Chapter 10

1406 Words
Nagkaroon ng malaking selebrasyon sa mansyon ng mga Angeles dahil birthday ni Jaydah ngunit hindi siya masaya dahil alam niya naman na wala siyang kaibigan doon sa mga bisita kahit isa, ang iba naman ay halos hindi niya naman kilala, nakikibati ngunit nginingitian niya lang ang mga iyon. Dumating din ang mga staff’s niya mula sa cosmetics line company niya at ang mga iyon lamang ang inentertain niya, wala kasi siyang kaibigan. Bata pa lang ay nasanay na siyang mag isa at walang gaanong kaibigan kaya din siguro si Kent at Alaric lang ang naging boyfriend niya sa tanang buhay niya dahil hindi siya mahilig makipag socialize at sila lang ang nagkaroon ng lakas ng loob na tanggapin ang kanyang mga kakulangan. People know her as the spoiled brat Angeles, the good for nothing but a drop dead gorgeous woman. Dahil sa karangyaan ng pamilya niya ay pakiramdam niya ay makakabili na siya ng sarili niyang mundo. Malimit niyang marinig sa mga tao na wala siyang silbi at puro pasarap lang sa buhay ang ginagawa niya, at dahil nga mayaman na sila ay hindi niya na kailangan pang magtrabaho at magbanat ng buto, ngunit pinatunayan niya sa lahat ang pagiging Angeles niya sa pamamagitan ng pagtatayo ng negosyo at sariling kumpanya kung kaya’t nawala ang usap-usapan tungkol sa kanya. Dadating kaya… si Kent? Iyon na lamang ang naisip niya dahil si Kent lang ang itinuturing niyang kaibigan at kasintahan noon. She felt so alone that night. Nagsimula na ang party, pakiramdam niya ay artista siya dahil sa galing niyang umarte sa harap ng mga bisita, magpanggap na masaya iyon lang ang tanging alam niya. Matapos niyang hipan ang kanyang birthday cake ay umakyat na siya sa terris at hinayaan na ang mga bisita na kumain. Pinagmasdan niya ang lahat sa itaas. Maya-maya ay nakarinig siya ng mga yabag ng paa na papalapit sa kanya at paglingon niya ay si Don Juancho iyon. “Happy Birthday, Darling,” saad ng matanda at hinalikan siya sa noo. “Uncle, thank you,” saad niya sa matandang tiyuhin. Espesyal sa kanya si Don Juancho dahil para na ring tatay ang turing niya dito, ang ama niya kasing si Don Rodolfo ay hindi siya itinuturing na anak, hanggang ngayon ay hindi niya alam kung bakit. Ang kanyang ina naman na si Donya Kristina ay isang mahinhin na babae at walang balak lumaban sa kanyang ama, lumaki siyang sinasaktan ni Don Rodolfo ang ina ngunit sa paanong dahilan ay ayaw magpaligtas nito. “Mommy, iwan mo na si Daddy please, sinasaktan ka lang niya,” saad niya sa ina habang umiiyak, walong taong gulang pa lang siya non. “No Baby, Mommy is okay, and I love Daddy so much, that’s why I will stay with him no matter what…” iyon lang ang tinuran ng kanyang ina kahit na umiiyak ito at punung puno ng pasa ang katawan na buhat ng kalupitan ng kanyang tatay, isa iyon sa dahilan kung bakit napaka toxic ng buhay niya kahit wala silang pera. Nang magdalaga ay natuto siyang mag rebelde at doon niya nakilala si Kent. She was eighteen back then and Kent was already twenty-three years old, she remembered how much she loved Kent that’s why she gave her virginity to him. Sa murang edad niya na iyon ay nakuha siya ni Kent ngunit wala siyang kahit anong pagsisisi dahil tunay niyang minahal ang binata. Nagkataon lang na niloko siya nito kung kaya’t umalis siya. “Strict pa rin ba sayo ang daddy mo?” seryosong tanong ni Don Juancho, kaagad siyang na distract sa pag iisip nang marinig ang tinanong ng matanda. “Yeah… palagi naman po Uncle,” saad ni Jaydah. “Don’t worry, he’s just doing his job,” saad ni Don Juancho. “Job?” tanong ni Jaydah dahil parang may ibang kahulugan ang tinuran nito. “I mean his job as a father… goodnight Sweetheart, happy birthday again,” saad ni Don Juancho at saka siya ginawaran ulit ng halik sa noo bago umalis. Natanaw niya naman ang anak na si Coop na parang may kausap sa cellphone niya, nagpaalam kasi ito kanina na maglalaro lang daw ng games pero mukhang may tinatawagan ang bata kung kaya't nilapitan niya ito. "Coop?" saad niya habang lumalapit, naalarma si Coop at nagkukumahog na binaba ang cellphone at nagpipindot. "Sinong kausap mo huh?! I told you not to call anybody from my cell phone, right?! Ang sabi mo sa akin mag ga-games ka lang," saad niya sa anak. "Oh, it was nothing Mommy, I'm still playing, I didn't call somebody, I just pretend that I have a business meeting and I'm calling my secretary," palusot ng batang si Coop at ibinigay pa sa ina ng cellphone. "See? No call history," dagdag pa ni Coop. "Are you sure?" tanong ni Jaydah. "Y-yes Mommy, I'm sleepy, I want to sleep, I will go to my room now, happy birthday Mommy, I love you," saad ni Coop. Tumingkayad naman si Jaydah upang halikan ang anak. "Thank you Baby, I love you too," saad ni Jaydah, at saka umalis ang bata upang pumunta na sa kwarto. Lumaking independent ang anak niya at isa iyon sa mga bagay na ipinagpapasalamat niya. Naghintay naman siya ng naghintay ngunit walang dumating na Kent. Natapos ang birthday party niya at ngayon ay nagsusuklay siya sa harap ng kanyang tukador at naghahanda ng matulog nang biglang may narinig siyang bumabato sa bintana niya. Binuksan niya ang bintana niya. "Just wait there, I'm gonna climb," saad ni Kent at saka sinimulang umakyat upang doon dumaan sa bintana. "Kent! Baka mahulog ka! Ano ba kasing ginagawa mo dito?! Gabing gabi na!" singhal niya kay Kent ngunit ang totoo ay masaya siya dahil pumunta ito kahit late na. "Sorry, na-late ako ng punta, sobrang busy kasi eh, may pina-trabaho pa sa akin si Siobeh, at saka… tinawagan ako ni Coop, akala ko nga ikaw eh," saad ni Kent, nagulat naman si Jaydah. "What?! Tinawagan ka ni Coop?!" saad niya kay Kent. "Oo eh… sabi nung bata malulungkot ka raw pag hindi ako pumunta sa birthday mo," saad ni Kent. "Pagpasensyahan mo na si Coop," saad ni Jaydah. "Okay lang," saad ni Kent at luminga-linga sa paligid. "I haven't seen your room for years, ganito pa rin pala ang histura," dagdag pa ni Kent. "Uhm, sandali… kukuha lang ako ng pagkain," saad ni Jaydah. "Oo pala… gutom na ako, sakto, hindi pa ko nagdi-dinner," saad ni Kent at hinawakan ang tiyan niya. Alam ni Jaydah iyon dahil palaging ganon si Kent, sa sobrang busy sa trabaho ay nakakalimutan na nitong kumain kung kaya't dinamihan niya ang pagkuha ng mga pagkain at nagpatulong pa siya sa kasambahay nilang si Desiree upang iakyat iyon, sa kwarto na lamang sila kakain dahil may lamesa at upuan naman sa terris ng kwarto niya. "Uhmm, ang sarap, the best talaga luto ni ate Dessi," saad ni Kent habang ngumunguya. "Masarap ba? Ako nagluto niyan," saad ni Jaydah. Bigla namang nasamid si Kent sa tinuran ng dalaga. “Oh, okay ka lang? Ito tubig,” saad ni Jaydah na naalarma at inabutan ito ng tubig. “Sorry, akala ko ay si ate Dessi ang nagluto, marunong ka na pala magluto ngayon?” tanong ni Kent. “Kailangan eh, natuto ako sa States, kasi ako lang naman mag isa doon,” saad ni Jaydah, totoo naman iyon dahil ayaw niya ng maging pabigat sa mga magulang, iginapang niya ang sarili niya mag isa sa States at nagtrabaho kahit buntis siya. Mabuti na lamang ay naroon ang negosyanteng si Dean Alvarez, isa rin ito sa mga shareholder na hawak ng tatay niyang si Don Rodolfo Angeles at tinulungan siya nito at binigyan ng trabaho sa maliit na kumpanyang itinayo nito sa States. Maganda ang kita ng shop ni Dean doon kung kaya’t kumita rin siya ng maayos at habangbuhay siyang magpapasalamat na tinanggap siya nito kahit buntis siya. Hindi siya pinabayaan ni Dean, ito pa ang naghatid sa kanya sa ospital nang manganganak na siya, ang tanging hiling niya lang para sa kaibigan ay sana lang ay makatagpo ito ng isang babaeng karapat-dapat para sa kanya, yung totoong mamahalin siya kagaya ng pagmamahal niya kay Kent. Bigla siyang nabalik sa realidad ng hawakan ni Kent ang kamay niya. “Masaya ako na bumalik ka na,” saad ni Kent sa sinserong mga mata. Napangiti na lang si Jaydah sa sinabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD