrah. Aminado akong nasaktan ako. Una ay nalaman ko ang tunay kong pagkatao. Na isa pala akong ampon, na anak ako ni Corrine. Nasaktan din ako dahil wala naman ako kinalaman sa nakaraan ay nadamay ako. Mas nadagdagan ang bigat ng aking pakiramdam na isang malaking pagkakamali pala na patagpuin kami ni Nilus.
"Saan ka pala nakatira? Ihahatid na kita doon." biglang sabi ng lalaki sa tabi ko.
Tila natauhan ako sa tanong niyang 'yon. Umahon ang kalungkutan sa aking pagkatao sa mga oras na 'to. Nanatili akong nakatingin sa labas habang yakap-yakap ko ang aking sarili.
"W-wala na akong mauuwian. . ." mahina kong tugon. Mas niyakap ko pa ang sarili ko.
Totoo naman, wala na talaga ako mauuwian. Gustuhin ko man na bumalik kina ama at ina ay hindi ko rin magagawa dahil tiyak malalaman nila kung nasaan ako kung doon ako tutuloy. Bukod pa doon, nalaman na ng mga Hochengco na anak ko ng taong kinasusuklaman nila, kaya paniguradong hinding-hindi na ako matatanggap pa doon. Mas maigi na lang ito. Mas mabuti pang ako na ang mismong magpapakalayo-layo, para na rin sa ikakatahimik nilang lahat.
"Are you sure?" malumanay niyang tanong, may bahid na pagkagulat. Nanatili pa rin ang tingin niya sa kalsada.
"Oo." mabilis kong sagot. "Because I lost my home."
"And you're still a minor." kumento pa niya. "Where's your family? We can contact them to pick you up."
I hardly shutted my eyes. "No need. Please, all I have to do is to stay away from here. I need to get outta here."
"So are you ready to explain what happened? I am sorry, miss--" hindi niya magawang dugtungan ang mga sasabihin niya na hindi ko alam kung bakit. Muli ko narinig ang buntong-hininga niya. "Alright, alright. . . If you say so, you can stay at my place. Don't worry, I'm harmless. But before that, I need my grandpop's permission first."
Gulat akong bumaling sa kaniya. Umawang ang aking bibig. "K-kahit hindi na. . . Ibaba mo na lang ako kahit saan basta malayo lang dito."
Kunot-noo niya akong binalingan kahit na panandalian lang 'yon. "If I'm not mistaken, minor ka pa. Masyadong delikado para sa iyo na makipagsapalaran nang mag-isa. I'm kinda worried if I leave you alone."
Natahimik ako. Pinag-aralan ko siya nang mabuti. Base sa kinikilos niya. Mukhang wala naman siyang gagawing masama sa akin. He sounds more worried. At palagi niyang dinikdikan sa akin na isa akong minor. Oo, aminado ako na may tama naman siya. Sa edad kong 'to, hindi pa nga ako handa makipagsapalaran lalo na't wala pa akong alam kung anumang buhay na meron sa syudad. Siguro dahil nasanay ako na may kasama ako. Na meron aalalay sa aking tabi. Nasanay ako na may mga taong handang tulungan ako pero sa sitwasyon ko ngayon, imposible na. Maraming tao na ang ayaw sa akin. Marami nang galit sa akin dahil nananalaytay sa aking dugo ng mga taong sinusumpa ng pamilyang Hochengco and that was very horrible for me. So all I can do is to run away and hoping I can stay away from them.
Sa kakatingin ko sa labas ay napagtanto ko na nasa nakalabas na kami ng Quezon. Iniisip ko kung saan ako dadalhin ng lalaking ito. Mukhang hindi rin siya taga-Quezon. He's more like he's raised in the cuty. Sa hitsura niya din ay tingin ko ay may dugo siyang banyaga. The most distinguished feature he has is his eyes, especially his diamond earring on his right ear.
**
Tumigil lang ang sasakyan sa tapat ng isang matataas at malapad na gate. Kusang nagbukas ang malaking gate nang nagbusina siya. Muling inusad ang kotse para makapasok. Halos malaglag ang panga ko na tumambad sa akin ay isang Mansyon! Moderno ang istraktura ng naturang bahay ngunit maraming puno at halaman sa paligid.
Hanggang sa tuluyan na ngang tumigil ang sasakyan sa garahe ng Mansyon. May hagdan at malapad din ang pinto ng entrada. Unang bumaba ang lalaki hanggang nagawa niya akong pagbuksan ng pinto. Nilahad niya ang kaniyang palad sa akin. Hindi ko pa nagawang tanggapin 'yon dahil tumingala ako sa kaniya na may halong pagtataka at pagkahiya. Dahil d'yan ay nagtataka din siya sa aking inakto.
Umiba ang ekspresyon niya nang nagpatanto niya 'yon. Matamis sjyang ngumiti sa akin. "Oh, don't worry. You'll be safe here in Tagaytay. Malayo na tayo sa Quezon so I'm sure walang hahabol sa iyo dito." aniya.
Isang hilaw na ngiti ang iginawad ko. Nahihiya pa rin ako nang tanggapin ko ang kaniyang kamay. Masuyo niya akong inaalalayan hanggang sa tuluyan na akong nakalabas sa kotse. Nagawa ko pang tumingala sa matayog na bahay. Dahil sa pagkamangha ay bumitaw ko sa kaniya. Ramdam ko nalang na nauna na siyang umakyat at tumigil pa sa mismong entrada upang tawagin ako. Tagumpay niyang nakuha ang aking atensyon. Aligaga akong lumapit sa kaniya at nakapasok sa bahay na mas ikinamangha ko. Puros magarbo at sumisigaw sa kayamanan at karangyaan! Dumapo ang tingin ko sa sahig. Ito palang, makikita ang dekalidad at mamahaling tiles na yari sa marmol na halos ayaw kong tapakan. I don't deserve here!
"Huwag ka nang mahiya. Let's go." lumipat siya sa aking likod. Walang sabi na hinawakan niya ang magkabilang balikat ko saka marahan niya aking itinulak papasok sa kanilang bahay.
May makakasalubong kaming isang babae na base sa kanyang damit ay mukha itong kasambahay. Tumigil kami sa kaniyang harap. Mukhang may edad na ito."Sir--"
"Nasaan po pala si grandpops?" masigla niyang tanong sa kaharap namin.
"Ah, nasa bar room niya po, Sir." magalang na tugon nito sa kaniya.
"Oh, okay. Thank you." nakangiti niyang sabi saka muli niya akong marahan na itinulak.
Tahimik lang ako nakasunod hanggang sa narating na namin ang sinasabing Bar Room. Nasa tapat na kami ng isang malaking pinto ay doon na niya ako binitawan. Lumipat siya sa aking gilid at saka mas lumapit pa siya sa pinto upang kumatok ng tatlong beses. Wala kaming narinig na sagot mula sa loob kung kaya pinihit niya ang doorknob saka marahan niya ito itinulak. Balak ko sana maghintay nalang sa labas ng silid pero nagawa pa akong hatakin papasok sa loob.
Unang tumambad sa amin ay ang malaking globo. May mga bookshelf din at mga wine cabinet na nakadikit sa pader. Nang iginala ko ang aking paningin ay nahagip ng aking paningin ang grand piano at mamahaling chandelier lalo na ang isang lalaki na nakaputing long sleeves polo shirt at itim na slacks pants. Nakatalikod ito sa amin habang may hawak siyang kopita na may lamang red wine.
"Grandpops," tawag niya sa lalaki. Sa lolo niya.
Humarap ito sa amin. Medyo nanayo ang aking balahibo nang maaninag ako ang lalaki. I could say he's already in 50's or 60's. But I can sense dominance, intimidation and power with him. This feeling is so familiar. This feeling just like whenever I saw the Hochengco clan.
"You're already here, how's your friend's birthday party?" wika nito. Inilapag niya muna ang hawak nitong kopita sa malapit na mesa bago man niya kami tuluyang lapita. Bumaling siya sa akin. "And you brought someone." puna niya.
"Yes, grandpops. I just saw her when I was driving back home. She looks helpless so I'm trying to help her. Wala na siyang mauuwian." paliwanag niya sa kaniyang lolo. "You don't mind, right?"
Bago man ito sumagot ay ibinalik niya sa akin ang kaniyang tingin. "I don't mind but, how about your parents? Kapag umuwi sila dito, I'm sure they will surprise. Kahit ang mama mo. Babahain ka nila ng tanong. Especially, she's a minor. . . Right?"
Napalunok ako. Sabi na nga ba, hindi talaga magandang ideya na sumama ako dito.
"I can explain very well when they got home, grandpops. No worries. And I think they can understand." nakangiti niyang sabi.
"Alright, ipahanda mo nalang ang guest room para sa kaniya."
"Aye, aye! Thanks, grandpops!" bumaling siya sa akin. "Tara?"
"A-ah. . ." tumingin ako sa kaniyang lolo. "Maraming salamat po. Tutulong po ako dito bilang kabayaran sa pagpapatuloy ninyo sa akin dito."
Ngumiti ito sa akin. "Well, my grandson was raised by his parents very well. Namana niya na pagiging social worker ng nanay niya kaya hindi siya nag-aatubiling tumulong. And you look kind after all."
**
Malapad ang kuwarto. Hindi ako makapaniwala na ito ang sinasabi nilang guestroom kung tutuusin ay kasing laki ng kuwarto na ito ang mismong bahay namin. Halos kumpleto na ang kagamitan dito. Malapad din ang kama at may sarili na din itong banyo. May sarili ding balkonahe ang kuwarto kaya hindi na din nakakapagtaka na malamig din kahit hindi nakabukas ang aircon.
"Ipinapadala ko na din sa maid ang damit na susuotin mo." wika niya.
Humarap ako sa kaniya na yakap-yakap ko ang aking sarili. "Salamat pala sa tulong. . . Sobra-sobra ang binibigay mo." nahihiya kong sabi. Yumuko ako. Lumapat ang tingin ko sa sahig. "H-hindi mo ba tatanungin--"
Rinig ko ang mga hakbang niya hanggang nasa paningin ko na ang mga sapatos. Napatingala ako sa kaniya. He gave me his most genuine and kindest smile. "I don't need to ask. Ayokong pilitin ka na sabihin sa akin kung ano ang pinagdadaanan mo ngayon. We're strangers and eventually, time and days passed, we can trust each other. I believe this is the first step and I will wait for the right time and place to tell me everything about yourself."
Sa mga sinabi niya, ramdam ko na ang pagkalma ng aking sistema. Nagawa ko siyang gawaran ng isang ngiti. Sa una ay nagulat pa siya na akala mo ay hindi ko alam kung papaano ngumiti. Sa huli ay muli siya napangiti. Nilahad niya ang kaniyang palad sa akin. "By the way, I'm Ardis. How about you?"
Kahit na nahihiya ako ay nagawa ko pa ring tanggapin ang kaniyang palad. "Janella. Tawagin mo nalang akong Janella."
"Nice meet you then, Janella."
"Likewise, Ardis."
Napaitlag ako nang biglang nagbukas ang pinto ng guest room. Sabay kaming napatingin doon. Bumungad sa amin ang isang babae. Pero kahit ganoon ay nangingibabaw ang kaniyang kagandahan, elegante at maalaga sa sarili. Mukhang siyang dalaga dahil din sa makinis siya. May highlights ang buhok niya at maputi. Naka-mini skirt siya at ang nakahigh-heels.
"What's the meaning of this, Ardis?!" singhal niya. "Nagmamadali kaming umuwi dito kahit dis-oras na ng gabi dahil sa sinabi ng lolo mo!"
Bigla hinarang ni Ardis ang kaniyang sarili sa akin para harapin ang babae na bagong dating. "Let me explain, okay?"
"Explanation?! May contact lense lang ako pero hindi ako bulag, Ardis! Malinaw na malinaw na nagdala ka ng babae dito! Lalo na't menor de edad pa ang inuwi mo sa pamamahay na ito!"
"Babe, easy." biglang may sumulpot na lalaki sa babae. Parang kasing edad nila ang sina Madame Tarrah at sir Kalous. Sandali. . .
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ito. Kilalang kilala ang taong ito!
"Let's give him a chance to explain what's going on. . ."
"Right, mom." segunda pa ng isang babae na kakapasok lang. Mukhang kasing edad ko lang siya. "Pasalitain mo muna si kuya Ardis. Huwag ka muna mag-conclude. Nakakasama 'yan. Sige ka, masisira ang beauty mo."
"And she looks harmless, mommy." sunod na pumasok ang isang binatilyo. Halos kamukha ni Ardis. "Alam naman nating hindi ganoon si kuya."
Wait, ibig sabihin. . .
Nahihiyang tumingin sa akin si Ardis. "Pagpasensyahan mo na, Janella. You already meet my whole family in an unexpected situation. Well, welcome to Hoffman Residence. This is my sister Carisa and my younger brother Klaus. And this is my parents, Flare and Elene Hoffman."