Naalimpungatan si Kent dahil tumutunog ang cellphone niya at may tumatawag mula sa isang unknown number. Napatingin siya sa katabi at hindi niya namalayan na nakatulog pala si Siobeh sa kwarto niya sa sobrang kalasingan nito. Ini ayos niya ang higa nito at kinumutan.
Kaagad siyang tumayo at sinagot ang tawag.
“Hello? Who’s this?”
“Uh.. is this Uncle Kent?”
“Uncle… what? Wait, Coop?!”
“Uncle! I’m only using a burner phone now!”
“Burner what?! What the f**k are you doing Coop?! It’s not a toy, okay?! Seriously?! A five year old using a burner phone!”
“I have something to tell you!”
“What is it? It’s 3AM, go back to sleep, kiddo, and don’t call me again!”
“But Mommy isn’t home yet!”
“What?!”
“I don’t know where she is, she said she will just visit Grandma Claudia from the mental hospital but she isn’t home yet,”
“Totoo ba yan?! Pag ako niloloko mo, humanda ka talaga sa aking bata ka!”
“I’m serious Uncle! I’m getting worried, please save my Mom!”
“Okay, papunta na ako, sandali,”
Pilit niyang tinatawagan ang cellphone ni Jaydah ngunit hindi ito sumasagot at nagri ring lang ng nagri ring.
Mabilis niyang pinaharurot ang kotse niya at inisa isa ang mga Bar sa bayan dahil kilala niya si Jaydah, hindi iyon nagpapagabi unless naka inom at hindi makauwi.
Una niyang pinuntahan ang Fusion Paradise Bar ng kapatid na si Rosenda at nagtanong tanong doon ngunit wala ito doon. Sumunod naman ang ilan pang mga Bars ngunit wala rin si Jaydah doon. Hindi niya na alam kung saan hahanapin ito ng may narinig siyang babaeng sumisigaw at nakikipagtalo sa isa sa mga Staff sa Gorgeous Men Bar.
“Ma’am pasensya na ho talaga, pero sarado na po kami alas tres na ho, umuwi na lang po kayo,” saad ng Staff.
“Aba talagang pinapaalis mo ako?! Napaka walang modo mo! Where is your manager?! Wala kang karapatang paalisin ako, ang kapal ng mukha mo! Gusto kong makausap ang manager mo!” singhal ni Jaydah na lasing na at galit na galit.
“I’ts okay Daniel, I’ll take it from here,” saad ni Kent sa Staff na nakilala niya.
“SIge, po pasensya na ho kayo Mr. Consigliere,” saad ni Daniel na yumuko bilang tanda ng pag galang at saka umalis.
“May, I’m the manager of this Bar,” saad ni Kent ngunit bigla siyang tinamaan sa mukha ng shoulder bag nito.
“Ahh! Aray!” singhal niya na napangiwi, pakiramdam niya ay dudugo ang ilong niya.
“Kent?! Why are you here? Why are you following me?”
“I uhm I will take you home,” saad ni Kent na nangingiwi pa rin habang hawak ang ilong niya.
“Oh my god, you’re bleeding, why are you bleeding?” tanong pa nito na halatang walang alam sa nangyari na ang bag niya ang kasalanan kung bakit dumudugo ang ilong ni Kent.
Susuray suray na si Jaydah at umiikot at nagdadalawa na ang paningin niya.
“I’m fine, just go to the car, please,” saad ni Kent dito.
Sinunod naman iyon ni Jaydah ngunit hindi niy amabuksan ang pinto ng kotse kung kaya’t tinulungan siya ni Kent. Nang mabuksan nito ang pinto ay dumiretso si Jaydah sa backseat at humiga, alam niyang lasing na siya.
“Kent, it’s spinning here,” saad pa nito.
Wala na, basag na ‘tong babaeng ‘to, anu ba yan, kanina si Siobeh ngayon naman si May hays! Ba’t napapaligiran ako ng mga babaeng lasing?! Tss! . Saad ni Kent sa isip at umiling iling na sumakay sa driver’s seat.kaagad siyang nagsindi ng sigarilyo at saka nagmaneho.
“Hey! Drive your car slowly will you?! It’s spinning here!” singhal ni Jaydah sa kanya.
“I am driving slow May! You drunk too much! Ano bang mapapala mo sa kalalasing mo? Sa Gorgeous Men Bar ka pa talaga uminom?! Paano kung hipuan ka ng mga lalaki doon, that’s a f*****g strip club!”
“Wala kang pakialam hindi mo alam kung anong klase ng lungkot at sama ng loob ang nararamdaman ko!” singhal pa nito.
“Ows? Talaga?! Sinabi mo na yan sa akin noon pa May, I know you better than your own self, please,” saad ni Kent.
“I just found out that my father was not my real father Kent at sa baliw ko pang tiyahin ko nalaman iyon, hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi, mababaliw na rin yata ako,” saad ni Jaydah.
“Eh sabi mo baliw ang tiyahin mo so bakit ka maniniwala sa baliw? Tss!” saad ni Kent.
“Pero paano kung totoo? Kaya pala.. Kaya pala bata pa lang ako puro pagmamaltrato na ang ginagawa nila sa akin.. Dahil ano? Dahil ba hindi nila ako tunay na anak? Si Daddy.. Lagi akong pinapaso ng sigarilyo pag may nagagawa akong kasalanan... Si mommy naman walang pakialam sa akin,” saad ni Jaydah na humahagulgol na ng iyak.
“I don’t know how to ease your pain right now May, I’m sorry,” saad ni Kent.
“You’re always sorry, all the time, I’m sick of it Kent!” saad ni Jaydah na humiga na lang sa backseat dahil mahihilo lang siya pag bumangon bangon lang siya.
Habang nagmamaneho ay iniisip ni Kent ang sinabi ni Jaydah. Paano nga kaya kung hindi siya tunay na anak ng mga Angeles? At kung talagang hindi siya Angeles, posible kayang magkaroon pa ng chance ang relasyon nila?
Hindi maiwasan ni Kent na wag maalala ang nakaraan nila ni Jaydah. She was eighteen back then noong magkakilala sila sa Bar. Naglalaro ito ng billiards habang siya naman ay umiinom mag isa sa bar counter, pinapanuod niya lang ito maglaro nung una ngunit may isang lalaking lumapit dito at hinipuan si Jaydah kung kaya’t kaagad siyang lumapit at ipinagtanggol ang dalaga at doon nagsimula ang lahat, naging makulay ang relasyon nila, masaya at punung puno ng pagmamahal, ngunit naging kumplikado ang lahat ng mag aral si Jaydah sa malayo at maging abala naman si Kent sa kanyang trabaho sa mga Aldama kung kaya’t nagsimulang magka lamat ang kanilang relasyon. Nawalan sila ng oras sa isa’t isa at nabalitaan pa ni Jaydah na kung sinu sinong babae ang ikinakama ng nobyo kung kaya’t napag desisyunan niyang makipag hiwalay dito.
At ngayon ay heto silang dalawa, nagmistulang baliw na hindi malaman kung anong klaseng turingan na ba ang mayroon sila ngayon.
ANGELES’S MANSION
Nakatulog si Jaydah sa backseat, dahan dahan namang binuksan ni Kent ang pinto at binuhat ito papasok ng mansyon.
Sinalubong naman sila ng batang si Coop.
“Uncle Kent! You’re here! Is mommy okay?” tanong ng bata na nag aalala.
“Yes, she’s just sleeping, don’t woke her up, at saka diba dapat tulog ka na? Bakit gising ka pa alas kwatro na!” asik niya sa bata.
“I can’t sleep without my Mommy,” saad ni Coop na nagpapaawa pa.
Dahan dahang dinala at maingat na inakyat ni Kent si Jaydah mula sa kwarto nito, inihiga niya ito ng maayos at kinumutan.
“Hoy, bata! Aalis na ako!” saad ni Kent kay Coop.
“Thank you Uncle Kent! You’re the best!”saad ni Coop na tuwang tuwa.
Natuwa rin si Kent sa batang si Coop. Naalala niya kasi ang kabataan niya rito. Ginulo niya ang buhok nito.
“Next time, do not use a burner phone, okay? Where did you get it?” tanong ni Kent.
“It’s in Daddylo’s things and I saw him using it,” saad ni Kent.
“Okay, pero kasi Coop, hindi iyon laruan, wag mo ng uulitin. If you really need a phone talk to your mom so that she can get you one, not a burner phone, got it?” saad ni Kent.
“Yes, Uncle, thanks again,”
“Goodnight, Kiddo,” iyon lang at umalis na si Kent.
Pasikat na ang araw kung kaya’t kailangan niya ng bumalik sa headquarters nila para sa panibagong trabahong naghihintay.