? Chapter 10

2467 Words
Nang matapos na akong maayusan ng nahired na make-up artist at maisuot ang red velvet off-shoulder with a long slit long gown ay tiningnan ko na ang sarili ko sa harap ng salamin. Hindi ko mapigilang mapangiti. Bagay na bagay sa akin ang gown. Ang sabi sa akin ng designer ay mismo sina Ardis at Carisa ang pumili nito para sa akin habang ako'y nasa Poland pa. Talagang pinaghandaan nila nang maigi ang mga bagay na ito bago man ako makauwi ngayong pasko. Nakakaramdam ako ng pinaghalong excitement pero kaba. Kahit ganoon ay alam kong hindi naman ako papabayaan ng pamilyang Hoffman na magkalat nang basta-basta sa Party mamaya. Nagpaalam na ang make-up artist at nang designer sa akin para umlis. Nagpasalamat ako sa kanila bago man nila ako iwan. Sa ngayon ay hindi muna ako lalabas dahil ang bilin sa akin ni Ardis ay siya ang magsusundo sa akin dito para sabay na daw kami pupunta sa mismong venue ng naturang party sa ngayon ay may aasikasuhin lang daw siya nang mga iilang bagay sa labas. Dahil sa masunurin ako ay hinintay ko siya. Habang ginagawa ko 'yon ay kinuha ko muna ang aking cellphone na nakapatong lang sa side table. Ang maganda lang din ay may wifi naman kaya hindi ako mahihirapan sa pagsilip ko sa aking mga social media accounts. Biglang may nag-pop out sa aking screen. Tinapik ko 'yon hanggang sa makita ko ang mensahe galing kay Felka. Isa siya sa mga naging malapit sa akin habang ako'y nasa Poland since she's half Polish and half Filipina.Her mom is Polish while her father is a full Filipino. Kung hindi ko lang siya naging kaklase sa mga major subject, ewan ko lang. Daig ko pang nawawala sa University. FELKA : Where are you, Janella? Medyo kumunot ang aking noo dahil sa kaniyang mensahe. Sa pagkakatanda ko ay nabanggit ko sa kaniya na uuwi ako ng Pilipinas. Kapag winter break kasi madalas siyang natambay sa apartment ko para mag-overnight. Nakilala din siya ng pamilyang Hoffman sa pamamagitan ko. Sa lahat nang mga kaibigan ko sa Poland, kay Felka lang sila lubos na nagtitiwala. Kampante sila dahil na din galing sa conservative na pamilya nito. AKO : Nasa hotel room ako, getting ready for a christmas party. Then I hit send. Nakita ko na mukhang nakita niya ang aking reply kaya nagtatype siya ngayon ng kaniyang reply. FELKA : Good, narito na din ako sa Pilipinas through my mom. She decided to celebrate Christmas here! Napaletra O ang aking bibig sa aking nabasa. That was unexpected. Hindi ko mapigilang mapangiti at mas lalo makaramdam ng excitement. May sumagi na ideya sa aking isipan nang nalaman kong nasa Pilipinas na din siya. I am thinking if I'm going to set some travel tours after Christmas. Gusto ko lang siya makabonding habang naririto pa kami sa Pilipinas. AKO : Biglaan yata. Meet tayo after Christmas! FELKA : That was I thought a while ago. Hahaha! Bago man ako magreply ulit sa kaniyang mensahe ay rinig ko ang pagbukas ng pinto ng kuwarto na ito. Napukaw iyon ng aking atensyon. Pinili ko na ibalik ang aking cellphone sa side table saka tumayo para salubungin kung sinuman ang pumasok dito. Hanggang sa tumambad sa akin si Ardis na nakabihis na din. Alam kong guwapo na siya sa umpisa palang pero mas tumingkad ang kaguwapuhan niyang taglay dahil sa suot niyang three-piece-suit. I can sense his dominance and intimidating aura within him. It looks likes he will be the heir as a head of Hoffman Family if ever. Hindi rin maitanggi ang nangingibabaw na karisma na meron siya. Kusang kami nagpalitan ng ngiti sa isa't isa. Kusa siyang humakbang palapit sa akin. Hindi matanggal ang tingin namin sa isa't isa. "Beautiful. . ." he said breathlessly. He gently reaching my hand and plant a small kiss on the back of my palm. "King Ardis. . " marahan kong tawag sa kaniya. Mas lumapad ang kaniyang ngiti. "Can you turn around for a moment, Queen Janella?" malambing niyang tanong. Tumalikwas ang isang kilay ko sa kaniyang hinihingi. I gave him a teasing smile pero nagawa ko pa rin gawin ang kaniyang hinihiling. Tumalikod ako tulad ng gusto niya. Kusang pumikit ang aking mga mata sa hindi ko malaman na dahilan. Hindi pa naman ako inaantok o anuman. Dumilat lang ako nang may naramdaman akong malamig na bagay sa aking leeg. Nang matapos na ikabit ni Ardis 'yon ay mabilis akong humarap sa kaniya na may bakas na pagkabigla. Dahil nasa tabi ko lang ang salamin ay agad ko din inilipat ang aking tingin ko. Bahagyang umawang aking bibig nang makita ko ang bagay na isinabit niya sa aking leeg---it's a scarlet red diamond necklace! If I'm not mistaken, it's worth a millions of dollars! "Ardis. . ." hindi makapaniwalang tawag ko sa kaniya nang ibinalik ko sa kaniya ang tingin ko. "What the. . ." "Merry Christmas, Queen Janella..." Kusang ko kinapa ang kwintas sa aking leeg. "Y-you don't have to give me this kind of present, Ardis. It's too expensive!" Humakbang pa siya palapit sa akin. Masuyo niyang hinawakan ang mga kamay ko. He's too close. "But you deserved this, Janella." Ngayon niya ulit ako tinawag sa mismong pangalan ko. Walang nakakabit na Queen o anuman. It means he's serious. Bumaba ang tingin ko. "P-pero. . . Wala akong maibigay na regalo na kasing halaga nito. . ." He pat my head. "Silly, you don't have to worry about it. The best gift have you ever given to me this Christmas is you, Janella." Tumingala ako sa kaniya. "Ardis. . ." "Your presence, Janella which made my Christmas more special." I feel touched. Dahil d'yan ay ginawaran ko siya nang matamis na ngiti saka tumango. "Thank you so much, Ardis. Thank you for appreciate my existence in this world." ako naman ang humawak sa kaniyang kamay. "So. . . Let's go?" Mas lumapad ang kaniyang ngiti. ** Sa buong paglalakad namin para marating namin ang Ballroom ng hotel ay nakahawak lang ako sa isang braso ni Ardis. Nagkukwentuhan lang kami. Nabanggit niya sa akin na invited din pala si Felka sa party na ito which is unexpected. Nakwento niya sa akin ang buong detalye kung papaano niya naimbitahan ito. Bukod pa doon ay mas nauna na pala siya nakarating kaysa sa akin kaya pala nagmessage siya sa akin kung nasaan ako kahit na alam niyang narito na ako sa Pilipinas. Dahil sa nawili kami sa kwentuhan ay hindi na namin namalayan na nasa tapat na kami ng pinto ng naturang Ballroom. Naputol ang kwentuhan namin. Sa halip ay nakatitig ako sa pinto. Umahon ang kaba sa aking dibdib sa mga oras na ito. This is my first time to attend in this such. It's too grand for me. It seems like the Hoffmans really prepared this. And they told me this is a part of my welcoming home in a long time when I was in abroad. "Are you ready?" nakangiting tanong ng kasama ko. Bumaling ako sa kaniya. I composed myself first before I answered, "Yes, I am ready." "Good." Inilipat ni Ardis ang kaniyang tingin sa mga waiters na kasalukuyang nagbabantay sa pinto. Tumango siya, Sensyales na handa na kaming pumasok. Sinunod naman nila 'yon. Binuksan nila ang malaking pinto. Hindi nga ako nagkakamali. Masyadong engrande ang mayroon sa loob. It feels like not only a coming company party will be happen! Mukhang napukaw namin ang atensyon ng mga tao na nasa loob. Base sa aking obserbasyon, hindi mga karaniwang ordinaryong tao ang naririto sa Party. From what they're wearing, it seems they are important people or they are part of an alta sociedad or a public figure. May namataan din akong mga kilalang tao sa mundo ng politika, even celebrities. Napalunok ako. Mas humigpit ang pagkahawak ko sa braso ni Ardis, para iparamdam sa kaniya kung anuman ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. "Queen Janella?" he called me dearly. I looked back and smile uncomfortable. "I suddenly feel dizzy, King Ardis." Marahang dumapo ang isa pa niyang palad sa likod ng aking palad kung ano ay nakahawak sa isang braso niya. "It's alright, it's alright." pag-aalo niya. "I know you'll be overwhelmed for the time being here. Don't worry, I will come along whenever you are." he assured. "Thank you," then I smile weakly. "Very much welcome." Ipinagpatuloy pa namin ang paglalakad upang marating namin ang destinasyon. Kahit na may mga mata may bakas na pagtataka, punung-puno ng katanungan. Dahil d'yan ay pakiramdam ko ay babaliktad na ang aking sikmura, mas bumibilis ang pintig ng aking puso na kulang nalang ay sasabog na ito anumang oras. Hindi ko alam pero biglang nanumbalik sa akin ang mga bagay na may kinalaman sa nakaraaan. Kung papaano ako binigyan ng mapanghusgang tingin noon. Lalo na ang pamilya ng lalaking napamahal sa akin kahit sa maikling panahon. No, Janella. You need to be strong at this time. Matagal kang nawala sa paningin nila na halos pátay ka na sa kanila. Kailangan mong maging matatag. You shouldn't be affected for what happend in a long time ago! Dahil sa dinami-dami na tumatakbo sa isipan ko ay hindi ko na namalayan na nasa gilid na pala kami ng stage. Napatingin ako sa mga tao na naroroon. Sina Ma'm Elene at Sir Flare na pawang may mga ngiti sa kanilang mga labi. Nababasa ko na para bang nasasabik na sila na makita ako. They made me cozy in that smile. I unconsciously smile back and barely nod to greet them. Inalalayan akong ni Ardis na makaakyat sa stage na punung-puno ng mga dekorasyon, may projector rin sa backdrop, mukhang pinaghandaan nga nila ng maigi ito. "Welcome back, iha." galak na bati sa akin ni Ma'm Elene saka nagbeso-beso siya. "Welcome back, Janella." kahit si Sir Flare ay nakangiti nang batiin niya ako. "Maraming salamat po. . ." sinsero kong tugon sa mga taong tumulong sa akin. Pagkatapos naming magbatian ay umatras kami nang kaunti ni Ardis dahil magsasalita na ang host para sa party na ito. Nasa likod lang ang pamilyang Hoffman, including me. Habang mahina sila nagpapalitan ng salita, ako naman ay abala sa paggagala ng tingin sa paligid. Pinag-aaralan ko ang mga mukha ng mga taong imbitado sa malaking piging na ito. Pero kusang nabura ang ngiti sa aking mga labi, tila tumigil ang ikot ng aking mundo nang mahagip ng aking mga mata ang isang pamilya na naging dahilan ng aking takot. Na hanggang ngayon ay nalulunod pa rin ako mula sa nakaraan. . . Pakiramdam ko ay nanunuyo ang aking lalamunan, kakapusin ng hininga. Bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat nang makita nila ako. Alam kong maraming katanungan ang gusto nilang tanungin base sa kanilang mga mata. Nanindig ang balahibo ko nang makita ko si Madame Tarrah Hochengco na matalim ang tingin sa akin kahit na mahabang panahon na ang nakalipas. Alam ko, hinding hindi niya ako mapapatawad dahil nananaytay sa akin ang dugo ng mga taong gustong manakit sa kaniya noon. Unti-unti ko nararamdaman ang panlalabo ng aking paningin nang nagtama ang tingin namin ng isang lalaki na matagal ko nang hindi nakikita. Mas bumilis ang t***k ng aking puso. Kunot ang kaniyang noo. Tulad ng kamag-anakan niya, maraming katanungan sa kaniyang mga mata. May nababasa din ako pagkagulat at naguguluhan. Alam ko noon pa man na matagal nang nakakonekta ang pamilya niya sa mga Hoffman. Alam kong gustong gusto niya akong makita at malaman kung nasaan mana ko naroroon but I still manage to escape from him. Nilus Gabriel Hochengco. . . The man who I ever missed. The man who I ever feel the warm of love, but not fated to be each other. "Janella. . ." rinig kong tawag ni Ardis. "Please. .." Napamaangan akong bumaling kay Ardis. Pakiramdam ko ay bubuhos na ang luha ko. "Ardis. . ." "I know what you feel right now." masuyo niyang sabi. "I think. . . It's so wrong that I'm here. . ." I paused. Nangangapa ng mga sasabihin. "I think. . . I'm gonna messed up any by the moment." Binigyan niya ako ng isang nababahalang tingin. Mukhang nag-iisip siya ng paraan para mabura niya ang mga negatibo na dumadapo sa aking sistema. I sighs. Madali niyang hinawakan ang isang kamay ko. "I think this is the right way to wipe off those feelings, Janella." "A-anong. . ." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil madali niya akong nahila papunta sa podium. "Ardis. . ." I almost whispers when I called him. Kita ko kung papaano niyang binulungan ang host ng event na ito. May sinasabi siya pagkatapos ay umatras siya na para bang may inaabangan siyang marinig. Nagtataka akong tumingin sa kaniya. "Oh! There's an important announcement from Mr. Ardis Hoffman!" bulalas ng host, malapad ang kaniyang ngiti. Para bang excited siya na malaman 'yon ng mga tao na naririto sa loob. Umukit ang kuryusidad nila, kahit ako. "We are happily announced that Mr. Ardis Hoffman is now engaged with her long-time girlfriend, Ms. Janella Morales!" Namilog ang mga mata ko nang marinig ko ang balita. Mabilis akong bumaling kay Ardis . Gusto ko siyang kuwesyosnin tungkol sa bagay na 'yon pero nanigas ako sa kinakatayuan ko nang masilayan ko ang malamig at matalim na tingin mula sa direksyon ng isang partikular na tao. Sinundan ko 'yon nang tingin. Parang tumigil ang pintig ng puso ko nang makita ko ang ekspresyon ng mukha niya. Tulad ni Ardis, malamig at matalim na tingin ang iginawad niya sa direksyon namin. Sa mga tingin niyang 'yon, maaari na siyang makapátay anumang oras. "Why? How. . ." he mouthed. Tila narinig ko ang boses niya mula dito. "Nilus. . ." I mouthed back. Dahil sa galit ay walang sabi na binagsak niya ang table napkin and he walked away. Mukhang natunugan siya ng mga pinsan niya. Ang iba sa kanila ay sinundan siya palabas ng bulwagan. "Janella," rinig kong tawag sa akin ni Ardis. Nakuha niya ang atensyon. He face me with his regretful brown eyes. "I'm sorry for what happend. I will take this as my responsibiilty." Hindi ko alam pero bakit pakiramdam ko ay nasasaktan siya nang sabihin niya ang mga kataga na 'yon? "A-Ardis. . ." "I will bear this sorrow and pain until the very end. You can go after him. . ." Marahan akong pumikit saglit. Dumilat ako saka tiningnan ko siya nang diretso sa kaniyang mga mata. Hinawakan ko ang kaniyang kamay. Alam kong nagtataka siya. Binigyan ko siya nang mapaiy na ngiti. "You always save me whenever I was drowned by my past. You embraced whenever I feel disgust to myself. And you always there whenever feel alone, Ardis." "Janella. . ." "I will take this as my responsibility, too."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD