Nang makarecover si Kent mula sa pagkaka ospital ay kaagad siyang pumunta sa mga Angeles upang sunduin si Jaydah, gamit ang mustang niya, doon ay nakita niya si Don Juancho na nagka-kape sa may Veranda kung kaya't tumungo siya roon at binati ang matanda.
"Good afternoon ho Tatang, andyan ho ba si May?" tanong niya sa matanda.
"Magandang hapon din sayo Kent, Oo nandito sila ni Coop, siya ba ang sinadya mo dito?" tanong ni Don Juancho.
"Ah-eh, opo Tatang, may usapan kasi kami na magda-date kami," pag amin ni Kent.
"Really? That's my boy!" saad ni Don Juancho na tuwang-tuwa sa sinabi nito at tinapik-tapik pa ang likod niya
"Tatang naman eh, wag mo naman ako anuhin, nakakahiya!" saad ni Kent na kinikilig-kilig habang natatawa.
"Oh siya, sige na puntahan mo na," saad ni Don Juancho.
Nagpatuloy na sa paglalakad si Kent nang makasalubong niya si Coop sa may hallway ngunit biglang tumama sa noo niya ang laruan nito na arrow at natumba siya dahil sa lakas ng pagkakapana nito.
"Bulls eye!" singhal ni Coop na tuwang-tuwa.
"Cooop!" sigaw ni Kent na naiinis na sa bata.
Nagawa niya pang baliin ang arrow nito pagbangon niya. Nagulat naman ang bata nang makita ang galit niyang mukha.
"Oh no! Mommy! Mommy!" sigaw ng bata at nagtatakbo sa kwarto.
Sinundan naman siya ni Kent paakyat sa second floor.
"Ano ba iyon Baby? Bakit nagtatatakbo ka?" narinig ni Kent na tanong ni Jaydah.
Paglabas ni Jaydah ng kwarto ay nakita niya si Kent, nagtama ang mga mata nila sa isa't-isa.
"Good day," simpleng saad ni Kent.
"Kent, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Jaydah.
"Sinusundo ka, you owe me a date diba?" saad ni Kent.
"I can't believe you're serious," saad ni Jaydah at bumuntong hininga.
"Aba, naka record pa nga ang sinabi mong iyon, gusto mo bang marinig?" sarkastikong saad ni Kent na nakataas pa ang kilay.
"Hays! Okay! Fine! Wait lang! Magbibihis lang ako!" inis na saad niya at saka ibinalibag ang pinto.
"Nasa baba lang ako ah," saad ni Kent na inilakas ng boses upang marinig ng sapat ni Jaydah.
Napaupo naman si Kent sa sala at saktong dumaan si Don Juancho.
"Still waiting for Jaydah?" tanong nito.
"Opo Tatang,"
"Okay, follow me, we have something to discuss," saad ni Don Juancho, sinundan naman siya ni Kent sa private office nito.
"Business?... Pleasure?.." tanong ni Kent.
"Business, as usual," saad ni Don Juancho.
Nang makapasok sila sa office ni Don Juancho ay kaagad inabot ng matanda sa kanya ang isang envelope.
“What is this?” tanong ni Kent at saka binuklat iyon.
Nakakita siya ng litrato ng isang lalaki, ex-convict ito at pabalik-balik na sa kulungan. Napatingin si Kent sa matanda.
“Tatang,”
“Kent, I want you to finish him,” utos ni Don Juancho.
“Pero Tatang, hindi na ako pumapatay ngayon, consigliere na ako. I give up that life… matagal na,” saad ni Kent.
“Pag isipan mo muna Kent, I will give you a nice offer. You see, I have enemies at hindi ko iyon basta basta pwedeng ipa-trabaho sa mga tauhan ko dahil malalaman nilang ako ang may gawa non. I need someone whose fit to do the job, someone who got some skills, I know, malinis kang magtrabaho at ‘yan ang naging stepping stone mo para makarating ka sa kung saan ka naroroon ngayon,” paghihikayat ni Don Juancho.
“Tama ka naman doon Tatang, kaso… sa tingin ko ay mangangapa na ako nito, hindi na ako katulad ng dati,” saad ni Kent.
“Oh come on, you are my favorite boy, you know that. I trust you, kayang kaya mo ‘yan, isipin mo na lang ay nagsisimula ka ulit,” saad ni Don Juancho.
“How much?”
“Five hundred thousand,”
“Deal, pero Tatang, wag mo sasabihin kay May huh, baka magalit na naman kasi iyon sa akin,”
“Sure, basta ba gagawin mo ang pinapagawa ko,” saad ng matanda.
Nakakunot ang noo ni Kent, habang nakatingin sa files, dahil alam niyang hindi iyon magiging madali ngunit tinanggap niya dahil sa pera. He’s on a tight spot dahil wala pang nakalatag na plano si Siobeh at wala silang gaanong kita.
Paglabas nila ng office ay naroon na si May at naghihintay ngunit napakamot si Kent ng ulo dahil mukhang isasama nito ang bata.
“Ano? Tara na?” tanong ni Kent kay Jaydah.
“Oo kanina pa kami dito, akala namin ay umalis ka na eh,” saad ni Jaydah.
“Hindi, nag usap lang kami ni Tatang, come on,” saad ni Kent sabay lahad ng kamay kay Jaydah, ngunit hindi iyon tinanggap ni Jaydah, bagkus ay si Coop ang kumapit sa kanya.
“Oh, kasama ka ba?” tanong ni Kent sa bata.
“Oo, kung nililigawan mo ang mommy ko dapat kasama ako sa date niyo,” saad ni Coop.
“Iwan ka na lang,” saad ni Kent.
“Hindi na naman ako makaka-iskor nito eh..” bulong ni Kent ngunit narinig iyon ni Jaydah.
“Walang magbabantay sa kanya dito kaya isasama ko,” saad ni Jaydah.
“Hm, fine, fine, I’m not gonna complain,” saad ni Kent at saka sila dumiretso sa kotse nito.
“Mommy, I remember you said that Uncle Kent is a bad guy, why are we going on a night out with him?” tanong ni Coop kay Jaydah.
“Hindi ko rin alam, Baby,” saad ni Jaydah sa anak.
Mahina lang iyon ngunit rinig na rinig ni Kent at parang sinasaksak ang puso niya sa sakit, hindi niya kasi alam kung paano susuyuin ulit ang dalaga at ang mas lalo pang nakagulo ng isip niya ay ang pinapagawang trabaho ni Don Juancho.
Nang makasakay sila sa kotse ay hindi niya nagustuhan ang loob ng kotse dahil bukod sa masikip ito ay four seater lang.
“Pwede ba, magpalit ka ng kotse sa susunod! Ang sikip na nga, ang babaw pa!” reklamo ni Jaydah.
“Ito lang ang available na kotse kila Siobeh ngayon,” saad ni Kent.
“Wow! Is this a sports car, Uncle Kent?! It’s so cool! I like it! I wanna be a car racer someday!” saad ni Coop na tuwang tuwa habang papasok ng kotse habang kabaligtaran naman si Jaydah na inis na inis.
“Buti pa yung bata, walang reklamo, tss!” singhal niya kay Jaydah.
“Aba naman Kent, pumayag na nga ako na lumabas kasama ka eh at saka don’t treat this as a romantic date okay? May anak na ako ngayon, this is supposed to be a family bonding!” saad ni Jaydah.
“Family bonding?! Really?! Kung hindi mo ako iniwan edi sana meron ngang totoong family bonding ngayon!” singhal ni Kent habang nagdadabog na inistart ang kotse at nagmaneho.
Nagulat naman si Jaydah sa mga pinagsasasabi niya, hindi niya akalain na masasabi niya iyon sa harap ng tatay ng anak niya.
Kumain sila sa isang fine dining restaurant.
“Oh Baby, one more,” saad ni Jaydah habang sinusubuan ang anak.
“Itigil mo nga yan, hindi ka na makakain ng maayos dahil sa batang yan eh, hoy Coop! Malaki ka na, dapat marunong ka na kumain mag isa! Ano ba naman yan!” reklamo ni Kent.
“Mommy oh!” pag ungot ni Coop.
“Aba’t nagsusumbong ka pa talaga!” singhal ni Kent.
“Hays! Tama na nga! Hayaan mo na lang kami Kent at kumain ka dyan, gutom lang yan,” saad ni Jaydah.
Wala na lang nagawa si Kent at kumain na lang.
Pagkatapos nilang mag dinner ay umuwi na rin sila dahil may mga pasok pa kinabukasan ngunit nag stay pa ng kaunti si Kent. nagsusuklay si Jaydah sa harap ng tukador nang may nakita siyang tumamang bato sa may bintana niya.
Pagbukas niya ng bintana ay natanaw niya mula sa baba si Kent at inuutusan siya nitong bumaba. Naka ternong nighties at roba lang siya kung kaya’t kumuha siya ng mahabang coat at nilagay sa katawan at saka bumaba.
“Ano pa bang ginagawa mo dito?” tanong ni Jaydah.
Inabot naman ni Kent sa kanya ang isang bouquet ng bulaklak at isang box ng chocolate cake na paborito niya.
“Baka hindi ako makapunta bukas kasi may pinapatrabaho sa akin si Tatang, akala mo nakalimutan ko noh, belated happy birthday, May,” saad ni Kent.
“Bukas pa naman, pero salamat, kung makakapunta ka dito bukas, pumunta ka, kahit kumain ka lang,” saad ni Jaydah.
Naisip niya na wag ng magalit dito dahil kung tutuusin ay si Kent dapat ang dapat magalit sa kanya dahil hanggang ngayon ay hindi niya masabi-sabi sa harap nito na siya ang tunay na ama ni Coop.