Chapter 11

1191 Words
Nagpunta si Jaydah sa tiyahin niyang si Claudia na nasa mental hospital. Nabaliw ito dahil namatayan siya ng asawa at anak. Kalidad naman ang mga gamot at mga treatment na ginagawa rito ngunit sa paanong dahilan ay hindi pa rin ito gumagaling. Napabuntong hininga na lang siya, miss na miss niya na ito at kung hindi sana ito nabaliw ay malamang ay natulungan siya nito sa kanyang problema noon sa pagbubuntis niya kay Coop. Mas kasundo niya kasi ang tiyahin kumpara sa kanyang sariling ina na walang ibang ginawa kundi ang sermunan siya dahil sa mga pinag gagagawa niya sa buhay niya. Dahan dahan siyang pumasok sa kwarto nito. "Tita Claudia, nakikilala mo ba ako?" tanong niya na halos maiyak na dahil awang awa siya sa sitwasyon ng pinakamamahal na tiyahin. "Jaydah? You're Jaydah right?” saad ng kanyang tiyahin ng makita siya, kaagad siyang niyakap nito. “Tita Claudia, buti naman naaalala mo na ako, kamusta ka na? Magaling ka na ba huh?” tanong ni Jaydah na alalang alala dito. “Sshh! Wag kang maingay, baka marinig ka nila,” “Sino?” “Narinig ko ang usapan ni Fernando at Juancho na itatago nila ang bata,” “Sinong bata?” “Nakita ko.. Hindi ako pwedeng magsalita, ang daming boses sa isip ko,” “Tita Claudia, mabuti pa magpahinga ka na, dadalaw na lang ako sa ibang araw, aalis na ako,” saad ni Jaydah ngunit hinigit siya nito sa braso. “Pag hindi ako nanahimik paparusahan nila ako, patawarin mo ako Jaydah,” saad ng tiyahin habang umiiyak. Napayuko na lang siya habang pilit tinatanggal ang kamay nito sa braso niya ngunit mahigpit na ang kapit nito. “Wag kang lalapit sa kanya, malupit siya, hindi mo tunay na ama si Fernando,” Nang marinig iyon ni Jaydah na gtinuran ng kanyang tiyahin ay halos gumuho ang mundo niya sa gulat. “Ma’am, tara na ho! Tuturukan na po namin siya ng pampakalma,” saad naman ng caregiver sa kanya. “Hindi mo siya tunay na ama Jaydha, makinig ka sa akin! Umalis ka na sa pamamahay ng mga Angeles! Nasa panganib ang buhay mo! Bitiwan niyo ako! Jaydah!” sigaw pa ng baliw niyang tiyahin na si Claudia. Mabilis na umalis si Jaydah doon at nagtatakbo palabas at sumakay sa kotse niya. Hindi niya maintindihan kung ano ang pinagsasabi ng baliw niyang tiyahin at pilit na naglalaro sa kanyang isipan ang mga katagang binitiwan nito na hindi niya tunay na ama si Fernando Angeles. Lumuha siya ng lumuha sa mga oras na iyon dahil nakita niya kung gaano takot na takot ang tiyahin sa mga sinasabi nito sa kanya. Hindi niya kasi alam ang tunay na nangyari dito, ang tanging alam niya lang ay basta na lamang itong kinuha ng mental hospital isang araw sa mansyon ng mga Angeles. Pinipilit niyang hindi siya baliw ngunit kitang kitang nagsu suffer siya sa depression dahil sa mga iniinom niyang gamot. Nalulungkot siya para sa tiyahin ngunit wala siyang magawa upang iligtas ito mula sa sarili nitong kahibangan. *** Samantala, nagsindi si Kent ng sigarilyo habang tinitignan ang profile ng taong pinapaligpit sa kanya ni Don Juancho. The problem is the guy is not an ordinary lowly person. It’s a f*****g king of gamblers at para makuha niya ang tiwala nito at makapasok sa mansyon nito ay kailangan niyang gawin ang lahat ng paraan na naiisip niya. Pwede siyang magpanggap na trabahador dito at isagawa ang kanyang plano ngunit ang isa pang ikinababahala niya ay siguradong patay siya kay Siobeh pag nalaman nito na tumanggap siya ng trabaho mula sa ibang mafia boss ng hindi nito alam. Ayaw niyang ipaalam iyon kay Siobeh dahil baka mas lalo pang mapahamak ito at ng buong Black Hyrax Gang na pinamumunuan nito. Nagambala siya sa pag iisip ng marinig niya na may kumakatok sa pinto ng kwarto niya. “Sino yan?” tanong niya dito. “It’s Siobeh, open up,” saad ni Siobeh. Itinago kaagad ni Kent ang profile na nakakalat sa kanyang lamesa. “Sandali,” saad niya dito. “Ugh! I hate waiting! Pag hindi mo binuksan ‘tong pinto mo wawasakin ko to!” pagbabanta ni Siobeh. “Sandali nga!” bulyaw niya rito at nagmadali na sa ginagawa, itinaas niya ng bahagya ang suot niyang itim na sando at saka binuksan ang pinto para magkunwaring nagbihis siya kaya matagal. “Tagal tagal mo magbukas, may ginagawa ka na namang milagro,” saad ni Siobeh na may dalang baso at hard liquor. “Baliw, nagbihis ako, ano bang ginagawa mo dito?” tanong ni Kent habang si Siobeh ay inilapag na sa lamesa ang dalang mga baso at saka sinalinan iyon ng liquor na bawas na. “Ayoko uminom,” saad ni Kent. “Hey! Boss mo ako kaya bawal kang tumanggi, samahan mo akong uminom!” singhal ni Siobeh. “Ano na namang nangyari sayo at bakit lasing ka na naman? It’s not unusual to you,” saad ni Kent. “The gang is fine, it’s just me, feeling empty again,” saad ni Siobeh. Napabuntong hininga si Siobeh at tinungga pa ang alak na nasa bote. “Napapagod na ako Kent, ayoko ng mabuhay ng ganito. I want a family, I want kids, it’s just so lonely. I wish I was just an ordinary person again, kagaya ng dati,” saad ni Siobeh na napahagulgol na ng iyak. Dahan dahan siyang niyakap ni Kent. “Hey… don’t cry on me,” saad ni Kent. Alam niya ang pinagdadaanang lungkot sa ni Siobeh dahil parehas na silang mag isa sa buhay. “Miss na miss ko na si kuya… si Daddy…” saad pa ni Siobeh na hirap na hirap, inatake na naman ito ng lungkot ngayon at wala siyang magawa dahil iyon ay pang habangbuhay na sakit. “Come on Siobeh, hindi na ikaw yung dati… malakas ka na ngayon, na overcome mo na ang lahat ng mga kinatatakutan mo.. ngayon ka pa ba susuko?” “I hate how love changed me, nang dahil sa Aarav Clemente na iyon.. Nagkanda letse letse na ang lahat, at hanggang ngayon hindi ko siya makalimutan Kent. I hate him, I hate him with all my heart,” saad ni Siobeh na sumubsob na sa dibdib ni Kent. “Hey… alam mo naman na nandito lang kami para sayo eh.. Si Jumbo, si Eliott, si Raven at ang iba pa, we are loyal to the Black Hyrax you know that, hinding hindi ka namin iiwan. Nandito ako, mahal kita Siobeh, alam mo yan bata pa lang tayo magkasama na tayo, parang kapatid na ang turing ko sayo,” “I wish kuya was still here… para naririnig niya lahat ng sinasabi mo ngayon,” saad ni Siobeh. “I’m a hundred percent sure that he’s so proud of you right now,” iyon na lang ang nasabi ni Kent. “Cheers to that!” saad ni Siobeh at nag cheers sila pero hindi ininom ni Kent ang alak, bagkus ay itinapon niya iyon sa may halaman na naroon. Hindi na iyon napansin ni Siobeh sa sobrang kalasingan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD